Chapter 13 - Chapter 13

Araw ng Martes at nasa Henderson University si Kale. Ngayon ang first day niya rito at simula ngayon ay dito na siya papasok. Hinding-hindi niya makakalimutan kung paano nangyari ang pagpasok niya rito.

Nakapag-decide na ako na hindi pa rin ako pipirma kahit ilang beses akong kinukulit na tanggapin ang scholarship. Ayaw kong pumasok sa isang private university na kung saan puro mayayaman lang ang pinapaboran. Hindi naman dahil sa mahirap ako, para sa akin ay mas okay na ako kung saan ako nag-aaral ngayon at hindi ko pinangarap na pumasok sa mundo na tanging mayayaman lang ang tinitingala.

Kinabukasan ay pumasok na ako at dumiretso na sa aming classroom. Hindi ko naabutan ang dalawa kong kaibigan. Mayamaya ay dumating na ang prof namin at nag-check na ng attendance. Nagtaka ako kasi hindi niya nabanggit ang pangalan ko na madalas ay ako pa ang unang natatawag. Kaya nagtaas ako ng kamay para sabihin na hindi ako natawag.

Tumingin naman ito sa akin ng seryoso at sinabihang mag-usap kami sa labas.

Nasa labas na kami nang bigla itong nagsalita.

"Ms. Oliveros, I'm sorry pero hindi ka na puwedeng pumasok sa klase ko."

"Ha? Bakit po sir? May bagsak po ba ako?" nagtataka kong tanong dahil kapag nagkataon ay mahihirapan akong ituloy ang aking pag-aaral.

"Pasensya ka na. Siguro nga ay 'di mo pa alam. Mas mabuti siguro kung puntahan mo si dean para maliwanagan ka," huling sabi nito at tuluyan na akong tinalikuran.

Agad-agad naman akong nagtungo sa office ni dean. Kumatok muna ako at mayamaya ay pinagbuksan ako ng pinto.

"Good morning po dean. May gusto po sana akong itanong."

"Good morning din sa 'yo Ms. Oliveros. Ano iyon?"

"Ano po kasi dean, pumasok po ako sa isang klase ko pero sabi sa 'kin ng prof na hindi na raw po ako puwedeng pumasok sa klase niya. Gusto ko po sanang malaman kung ano po ang dahilan gayong wala naman po akong bagsak."

"Ah, Ms. Oliveros, una sa lahat, alam kong aware ka na kilala ka sa university natin 'di ba? Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nakikilala ito. Labis kaming nagpapasalamat at nagagalak dahil binigyan mo ng pride ang ating pamantasan. Pero lingid sa iyong kaalaman na pinupuntahan din kami ng palihim at kinakausap ng ilan sa mga staff ng Henderson University. Nakatanggap kami ng threats kaya pumayag kami sa deal nila upang mas mapaganda at matulungan ang ating pamantasan. Titigilan lang nila ang ating pamantasan kung i-da-drop ka namin bilang estudyante rito. Kaya wala kaming nagawa. Ing-drop na kita sa lahat ng subjects mo, Ms. Oliveros. Sa totoo lang, ayaw talaga kitang bitiwan kasi isa ka sa mga pinakamagaling na estudyante rito. I don't have a choice. I'm sorry. 'Di ka namin makakalimutan dito at puwede ka pa ring bumisita kung gusto mo o 'di ka busy," mahabang paliwanag nito sa akin.

Hanggang ngayon ay dismayado pa rin si Kale dahil sa walang kuwentang dahilan kung bakit transferred na siya sa tingin niyang mukhang walang kuwentang private university. Ano pa nga bang magagawa ko kahit ayaw ko ay nandito na ako. Ang dali naman nila akong bitiwan matapos ang lahat. Wala siyang mga kilala rito. Bahala na. 'Di bale sanay na akong mag-isa kahit wala pa si dude at Yan noon.

Nakakawalang ganang pumasok dito. Ayaw ko kasi sa ganitong environment. Mapanghusga at nakakapanliit. Hindi ko rin alam kung saan ang magiging room ko. Bahala na. Wala naman akong pake sa paligid kung ano man ang sasabihin nila sa 'kin. Bahala sila kung naka-black na jogging pants at hoodie lang ako papasok.

Ngayon ay naglilibot-libot si Kale at hinahanap ang registrar. Nagkataon na masama pa ang kanyang pakiramdam kaya naka-mask ito. Nilalamig din siya. Ano na Nixon, kaya pa?

Mayamaya ay may nakasalubong siyang isang babae. Sa tingin niya ay isa itong professor base sa suot nitong uniform. Parang natatandaan ko ang mukha niya. Nabigla naman siya nang batiin siya nito.

"Hello Mr.? Do you need something?" tanong nito sa kanya.

Mukha ba akong lalaki at tinawag akong mister? Hindi niya siguro naaninag ang mukha ko.

Itinaas ni Kale ang suot niyang salamin na may photochromic lenses saka ibinaba ang mask para makita siya nito at saka niya binati ang babae.

"Good morning po ma'am, mag­—" 'Di niya na natapos ang kanyang sasabihin dahil nagsalita ulit ito.

"Oh! It's you, Ms. Kale Nixon Oliveros. I'm glad that you accepted my offer and you're here now," masayang bati ng babae.

"Ah, yes ma'am," tipid niyang sagot dahil 'di naman niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman dahil sa kanyang paglipat.

"By the way, I'm Ms. Ysabelle Montoya. I'm a new professor here. So, I assume na 'di mo pa alam kung saan ang room mo? Don't worry, you are already enrolled here in your preferred program which is BS Civil Engineering right?"

"Yes po, Ms. Montoya."

"That's nice then. Anyways, before I tour you around the campus, the dean wants to meet you first. Shall we go?"

Sumunod na si Kale at umalis na sila. Pagdating nila sa building ng College of Engineering and Architecture ay napansin niya ang napakalaki at moderno nitong istruktura. There's really no doubt that this university is for the rich.

"Good morning Mr. Morgan. Finally, Ms. Oliveros is here," nakangiti nang malapad na saad ni Ms. Montoya sa lalaking naka-suit at nakaupo sa swivel chair. Ngumiti rin ito pabalik sa kanila.

Umupo na si Kale at Ms. Montoya sa dalawang upuan na nakatapat sa desk ni Mr. Morgan at kinausap siya.

"Good morning again, Ms. Oliveros. I am Engr. Brandon Morgan, the dean of College of Engineering and Architecture. Let's get to the point. We are very grateful that finally, you signed the scholarship that Ms. Montoya has offered. I'm going to discuss the merits and demerits of the scholarship," mahabang litanya nito. Binati rin ito ni Kale at nakinig na sa mga sasabihin ni Mr.Morgan.

Makalipas ang isang oras ay natapos na sila at hindi na rin nagtanong si Kale. 'Di rin naman siya nakinig. Ganyan naman lagi. Sa una lang magandang pakinggan. Nakakatamad 'yong mga ganito. Puro pleasantries and such. Very tiring and nonsense.

"Thank you, dean. I think I need to go," simpleng sagot ni Kale at nakipagkamay na. Nagpaalam na rin ito sa kanya. Nag-usap muna si Mr. Morgan at Ms. Montoya saglit at umalis na sila sa office ni dean.

Sinimulan na siyang i-tour sa buong campus at nagbigay na rin ito ng mga impormasyon tungkol sa mga pinupuntahan nila. Parang 'di naman siya new professor dito kasi ang dami niyang alam. Ang galing niyang magpaliwanag.

Habang nagsasalita ito ay tinitingnan ito ni Kale, ang kabuuan nito. She has the looks. A physical feature of a Japanese and a body like a model, puri ni Kale sa bagong professor sa kanyang isip.

Napansin ni Ms. Montoya na nakatulala siya kaya nagbawi agad ng tingin si Kale. Nakakahiya naman. Baka anong isipin niya. I just have a habit of familiarizing faces.

Halos nalibot na nilang dalawa ang buong campus at ang huli nilang pinuntahan ay ang magiging room ni Kale kung saan sobrang layo nito kung nasaan siya kanina. 'Di na rin masama para sa kanya dahil nasa first floor lang ang kanyang room. Medyo malapit ang kanilang building sa College of Accountancy and Finance at sa cafeteria.

"So, see you around Ms. Oliveros. I have classes to attend to," paalam nito kay Kale at ikinagulat niya ang sumunod nitong ginawa. Lumapit ito sa kanya at bumulong sa kanya na ikinatindig ng balahibo niya.

"See you next time in my office, Kale," at ni-lick nito ang lower lip niya saka ngumisi kay Kale at tuluyan nang umalis.

Akala ko mga mayayaman lang ang nakakabuwisit dito, mga prof din pala. Nakakakilabot.

Dahil naninibago at hindi pa siya pamilyar sa buong campus, napagpasiyahan niya munang magpa-ID at asikasuhin ang iba niya pang documents. Saglit lang ang pagproseso dahil nakuha rin niya agad ang kanyang ID pati na rin ang mga documents niya ay okay na.

Walang magawa si Kale kaya namasyal-masyal muna siya para hanapin ang library na matatambayan niya. Papunta na sana siya nang bigla siyang napatingin sa kanyang relo at naalalang may appointment pala siya.

Umalis na siya at dumiretso na sa kanyang pupuntahan.

***

"Sir, seven tablets po ng Prozac, twenty milligrams? 'Yon lang po ba?" tanong kay Kale ng pharmacist.

"Please add one liter of mineral water," dagdag niya. Nagsimula na itong mag-type. Naghintay pa muna siya ng ilang saglit.

"Sir, ito na po ang seven tablets ng Prozac at isang litrong tubig," sabay abot sa kanya ng kanyang prescription at nagbayad na. Matapos ay tumungo na siya sa Valencia Therapy and Counselling Clinic.

Pagdating ni Kale ay umupo muna siya sa reception area. May fifteen minutes pa bago ang aking session. Kinuha niya muna ang kanyang Walkman at ipinasak na ang sariling earphones.

Makalipas ang ilang minuto ay may lumapit na sa harap niya at pag-angat niya ng tingin ay ang nakangiting mukha ni Dr. Valencia ang nasilayan niya. Iginiya na siya nito papasok sa office ng doktor at nagsimula na ang kanyang therapy session.

Tinanong si ni Dr. Valencia kung kumusta na ang kanyang kondisyon at kung may pagbabago sa kanyang mood at behavior. Habang sinasagot ni Kale ang mga tanong ng doktor ay isinusulat nito ang mga ito. Sinasabi rin ng doktor kung gaano siya ka-proud sa improvement ni Kale kumpara pinakauna nilang session. Nagkuwentuhan din sila tungkol sa mga ginagawa niya at pinayuhan din siya nito kung paano makaka-cope-up.

"You're doing good Kale. Keep going and don't give up. I'm very glad na malaki na ang ipinagbago mo compared from last three years ago. Don't forget to take your medicines and if you have a problem and need someone to talk to, I'm always available," kalmado at nakangiting sambit ni Dr. Valencia kay Kale.

"Thank you so much, Dr. Val. It's already time," pasasalamat ni Kale sa doktor at niyakap naman siya nito at nagpaalam na rin. "Take care of yourself always, Kale. See you again soon."

Nagmamadali nang umalis si Kale sa clinic dahil baka hindi na niya maabutan ang kikitain niya sa downtown alley. Patakbo na siyang pumunta at ilang minuto lang ay nakarating na rin siya at saktong nandoon na rin ang taong pagbibigyan niya.

"I'm sorry sir if I came late. This is the envelope that contains my new sketches and designs. If there are any problems or need to be improved, just message me right away," hinihingal niyang saad at iniabot ang isang long brown envelope sa lalaking naka-black trench coat at may suot na fedora hat habang naka-sunglasses.

"No problem ma'am. Thank you for trusting me about this. I'll do what you say. Just wait for the funds to be transferred in your account, miss. I gotta go," nag-bow muna ito saka mabilis na umalis. Tago kasi ang lugar na kanilang pinag-usapan kaya umalis na rin agad si Kale at baka may makakita.

***

Pagdating ni Kale sa kanyang apartment ay agad siyang naligo. Nang matapos na siyang mag-ayos ng sarili ay pumasok na siya sa kanyang restricted room at nagsimula na ulit mag-drawing ng iba pang designs. Nasa kalagitnaan na siya ng biglang nagsalita si Shadow.

"Put me on the line please," sabi niya rito at mayamaya lang ay may masayang tinig na siyang narinig.

"Oh, bloody hell, mate! Finally, you answered! How are you doing? I missed you so much!

"Hey there, G. It's been a while you know. I'm fine and busy as well. Why did you call?

"You're always busy, mate. I called because I'm hoping that one day, I'll find you and damn, it's been years since I lost my contact with you. Anyways, I'm busy with the company and how foolish I am for all this time. You never changed, mate. I gotta go, I love you."

Matapos sabihin 'yon ng kanyang kausap ay pinatay na niya ang tawag at ipinagpatuloy na ang kanyang ginagawa. Makalipas ang dalawang oras ay natapos din siya sa pag-do-drawing at umidlip muna.

Nagising na lang uli siya sa ingay ni Shadow at naghanda na para sa kanyang trabaho. Umalis na si Kale sa kanyang apartment at pumunta na sa bar. Pagpasok niya sa trabaho ay wala gaanong customers kumpara no'ng mga nakaraang araw. Nagtaka naman siya dahil nadatnan niya si dude at Yan na nakaupo sa bar stool at mukhang malungkot ang mga ito.

"Hey," bati ni Kale sa dalawa nang makalapit siya sa puwesto ng mga ito. Mabilis ang mga itong nag-angat ng tingin at niyakap agad si Kale. Parang ang tagal naman naming hindi nagkita kung makayakap silang dalawa.

Nagkumustahan lang ang tatlong magkakaibigan at dahil wala gaanong tao ay pumunta muna sila sa rooftop at doon tumambay.