Chapter 30 - Chapter 30

"Yuri, suot mo ba 'yong ibinigay ko sa 'yo?" bulong ni Kale kay Yuri habang nasa loob na sila ng court. Magsisimula na ang 3rd quarter.

"Oo Oliveros. Mamaya na ulit!" at tumakbo na si Yuri palayo para bantayan ang kalaban.

Kasalukuyang bola ng Bluecrest at si Kale ay hindi gaanong mahigpit ang pagbabantay dahil nagmamasid at pinapanood lang niya ang galaw ng kalaban.

Biglang pumito ang referee. Natawagan ng foul ang isa nilang ka-teammate, si no. 20. May dalawang free throw ang kalaban.

"Yuri!" pukaw ulit ni Kale kay Yuri. "Shh Oliveros! Mamaya mo na ako kausapin. Mag-focus ka muna sa game!" gigil na sagot nito pabalik.

Pasok ang dalawang free throw. Inbound ni Yuri ang bola at ipinasa na sa kasama nila. Tumakbo na si Kale at gano'n pa rin ang kanyang ginagawa. Tinititigan niyang maigi ang kalaban pati na rin ang mga kakampi niya kung paano sila mag-communicate sa loob.

Maganda at maayos ang connection ng mga ka-teammates ko. Bagong line-up ng players ang mga kasama ko. Mabilis nilang na-e-execute ang mga dapat gawin. Pero mabibilis din ang mga kalaban, aniya sa isip.

Nagulat na lamang siya nang biglang ipinasa sa kanya ang bola dahilan para dumulas ito sa kanyang kamay at lumabas sa court.

Pumito na naman ang referee at turnover ng Black Assassins. Nanggigigil na tumingin sa kanya si Yuri samantalang ang iba naman ay umiling-iling at tumakbo na ulit. Nagkibit-balikat na lang si Kale at tumakbo na.

Mismatch si Kale at ang kanyang binabantayan dahil mas matangkad ito kumpara sa kanya.

"C'mon baby. Wanna play huh?" at ngumisi ito kay Kale at dire-diretsong tumakbo patungo sa ilalim ng ring habang siya naman ay mabilis na napapaatras sa pagbabantay dito.

Nang idinidribol at akmang ititira na nito ang bola ay bigla niyang tinapik ang bola dahilan para maagaw niya ito at mabilis na tumakbo. Siya ay mabilis ding hinahabol.

Ititira na sana ni Kale ang bola pero alam niyang iba-block siya mula sa likod kaya nang maramdaman niyang iba-block na siya ay mabilis siyang nag-fake dahilan para mapatalon ito at madulas. Napangisi si Kale rito at binigyan ng alley-oop ang center nila.

Go Henderson! Wooh!

Bawi tayo!

Ito ang maririnig na sigawan ng mga estudyante at tagasuporta ng Henderson University sa buong gym matapos mag-dunk ng kanilang center.

Ngumiti naman ito kay Kale at nagpatuloy na ulit ang laro. Napatingin naman siya sa scoreboard.

42-63

Tambak kami ng twenty-one points. Iwinaglit na ni Kale ang nasa isip. Natauhan lamang siya nang biglang tumakbo nang mabilis ang kanyang dinedepensahan at tumira sa three-point line. Huli na bago niya ito ma-block. Pasok ang tira nito. Hiyawan na naman mula sa kabilang panig.

Go Rebels! Pakainin niyo ng alikabok 'yang Henderson Weaklings!

Talunin niyo sila!

Boo!

Lakas naman maka-weaklings sa 'min. Tumakbo na ulit sila at hawak ng kanilang small forward ang bola.

Mahigpit itong binabantayan kaya nang makita nito si Kale na libre ay mabilis niya itong pinasahan. Nang masalo ni Kale ay nag-dribol agad siya at mabilis na nag-step back sa three-point line. Kitang-kita niya na gulat na gulat ang kalaban kaya mabilis siyang blinock. Pero imbes na itira ni Kale ay nag-fake lang siya at ipinasa kay Yuri pero mabilis itong naagaw.

Mabilis tumakbo ang kalaban at nag-fast break. Pasok na naman ang tira nila habang ang Black Assassins naman ay naghahabol pa rin. Napailing na lamang ang isa nilang kasama at nanggigigil na idrinibol ang bola.

Kanina pa sila paulit-ulit at pabalik-balik na tumatakbo. Tagaktak na ang pawis ni Kale kahit wala pa siyang nagagawa. Napapikit na lamang siya at mabilis na pumuwesto kung saan libre. Hindi naman siya puwede sa loob dahil maliit siya saka isa siyang shooting guard. Kadalasan ay sa labas ito.

Malayang-malaya kong nakikita at nababasa ang mga galaw ng kalaban kahit ang mga posibleng errors nila at ng team namin, obserba ni Kale sa kanyang isip habang seryosong pinapanood ang nangyayari sa loob ng court.

Ipinasa agad ni no. 20 kay Kale ang bola pero dahil 'di pa siya seryoso ay lalaruin niya muna. Mabilis siyang nagdribol at tumakbo. Pumunta agad siya sa three-point line at biglang itinira ang bola nang walang kasiguraduhan. Alam niyang hindi papasok 'yon. Tinitingnan niya lang ang magiging reaksyon ng kalaban.

Huli. Ngayon alam at sigurado na ako kung ano ang strategy niyo. Napakaraming butas. Ang dali niyo lang basahin. Napangisi na lamang si Kale habang may naglalaro sa kanyang isip.

Ni-rebound agad ito ng kalaban at mabilis na tumakbo. Nang mabilis niyang binantayan ang may hawak ng bola ay nagulat ito at nag-alangang tumira na lalong ikinangisi ni Kale. Mabilis niyang tinapik ang bola at naagaw ito kaya tumakbo agad siya. Ititira na sana niya ulit sa three-point line ngunit hindi siya blinock.

Mukhang nabasa nila ang gagawin ko. Pero nagkakamali kayo. Akala niyo mag-fa-fake ulit ako.

Nag-iba ang isip ni Kale kaya mabilis siyang tumakbo sa loob at nakita si Yuri na libre sa labas kaya mabilis niyang ipinasa rito. Biglang pumito ang referee.

Hindi pumasok ang tira ni Yuri dahil na-foul ito sa kanyang three-point play. May tatlong free throws si Yuri habang ang naka-foul naman ay napapailing at nanggigigil.

"Yuri, ang galing mo ah. Pasok mo lahat," sabay tapik ni Kale rito.

"Nakakainis ka Oliveros! Libre ka na nga 'di mo pa itinira," madiin na sabi nito sa kanya. Ngumisi lang ang huli.

Pumuwesto na si Kale at napatingin sa kanilang bench. Sobrang talim at nanlilisik ang mga mata ni coach Ellie na nakatingin sa kanya habang ang mga ka-teammates nila ay seryoso ring nakatingin at umiiling-iling pa. Kulang na lang ay mamatay na si Kale sa mga tinging ipinupukol nila sa kanya.

Walang pumasok sa tatlong free throws ni Yuri at narinig nilang natawa ang mga kalaban at nginisian pa sila. Si Yuri naman ay ngumisi kay Kale at kumindat pa.

It's a signal. Gets ko siya kaya natawa rin ako. Alam na alam niya talaga ang nasa isip ko. 'Di ako nagkamali sa 'yo Yuri.

Nagpatuloy lang ang laro. Kahit ilang minuto pa lang ang lumilipas ay parang ang tagal ng kanilang laban. Tulad kanina ay mabilis at maayos ang galaw at laro ng Bluecrest's Rebels. Lahat ng tira ay pasok habang ang Black Assassins naman ay hingal na hingal na. Si Yuri naman ay laging nakatingin kay Kale at biglang ngingisi.

Walang katapusang pagtakbo na naman ang Black Assassins nang masupalpal ng center nila ang bola at nakuha ito. Ibinato agad ng kanilang center ang bola kay Kale habang si Yuri naman ay mabilis na pumuwesto sa ilalim ng ring. May naisip na namang gawin si Kale.

Bahala ka rito Yuri. Tutal fast break ito.

Binigyan ni Kale ng alley-oop si Yuri kaya nagtaka naman ang huli at biglang bumusangot dahil hindi nito inaasahan ang ginawa ni Kale. Hindi makaka-dunk si Yuri dahil kapos ito sa height. Idagdag pa ang apat na weights na ipinasuot niya rito.

Tawang-tawa si Kale sa isip niya dahil sa sariling kagaguhan. Tumalbog lang ang bola at nakuha na ito ng kalaban. Lumingon si Yuri sa kanya at minura siya. Ngisi lang ang isinagot ni Kale.

Nang ititira na ng kalaban sa tres ay bigla itong blinock ni Kale. Sa kasamaang palad ay napituhan siya ng foul. Free throw na naman.

Nagbubulungan na ang mga Rebels habang nakatingin sa kanila at parang sinasabing ang hihina nila. Ang mga kasama ni Kale ay masamang nakatingin sa kanya maliban kay Yuri na bumulong pa kaya sabay silang natawa. Napatingin sa kanila ang Rebels.

Mga tsismosa. Akala mo naman talaga mga shooters.

Kasalukuyang tumitira sa free throw line ang kalaban kaya napatingin si Kale kay Yuri at bigla silang napaismid. Bigla naman itong napatingin sa kanila at nagmintis ang tira nito. Napakibit-balikat na lang si Kale at Yuri habang ang kalaban naman ay buwisit na nakatingin. Isa lang ang naipasok nito.

Ngumisi lang kami, 'di na naka-shoot. Grabeng hina naman. 42-72 na ang score. Thirty points na ang lamang. Nag-eenjoy lalo si Kale sa nakikitang score. Mas malaking lamang, mas maganda para sa kanya. Napangiti siyang lalo.

Tumakbo na ulit ang Black Assassins at hawak ng power forward ang bola at ipinasa kay center pero mahigpit itong binabantayan kaya ipinasa nito kay Kale at mabilis niya itong idrinibol. Nag-cross over siya, dahilan para mdapa ang kalaban at napasigaw naman ang mga estudyante sa nasaksihan. Bigla niyang ipinasa kay Yuri at tumira ito ngunit kapos. Ang layo niya pala.

Pumitong muli ang referee. Tumawag ng timeout si coach Ellie kaya pansamantalang natigil ang laro. Mabilis na pumunta si Kale sa bench at tinanggal ang kanyang mouth guard saka uminom ng kanyang sariling inumin at nagpunas ng pawis.

"Oliveros! Yamazaki! Ano bang pinaggagagawa niyo sa loob ng court?! Nakikita niyo ba 'yong mga sarili niyo ha?! Tingnan niyo ang score! Thirty points na ang lamang nila sa 'tin at six minutes na lang patapos na ang 3rd quarter! Nakakabuwisit kayo lalo na kayong dalawa! Sayang lang ang training natin! Bahala na kayo team. Hindi na ako mangingialam sa laro niyo. Ibinigay ko pa man din sa inyo ang buong tiwala ko pero ano? Wala ata akong mapapala!" at tuluyan nang nag-walk-out at umupo si coach Ellie.

Tahimik ang buong team habang silang dalawa ni Yuri ay nakatingin lang sa isa't isa.

"Oliveros, game na ba? Start na natin 'yong plano?" at itinaas-taas ni Yuri ang kanyang kilay at ngumisi.

"Mamaya, kapag bola na ulit natin. Nasabihan mo na ba 'yong tatlo nating kasama?"

Tinawag naman ni Yuri ang mga ito at pinalapit sa kanila. Nang makalapit ang mga ito ay lumayo sila sa team at nag-usap-usap.

"Oo Oliveros, nasabihan ko na sila. Nga pala, ito si Naomi, ang center. Si Tei naman itong no. 20 at small forward habang si Kid naman ang power forward. Guys, ito naman si Oliveros, ang dakilang gago ng team," pakilala ni Yuri sa mga ito at kay Kale.

"So ready na ba kayo? Alam niyo na siguro ang strategy at ang mga dapat gawin? Nasabihan naman na kayo ni Yuri 'di ba? Galingan natin at enjoy-in niyo lang ang game," pagchi-cheer ni Kale sa mga ito. Bihira ko lang gawin 'to ha.

"Oo Oliveros. Mukhang magiging masaya at exciting ang game. Let's go team!" sigaw ni Naomi at nakisigaw na rin sina Yuri, Tei at Kid habang si Kale naman ay hindi na nakisama pa sa pagsigaw.

Bumalik na ang lima sa court at pumito na ulit ang referee. Bola na ulit ng Rebels. This time, iba na ang laro nila dahil may connection na sila sa isa't isa kaya magiging madali na ang lahat.

Nagdribol at mabilis na tumakbo ang kalaban habang sila namang nasa depensa ay matindi na ang pagbabantay. Hindi makaporma kay Kale ang may hawak ng bola kahit na ito'y mas matangkad sa kanya. Ipit na ipit ito sa kanyang depensa kaya ibinato nito ang bola pero hinayaan lang ni Kale dahil kapos ang tira nito pero na-rebound ulit ng Rebels saka ipinasa sa labas at tumira ng tres.

Pasok ang tira kaya nadagdagan na naman ang lamang ng Rebels sa Black Assassins.

42-75

Si Kale ang may hawak ng bola ngayon at mabilis na nagdribol at tumakbo. Mabilis niyang ipinasa ang bola kay Yuri pero nagulat ito kaya medyo dumulas sa kamay nito at naagaw ang bola. Mabilis ulit siyang tumakbo pabalik dahil pasugod na naman ang kalaban buhat sa kanilang fast break. Nag-alley-oop ang mga ito kaya wala ng nagawa si Kale.

Rinig na rinig ang dagundong at drum roll sa loob ng gym. Pati ang mga sigawan ng mga taga-Bluecrest.

Yes! Go Rebels!

Sure win na! Iuwi niyo na ang panalo!

Hindi na makakahabol 'yan! Mga weaklings!

Talaga lang ha? Maiuuwi niyo pa kaya ang panalo kapag nagsimula na kami? nakangising saad ni Kale sa sarili.

Si Tei ang nag-inbound ng bola at ipinasa kay Naomi. Si Kale at Yuri ay pumunta sa sideline. Lahat sa kanila ay nagtataka maging ang mga ka-teammates nila sa bench habang nakatingin sa kanila lalo na si coach Ellie. Nakakalokong ngumiti ang dalawa sa mga ito.

"So Oliveros, magsisimula na talaga tayo? Excited na ako! Hay salamat!" masayang sabi ni Yuri.

"Oo, magsisimula na tayo Yuri," at sabay nilang tinanggal ang lahat ng weights na kanilang suot at itinapon sa gilid.

Nagbulungan muna ang dalawa at sabay na ngumisi saka mabilis na tumakbo papunta sa kanilang mga kakampi.

Papunta pa lang sila nang saktong naagaw ni Naomi ang bola at ipinasa kay Yuri. Dahil 'di pa nakakalayo si Kale at libre siya ay agad na ipinasa ni Yuri sa kanya ang bola.

Nang masalo ni Kale ang bola ay nagdribol agad siya at tumakbo papunta sa corner saka tumira ng tres.

Biglang pumito ang referee. Kasabay nito ang paghiga ni Kale sa sahig ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin kung paano mabilis na pumasok ang kanyang tira. Hindi rin niya namalayan ang pag-foul sa kanya dahil sa bilis ng pangyayari.

Finally! After three long years.

Parang bumagal ang kanyang paligid dahil sa tirang 'yon at napatingin na lamang siya sa itaas.

It feels like home. I made it again. It feels like her.

"Oliveros! Fuck, nice shot! Grabe ka! Kasisimula mo pa lang!" bulalas ni Yuri sabay gulo nito sa kanyang buhok.

Go Henderson!

Fight! Fight! Fight!

Agad na nagsigawan ang mga estudyante ng Henderson University matapos ang tirang 'yon ni Kale.

Tumayo na siya at pumunta sa free throw line. Dahil mahilig siyang magpakaba, tumalbog muna ang itinira niyang bola bago ito pumasok.

Binantayan agad niya ang player na ngumingisi sa kanya kanina.

May pa-c'mon baby ka pang nalalaman ha.

Bago pa nito maipasa ay nasalo agad ni Kale ang bola kaya mabilis siyang nagdribol at nagcross over kaya natumba ito. Mabilis siyang pumunta sa kabilang corner at tumira ulit ng tres.

Hay! May nang-block na naman. Ang bilis naman. Pero huli na dahil naibato ko na ang bola.

Pumito na naman ang referee at may isa na namang free throw si Kale. Pasok ulit ang tira niya.

"Oliveros! Hoy! Halimaw ka pa lang bata ka!" sigaw sa kanya ni Naomi at tinapik ulit nila si Kale.

Walang mintis ang free throw ni Kale at balik ulit siya sa depensa. Napakahigpit ng kanyang depensa at halos hindi na maipasa ng binabantayan niya ang bola. Naawa naman siya kaya binigyan niya ito ng kaunting space para makaporma.

Nang maitawid nito ang bola ay 'di niya namalayan na natapik ni Yuri ang bola kaya mabilis na tumakbo si Kale at inaabangan ang pasa nito sa kanya.

Nang nasa posisyon na si Kale ay ibinato agad ni Yuri ang bola sa kanya at agad niya itong itinira sa tres. Naramdaman niyang may tumulak ulit sa kanya kaya natawagan na naman ng foul.

"Wooh Oliveros! Anong klase ka?! Pasok na naman ang tira mo! Grabe ka talaga!" sigaw sa kanya ni Kid habang si Yuri naman ay sumakay sa likod niya. Bakas sa mukha ng mga ka-teammates niya ang saya lalong-lalo na si Yuri.

Go Black Assassins!

Bawi!

Go number 1!

Ang galing mo number 1!

Rinig na rinig ng Black Assassins ang sigaw ng mga taga-Henderson na may kasama pang mabilis at malakas na drum roll na nagpapa-excite sa lahat lalo na sa kanilang lima.

"Yuri! Bitiw na!" sita ni Kale rito at pumunta na sa free throw line.

Nakakasawa na ha. Pabalik-balik na ako rito. Gano'n lang naman nang gano'n ang mangyayari. In short, humanda na sila.

Nang maipasok niya ulit ang bola ay tumingin siya sa scoreboard.

54-75

Konti na lang makakahabol na kami.

Nagtuloy-tuloy ang momentum at laro ng Black Assassins kaya lahat sila ay ganadong-ganado sa paglalaro. Ang kanilang mga kalaban naman ay nagra-rattle na at pinipilit sumabay sa kanilang galaw at patuloy na humahabol ngunit nahihirapan ang mga ito. Hindi na alam ng Rebels kung paano pipigilan ang Black Assassins.

Nang ipapasa na ng kalaban sa kanilang kakampi ay biglang naagaw ni Kale kaya mabilis siyang tumakbo at nagdribol saka nag-spin sabay behind the back pass sa kaliwang kamay niya dahil marami agad ang nakabantay at ina-lley-oop ito kay Naomi na di-nunk agad nito pero hinabol pa ito kaya napituhan pa ng foul.

Hiyawan na naman ang buong gym. Nagigisng na ang mga estudyante ng Henderson.

Ang gagaling niyo Black Assassins!

Talunin niyo ang Rebels!

Go Henderson!

Go Oliveros! Crush na kita!

Patuloy lang ang laro nang maipasok ni Naomi ang bola. Naging gano'n lang ang takbo ng kanilang laro. Pagod na pagod na ang mga Rebels habang ang Black Assassins naman ay patuloy lang. Ilang beses na ring pinasahan ni Yuri at Kid si Kale sa three-point line at lahat 'yon ay pasok dahil mabilis niyang itinitira. Hindi na siya mabantayan at mapigilan dahil baka ma-foul pa nila si Kale.

Tumawag ng timeout ang Bluecrest habang ang Black Assassins naman ay nag-apiran at kita ni Kale sa mga itsura nila ang saya dahil siya'y inaasar ng mga ito habang papunta sila sa bench.

"Hoy Oliveros! Halimaw ka pala sa loob ng court! Shooter ka pala!"

"Kaya nga Tei! Ikaw bata! Ang galing mo pala maglaro eh. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan maglaro," sabay gulo ni Kid sa kanyang buhok.

"Oliveros! Pambihira ka! 'Di ko in-expect 'to pero hayop ka talaga! Kuso!"

"Hoy Yuri! 'Yang bibig mo! Idol na kita Oliveros! Napakahusay talaga!" si Naomi at hinila-hila pa si Kale.

Mabilis umupo si Kale sa bench at inalis ang kanyang mouth guard at uminom ng sarili niyang inumin saka nagpunas ng pawis. Yumuko muna siya at inilagay sa kanyang ulo ang towel dahil sa matinding pagod. Maging ang kanyang mga kasama ay halos habol hininga rin.

Pumito na ang referee hudyat na simula na ulit ng laro. Isinuot na ulit ni Kale ang kanyang mouth guard at tumayo na. Lumingon muna siya sa kanyang mga ka-teammates at kay coach Ellie. Nakita niyang nakangiti at nakatingin lang sa kanya ang mga ito lalo na ang kanilang coach. Tumakbo na siya kasama ang iba.

Ilang segundo na lang ang natitira ay matatapos na ang 3rd quarter kaya pinagbuti ng Black Assassins ang kanilang laro. Naagaw agad ni Kid ang bola saka mabilis na ipinasa kay Kale na nasa three-point line. Agad niya itong itinira sa tres. Pagkabato niya ng bola ay saktong umilaw ang buzzer.

Biglang napatayo at napatalon ang ibang players ng Black Assassins mula sa bench saka mabilis na nilapitan si Kale at niyakap lalo na ang Big Four na tuwang-tuwa.

"'Di talaga ako nagkamali sa 'yo Oliveros. Sabi ko na nga ba at may something sa 'yo. Maraming salamat dahil hindi mo kami binigo," nakangiting saad ni Jin kay Kale. Hindi alam ni Kale kung anong gagawin o sasabihin dahil sa nakikita niya ngayon sa mga kakampi.

"Grabe ka bata! Napakagaling mo at three-point shooter ka pala! Dapat ikaw ang kasama naming apat," puri sa kanya ni Hail.

"Ipagpatuloy mo lang 'yan Oliveros! Three points na lang at tie na ang game," masayang sabi ni Lily.

"You're so good back there Oliveros. Keep it up. Pati rin kayong apat na kasama niya. Ang gaganda ng laro niyo. We'll win this game," dagdag naman ni Abi.

Umupo na sila sa bench pero bago pa makaupo si Kale ay may tumawag sa kanyang pangalan.

"Kale! Ang galing-galing mo!" sigaw ni Silver na nakaupo sa likuran ng kanilang bench.

"Nic! You're so amazing! Crush na crush talaga kita! No. 1 fan mo na ako!" masayang sigaw ni Natalie.

"Kale! Puwede bang hingiin ko 'yang jersey mo after the game?" sigaw na tanong ni Tyler. Napatingin naman sa kanya ang anim na kasama na 'di makapaniwala.

Tila walang narinig si Kale at sa halip ay umupo na ito at nagpahinga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. Hindi na pinansin pa ang mga taong tumatawag sa kanya.

I knew you can do it! Keep it up my one. I'm so proud of you! You're really amazing. I'm so happy that I taught you how to play basketball. I'm so lucky that I have a girlfriend like you that can play like that. I'm always here my one. I love you! I'll be waiting for the time that we'll play again against each other.

Naalala ulit ni Kale ang taong una't huling nakasama at nagturo sa kanya kung paano maglaro ng basketball. Kung dati rati ay naluluha siya sa mga alaalang 'yon pero ngayon ay nasasanay at unti-unti na niyang tinatanggap ang nangyari.

Mayamaya ay pumito na ulit ang referee na siyang nagpabalik kay Kale sa reyalidad. Magsisimula na ang 4th quarter. Hawak ng Black Assassins ang bola at siya ang nag-imbound nito saka ipinasa kay Kid. Mabilis itong nagdribol at ipinasa kay Naomi pabalik sa kanya. Tumira ulit siya ng tres. Dumadagundong na ang malalakas na hiyawan at sigawan ng mga taga-Henderson sa loob ng gym. Kung kanina'y nawawalan na sila ng pag-asa, ngayon nama'y dinaig nila ang mga taga-Bluecrest na hindi na maipinta ang mga mukha. Tabla na ang score ng laro.

79-79

Nanatiling kalmado ang mga kakampi ni Kale matapos niyang maipasok ang bola. Kahit gustong-gusto ng mga ito na magsaya ay pinigilan nila dahil naging mahigpit na ang laban at halos wala ng gustong magpa-score. Tiningnan ni Kale ang binabantayan niyang player. Mabilis itong gumalaw pero mas mabilis siya kaya naagaw niya ang bola at tumakbo palayo. Nang ititira ni Kale sa tres ay nag-fake siya saka pumunta sa loob. Akmang ititira na ulit niya ang bola nang maramdaman niyang may malakas na sumiko sa kanyang mukha dahilan upang mapahiga siya sa sahig. Pumito agad ang referee.

Mabuti na lang ay napapikit agad si Kale. Hinawakan niya ang bandang kilay niya kung saan siya tinamaan. Naramdaman niyang may likidong umaagos sa gilid ng kanyang mukha. Agad niya itong tiningnan. Dumudugo at dahan-dahang tumutulo sa sahig.

"Oliveros! Okay ka lang ba?" Mabilis siyang nilapitan ni Yuri at ng iba.

Tumayo na si Kale ngunit nahihilo siya kaya mabilis siyang kumapit kay Kid. Masakit ang pagkakasiko sa kanya. Agad siyang inalalayan ng mga kasama papunta sa bench. Lumapit agad ang medics at ginamot ang pagdurugo.

Dumaing at napapikit si Kale sa sakit. Nagka-cut pa ata kaya ramdam na ramdam ko ang sakit.

"Oliveros!" rinig niyang sigaw ni coach Ellie pati na ang Big Four.

Nang matapos itong gamutin ay dumilat na siya at bumungad sa kanya ang mga nag-aalalang mukha ng team.

"Oliveros, can you play? Kaya mo pa ba o masakit pa?" nag-aalalang tanong sa kanya ni coach Ellie.

"Okay lang po ako coach. Wala lang 'to saka maliit lang po ito. Tuloy lang ang laro," nakangiting sagot niya rito.

"Sure ka ha? Mag-iingat kayo lalo ka na dahil ikaw na ang target nila ngayon. Anyway, proud na proud ako dahil sa ipinakita mo. Ito na ang matagal ko ng hinihintay sa 'yo. Kung hindi pa ako nagalit ay hindi pa kayo aayos. Galingan niyo at ipanalo ang game. I'm counting on you," at ngumiti ito pabalik kay Kale.

Tinanguan lang niya si coach Ellie at bumalik na sa court. Hinihintay pa ng Black Assassins ang desisyon ng mga referee dahil pinag-uusapan pa ng mga ito kung anong violation ang itatawag.

Mayamaya ay tinawagan ang player na sumiko kay Kale ng flagrant foul at ejected na ito sa laro. Biglang naghiyawan at nagtayuan ang mga taga-Henderson.

Boo Rebels!

Uwi na Rebels!

Go Henderson!

Boo!

May tumawag muli kay Kale. Nagsisihiyawan at sigawan ang mga ito.

"Baks! Galingan mo! Nandito lang kami!"

"Nix! Kyah! Ang galing mo!

"Go babe!"

"Dude! Idol na idol talaga kita!

"Sure win na bro!"

Paglingon niya ay nakita niya ang kanyang mga tropa na todo sa pagchi-cheer sa kanya. Si baks, Yan, dude, Ali, Ian at babe. Mga nakangiti ang mga ito sa kanya habang may hawak na banners na nakalagay ang pangalan niya. Talagang may dala ka pang pom-poms, bakla.

Nginitian niya ang mga ito kahit malayo. Pumunta na siya sa free throw line. Rinig na rinig pa rin niya ang mga sigawan ng mga ito pati ang tili ng bakla niyang kaibigan habang todo wagayway ito ng hawak na pom-poms. Mga abnormal talaga.

Nang maipasok niya ang dalawang free throw ay hawak pa rin nila ang bola. Si Yuri ang nag-inbound ng bola at mabilis na ipinasa kay Tei. Naging alerto agad si Kale dahil mabilis ang rotation ng bola. Pumuwesto agad siya sa three-point line saka mabilis na ipinasa sa kanya ni Yuri ang bola at itinira agad ito.

Hiyawan sa buong gym kasabay ang drum roll. Sabay-sabay na ang pag-chi-cheer ng mga taga-Henderson. Nagpatuloy ang laro habang nagsimula na ang maruming paglalaro ng Rebels. Halos pinapatid ng mga ito ang mga kasama ni Kale at itinutulak. Hindi rin ito napipituhan ng referee kaya nakakahabol ang kanilang score. Kahit ganito ay lumalaban pa rin ang Black Assassins at nanatiling kalmado.

Hawak ng Rebels ang bola at nang itinira ito ay nasupalpal ni Naomi at mabilis na ipinasa kay Kale kaya mabilis siyang gumalaw. Tumalon siya nang itinira niya sa tres ngunit bigla siyang itinulak nang malakas dahilan para magkamali siya ng bagsak. Natapilok ang kanyang paa kasunod nito ay tumama ang kanyang kaliwang braso sa sahig. Naalis niya ng wala sa oras ang suot na mouth guard.

"Shit!" hiyaw ni Kale habang namimilipit sa sobrang sakit habang sapo-sapo nito ang kanyang paa. Hindi rin niya maigalaw ang kanyang kaliwang braso. Fuck! Hindi na ata ako makakatayo.

"Oliveros! Shit! Saan ang masakit?" sunod-sunod na tanong ni Yuri sa kanya. Akmang aalalayan na siya ni Naomi nang agad niyang pinigilan ito.

"Teka Naomi! Ma-masakit...D-dahan-dahan lang ang pagtayo mo sa 'kin. H-hindi ko kayang igalaw." Napapikit na si Kale.

Dahan-dahan na siyang inalalayan ni Kid at Naomi habang ang kanang braso niya'y nakakawit kay Kid at paika-ikang naglalakad. Hindi niya mailakad ang kanan niyang paa habang ang kaliwang braso niya ay hindi niya ipinahawak kay Naomi. Nakasunod lang si Tei at Yuri na dala ang mouth guard niya.

Mga nakatayo ngayon ang taga-Henderson, nanonood sa nangyari. Halos lahat ng nasa loob ng gym ay sa Black Assassins ang atensyon. Ilan sa mga tagasuporta nila ay nag-aalala kay no. 1.

Sinalubong agad sila ng medics at iniupo si Kale sa bench. Napapikit at napakagat siya sa kanyang jersey dahil sa sakit nang simulang i-check ng mga ito ang kanyang kanang paa at kaliwang braso. Naluluha na ako. Buwisit naman kasi, ba't kailangang manulak, eh di sana tapos na 'tong basketball na 'to nang makauwi na ako.

Si coach Ellie ay labis na nag-aalalang nakatingin kay Kale pati na rin ang ibang players.

"Coach Ellie, kailangan niya munang magpahinga at namamaga ang kanyang kanang paa at kaliwang braso dahil sa maling bagsak. Nag-apply na kami ng cold compress. Hindi na siya puwedeng maglaro ngayon," mahabang paliwanag ng medic.

"Gano'n ba? If that's the case, hindi ko na siya paglalaruin. Baka lumala pa 'yan at tuluyan na siyang ma-injured," pinal na desisyon ni coach Ellie saka tumingin kay Kale.

"Y-Yuri, p-pakiabot nga 'yong duffel bag ko, please," pakiusap niya kay Yuri. Tumalima rin agad ito.

Iniabot na ni Yuri ang bag kay Kale at kinuha niya ang isang pain relief spray saka ibinigay sa medic. Laking gulat naman nito nang makita ang spray na iniabot niya.

"Paki-spray na lang po sa kanang paa at kaliwang braso ko. Salamat," sabi niya sa medic.

"Ah, oo, sige sige. Teka lang," at nagsimula nang spray-an ng medic ang kanyang kanang paa at kaliwang braso. Nagsalita naman ulit ang medic.

"Coach Ellie, ito ang special spray na sasabihin ko sana kanina. Bihira lang itong makuha dahil the best at exclusive ito para sa mga injuries saka napakamahal pa. Paano ka pala nagkaroon ng ganito?" tanong nito kay Kale.

'Di na siya sumagot at ibinalik na ulit ng medic ang spray sa kanya.

"Magiging okay na siya coach Ellie. Magpahinga lang muna siya ng ilang minuto at maaari na siyang maglaro. Pero kung masakit pa rin, mas mainam na ipahinga na lang niya at 'wag nang maglaro," at nagpaalam na ito.

Nagpasalamat si coach Ellie sa medic at bumaling ulit kay Kale.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Oliveros? Masakit pa rin ba? Hindi muna kita ipapasok. Magpahinga ka muna dahil kanina ka pa. You did great at the game," kalmado nitong saad kay Kale saka ngumiti.

"'Di na po ata ako makakapaglaro coach. Masakit pa rin 'yong kanang paa at kaliwang braso ko. Kailangan ko po munang ipahinga. Maraming salamat po coach," at nginitian niya ito nang tipid.

Alanganin ang itsura ni coach Ellie nang marinig ang sinabi niya ngunit para sa kanya, wala na siyang magagawa dahil kaligtasan ng kanyang players ang kanyang priority. Bumaling na ulit siya sa kanyang players.

"Okay team! Listen! Napansin niyo naman ang nangyari kay Oliveros 'di ba? Ayoko na sa susunod pang mga minuto ay may player akong matutulad sa kanya. Lamang na tayo ngayon ng pito at malaki rin ang pagpapasalamat ko sa inyo lalo na kay Oliveros dahil umabot tayo sa ganitong point.

"So inaasahan ko na magtutuloy-tuloy na ang maganda niyong laro. Keep it up! Ang gagaling niyo. Jin, ikaw muna ang papalit kay Oliveros kaya mag-ready ka na. At kayong tatlo naman, Tei, Kid at Naomi, magpahinga muna kayo. Lily, Abi at Hail, get ready. Ikaw Yamazaki, kasama mong maglalaro ang Big Four. Good luck at galingan niyo team!" puno ng determinasyon na pahayag ni coach Ellie kaya napasigaw na ang lima lalo na si Yuri na labis ang tuwa. Matagal na ring pangarap ni Yuri na makapaglaro kasama ang Big Four at ngayon ay natupad na 'yon.

"Go team!" sigaw ni Yuri.

"Let's go Black Assassins!" sabay-sabay na sigaw ng buong Henderson's Black Assassins. Nakangiting sumaludo si Yuri kay Kale na halos nakapikit na bago bumalik sa court.

Nagsimula na ulit ang game at tinawagan muli ng flagrant foul ang tumulak kay Kale. Ejected na rin ito sa laro. Nang maipasok ni Jin ang free throw ay hawak ulit nila ang bola. Nagsimula na namang mag-ingay ang kanilang tagasuporta.

Habang nanonood mula sa bench ay kita ni Kale kung gaano kapursigido ang kanilang team dahil maganda ang laro ng mga ito lalo na si Yuri na malaki ang improvement. Medyo lumalaki na ang kanilang lamang. Hindi naging sayang ang training natin Yuri. Worth it lahat.

Makalipas ang ilang minuto ay tabla na ulit ang laban at tatlong minuto na lang ang natitira matapos ang huling tira ng Rebels kaya tumawag si coach Ellie ng timeout.

"Team, 'wag kayong mataranta. Stay focused. Kaya natin 'to. May tiwala ako sa inyo. Kayo ng bahala. Yamazaki, puwede ka ng magpahinga. Samantha, get re—"

"Coach, kaya ko na pong maglaro," putol ni Kale sa sasabihin ni coach Ellie. Bigla namang napalingon sa kanya ang lahat.

"Pero Olive—"

"Please coach Ellie. Last na ito, promise po. Okay na po ako saka kaya ko na po ang sarili ko, coach," pakiusap ni Kale habang nakatingin sa mga nito.

"Sigurado ka ba talaga? Kung oo, wala na akong magagawa. The court is yours, Oliveros," nakangiting saad ni coach Ellie at biglang nagsigawan ang mga Black Assassins.

"Win the game, Oliveros," sabi sa kanya ni Yuri. Tumayo na si Kale at nag-fist bump sila sa isa't isa. "Yes captain."

Sabay-sabay nang bumalik sa court si Kale at ang Big Four. Mas lumakas ang hiyawan at sigawan ng mga estudyante ng Henderson kasabay ang sunod-sunod na drum roll.

Wow! Ang Big Four at si no. 1!

Wala na! Panalo na!

Yari kayo Rebels!

Go Big Four!

Go no. 1!

Hawak ng Black Assassins ang bola at inbound ni Abi. Ipinasa nito kay Lily habang si Kale naman ay tumakbo na at pumuwesto. Napakahigpit ng depensa ng dalawang koponan lalo na ang pagbabantay kay Kale. Hindi alam ni Lily kung kanino ipapasa dahil naiipit din ito sa labas kaya pinilit ni Kale na tumakbo nang mabilis palapit dito kahit may iniinda pa. Nang makita siya nito ay agad nitong ipinasa sa kanya at tumira ng tres. Napahiga ulit si Kale. Hindi ko ugali ang humiga kapag naglalaro. Pero napapadalas ata.

Pumito ulit ang referee kasabay ang tuloy-tuloy na hiyawan sa buong gym. Habang unti-unting nauubos ang oras ay lalong nakakapigil-hininga ang laban. Mabilis siyang nilapitan at tinapik. Nakangiti ang mga ito sa kanya.

"Napakagaling mo talaga Oliveros! Ipasok mo ulit!" masayang sabi sambit sa kanya ni Hail.

Pumuwesto na si Kale at nang maipasok niya ang bola ay lamang na ulit ang Black Assassins. Nanatili silang kalmado dahil dalawang minuto na lang ang natitira. Iniiwasan nilang mag-foul habang mahigpit ang kanilang depensa.

Mahigpit niyang binabantayan ang kanyang katapat ngunit mabilis nitong naipasa sa kakampi na libre sa labas at itinira ito. Pasok mula sa tres ang bola. Isang puntos na lang ang hinahabol ng Rebels.

Go Rebels!

Go Bluecrest!

Kinakabahan na ang Black Assassins kahit hawak na nila ang bola ngayon. Gayunpama'y hindi nila ipinahalata ito at nanatiling nakapokus sa laro. Nang ipapasa ni Abi ang bola ay bigla itong natapik ng kalaban at naagaw. Mabilis itong pumuwesto sa three-point line at itinira ang bola. Mabilis na nag-ingay ang mga taga-Bluecrest nang pumasok ang bola.

"Guys, we are two points ahead from those bullshits. You know what to do with their annoying player, that fucking number 1," nakangising saad ng team captain ng Rebels.

Wala ng timeout ang Black Assassins. Nagpatuloy na ang laro at ilang segundo na lang ang natitira. "Stay calm, we can do this. We'll make it," sabi ni Jin sa mga kasama at pumuwesto na sila.

Nang maipasa ni Hail ang bola kay Lily ay hirap na hirap ito dahil sa sobrang higpit ng depensa. Mabilis na tumatakbo ang oras. Ang lahat ng players ng Black Assassins ay nakatayo mula sa bench pati na rin si coach Ellie na labis na kinakabahan. Ang kanyang mga players ay hindi mapakali. May nagdadasal, nakatalukbong ng towel at naluluha. Tulad ng Black Assassins ay gano'n din ang mga players mula sa Bluecrest.

Hindi pa rin naipapasa ni Lily ang bola at ang tangi niyang tinitingnan ay si Kale na mahigpit ding binabantayan at halos yakapin na ito ng kalaban para 'di makakilos.

Kahit hirap na hirap si Kale na makawala ay pinilit niya dahil halos itulak na siya ng nagbabantay sa kanya. "Lily!"sigaw niya rito at mabilis na tumakbo palapit. Nang ipapasa na sa kanya ni Lily ang bola ay natapik agad ito ngunit maagap si Kale kaya nakuha niya ulit. Bago pa siya maitulak ay umatras na siya saka ibinato ang bola. Please, pumasok ka. Please. Please. Napahiga na siya ng tuluyan at nadaganan ang kanyang kanang paa matapos siyang subukang i-block. Ang tanging narinig niya ay ang pagtunog ng buzzer kasabay ang pagkirot ng kanyang paa kaya napapikit na siya.

"Oliveros!"

"Buzzer beater ka! Napakagaling mo talaga!"

"Panalo tayo Oliveros!"

Mabilis na nagkumpulan ang mga Black Assassins sa nakahigang si Kale. Halos kuyugin siya ng lahat at hinahablot-hablot ang kanyang damit dahil sa labis na saya. Mabilis naman silang hinawi ni coach Ellie upang makita ang kanyang player na nagpanalo ng kanyang team.

Halos maluha-luha itong lumapit sa ngayon ay nakaupo ng si Kale. "Oliveros, you made it. We made it. You are our best player. You did your part more than I expected you to do. Congratulations!" at mahigpit na niyakap ni coach Ellie si Kale.

I made it now. Again. I made it without you, S. Maybe, I leave it here and move forward, aniya sa isip habang nakatingin sa kawalan. Ilang saglit ay wala sa sariling napatingin siya sa isang gawi. Nagtama ang paningin nilang dalawa ni Henderson na kanina pang nakatingin sa kanya. Ilang segundo ang lumipas ay nakatitig lang sila sa isa't isa hanggang si Kale na ang nag-iwas ng tingin.

Makalipas ang ilang minuto ay nauna nang umalis si Kale papuntang dugout kasama si Yuri na inaalalayan siya at dala ang kanyang bag. Lalapitan pa sana si Kale ng kanyang mga kaibigan ngunit maraming estudyante ang nagsisiksikan at nagtutulakan kaya hindi na nila naabutan pa ito.

"Maraming-maraming salamat Oliveros. Sa lahat. In fact, hindi ko alam kung ano ang sasabihin at paano ka pasasalamatan. You made everything possible, Oliveros," madamdaming pahayag ni Yuri saka siya niyakap nang mahigpit.

"I always keep my word, Yuri," tipid na sagot ni Kale at tinapik ito sa balikat. "Magsi-cr muna ako. Huwag kang mag-alala kaya ko na ang sarili ko." Humiwalay na siya kay Yuri at dinampot ang kanyang duffel bag saka umalis na paika-ika.

"Congratulations to Henderson's Black Assassins! Job well done girls! Cheers team and to Oliveros!" masayang bati ni coach Ellie at inalog ang isang bote ng champagne hanggang sa mabuksan ito. Masayang naghihiyawan at nagtatalunan ang kanyang mga players habang nagpapakabasa sa champagne.

"Wooh! Good game everyone! Sa'n niyo gustong mag-celebrate?" masayang sigaw ni Jin.

"Ikaw ng bahala Jin! Libre mo kami! 'Di ba team?" pagyayaya naman ni Hail sa ibang players.

"Oo nga captain! Libre mo kami!" sabay-sabay na sigaw ng ibang players.

Ngunit bago pa makasagot si Jin ay biglang natahimik ang lahat nang may biglang magsalita.

"Excuse me, is this the Henderson's Black Assassins? We are the elite coaches of Deutsche Basketball-Nationalmannschaft der Frauen. We're not going to stay long, so we are inviting your team to play in Germany. We'll send you the other details if you take our offer. And who is Kale Nixon Oliveros? We want to talk with her privately," pormal at mahabang pahayag ng isang lalaking matangkad na may bigote na nasa early 40's ang edad at may kasama itong dalawang babae.

"And aside from us, we have with us the main sponsor of the national te—"

"Rachel?! Ich habe dich so vermisst, baby!"

"Lancia?" Parang naestatwa ito nang makita ang taong tumawag sa kanya. Bakas sa mukha ni coach Ellie ang pagkagulat at 'di makapaniwala.

Tinanggal muna nito ang suot na shades. "C'mon Rachel, do I get a welcome hug or not? Anyway, congratulations to you and your team! Gut gemacht!"

'Di na nag-aksaya ng oras si coach Ellie at dali-daling niyakap ang matalik na kaibigan at hinalikan ito sa pisngi. "Oh mein Lancia, vielen dank!"

Halos wala ng pakialam ang magkaibigan dahil sa muling pagkikita. Ang mga players naman ay parang nanonood ng isang pelikula dahil nakatulala lang ang mga ito lalo na kay Lancia.

"'Di ba siya 'yong sikat na model from Germany? Sobrang ganda niya, nakaka-inlove. Sign na ata ito," sambit ni Tei habang nakatulala pa rin ito kay Lancia. Mabilis naman siyang kinurot ni Naomi. "Nakakahiya ka pre, kay coach Ellie na 'yan oh."

Biglang bumaling sa kanila si coach Ellie at nagsalita. "Nasaan pala si Oliveros? Kanina ko pa siya hinahanap."

"Where is Kale Nixon Oliveros, Rachel? I want to see her now. We're not staying any longer and we need to leave in five minutes," sambit ni Lancia sabay tingin sa relo nito. Nagsisimula na itong mainip.

"Coach Ellie, nag-cr lang po siya," sagot ni Yuri.

"Pakitawag na nga siya Yuri, ASAP. Thank you."

Sumunod agad si Yuri at 'di pa nagtatagal ay bumalik agad ito. "Coach, wala po siya sa cr. Baka umuwi na po."

Biglang kumunot ang noo ni coach Ellie saka bumaling sa kaibigan. "She's not here anymore, Lanch. I'm really sorry." Lumapit naman agad ito sa kanya at bumulong, "Then arrange me a meeting with her tomorrow or else, I'll nullify your team's invitation to play in Germany. Tschüss!"

Nang makalabas na si Lancia kasama ang tatlong elite coaches mula sa dugout ng Henderson's Black Assassins ay dire-diretso lang itong naglalakad sa hallway nang biglang napatigil ito dahil may nakabungguan ito. Napataas ang kilay niya nang mapagtanto na babae ang bumunggo sa kanya.

"Mc, look what you've done," kinakabahang sambit ni Silver kay McKenzie na ngayon lang nag-angat ng tingin dahil kanina pa ito wala sa sarili at malalim ang iniisip. Papunta silang pito sa dugout ng Black Assassins.

'Di makapaniwala si McKenzie sa babaeng kaharap niya ngayon. "I-I'm so—"

"What an ignorant bitch," mataray nitong sabi kay McKenzie saka umirap at isinuot na ulit nito ang shades at naglakad na palayo kasunod ang tatlong elite coaches.

Naiwang tahimik at nakayuko ang pitong magkakaibigan lalo na si McKenzie na lalong na-stress sa mga nangyayari.