"Zie, hoy! Gising na, umaga na! Mga tomador, tanghali na!" Nagising na lamang si McKenzie dahil sa sigaw na 'yon at napasapo siya sa kanyang ulong parang binibiyak. Hangover na naman. Shit, hindi ko na maalala kung anong nangyari kagabi at paano ako napunta rito, aniya sa sarili. Lahat silang babae ay nasa guest room nina Tyler.
"Girls, anong nangyari kagabi? I can't remember anything," tanong niya habang hinihilot ang sentido.
"Nothing Kenzie. We were wasted. Nat made akay-akay sa 'yo and I changed your clothes. We did the same with Silver," sagot naman ni Aubrey habang nag-re-retouch.
Nagpasalamat naman siya at bumaba na sila papuntang kusina. Nadatnan nila ang boys na nakaupo habang hilot-hilot ng mga ito ang kani-kanilang sentido. Si Black naman ay nagsusuka.
"Guys, I need to go now. May pasok pa tayo. Ty, thank you so much for last night's party," paalam ni McKenzie sa kanila at umalis na ito para umuwi at maghanda sa kanyang pagpasok.
***
Nasa Henderson University na si McKenzie at second subject na nila. Kahit may hangover at puyat ay pinilit niyang pumasok. Nagpa-quiz lang ang kanilang propesor na once in a blue moon lang kung magturo at madalas pang magbigay ng assignment.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtuturo muna ito ngayon. Nagpasalamat naman si McKenzie sa suot niyang tinted eyeglasses dahil malaya siyang makakatulog sa klase. Wala ako sa mood makinig at inaantok ako dahil sa party namin kagabi.
Nagising na lamang siya nang marinig ang mga yabag at tunog ng mga upuan na hudyat na uwian na. Tumayo na si McKenzie at nagmamadaling umalis papuntang cafeteria. It's lunch break time.
Pagdating niya sa cafeteria ay napakabisi at kumpol-kumpol ang mga estudyante na nagbubulungan. Stupid people. Saktong nandoon na rin ang gang sa famous place nila kaya dumiretso na siya ro'n at umupo sa tabi ni Aubrey. Agad naman nila siyang binati.
"Wazzup Mc!"
"Yow Zie!"
"Kenz! You know what? May bagong transferee rito sa Henderson University. Ano ng balak mo?" masayang turan ni Natalie sabay turo sa isang lalaking nakaitim na hoodie at jogging pants. May suot din itong beanie at nakasalamin.
Napangisi si McKenzie sa sinabi ni Natalie. Alam na alam talaga niya kung ano ang gusto kong mangyari. Nakangiti rin nang nakakaloko ang kanyang mga kasama habang nakatingin sa kanya. Hinihintay ng mga ito ang kanyang gagawin .
Nang naglalakad na ito papalapit sa kanilang puwesto at mukhang naghahanap ng mauupuan ay biglang iniharang ni McKenzie ang kanyang kaliwang paa dahilan upang mapatid ito.
"Ay, I'm sorry. 'Di kasi kita napansin eh. Nakaharang ka kasi," maarte at peke niyang sabi.
Pagkangudngud nito sa sahig ay siya namang pagtabig ni Aubrey sa kanyang soda. Tumayo naman si Natalie habang hawak ang isang plato ng carbonara. Maglalakad na sana ito palapit kay McKenzie nang bigla itong hinila ni Silver kaya nadulas sa kamay ni Natalie ang hawak na plato at natapon sa lalaking nakadapa ngayon.
"Ow, I didn't mean to do it. I was going to hand over the soda kaso natabig ko," peke ring saad ni Aubrey at palihim na ngumisi.
Umalingawngaw ang malakas na tawanan ng mga estudyante sa loob ng cafeteria at patuloy ang mga bulungan at tsismisan. Lahat ng nasa cafeteria ngayon ay nakatingin sa kanila lalo na sa taong nakahalik sa sahig.
Imbes na mainis si Natalie sa ginawa ni Silver ay ngumisi pa ito sabay labas ng kanyang selpon at pinicture-an ang kanilang target. Nakabukas pa talaga ang flash ng camera nito.
"Puwede ba pre, 'wag ka rito. Bawal ang paharang-harang at istorbo rito," sigang saad ni Reign kahit pigil na pigil na itong tatawa.
"Oo nga pre, ke-lalaking tao mo ang lampa-lampa mo! 'Yong totoo bakla ka ba ha?" at sabay-sabay na nagtawanan saka nag-apiran ang tatlong mokong.
Dali-daling tumayo ang taong pinagdiskitahan nila saka tumakbo paalis habang sila ay patuloy lang na nagkakasiyahan dahil sa nangyari. Bigla namang tumunog ang selpon ni McKenzie at tiningnan ito.
Pagbukas niya ay napakaraming notifications at pinindot ito. Ipi-nost ni Natalie ang picture kanina sa Hender's Talk. Ito ay isang app na tanging ang mga estudyante lang ng Henderson University ang puwedeng gumamit at may access. In short, isa itong gossip app at ang gumawa nito ay walang iba kung di isang tsismosa rin.
Ilang minuto lang ay nagpaalam na sila sa isa't isa upang bumalik na sa kani-kanilang klase. Sinabihan rin ni McKenzie ang mga ito na ituloy lang ang pagpo-post sa app o kung anumang gusto nilang gawin sa kanilang mga targets.
***
Nasa isang napaka-boring na klase na naman si McKenzie at nakatunganga.
"Okay class, get one whole sheet of paper. We'll be having our quiz today. It is an essay-type," utos na naman ng isa nilang propesor na mahilig magpa-essay. As if binabasa niya 'yong mga sagot namin lalo na 'yong sa 'kin. Baka maintindihan niya.
Sumunod naman agad sila kahit ayaw nila dahil biglaan ang letseng quiz. Nanggigigil siya sa nakakaantok pa sa mga oras na 'yon.
Buwisit 'tong prof na 'to puro lang naman siya basa pero ang lakas magpa-essay.
"Finished or not finished, pass your papers. Late papers will be considered zero."
Dali-dali silang nagpasa. 'Yong iba halos itapal na sa mukha ng kanilang propesor ang papel. Nang makapagpasa na ang lahat ay nagpaalam na ang kanilang propesor at umalis na.
"Buwisit talagang si panot 'yon! Hilig magpa-quiz!" sabi ng kaklase niyang lalaki sa likod.
Dumating na agad ang sumunod nilang propesor. Alas-dos pa lang, punyeta. Sa sobrang bagal ng oras ay gusto nang umuwi ni McKenzie. At ito na naman, quiz agad kami, letse. Kapapasok pa lang niya.
Ibinigay na ng kanilang propesor sa kanila ang test papers at sila ay nagsagot na.
Nang matapos si McKenzie ay ipinasa na agad niya ang kanyang test paper. Sumunod naman ang iba niyang kaklase. Nang wala ng natira ay umalis na ang kanilang propesor.
Ano kayang meron ngayong araw na ito at puro pa-quiz ang mga prof? Para namang nagdi-discuss sila.
***
Alas-tres na ng hapon at vacant nila. Napagpasiyahan niyang tumambay sa famous place nila. Tulad ng dati ay nakatingin lang sa kanya ang ibang narorooon. Ang iba naman ay gustong lumapit sa kanya ngunit sinasamaan niya ang mga ito ng tingin kaya dali-dali naman ang mga itong naglakad palayo.
Namili si McKenzie ng sandwich at isang milktea. Pagkatapos niyang makuha ang order, bumalik na siya sa kanyang puwesto ngunit may bumangga sa kanya kaya natapon ang binili niyang milktea sa kanyang damit.
"I'm sorry po Miss McKenzie! Sorry po talaga! Nagmamadali po kasi ako at 'di ko po kayo napansin. Pasensiya na po talaga," hinging paumanhin ng babae. Bakas ang kaba at takot sa mukha nito.
"Sa tingin mo maibabalik ng sorry mo 'tong mga in-order ko pati na rin ang basa kong damit ha? " Dahil may natira pang kaunti ay ibinuhos niya sa ulo ng babae ang milktea at itinapon pa ang lalagyan nito rito.
"From now on, you're kicked out! Pack your things and I don't want to see any poor and stupid person like you here! Do you understand?"
"Pero Miss Mc—"
"Shut your fucking mouth! Get out now!"
Dali-daling lumabas ang babae at halos ang lahat ay nakatingin sa kanyang gawi kaya tiningnan niya ang mga ito nang matalim. Nagmamadaling umalis ang mga ito habang ang iba'y ipinagpatuloy ang ginagawa.
Shit! Ang lagkit-lagkit ko na. Kasalukuyan siyang nasa cr at nagpapalit ng damit. Buti na lang I'm always ready sa mga ganito. Nagsuot na lang siya ng simpleng t-shirt tutal ay malapit na ang kanilang uwian.
"Kenz, nabalitaan namin 'yong nangyari sa cafeteria. Kinick-out mo raw 'yong isang estudyante.," bungad sa kanya ni Natalie nang makasalubong niya ito paglabas niya ng cr.
"Please Nat, 'wag mo ng ipaalala. And the hell I care kung kinick-out ko siya. Ayoko ng tatanga-tanga rito sa campus."
Dumiretso na si McKenzie sa parking lot at pinasibad ang kanyang sasakyan. Nang makauwi siya ng kanyang penthouse ay nagpalit muna siya ng damit saka humiga sa kama. Matutulog muna ako. Nakakapagod ngayong araw.
***
Patuloy lang sa pangbu-bully ang grupo ni McKenzie sa Henderson University. Nasa library sila ngayon. Dito muna sila tumambay para maiba. At hindi rin nila ugaling mag-aaral dito. Silang tatlo nina Aubrey at Natalie ay kasalukuyang nagba-browse sa Hender's Talk habang magkakatabi sa isang modern couch.
Sina Reign, Black, Tyler at Silver naman ay malayo sa kanilang tatlo at patagong nagkukumpulan. Kahit nagtatago ang mga ito ay alam ni McKenzie na FHM ang binabasa ng mga ito kahit na may hawak pang martial art books si Tyler at Silver ay doon pa rin sa magasin sila nakatutok.
Alam ko na 'yang mga galawan niyong patago-tago. Magtago ka pa talaga Black kay Aubrey ha. Kahit kailan talaga napakapasimuno ni Reign. Pati itong si Eiji, nakikisama rin. Lalo na si Ty na tahimik at konserbatibo ay nahahawa sa kamunduhan nila.
"Kenzie, look. Girl pala 'yong transferee student na binully natin kahapon sa cafeteria," saad ni Aubrey at ipinakita kay McKenzie ang isang post kung saan hindi nito suot ang beanie. Kung hindi titingnang maigi ang larawan nito ay aakalain talagang lalaki dahil sa maikli nitong buhok na kulay tinta. Idagdag pa ang dark eyeglasses nito.
"Wait, siya rin ba 'yan? Is she a les?" pigil ni McKenzie kay Aubrey habang patuloy ito sa pag-i-scroll nang mapansin niya pa ang isang post kung saan nakuhanan ito nang nakatalikod habang yakap ang isang babae at tila naghahalikan ang mga ito.
"I think so, Kenzie. Dumarami na ata ang mga tulad nila rito sa H.U."
Tiningnan ulit ni McKenzie ang post at binasa ang caption. Lesbian? Not allowed in Henderson University. Umani ito ng maraming reactions at comments pero marami ang nakikisang-ayon sa caption.
Hinayaan na ulit niya si Aubrey habang si Natalie naman ay tahimik at bisi sa sariling selpon. Itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa kanyang selpon at hinayaan na ang mga kasama sa kani-kanilang mundo.
***
"Hoy Reign, anong inilalagay mo diyan? Ssaka ba't may masangsang na amoy?" tanong ni Black habang ipit nito ang ilong. Ang magkakaibigan ay nasa hallway kung nasaan ang mga lockers ng mga estudyante. Tulad ng sinabi ni Black ay napatakip sila ng ilong dahil sa nakakasukang amoy.
"Pre, 'wag ka ngang maingay. Ito ba 'yong locker no'ng transferee student?" mahinang tanong ni Reign sa kanila habang dahan-dahang binubuksan ang isang locker sa itaas. Mabuti na lang ay walang estudyante o propesor na dumadaan.
Tumango naman si Natalie na natakip din ang ilong. Isinuot na ni Reign ang isang pares ng surgical gloves at inilagay sa locker ang isang itim na garbage bag na may tumutulong pulang likido. May kung ano-ano pa itong inilagay at mabilis na isinara ang locker.
Aalis na sana sila nang may kinuha pa ulit si Reign sa bag nito. Isang kulay pulang aerosol spray paint. Ini-spray-an niya ng LESBIAN ang locker at mabilis na itinago ito.
Patakbo silang umalis at itinapon ni Reign sa tagong trash bin ang dalang bag na naglalaman ng ebidensya.
Nang makalayo sila ay saka nagtawanan ang pito at nagsigawan dahil sa ginawang kalokohan.
"Ano guys, ayos ba 'yong ginawa natin?" bulalas ni Reign sa kanila. Dinamba naman ng iba si Reign kaya napahiga na ang mga ito sa damuhan.
Napangisi na lang si McKenzie sa kanyang nakikita lalo na sa mga nangyayari ngayon. So, what's next to you, the who-knows-lesbian-transferee?