Chapter 10 - Chapter 10

Nagising na lamang si Kale sa ingay ni Shadow. Pagtingin niya sa oras ay pasado alas-siete na pala ng umaga.

Babangon na sana si Kale nang bigla niyang maalala ang insidente sa rooftop kagabi. Pinagbigyan ko na ngang hila-hilahin niya ako pero sumobra siya. Dahil sa nangyari ay nagpaalam ako kay manager na masama ang aking pakiramdam—masama ang loob.

Halos hindi nakikisabay ang utak niya sa kanyang katawan ngayon. Gusto ng utak niyang bumangon na siya pero ayaw naman ng katawan niya. Pumikit na lamang siya at mahigpit na hinawakan ang kuwintas.

Hindi napigilan ng kanyang mga mata ang paglandas ng luha sa kanyang mukha kasabay ng paggunita ng mga masasayang alaala. Awtomatikong hinalikan ni Kale ang pendant ng kuwintas.

Napadilat siya ng wala sa oras at pinunasan ang kanyang luha nang sumagi sa isip niya na ngayon gaganapin ang quiz bowl competition sa kanilang unibersidad.

Dali-dali siyang bumangon at dumiretso agad sa cr. Sa loob ng limang minuto ay natapos si Kale. Hindi na siya nag-abala pang kumain at pumasok na.

Pagdating sa kanilang unibersidad ay tumungo na siya sa kanilang classroom. Nadatnan niya ang kanyang maestro na kanya ring coach na mukhang inip na inip na sa kahihintay sa kanya. Nang makita siya nito ay agad itong tumayo at sinalubong si Kale nang seryosong tingin. Badtrip na ata si panot, sabi ng kanyang isip.

"Ms. Oliveros, what do you think is the time right now? You're always late. Ikaw na lang lagi ang hinihintay," sermon nito. Tahimik lamang siya. Wala naman akong pakialam sa kanya.

Nagtungo na sila sa venue ng kompetisyon kung saan ay sa kabilang building lang. Bago siya pumasok sa loob ng room ay tinapik muna siya ng kanyang coach saka nag-thumbs up. Tumango na lamang siya at pumasok na.

Pagpasok ni Kale ay nandoon na ang lahat ng participants at halos lahat ng tingin ng mga ito ay nasa kanya. Ako na lang pala ang hinihintay. Umupo na ako sa natitirang upuan sa harap.

Bago magsimula ang contest proper ay nagsalita muna ang proctor at ipinaliwanag ang mga dapat gawin.

"Good morning everyone. I know that each of you are prepared for this quiz bowl competition. And may I remind all of you, please take away any unnecessary notes, papers, etc. Whiteboard and markers will be provided. Good luck students. May the results will be in favor of your university." Pagkatapos ng panimulang 'yon ay ibinigay na ang mga whiteboards at markers. Nagsimula na ang kompetisyon.

Nasa easy round pa lang ay bored na bored na si Kale at parang ayaw na niyang magsagot. Gusto sana niyang mag-earphones ngunit bawal. Lumipas ang ilang oras at natapos din ang quiz bowl.

Nauna na siyang lumabas ng classroom. Lumabas si Kale na blangko ang mukha na parang walang nangyari. Sinalubong naman agad siya ng kanyang coach at kinumusta ang tungkol sa quiz bowl. Okay lang ang tangi niyang sagot.

Matapos nitong marinig ang sagot ni Kale ay sinermunan ulit siya nito tungkol sa pagiging late niya at kung ano-ano pa. Aalisan ko na sana siya kaso I respect him.

Hindi alam ni Kale kung ba't lagi siyang trip sermunan ng kanyang mga propesor at alam niyang wala naman siyang ginagawa na kung ano. Nagsasayang lang sila ng laway sa 'kin dahil wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila. Hinayaan na lang niya ang kanyang coach na magdaldal at bored lang na tumingin dito.

Mukhang napagod na ang kanyang coach dahil tumahimik na ito. Nang wala na itong sasabihin ay nagpaalam na si Kale na umalis dahil lunch break na.

Ipinasak ni Kale ang kanyang earphones at nakinig na sa kanyang Walkman habang naglakad papuntang canteen. Habang naglalakad ay biglang may humarang sa kanyang isang babae. Hindi naman niya ito inintindi pa at nilagpasan lang ngunit hinarangan ulit nito ang daraanan niya at nakikisabay pa. Nagsisimula na akong mainis. Mukhang ayaw niya atang magpaawat. What a shit.

"Hello again miss. Do you still remember me?" nakangiting bati ng babae saka naglahad ng kamay kay Kale.

Dahil hindi siya narinig ni Kale ay tiningnan lang siya nito na nakakunot ang noo. Nang hindi pa rin siya kumikibo ay biglang tinanggal ng babae ang kanyang earphones at nagsalita ulit.

"My calling card? Have you remembered it now?" paalala ng babae habang iwinawagayway ang kanyang kamay na may hawak na isang puting card.

"I'm sorry miss but I don't remember it. And I'm not interested. Excuse me," balewalang tugon ni Kale sa babae at akmang aalis na pero mabilis siyang hinawakan sa kanang braso.

"Please give it a second thought, miss...Oliveros," pagpupumilit pa nito. Nagtaka naman si Kale kung ba't siya kilala ng babae.

Hinayaan na lamang niya ito dahil naiinip na talaga siya. This is what I hate the most—wasting my precious time.

Binitiwan na siya ng babae at nag-abot ng isang itim na sobre saka tuluyang umalis. Binuksan at tiningnan ni Kale kung ano ang nasa loob ng sobre. Naglalaman ito ng isang papel. Binasa niya ang nakasulat. Nang matapos niyang basahin ay pinunit at itinapon niya ito.

Ano namang gagawin nila sa pirma ko kung sakali? Sana 'wag na lang ako ang guluhin nila. Ang dami namang iba, ba't ako pa.

Nakarating na rin si Kale sa canteen at namili lang ng bottled water at bumalik na rin. Pagbalik niya'y bisi ang kanyang coach na makipagkuwentuhan sa ibang mga propesor. Bumaling naman ito sa kanya nang makita siya nito at sinabihang puwede na siyang maglibot-libot dahil maghihintay na lang ng results.

Dahil matagal pa bago malaman ang results at marami pang bakanteng oras si Kale ay lumabas muna siya ng campus at pumunta sa mall.

Dumiretso agad siya sa isang jewelry store para magtingin ng puwede niyang ilagay o ipalit para maayos ang napigtas niyang kuwintas. Hindi ko naman puwedeng ipagawa dahil sa maraming kadahilanan, sabi niya sa kanyang sarili.

Nagtingin-tingin pa siya at nang may makita siyang babagay at sakto sa kuwintas ay binili na agad niya ito at umalis na.

May balak pa sana siyang bilhin pero sa susunod na lamang. Sa ngayon, para sa kanya'y mas importante ang kuwintas.

Bumalik na siya sa kanilang unibersidad at pumunta muna sa garden. Nakapuwesto si Kale sa ilalim ng puno upang umidlip muna. Mga kalahating oras pa lang siyang nakapikit ay may naririnig na siyang may nag-aanunsyo mula sa di kalayuan.

Awarding ceremony na siguro, sabi ng kanyang isip. Tumayo na siya at umalis. Habang papalapit siya nang papalapit ay sa gym pala nagmumula ang ingay na kanyang naririnig.

Pagpasok niya sa gym ay saktong kasisimula lang ng awarding ceremony sa individual category ng quiz bowl. Binanggit na kung sino ang nasa fifth place hanggang second place. Alam ni Kale na hindi siya matatawag sapagkat nilaro-laro niya ang pagsasagot kanina. Pero okay lang sa kanya dahil wala naman siyang pakialam sa mga ganitong bagay.

I'm not expecting and what matters to me is I was able to represent my university and participate in the event. Moreover, managing the tough competition well is enough for me.

"For the first place in civil engineering quiz bowl under the individual category, " pa-suspense na sabi ng emcee.

Paalis na sana si Kale nang biglang banggitin ang pangalan ng university nila.

"From Don Jose Graciano University, Kale Nixon Oliveros!" Pagbanggit no'n ay biglang naghiyawan ang mga estudyante sa loob.

Nagdadalawang-isip si Kale kung aakyat ba siya ng stage o hindi hanggang sa tinawag siya ng isa niyang propesor sa gilid at sinabihang pumunta na siya. Pumapalakpak ang propesor habang nakangiti sa kanya. Wala kasi ang kanyang coach at 'di niya alam kung nasaan.

Ngayon pa ata gumala si panot eh ito ang pinakahihintay niya.

Pag-akyat ni Kale ng stage ay pumunta na siya sa gitna. Sinalubong siya ng emcee nang nakangiti at binati siya ng congratulations saka kinamayan. Iginawad sa kanya ang isang gold medal at certificate. Kinuhanan din sila ng larawan. Hindi siya ngumiti. Wala man lang kare-a-reaksyon ang kanyang mukha.

Bumaba na siya ng stage matapos 'yon at bumalik na sa puwesto niya kanina. Saktong kararating lang ng kanyang coach at sinalubong siya.

"Congrats Oliveros! Pasensya na at na-late ako," bati nito sa kanya saka ngumiti nang malapad.

"Nga pala, may nagpapabigay sa 'yo. Napadaan ako sa guard house at ibinigay sa 'kin," sabay abot sa kanya ng isang nakatuping papel.

Ano na naman kaya ito?

Natapos na ang awarding ceremony at bago pa mabasa ni Kale ang nasa papel ay niyaya siya ng kanyang coach na mag-picture ulit sa stage. Wala na siyang nagawa. Paalis-alis kasi kaya ngayon ay iistorbohin ako.

Ilang saglit lang ay natapos din sila at uwian na. Binuklat ni Kale ang papel at binasa ito.

"Mahal, magkita tayo pagkatapos ng competition. Hintayin mo ako sa gate at sabay tayong bibili ng grocery at diaper ng anak natin."

Pagkabasa ni Kale sa sulat ay alam na niya kung kanino galing 'yon at napangiti na lamang siya. Umalis na siya at dumiretso na sa gate saka naghintay.