Chapter 26 - Chapter 26

Nasa bar si Kale ngayon at bising-bisi sa paggawa ng mga cocktails. Nakailang serve na rin siya dahil dagsa ang customers.

Anong oras pa lamang pero parang ang tagal na niyang naghahalo. Hindi na rin niya mahagilap si Yan at dude. Nasa VIP lounge ang dalawa. Jackpot na naman.

Natauhan lang siya nang biglang may lumapit sa bar counter at nag-order sa kanya.

"Miss, one tequila please."

Ginawa naman agad niya ang order nito at mabilis na i-sinerve. 'Di na rin niya pinansin pa ang customer kahit na gusto siyang kausapin dahil bisi at hindi siya interesado.

Ilang oras ang lumipas ay gano'n lamang ang ginawa ni Kale. May gusto pang kumuha sa kanya sa VIP lounge pero tumanggi siya dahil hindi niya na magampanan.

Bisi din si Manager Oli sa pagtitingin sa kanila at sa mga requests ng mga customers. Tumutulong na rin ang kanilang manager sa pagse-serve dahil sabay-sabay talaga ang mga dumadagsang customers.

Mag-aala-una na ng madaling araw ng sila'y magsara. Kung hindi pa closing time ay 'di pa uuwi ang mga customers. Pagod na pagod rin Kale. Gusto ko nang matulog.

Dahil nakarami sila ngayong gabi ay iti-treat sila ni Manager Oli sabi nito bilang reward nila sa kanilang magandang performance sa trabaho at effort. Natuwa naman ang lahat ng mga empleyado dahil dito. Nang mailigpit at maiayos ni Kale ang bar counter ay nagpaalam na siyang umuwi.

Nang makauwi na si Kale sa kanyang apartment ay pumasok at isinara agad niya ang pinto. Habang papunta sa kanyang kuwarto ay hinuhubad na nito ang damit. 'Di ko na kaya ang pagod. Nang lumapat na ang kanyang katawan sa kama ay siya ring pagpikit ng kanyang mga mata.

***

Late nang nagising si Kale dahil napasarap ang kanyang tulog. Dumiretso na agad siya sa cr at naghanda na. Nang matapos ay hindi na siya nagmadaling kumilos dahil late na rin siya. Susulitin ko na lang at hahabol na lang sa klase, sambit niya sa sarili.

Dahil wala rin siyang gagawin ay naisipan niyang magluto upang baunin na pantanghalian mamaya. Buti na lang kahit papaano ay may stocks pa rin ako rito.

Makalipas ang dalawa't kalahating oras ay natapos siya at handa nang pumasok bitbit ang isang tote bag na naglalaman ng tupperwares at tumbler. Paalis na siya nang bigla siyang may naalala.

May practice pala kami ng billiards ngayon! Pero natalo na rin naman ako ni Montoya kaya okay na rin.

Siguro ay tanggal na ako kaya 'di na rin ako mag-aabala pang maki-practice. Tatambay na lang ako. Sa wakas, wala na akong aabalahin pang sports na sasalihan, kampante niyang sabi sa sarili nang siya ay makaalis.

***

Pagdating ni Kale sa university ay dumiretso na siya sa aking klase. GenChem na nila. Alas-once na pala ng umaga.

Pagpasok niya ay nakatingin na naman ang lahat sa kanya lalo na ang kanilang propesor pero hinayaan na lang siya nito.

Binati niya ito saka umupo sa likod.

"Dahil napakaaga mo para sa lunch, do you agree that atom is the smallest unit of matter, Ms. Oliveros?" seryosong tanong nito sa kanya. Ang mga kaklase naman niya ay biglang kinabahan dahil nakakatakot ito sa tuwing magtatanong sa kanila.

"No sir, atom is not the smallest unit of matter because there are sub-atomic particles that comprise an atom. These are the protons, neutrons and electrons. A quark is also a sub-atomic particle. We can say that atom is the smallest identifiable particle of an element."

"Very good, Ms. Oliveros. Akala ko pagdating sa pagiging late ka lang magaling," komento pa nito at bumalik na sa pagdi-discuss.

Makalipas ang kalahating oras ay natapos na ang kanilang klase at lunch break na. Nagmadali si Kale na pumunta sa office ng student council. 'Yon lang ang safe na lugar para sa 'kin dito sa university.

Pagpasok niya sa office ay isang mahaderang sigaw ang sumalubong sa kanya. "Baks! Sa'n ka ba galing ha? Buti na lang at nakaabot ka dahil kakain pa lang kami. Dalian mo na dahil gutom na ako!" Inihinto nito ang pagpapaypay at itinupi ang pamaypay nitong barbie ang design.

Tumingin muna sa kanya si baks bago umalis. Mukhang alam nito ang nasa isip niya dahil sa paraan ng pagtingin niya rito. "Si babe mo ando'n sa opisina niya."

Buti na lang 'di niya napansin ang dala ko.

Napailing na lang si Kale at pinuntahan na si Ashley. Nasa second floor siya ngayon at may tatlong room dito. Dumiretso siya sa gitnang bahagi kung nasaan ang opisina ni Ashley at kumatok. Nang walang nagsalita ay pinihit niya ang door knob at pumasok na.

Pagpasok ni Kale ay wala siyang nadatnan at napakatahimik ng buong opisina nito. Maayos na naka-compile ang mga folders sa mesa nito at may mga makakapal na libro rin. Inilapag niya muna ang kanyang gamit pati na rin ang dala niyang tote bag sa isang modern glass center table.

"Ashley?"

"Ash?"

Patuloy lang si Kale sa pagtawag nang mapadako siya sa isang pinto at pinihit ang door knob. 'Di naman siya nabigo. Gaya ng kanina ay wala pa rin ang taong hinahanap niya ngunit bukas ang ceiling light. 'Di niya maiwasang ilibot ang sariling paningin sa loob ng silid.

May malaking kama at maayos ito. Hindi mababakasan ng kahit na anong dumi. Sa gilid nito ay may bedside table kung saan nakapatong ang isang modernong lampshade. Medyo may kadiliman ang buong kuwarto dahil nakatabing ang kulay gray na kurtina.

"Ash—"

Hindi na naituloy ni Kale ang kanyang pagtawag nang biglang may dalawang bisig ang yumakap sa kanya. Hindi niya magawang gumalaw buhat sa ramdam na ramdam niya ang katawan nito.

"Babe," bulong nito sa kanyang tenga at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Suminghap ito sa kanyang batok kaya pigil-hininga si Kale dahil amoy na amoy niya ang mabangong amoy nito.

Pumikit muna si Kale saka dahan-dahang lumayo rito. Hinarap niya ito. Napahinto naman siya sa kanyang sasabihin nang mapansin niya ang itsura nito ngayon. Nakasuot lamang ito ng kulay puting bathrobe dress at may tumutulo na kaunting tubig mula sa basa nitong buhok.

Hay nak—mali talagang napunta ako sa university na 'to.

Dahil nawala na naman si Kale sa kanyang sarili ay hindi niya namalayan na nakalapit na agad si Ashley sa kanya at mabilis siyang hinigit palapit. Ang isa nitong kamay ay pumulupot sa kanyang bewang habang ang isa nama'y naglalakbay patungo sa kanyang ulo.

"So babe, are you done checking me out? Did you enjoy what you see? Maybe we can do something...special, that can make our time worth a while." Pagkabulong nito sa kanya ay siya ring pagtanggal nito ng kanyang beanie at nakakaakit na tumingin sa kanya.

"Or maybe..."

Hindi na nito tinapos ang sasabihin dahil mabilis siyang itinulak nito pahiga sa kama. "we'll have to do it in my own terms." Nakayakap pa rin ito sa kanya habang nasa ibabaw niya.

Hindi alam ni Kale kung anong tumatakbo sa isip ni Ashley at mas lalong hindi niya alam ang gagawin. Halo-halo na ang kanyang nararamdaman.

"A-Ashley, p-puwede bang umalis ka s—teka, anong ginagawa mo?!" nauutal at natatarantang usal ni Kale dahil sinisimulan na nitong luwagan ang tali ng suot na bathrobe habang unti-unti rin itong lumuluwag sa katawan nito.

"Ashley! Nakikinig ka ba? Puwede bang—"

"Puwede bang ano Kale Nixon?"

"U-umayos k-ka."

Ngumisi lang ito sa kanya at nagsimula nang maglakbay ang kaliwang kamay nito habang ang kanang kamay nito ay nakapasok na sa kanyang damit. Nagsisimula ng mag-iba ang pakiramdam ni Kale lalo na't isang maling galaw niya lang ay mahuhubaran na si Ashley.

Unti-unti nang lumalapit ang mukha ni Ashley sa kanya. Palapit nang palapit. Hanggang sa isang pulgada na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Ang mga matang nitong namumungay ay nakatitig sa kanyang mga labi. Para siyang kakapusin ng hininga sa pagtitig nito.

Akala ni Kale ay hanggang do'n na lamang pero mas inilapit pa Ashley ang kanyang mukha.

"Ash—"

"President, bak—oh my god!"

Napapikit na lamang si Kale dahil sa matinding gulat. At hindi niya alam kung saan siya nagulat. Sa malakas na pagsara ng pinto o sa labing nakadampi sa kanya.

Pagdilat niya ay tuluyan nang tinanggal ni Ashley ang suot nito at nakalantad sa harap niya ang nagmamalaki nitong hubad na katawan.

"Babe, bihisan mo ako," nakangiti at nang-aakit nitong sabi kay Kale.

***

"Babe, para sa 'yo pala. Ipinagluto kita ng favorite mong chicken sisig, bicol express at lumpia. May dessert din. Sana magustuhan mo kahit lumamig na," nakangiti niyang sabi kay Ashley.

"Hala, babe! Para sa 'kin ba talaga 'to? Ang dami naman, nag-effort ka pa pero I appreciate it so much. Thank you so much babe!" masayang tugon nito sa kanya saka siya mabilis na niyakap nang mahigpit at hinalikan sa pisngi.

Nagsimula na silang kumain. Sarap na sarap si Ashley sa pagkain habang si Kale naman ay malalim ang iniisip. Hindi talaga 'to puwede. I messed up again.

Nang matapos na silang kumain ay iniligpit na nila ang mga pinagkainan at nagpahinga.

"Babe? Okay ka lang ba? Bigla ka kasing tumahimik," pukaw nito kay Kale habang nakatulala lang ito sa kawalan.

"Ha? Ah, oo. Pasensiya ka na. May sinasabi ka ba?"

"Wala naman. Gusto ko lang sanang itanong sa 'yo kung puwede ba tayong sabay umuwi mamaya?

"Sige, hihintayin na lang kita mamaya," at nagpaalam na si Kale.

***

Nasa garden si Kale at nakahiga sa ilalim ng puno upang magpahinga at pakalmahin ang kanyang isip. Ilang minuto pa lamang niyang naipipikit ang mga mata ay may walang pakundangang yumuyugyog sa kanya kaya napadilat siya ng wala sa oras.

"Hey! Are you Kale Nixon Oliveros?" maangas na tanong nito sa kanya.

Tiningnan niya lamang ito. Isang babae. Istorbo.

"I want to challenge you in a friendly basketball game. Just the two of us. Deal?" mayabang na panghahamon nito.

"I'm sorry miss but I don't play basketball."

"Why? Are you scared? C'mon, it's just a friendly game with a bet," sabay ngisi nito sa kanya.

Sandali muna siyang nag-isip.

"What's the bet?" tanong niya rito para matapos na.

"Here's my bet, if I win, you will be expelled in this university and if I lose, I'll do everything you say. I'll also help you against The Elite Seven. What's yours?"

Hindi na siya sumagot pa at pumikit na ulit. Bahala siya diyan.

"Just go to the women's basketball gym. 3:00 pm. I'll be waiting." Naramdaman niyang wala na ito kaya siya'y natulog na.

***

Paggising ni Kale ay tiningnan niya ang kanyang relo.

3:30 pm

Wala na silang klase ng hapon. Naisip niyang umuwi na kaya tumayo na siya at naglakad na paalis.

Habang naglalakad siya ay napansin niyang walang mga estudyante. Malinis ang paligid. Nang mapadaan siya sa isang gym ay may bigla siyang naalala.

Basketball game.

Hindi na siya nagmadali dahil late na siya. Dumiretso na siya sa women's basketball gym. Ang dami naman kasing gym dito.

Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa gym at pumasok na. Nakita niyang nandoon na ang babae kanina at nagwa-warm-up.

Napatigil naman ito sa paglalaro nang mapansin si Kale.

"Akala ko hindi ka na darating. So shall we start? And by the way, I'm Sam."

Pumunta muna siya sa isang bench at ibinaba ang mga gamit.

Narinig na lamang niya na may pumito. Paglingon niya ay isang babaeng referee. May referee pa? Eh dalawa lang naman kaming maglalaban. Ba't kasi pumunta pa ako.

Lumapit na silang dalawa sa referee at may hawak itong coin.

"Head or tail?" tanong nito sa kanila.

"Head," ani Sam.

"Tail."

Ing-flip na nito ang coin. Sa kasamaang palad ay head ang lumabas kaya bola ni Sam.

Ipinaliwanag na sa kanila ng referee ang mechanics ng game at nagsimula na sila.

Bahala na.

***

Hawak ni Sam ang bola at idinidribol ito habang si Kale ay binabantayan ito. Hindi niya maagaw ang bola dahil sa bilis nitong magdribol at nang tumira ito ng jump shot ay pasok. Puntos para kay Sam.

Ngayon ay bola na ni Kale. Nagsimula na siyang magdribol at tumakbo na ito patungo sa ilalim ng ring at nang ititira na niya ang bola ay mabilis itong na-block ni Sam at nakuha ang bola. Tumakbo na ito palayo habang idinidribol ang bola papunta sa three-point line. Pasok na naman ang tira nito.

Lamang na ng tatlong puntos si Sam kay Kale. Hindi pa rin siya nakakapuntos dahil sa mahigpit na pagbabantay ng kalaban sa kanya.

Patuloy lang sila sa kanilang paglalaro. Tuwang-tuwa at ganadong-ganado si Sam dahil hindi pa nakakapuntos ang kanyang kalaban. Tuwing si Kale ang may hawak ng bola ay nginingisian siya ni Sam. Pinaglalaruan siya. Hindi rin siya makasabay dahil mabilis itong gumalaw.

Natapos ang first half ng laro sa iskor na 20-0. Binigyan sila ng limang minuto upang makapagpahinga. Hingal na hingal si Kale at ang beanie niya ay basa na rin ng pawis habang si Sam naman ay parang hindi man lang napagod at nakangiti pa. Hinagisan niya ng isang bote ng tubig si Kale dahil napansin niyang wala itong dalang inumin. Tinanggap naman ito ni Kale at pagkainom niya ay pumito na ulit ang referee.

Sa isip ni Kale ay mismatch sila ng kanyang kalaban dahil di hamak na matangkad ito sa kanya at sa kanyang taas na 5'7" ay wala talaga siyang panama kay Sam. Bukod dito ay ngayon na lamang ulit siya nakapaglaro ng basketball.

Nagsimula na ang second half ng game. Hawak ni Kale ang bola at nagdribol na siya. Mabilis siyang tumakbo at nang ititira na niya ay nag-fake siya dahilan upang matawagan ng foul si Sam. Pumito na ang referee at may dalawang free throw si Kale.

Pumuwesto na siya sa free throw line saka nagdribol sabay tira ng bola. Kapos! Natawa na lamang si Kale sa sarili niya. Tumingin siya sa paligid at napansin niyang may mangilan-ngilang nanonood sa kanila. Sa pangalawang tira naman ay tumalbog at gumulong muna sa ring bago pumasok ang bola.

Sa wakas, nakapuntos din ako! puri ni Kale sa kanyang sarili.

Habang patuloy sila sa kanilang paglalaro ay dumating ang women's basketball team ng Henderson University. Kasunod nito ang tinaguriang Big Four ng basketball team at nakahiwalay ang mga ito sa ibang players. Nakatingin ang apat kay Kale lalo na ang team captain nito. Kasama ng Big Four ang coach nilang babae na tahimik lang na nanonood at nakamasid sa dalawang naglalaro.

Dahil sa pagod ay nawalan na ng gana si Kale na maglaro at tinatamad na. Ang tanging nasa isip na lamang niya ay umuwi na. Kasalukuyan niyang hawak ang bola at nagdribol ngunit sadyang maagap si Sam at mas hinigpitan nito ang depensa niya. Alam ni Sam na dumating na ang mga ka-teammates niya lalo na ang coach nila at ang Big Four kaya nagpapakitang gilas siya.

Wala na sa pokus si Kale kaya dumulas sa kamay niya ang bola at turnover na naman niya. Siya na ngayon ang nagbabantay kay Sam. Mabilis itong nagdribol saka nag-cross over dahilan para ma-out of balance siya at tuluyan nitong naipasok ang bola.

Naririnig na ang malalakas na hiyawan at sigawan ng mga estudyante.

Go Samantha Reyes!

Go Sam! Ang galing-galing mo!

Hindi na mananalo 'yan! Samantha for the win!

Sa mga nalalabing oras ng laro ay hinayaan na ni Kale na tumira nang tumira si Sam. Kahit na binabantayan niya ito ay pinapanood na lamang niya itong maglaro. Para kay Kale, ang game na ito ay balewala lamang sa kanya. Kahit ganoon ay sumubok siya dahil sa tagal ng panahon na tinalikuran niya ang sport na ito ay may natutunan at nalaman siya kay Sam.

Nabasa niya ang buong galaw nito sa buong paglalaro nila. Bago matapos ang game ay may naisip siyang gawin dahil alam niyang ito na ang una at huli niyang laro sa mga nakalipas na panahon.

Ngumisi siya kay Sam dahilan upang ma-distract ito at agad niyang inagaw ang bola. Mabilis siyang nagdribol patungo sa three-point line at nang ititira na niya ito ay napangiti na lamang siya. Nagbago ang isip niya pero ipinagpatuloy pa rin niya.

Napansin ni Kale na medyo nagulat at kinabahan si Sam sa kanyang ginawa kaya nagmadali itong habulin siya pero huli na. Kapos ang kanyang tira. Napabuntonghininga naman si Sam na tila ba nagpapasalamat at hindi pumasok ang bola.

Pumito na ang referee hudyat na tapos na ang game. Naghiyawan ang mga estudyante dahil sa pagkapanalo ng idol nilang si Sam sa final score na 35-1.

Lumapit na si Kale kay Sam at nakipagkamay. "Congrats, you win. And don't worry, I didn't forget our deal."

Masayang tinanggap ni Sam ang pakikipagkamay ni Kale at nagpasalamat at binati rin niya ito. "I had fun playing with you, Kale Nixon Oliveros. Don't worry about our deal, ako ng bahalang—"

Hindi na hinintay ni Kale na matapos itong magsalita dahil tumakbo na siya pabalik sa bench kung nasaan ang mga gamit niya.

Isinukbit na ni Kale ang kanyang bag at akmang dadamputin na niya ang kanyang dalang tote bag para umalis na nang biglang may nagsalita sa likuran niya.

"Kale Nixon Oliveros, I want you to play again."