"A—Ate, I like you," sambit ng isang babae kay Kale na siyang ikinatigil nila sa kanilang ginagawa. Ang kaninang maaliwalas na mukha ni Kale ay biglang naging seryoso at hindi man lang tinatapunan ng tingin ang babae. Ang tatlo naman niyang kasama ay gulat na gulat na nakatingin sa gawi ng babae.
Dahil hindi umiimik si Kale at mukhang dedma ito ay siniko siya ni Allison. Lumingon na ito sa babae na kasalukuyang nangangamatis ang maamo nitong mukha. "I'm sorry miss. May sinasabi ka ba?" walang emosyong usal ni Kale. Bakas sa mukha niya ang pagkainip at kawalan ng interes.
Walang ano-ano'y binatukan siya ni Allison at hinampas sa balikat ni Johansen nang marinig ang kanyang sinabi sa babae. Si Ian naman ay napakamot na lang sa kanyang ulo at napangiti nang pilit.
"Hoy Kale, umayos ka nga! Wala ka bang balak paupuin siya? Anong klaseng crush ka, hays," sigaw sa kanya ni Allison at kinurot pa siya nito sa tagiliran.
"Bakla ha, 'wag mong paghintayin ang bata!" sabi naman sa kanya ni Johansen sabay irap nito na animo'y hindi natutuwa sa inaasal ni Kale. Napapaypay na lang tuloy ito sa sarili ng wala sa oras.
Kung nakakamatay lang ang sama ng tingin ni Kale sa mga kaibigan ay malamang pinaglalamayan na ang mga ito ngayon. Ngunit sadyang palaban ang bakla niyang kaibigan dahil pinandilatan lang naman siya nito ng mata at tinaasan ng kilay.
Bumaling ulit si Kale sa babae. "Upo ka muna." Umusod naman silang dalawa ni Allison para makaupo ito sa tabi ni Kale.
"T-thank you po a-ate. For y-you po p-pala," kinakabahan at nahihiyang sabi nito kay Kale habang may iniaabot itong heart-shaped box. Nakatulala lang si Kale sa babae at pinag-iisipan kung kukunin ang ibinibigay ng babae. Napayuko na ang babae dahil nararamdaman niyang hindi tatanggapin ng kanyang crush ang dala niya.
Hindi naglaon ay napilitan itong kinuha ni Kale dahil may umapak sa sapatos niya at alam niyang si Johansen iyon. Isang pilit na ngiti ang ibinigay ni Kale sa babae nang matanggap niya ang dala nito. Hindi nakalampas sa paningin ni Kale ang lalong pamumula ng mukha ng babae.
"Anong pangalan mo? Kumain ka na ba?" simpleng tanong ni Kale sa babae.
"I-I'm Roxanne. O-opo kumain na a-ako."
Hindi na muli nagsalita si Kale dahil hindi na siya kumportable at ayaw niya ng mga ganitong may nag-co-confess sa kanya. Gusto sana niyang sabihin sa babae na wala siyang pakialam at maghanap na lang ng iba pero mas minabuti na lang niyang tumahimik.
"So Roxanne ading, anong year at ilang taon ka na?" sabat naman ni bakla.
"Hoy Johansen, anong ading ka diyan? Baka mahiya sa 'yo 'yan! Roxanne, pagpasensiyahan mo na si kuya Junior mo ha," pang-aasar ni Allison dito at ngumisi kay bakla na hindi na maipinta ang mukha.
"17 years old na po ako at grade 11 po."
Biglang nag-react si Ian at pinipigilan ang kanyang tawa. Tiningnan naman siya agad ng tatlo. Nagkibit-balikat na lamang ito at umayos ng upo saka nakangising nagsalita.
"Mukhang bata-bata pa ang nadali mo bro. Bilib na talaga ako sa 'yo!"
Palihim namang sinipa ni Kale si Ian para tumigil na ito sa pang-aasar.
"Roxanne, in fairness ha, ang layo ng high school department dito at nag-abala ka pang pumunta rito. Ano namang nagustuhan mo dito kay Kale?" may himig nang pang-aasar na tanong ni Allison kay Roxanne. Humigpit ang hawak ni Kale sa kutsara at nagpipigil na ipasak ito sa bunganga ni Allison.
"Ah eh, okay lang naman po kahit malayo kasi worth it naman para kay crush. Niligtas niya po kasi ako sa dalawang babae na nangbully sa akin," madamdaming pahayag nito.
Nang marinig ni Kale ang sinabi nito ay inalala niya ang pangyayaring 'yon. Nang mapagtanto kung sino ang babae ay iwinaglit na niya ito sa kanyang isipan. Mang-aasar pa sana ang tatlo niyang kaibigan nang inunahan na niya ang mga itong magsalita.
"Roxanne, maraming salamat dito. I appreciate it," tipid na sabi ni Kale habang hawak ang box na bigay sa kanya.
"Y-you're always welcome, K-Kale. Basta para sa 'yo." Nakita niyang namula ulit ito at hindi makatingin sa kanya. Sa isip-isip niya ay sayang lang sa oras ang ginagawa ng babae at hindi naman talaga siya natutuwa sa nangyayari. Hindi naman niya gusto ang babae.
Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na si Roxanne at hindi na ito pinansin pa ni Kale. Nang makaalis ito ay mabilis na ibinigay ni Kale ang box kay Allison na para bang may laman itong bomba sa loob at gusto ng idispatsa. "Sa inyo na 'yan. Ayoko ng ganyang bagay."
Tumayo na si Kale at niyaya na ang mga kasama na umalis. Masaya na ulit silang nagkukuwentuhan at nagkukulitan habang papunta sa kanya-kanyang klase.
Puro discussion lang ang ginawa sa lahat ng klase ni Kale. At sa lahat ng klaseng 'yon ay bored at inaantok lamang siya. Nang hindi na niya makayanan ang labis na antok ay nagpadala na siya rito at hindi na inalintana kung maipatawag siya sa office at madetention.
Nagising na lamang siya nang maramdaman niyang nagsitayuan ang kanyang mga kaklase at binati ang kararating na propesor na walang iba kung di si Ms. Montoya. Ipinagpasalamat naman ni Kale na hindi siya nito napansin at nagsimula nang mag-discuss.
Kahit napipilitan siyang kumilos para magsulat ng notes ay ginawa pa rin niya dahil panay ang malalagkit na tingin sa kanya ni Ms. Montoya. Ayaw naman niyang mapagalitan ulit siya nito. Sa tuwing titingin si Kale sa harapan ay nagtatama ang kanilang mga paningin kaya mabilis siyang nag-iiwas ng tingin. Naglalaro na naman sa isip niya kung sinasaltik na naman ang propesor na ito.
Dahil last subject na nila ay uwing-uwi na si Kale pero bago ang lahat ay may sasabihin pa sa kanila si Ms. Montoya tungkol sa intrams. Hindi na ito pinagtuunan ng pansin ni Kale dahil parehas lang naman ang sinasabi sa kanila ni Ms. Montoya at ng ibang propesor nila na nauna nang nag-announce.
Nagsilabasan na ang kanyang mga kaklase nang matapos ang anunsyo at maging si Kale ay akma nang lalabas nang marinig niyang sambitin ni Ms. Montoya ang kanyang pangalan.
"Ms. Oliveros, you stay. I'll talk to you." Nang makaalis na ang lahat ay naiwan na lamang silang dalawa at mabilis na lumapit ito kay Kale. Makalipas ang kalahating oras na pag-uusap nila ay inayos ni Kale ang kanyang nalukot na damit.
Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong hilahin palapit dito at bumulong. "Are you sure Kale? If not, then I'm going to punish you right now," at hinapit pa siya nito dahilan upang lalong magdikit ang kanilang mga katawan.
"Ah ma'am, I change my mind. Sasali na po ako," kinakabahang sagot ni Kale at nagsisimula na siyang pagpawisan.
"That's good Kale. I will train you every afternoon starting tomorrow. Be on time or else I will f—" 'Di na niya narinig ang huling sinabi nito dahil nagmamadali na siyang tumakbo para makaalis sa room na 'yon.
***
Kinabukasan ay pumasok na ulit si McKenzie at hindi pa rin sumasama sa kanila si Silver. Dahil na-suspend siya ng dalawang araw ay hindi niya palalampasin 'yon lalo na't ang sinisisi niyang may kasalanan nito ay ang lesbi na transferee.
"Good morning Kenzie! Glad you came back na from your bonggang suspension," sarkastikong bati ni Aubrey kay McKenzie at binati rin siya ng iba. Sabay-sabay na silang naupo sa kanilang famous place.
"Shut your mouth, bitch! Huwag mo akong sinisimulan, Collins," nanggigigil na banta niya sa kaibigan pero nginisian lang siya nito at inikutan ng mata.
Kasalukuyan silang nag-uusap tungkol sa kung ano ang nangyari sa mga nakalipas na araw na wala si McKenzie at itinanong nito kung nasaan na ang lesbi na transferee. Kating-kati na uli niyang pahirapan at kantiin ito. Hindi na siya makapaghintay pa dahil sa dalawang araw ay iniisip niya kung paano ito mawawala sa kanyang teritoryo.
"Zie, mukhang papalapit na rito 'yong target natin na lesbi. Ano ng gagawin natin?" sabi naman ni Black saka itinuro ang tinutukoy nito.
"Harangin niyo at huwag niyo ng pakawalan pa. Kayo ng bahala basta hawakan niyo nang mahigpit," mariing utos ni McKenzie sa mga lalaking kaibigan. "At kapag hawak niyo na, kaming tatlo na ang bahala."
Hindi na hinintay pa ng tatlong lalaki na makalapit si Kale sa puwesto nila at mabilis na nilapitan ito. Nang makalapit sila rito ay agad nila itong pinalibutan. Walang ano-ano'y hinawakan nang napakahigpit ni Reign ang kanang braso nito at si Tyler naman sa kaliwa. Nagtataka ang mukha ni Kale at hindi alam ang gagawin. Pilit itong nagpupumiglas pero nahihirapan lamang siya dahil sa bigat ng mga bisig na nakahawak sa kanya.
"Bitiwan niyo ako, puwede ba? Ayoko ng gulo. Nananahimik ako kaya pakawalan niyo na ako," malamig na usal ni Kale sa tatlo at sa halip na pakinggan siya ay marahas na tinanggal ni Black ang suot nitong beanie at may puwersang hinila ang hoodie nito dahilan upang mas lalo siyang hindi makakilos at masaktan pa.
Ngayon ay hawak na siya ng tatlong lalaki at pinagtitinginan na sila ng lahat ng nasa loob ng cafeteria. Walang emosyon siyang nakipagtitigan kay Black. Dahil doon ay mas lalong hinigpitan ni Black ang pagpilipit sa hoodie niya at halos hapit na ang kanyang suot sa kanyang katawan.
"Huwag mo kaming subukan lesbi. Hindi lang ito ang matitikman mo," pagbabanta ni Black kay Kale at bigla siyang binitiwan nito. Akala ni Kale ay okay na ngunit 'di niya inaasahan ang sumunod na pangyayari.
"Shit!" malakas na hiyaw nito na umalingawngaw sa buong cafeteria nang bigla siyang tuhudin nang malakas ni Black sa kanyang tiyan. "Fuck!" patuloy pa rin siya sa pagdaing dahil namimilipit siya sa sakit. Tuluyan na siyang napaluhod at umuubo dahil sa kanyang natamo. Naisin man niyang sapuin ang tiyan ay hindi niya magawa dahil sa mga malalakas na bisig na pumipigil sa kanya.
Hindi pa man siya nakakabawi sa sakit ay may marahas namang humila sa kanyang buhok upang maiangat ang kanyang mukha. Mukha ng may pakana ng lahat ng paghihirap na nararanasan niya ang tumambad sa kanya.
"Ano lesbi, masarap ba ha? Kabayaran mo 'yan sa lahat ng ginawa mo sa 'kin. Matigas ka rin talaga 'no?" Isang malutong at malakas na sampal ang dumapo sa kanyang kaliwang pisngi na naghatid na naman ng panibagong sakit sa kanyang buong katawan.
"Hanggang diyan na lang ba ang kaya mo ha?" mahina at hinihingal na sambit ni Kale habang nakayuko. Kahit gaano pa kasakit ang matamo ni Kale ay hindi niya ito alintana dahil sa isip niya ay wala pa ito sa mga sakit na naranasan at pinagdaanan niya sa buong buhay niya.
Akmang ibubuhos na ni McKenzie ang laman ng isang baso ng juice sa ulo ni Kale nang biglang may sumigaw at mabilis siyang sinugod.
"What the fuck did you do to Nixon huh? You fucking brainless bitch!" nanggigigil na hinila ni Ashley ang blouse ni McKenzie saka sinuntok ito sa mukha na siyang ikinabulagta ng huli sa sahig. "Mapapatay talaga kita McKenzie Knight Henderson!" Akmang tatadyakan uli niya ito nang may marahas na tumulak dito.
"You! Why did you do that to Kenzie?!" at sinabunutan ito ni Aubrey. Hindi na nakatiis si Natalie kaya lumapit na ito sa gawi ni McKenzie na kasalukuyang sapo-sapo ang nagdurugong labi.
Saktong dumating na rin sina Allison, Ian at Johansen na halos gulat na gulat at nabitiwan na ang mga pinamiling pagkain. Wala ng inaksayang oras ang tatlo dahil nakisali na rin sila sa gulo lalo na nang makita nilang pinagtutulungan ang kanilang kaibigan na si Kale.
Mabilis na sinugod ni Ian si Black at sinuntok ito sa tagiliran na siyang ikinahandusay nito habang si Johansen naman ay marahas na hinila si Tyler at Reign upang ilayo ito kay Kale na nakadapa na sa sahig at patuloy na umaaray sa sakit. Agad itong nilapitan ni Allison at inalalayang makatayo.
Nang maglalakad na silang dalawa upang umalis doon ay biglang nasiko nang malakas ni Tyler ang kanang bahagi ng mukha ni Kale sa may bandang kilay.
"Kale! Oh god!" Halos mamutla si Allison nang pumutok ang kilay ni Kale at nagsimula nang dumaloy ang pulang likido sa mukha nito. "Johansen! Tulungan mo ako! Si Kale, kailangan nating dalhin sa clinic!"
Parang walang nakarinig kay Allison at ang iba namang tao ro'n ay nakatingin lamang sa kanila dahil ayaw madawit sa gulo. "Kale, Kale! Gumising ka. Kale!" Niyuyugyog pa rin niya ito pero hindi ito nagre-respond. Takot at kaba ang bumabalot kay Allison habang kumakalat na sa kamay at damit niya ang pulang likidong nagmumula kay Kale.
"Students! What's going on?!" Isang propesor ang nakakita sa komosyong nagaganap sa cafeteria at hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at inutusan ang ibang estudyante na awatin ang mga ito. "All of you, to the dean's office, now!"
Nagulantang naman ang propesor nang makita ang duguan at nakahandusay na si Kale. Agad-agad itong lumapit at nagpatulong sa ibang estudyante upang dalhin ito sa clinic. Bumaling din ito kay Allison. "You too, follow me to the dean's office."
***
Parang mga nahuling kriminal ang itsura ng sampung estudyanteng nagsimula ng gulo sa cafeteria. Mga tahimik at nakayuko na animo'y sising-sisi at hiyang-hiya sa ginawang kabulastugan. Habang naglalakad sila ay may kasama pang isang propesor ang nakakita sa kanila at kusang humahawi ang mga estudyante sa tuwing dadaan ang mga sangkot. Lahat ay nakatingin at pinag-uusapan sila.
Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa tapat ng pinto ng opisina ni Dean Morgan. Tiningnan muna sila ng dalawang propesor bago tuluyang binuksan ang pinto at iginiya na silang pumasok.
Isa-isa silang pumasok habang nakayuko. Nang makapasok na silang sampu ay ang marahan na pagsara ng pinto ang tanging maririnig.
Nang makita ni Dean Morgan ang kanilang mga anyo ay malakas nitong ibinalibag ang desk at nabasag pa ang glass cover nito. "Wala na talaga kayong idinulot na maganda sa university na ito! Look at yourselves! Itsura ba 'yan ng matino at edukadong estudyante ha?!"
Pulang-pula na sa matinding galit ang mukha ni Dean Morgan at ang mga litid at ugat nito sa kamay at leeg ay nakikita na. Pigil na pigil ang nakakuyom nitong kamay at hindi na sila nito maatim na tingnan.
"At ikaw McKenzie Knight Henderson." Biglang siyang nanigas at hindi na alam ni McKenzie ang mararamdaman dahil nandoon ngayon sa loob ng opisina ang kanyang Daddy. Wala sa sariling napaangat siya ng tingin dito. "Tama ba ang nakikita ko ha McKenzie Knight? Kayong dalawa pa talaga ng pinsan mong si Ashley ang magpapatayan sa university ko?"
Hindi makapaniwala ang lahat sa narinig mula sa Daddy ni McKenzie lalong-lalo na siya. "At ano pa McKenzie Knight? Balak niyo rin bang patayin ang bagong transferee na matagal niyo ng pinagmamalupitan? At anong gagawin niyo kung may nangyaring masama sa kanya? Kung napuruhan at nalagay ang buhay niya sa peligro? Peperahin niyo na lang? Gano'n na lang ba ha? I don't even know what to call to the ten of you."
Nagsalita ulit si Dean Morgan na ngayon ay nagpipigil pa rin. "The ten of you are candidates for immediate expulsion. That's final. And for the victim, kami ng bahala kung anong gagawin namin sa kanya. And this will be the first and last time na makakakita ako ng mga estudyanteng hulas-hulas ang damit, puro galos, duguan, putok ang labi at may black eye. People like you have no place at the Henderson University. All of you get out and leave the university immediately."
"Except for McKenzie Knight Henderson and Ashley Grey," sabi ng isang baritonong boses. Mabilis na nagsilabasan ang lahat at maging si Dean Morgan ay iiling-iling na lumabas.
Nang aapat na sila sa silid ay kaagad na lumapit ang dalawang lalaki sa kanilang mga anak.
"Hindi ko inaasahan na sa pagkikita niyo ng pinsang mong si McKenzie ay ganito ang mangyayari. Sana hindi na kita pinabalik dito kung ganito lang pala ang mangyayari na mamiminsala lang kayo ng ibang tao," pangangaral ng ama kay Ashley.
"I agree with you, Argus. Magmula ngayon McKenzie Knight, binabawi ko na lahat-lahat at maging ang mga business mo lalo na ang Sunrise Knight Palace. Hindi ako mangingialam kung anong magiging desisyon ni Brandon sa inyo. I won't tolerate this and you know me McKenzie Knight. Ikaw ng bahala sa buhay mo."
Binalot ng takot at pangamba si McKenzie dahil ramdam niyang hindi nagbibiro ang kanya Daddy sa sinabi nito. Hindi na niya alam ang gagawin at napatulala na lang sa kawalan at pinipigilan ang nagbabadyang pagluha.
"I'll do the same with Ashley, Kuya Augustus. Dapat hindi pinapamarisan ang mga pinaggagagawa niyo lalo na ka-babae niyong tao nasasangkot kayo sa mga ganitong uri ng gulo. At kapag oras na nalaman naming may nangyari kay Kale, may kalalagyan kayo," seryosong lahad ni Argus sa dalawa na sinang-ayunan naman ni Augustus.
Nagpaalam na ang mag-amang Grey sa mag-amang Henderson at ang dalawang huli na lang ang natira.
"Umayos-ayos ka McKenzie Knight kung ayaw mong umabot ito kay Royce at sa mga Lastra. Alam niya ba na ganito ang girlfriend niya? Para sa transferee, huling-huli na ito na gagalawin niyo siya dahil kung hindi, 'di ko na alam. Pinapaalalahanan na kita at alam kong hindi kami nagkukulang ng Mom mo sa pangangaral sa 'yo. Mabuti na ang nagkakalinawan McKenzie Knight. Stay away from that transferee kung gusto mo ng maayos na buhay.
"Yes Dad," mahinang sambit ni McKenzie.
"And before anything else, you need to go to Spain tomorrow. Royce has something to tell you."