Nagising na lamang si McKenzie dahil sa ingay ng kanyang alarm. Nakapikit niya itong hinampas para tumigil.
Parang iniipit ang kanyang ulo sa sobrang sakit. Fuck this hangover. Nakadapa siya ngayon sa kanyang king-sized bed habang nakasubsob ang mukha sa unan. Ayaw pang kumilos dahil sa kumikirot niyang ulo.
Hindi niya alam kung paano siya nakauwi kagabi. Ang huling natatandaan ni McKenzie ay wasted na wasted na silang lahat sa bar at nakapatong na sa kanya si Natalie.
Nanatili muna siya sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Nang hindi na siya gaanong inaantok ay bumangon na siya. Kinukusot-kusot pa muna niya ang kanyang mata habang sapo-sapo naman ng isa niyang kamay ang kanyang ulo habang dahan-dahang naglalakad.
Dumiretso muna siya sa bathroom para maghilamos at magsepilyo. Saka lang din niya napansin na iba na pala ang suot niyang damit. Sino kayang nagpalit sa 'kin? tanong niya sa sarili.
Nang medyo nahimasmasan si McKenzie ay pumunta na siya sa kusina at nanguha ng Advil at tubig saka ininom ito. Naghanda na rin siya ng green tea para mabawasan ang kanyang hangover. Pumuwesto muna siya sa kitchen island at tumunganga habang umminom ng green tea.
Napatingin siya wall clock. Alas-nuebe na ng umaga. Hindi na ako papasok ngayon dahil late na at may hangover pa ako. Pagkatapos niyang uminom ay inilagay na muna niya ang mug sa sink at pumunta na sa living room.
Umupo na siya sa couch at awtomatikong nagbukas ang kanyang flat screen smart tv. Habang naglilipat siya ng channel na mapapanooran niya'y biglang may nag-vibrate. Hinanap niya kung saan nanggaling 'yon at sa ilang minutong paghahanap ay nakita niya ang kanyang selpon na natatakpan ng unan. Halos nakasiksik na ito sa couch.
Nang buksan niya ang selpon ay bigla rin itong namatay. Kaya pala nag-off dahil lowbat na. Na-drain siguro ang battery kaya sobrang init. Kinuha niya agad ang charger sa drawer at i-chi-narge ang selpon. Hinintay niya munang magbukas ito.
Pagbukas ay sabog ang kanyang notifications at chats mula sa groupchat ng kanilang gang. Binasa niya ang mga chats ng mga kaibigan. Ngayon pala ang competition nilang anim. Oo nga pala, nawala sa isip ko.
Bigla naman siyang natawa sa chat ni Natalie at Eiji, two hours ago. Minura lang naman siya ng dalawa dahil na-late ang mga ito ng gising at may hangover pa. Sinasabing kasalanan ni McKenzie kung ba't bangag sila sa competition at yari siya sa kanila mamaya.
Mga stupid eh pumayag din naman sila at nag-enjoy. Akala mo naman mga hindi nakahalik ng babae sa bar 'yong dalawang magkalahi. What a les.
Patuloy lang si McKenzie sa pag-i-scroll ng mga chats at pag-re-react sa mga ito. Nag-send lang siya ng winking face with tongue out emoji sa kanilang group chat. Nang i-e-exit na niya ito ay biglang may tumatawag sa kanya.
Innamorato wants to have a video chat with you...
Inayos niya muna saglit ang kanyang itsura saka sinagot ang video call. I got a liitle excited nang makita ko ang mukha niya sa video call. Nakasuot ito ng white coat habang light blue scrub suit naman ang panloob nito. It seems like he just finished his doctor duties.
"Good morning Innamorata. I just finished my night shift. How are you? I missed you so much!" nakangiting bati sa kanya ni Royce kahit halata sa guwapong mukha nito na wala pa itong tulog.
He still looks handsome. What would I expect? He is a half-German and half-Italian and definitely, a blood of Lastra runs through his veins.
"Good morning Innamorato. I'm here at my penthouse and just woke up. I'm fine and I missed you too," and she smiled back.
Nagkuwentuhan lang kami and of course, we did some coupley things. I don't need to specify it. Sa tagal ng aming pag-uusap at kung ano-anong pinaggagagawa namin ay hindi ko namalayan ang oras. It's been so long since we had this kind of conversation.
"I got to go Innamorata. Duty calls again. Thank you so much for the intimate time. Ti amo, amore mio. I badly want to see you so soon and play with you," he said with a smirk on his face.
McKenzie laughed nervously at his remark. " Okay but hey, you're being playful again, Innamorato. Take care and I love you too." He chuckled at her response making his dimples visible.
The call ended. Remembering how she said that she loves him made her feel something—something she can't figure for now.
She checked the time. It's already twelve o'clock noon. Nag-ayos na siya at sa cafeteria na lamang siya kakain.
Makalipas ng isang oras ay natapos na si McKenzie and she's ready to go. Kinuha niya ang kanyang selpon at tiningnan ito saglit. Tulad kanina ay sabog na naman ng chats mula sa group chat nila. Pumunta na siya sa kanyang built-in parking sa kanyang penthouse at sumakay na sa kanyang Bugatti Chiron.
I have an elevator here in my built-in parking called Starlight garage. This elevator allows and takes my car from the street directly to my penthouse and vice versa.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya sa Henderson University at pagparada niya ay agad na siyang dumiresto sa cafeteria.
Pagdating ni McKenzie sa kanilang famous place sa cafeteria ay nadatnan niya sina Natalie, Eiji at Tyler na kumakain.
"Hello guys, how's the competition?" bungad niya sa mga ito nang makaupo siya sa tapat ni Natalie.
"Very basic," pagmamalaking sagot ni Natalie na puno pa ang bibig. Napataas naman ang kilay ni McKenzie sa sagot nito.
"Huwag kang nagpapaniwala diyan Mc. Win by default kasi kaya very basic," kontra naman ni Eiji sabay dila kay Natalie. Sinamaan naman siya ng tingin ng huli.
"Nat, buy me a lunch now," maawtoridad na utos ni McKenzie. Bigla naman itong sumimangot.
"Libre mo na ha, nanalo ka naman eh," dagdag niya pa at sinabi rin ang mga gusto niyang pagkain. 'Di bale kaunti lang 'yon. Apat na orders lang at iba pa ang drinks at dessert. Pinandilatan na ito ni McKenzie at padabog naman itong umalis. Natawa na lang silang tatlo.
Habang hinihintay si Natalie ay nagkuwentuhan muna sila.
"Kumusta naman kayo? Ano ng balita sa contest niyo saka sa iba?" tanong niya kay Eiji.
"We're fine Mc. Tinapos na ni Ty 'yong contest namin since pair 'yong debate at buti nga naawa pa sa 'kin 'yan at pinagsalita pa rin ako kahit papaano," paliwanag nito sabay turo kay Tyler na nakangisi lang sa kanila ngayon habang may hawak na libro.
"Siyempre prepared ako Sil saka puro karate ang inaatupag mo. At least sure win na tayo sa competition," katwiran pa ni Tyler.
Tinanong rin ni McKenzie kung ano ng nangyari sa tatlo at ang sabi ng mga ito ay nasa contest pa habang silang tatlo ay naghihintay na lang ng results.
Sa pagitan ng kuwentuhan nila ay dumating din sa wakas si Natalie na ang daming dala at hindi na maipinta ang mukha. Itinuon agad ni McKenzie ang atensyon sa pagkain at hindi na pinansin pa si Natalie. Gutom na gutom na ako. Narinig niyang may ibinubulong-bulong pa ito pero napangiti na lang siya.
Makalipas ng kalahating oras ay natapos na siyang kumain at satisfied na dahil bukod sa busog na siya ay nakalibre pa. Nginitian niya nang pagkatamis-tamis si Natalie at inirapan lang siya nito. Palibhasa gusto niya siya lang ang nambuburaot.
Dahil wala naman silang klase dahil sa event ay tumambay na lang silang apat sa cafeteria at nagkuwentuhan ulit.
"Guys, may nasagap akong bali-balita na may mga bagong papasok sa ating university at may nagbabalik din. I can't wait," tuwang-tuwa na kuwento sa kanila ng bansag ni McKenzie na si napakatsismosang Natalie Morgan.
"Legit ba 'yan ha Morgan? Ang tagal mo nang sinasabi 'yan eh. Kung sakali man, sana magaganda at sexy 'yong mga bagong papasok o kaya kahit 'yong mga magbabalik din," excited namang sabi ni Eiji at ngumiti-ngiti kay Natalie.
"Kaya nga Pilak. Hindi na ako makapaghintay pa at may pagpipiyestahan na naman tayo!" at nag-apir ang dalawang magkalahi.
Napangiwi na lang si McKenzie sa mga inaakto ng dalawa. Sa harapan ko pa talaga sila magladlad. Huwag lang talaga nila akong madikit-dikitan baka mahawa pa ako sa kahiligan nila.
"Sino naman ang mga 'yon?" sabat niya sa dalawa.
"Sa pagkakatanda ko, may isang pangalan na binanggit. Ang name na 'yon ay Y—"
Hindi na natapos ni Natalie ang sasabihin nang biglang dumating sina Aubrey, Black at Reign at binati sila. Nagyaya ang mga ito na kumain dahil tapos na ang contest ng mga ito.
Sabay-sabay na ulit silang kumain at masayang nagkuwentuhan habang naghihintay ng results.