Chapter 17 - Chapter 17

Araw ng Lunes ay maagang pumasok si Kale sa Henderson University dahil may quiz sila. Hindi na siya nakapag-review dahil sa pagiging bisi niya sa trabaho. Bahala na nga kung bumagsak,sabi ng isip niya. Hindi na rin siya nag-abalang mag-almusal dahil tinatamad siyang magluto.

Nagpasalamat siya nang makarating siya nang maayos sa university na walang sumasalubong o bumabangga. Magiging maingat na ako ngayon. Baka mamaya may masalubong akong may saltik. Mahirap na.

Saktong alas-otso ay nasa room na si Kale at umupo na sa likod. Mamayang eight thirty pa magsisimula ang kanilang quiz kaya nakinig muna siya ng music at sumubsob sa kanyang mesa. Ang mga kaklase naman niya ay abala sa pagre-review. May mga aligaga, meron ding akala mo nag-o-orasyon o kaya'y nagdadasal.

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang tumahimik ang paligid kaya nag-angat siya ng tingin. Dumating na ang kanilang propesor. Na-miss ko bigla si sir panot.

"Okay class, keep all your notes and mobile gadgets. Your quiz is thirty items and you should finish it within thirty minutes. You may start now," at ibinigay na sa kanila ang test papers.

Nagsimula na silang magsagot sa test paper. Mukhang pangalan at date lang ata ang masasagutan ko rito ah, biro ni Kale sa sarili.

Tumingin siya sa paligid. 'Di niya maiwasang matawa dahil sa itsura ng mga kaklase niyang mukhang ewan. May mukhang natatae, may pinagpapawisan na pero naka-aircon naman at ang iba nama'y 'di na nagsagot.

Makalipas ang labinlimang minuto ay tumayo na si Kale at nagpasa. "Are you done, Ms. Oliveros? You may leave now," sabi sa kanya ng propesor nang maipasa niya ang kanyang test paper at lumabas na.

Saan naman kaya puwedeng tumambay? Eight forty five pa lang, mamaya pang ten-thirty ang susunod kong klase.

Napagdesisyunan niya munang maglibot-libot hanggang sa napadpad siya sa isang garden. Ngunit may naririnig siyang impit na tunog at tila may nagtatalo. Pinuntahan niya kung saan nagmumula ang tunog na 'yon.

Laking gulat ni Kale nang makita ang tatlong babae. Ang isang babae ay mahigpit na hawak-hawak ng isa samantalang ang isa nama'y akmang sasampalin ito kaya sumigaw siya na sapat lang para marinig ng mga ito.

"Hoy! Ano 'yan? Bakit niyo siya pinagtutulungan?" sigaw niya sa mga ito at nagulat naman ang mga ito kaya kumaripas agad ng takbo ang dalawa at naiwan ang babaeng sa tingin niya ay ang binubully.

"Miss, okay ka lang ba?"

"O-okay lang po ako. Sa-salamat po k-kuya."

"Ah miss, hindi ako lalaki, babae ako. Sa susunod, mag-iingat ka at 'wag sumama sa mga 'yon." Nakatulala lang ang babae kay Kale.

"Sige, miss mauuna na ako," at tuluyan na siyang umalis. Hindi na niya hinintay pang magsalita ang babae. Pipi ata at mukhang may tama rin.

Umupo na si Kale sa isang bench sa garden at pumikit. Ang sarap ng hangin dito. Napakasariwa at presko. Hindi niya alintana ang init dahil may mga puno at may mga huni rin ng ibon na napakasarap pakinggan. Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Payapa. Walang istorbo. At higit sa lahat, malaya ako. Malaya sa lahat.

Iminulat na niya ang kanyang mga mata at pinagmasdan ang magandang tanawin sa garden. Napakaganda. Hindi lang ito basta garden. Para itong paraiso. May lake sa dulo at may mga naggagandahang bulaklak sa paligid. May pond rin at bridge upang makatawid.

Biglang tumunog ang kanyang relo kaya napatingin siya rito. Ten fifteen na kaya nagpasya na siyang umalis at pumunta na sa kanyang klase. Babalik na lamang siya rito sa susunod.

Nang nasa klase na siya ay nagle-lecture lang ang kanilang propesor. Napakaboring. Isa't kalahating oras pa bago mag-lunch. 'Di na lang ako makikinig at itutulog ko na lang.

***

Kasalukuyan siyang nasa cafeteria dahil sa wakas ay lunch break na. Natapos din ang nakakaantok nilang klase.

Nakapila siya at um-order ng tubig at crackers. Sanay na siya sa ganitong lunch niya dahil 'di siya mayaman para makabili ng mga gintong pagkain sa cafeteria.

Nang naghahanap si Kale ng mauupuan ay nahagip ng paningin niya ang isang puwesto. Nandoon na ulit ang mga bullies at kumpleto na sila. Mukhang okay na sila. Pero ako? Iiwasan ko na lang. Mga isip-bata.

Iwinaglit na niya ang isiping 'yon at dumiretso na lang at hindi dumaan sa gawi na 'yon. Pero dahil sa sinusuwerte si Kale ay wala siyang madaanan dahil pinagtabi-tabi ng mga estudyante ang mesa at upuan para sama-sama ang mga ito at ang tanging daan na lang ay ang malapit sa puwesto ng mga bullies na. Bahala na.

Malapit na si Kale sa mga ito pero hindi siya lumilingon sa gawi ng mga ito. Kaunti na lang ay makakalampas na ako ng walang luma-landing at hindi naliligo ng pagkain. Isang hakbang na lang at sa wak-

"Hoy pre! Saan ka pupunta ha? Akala mo ba makakalusot ka?"

Bigla siya nitong hinila kaya nasagi niya ang babaeng katabi nito na may hawak na milktea kaya walang ano-ano'y ibinuhos nito sa kanya ang hawak na inumin.

"Ops. I'm sorry, lesbi. I didn't mean to do it. Nasagi mo kasi ako eh," at ngumisi pa talaga ito sa kanya.

Sumusobra na sila. Konting-konti na lang talaga. Grabeng pagtitimpi na ang ginawa ko. Wala sa sariling naikuyom niya ang sariling palad.

Mayamaya ay naramdaman ni Kale na may malapot sa kanyang ulo at medyo basa-basa pa.

"Ay pre, pasensya na nadulas 'yong hawak kong macaroni eh," at nagtawanan ang mga ito maging ang ibang estudyanteng nasa cafeteria ngayon.

Hiyang-hiya na si Kale pero wala siyang balak gumanti. Hahayaan na lang niya ang mga itong magsawa. Binitiwan na siya ng lalaking humila sa kanya at akmang aalis na siya nang patirin siya ng babaeng pumatid sa kanya no'ng una.

Napadapa si Kale ng tuluyan sa sahig at lalong lumakas ang tawanan. Naramdaman na lang niya na may malamig na tumutulo sa kanyang ulo. Isang shake naman ang ipinaligo sa 'kin. Basa na ang beanie ko pati na rin ang eyeglasses ko. Sobrang dugyot ko na.

"Remember me lesbi? 'Di ka nababagay dito. Get lost!" at ngumiti ito sa kanya nang nakakaloko.

Tatayo na sana siya nang biglang may tumawag sa kanya na pamilyar na boses.

"Kale!"

Lumingon siya at nagulat nang mapagtanto kung sino ang tumawag sa kanya. Johansen?

"Jo-Johansen? Anong ginagawa mo rito?" naguguluhan niyang tanong.

"Bakla! Anong klaseng tanong 'yan? Malamang dito ako nag-aaral!" malakas na tili nito at patakbong lumapit kay Kale.

"Sinong gumawa sa 'yo niyan, babe? Isang pamilyar na boses na naman ang tumawag sa kanya ngunit may halong galit at diin ang pagtatanong nito at seryosong nakatingin sa kanya.

"A-Ashley?"

"I don't want to repeat myself. Who did this to her?! Anyone?!" Ramdam na ramdam ni Kale ang tensyon sa loob ng cafeteria. Halos lahat ay takot na takot at tahimik, ni walang gumagalaw.

Kahit ang mga bullies ay mukhang shock na shock na nakatingin sa kanila at hindi rin gumagalaw.

"Teka lang President, kalma ka lang. Para kang papatay eh."

"Inuutusan mo ba ako ha Secretary? Ayoko sa lahat ay binabastos at sinasamantala ang taong pinakainiingatan ko. Wala akong pakialam kung makapatay ako."

"Sabi ko nga po Pres. Tatahimik na po ako. Zip na ang mouth ko. Pero Pres, obvious naman na kung sino ang may gawa," at tinuro nito ang gawi ng mga bullies.

Tumingin ito nang napakatalim doon at kung nakakamatay lang ang tingin ni Ashley ay kanina pa bulagta ang mga ito. Akmang lalapit na si Ashley sa mga ito nang pigilan ito ni Kale.

"Ash, hayaan mo na sila. Okay lang ako. Huwag mo na lang patulan," at inalalayan siya nitong tumayo.

"Sigurado ka ba babe? Kung 'yan ang gusto mo. Sasamahan na lang kitang magpalit. May dala ka bang damit?"

Shit! Nakalimutan ko magbaon ng damit.

"Ah eh...nakalimutan ko babe, sorry." Napakamot na lang si Kale sa kanyang batok.

"Sabi ko na nga ba. I'll take care of you. Doon na lang tayo sa office ko," at bago pa sila tuluyang makaalis ay nagsalita pa ulit si Ashley.

"Sa susunod na maulit pa ito ay sinisigurado kong may kalalagyan ang sino mang kumanti sa babaeng gusto ko."

Hindi na narinig ni Kale ang huling sinabi ni Ashley dahil hinila na siya ni Johansen palayo at ito na ang umalalay sa kanya at nauna na silang dalawa. Ang alam lang ni Kale ay matalim na tumitig si Ashley sa babaeng pumatid sa kanya.

"Hoy bakla, kumusta ka na? Sa wakas dito ka na rin nag-aaral. Magkakasama na tayo ng tropa! Buo na uli ang squad, bongga!" malakas pa ring sigaw ni Johanse habang patuloy siyang kinakaladkad.

"Tatanungin mo pa ako kung kumusta na ako. 'Di pa ba halata ha Johansen? Ginigigil mo rin ako eh," sarkastikong sagot ni Kale.

"Alam mo kadiri ka talaga 'no? Ilang beses ko na ngang sinabi na hindi kasi Johansen kung di Joana!"

"Okay, okay. Gets ko na Junior."

"Lumayo-layo ka nga sa 'kin ang dugyot mo!" at tinakbuhan na siya nito.

Patuloy lang si Kale sa paghabol at pagtawag dito at 'di niya namalayan na kasabay na pala niya si Ashley. Sabay na silang nakarating sa student council office at prente nang nakaupo si Johansen.

"Babe, maliligo na ako ha, ang lagkit na kasi ng pakiramdam ko eh. Puwede ba?" paalam niya kay Ashley.

"Sige babe. Andiyan lang 'yong cr. Take your time. Iaabot ko na lang ang mga damit na ipapahiram ko sa 'yo," at ngumiti ito sa kanya.

Dali-dali nang pumasok si Kale sa cr at naghubad. Binuksan niya ang shower at nagbabad. Ngayon lang niya napansin na malaki ang kabuuan ng cr. Modern ang style nito. Parang gano'n sa mga hotel o condo pero mas malaki pa ito at maganda. Nakapikit siya habang nagsasabon nang biglang may naramdaman siyang hubad na katawan na yumakap sa kanyang likod.

"Babe, let's have..." 'Di na nito tinapos ang sasabihin at niyakap na si Kale nang mahigpit at isinandal nang marahas sa pader. Kasabay nito ang pag-agos ng malamig na tubig sa kanilang katawan.