Chapter 7 - Chapter 7

"Good evening ladies and gents. Tonight, your requests will be fulfilled again as our top three most requested waiters and waitresses will perform another intermission number. So, what are we waiting for? Let the party begins!" Matapos ng introng 'yon ni Manager Oli ay biglang namatay ang mga spotlights. Malalakas na hiyawan ang lumutang sa loob ng The Midnight Haven.

Ngayon pa lang ay gusto nang umalis ni Kale sa bar dahil para sa kanya, ang intermission na ito ang sisira sa kanyang reputasyon. Okay lang sanang kumanta at tumugtog pero itong gagawin namin ngayon ay gusto ko na lang lamunin na ako ng stage.

"Oh Yan, dude, ready na ba kayo?" excited na tanong ni Troy sa dalawang kasama habang sila'y nasa gilid pa ng stage. Hindi sila makikita rito dahil madilim.

"Handang-handa na ako Troy lalo na't tayong tatlo na naman ang magkakasama." Halos mapunit na ang mukha ni Yan sa pagngiti at may papadyak-padyak pa ito. Hindi halatang excited siya.

"Dude, puwede bang kayo na lang? Ayoko niyan eh," alanganing sabi sa kanila ni Kale at bago pa makapagsalita ay tinawag na sila at hinila na ng dalawa si Kale paakyat ng stage.

Kahit madilim sa stage ay naaaninag ni Kale kung paano nakakalokong nakangiti sa kanya si Yan at dude kaya sinamaan niya ng tingin ang dalawa. Mas bumilis ang pagtibok ng puso ni Kale buhat sa matinding kaba nang marinig niya ang biglaang pagpitik ng daliri ni dude at siyang pagbukas ng spotlight na siyang nakatutok sa tatlong in-demand na waiter at waitress.

(Take Your Shirt Off by T-Pain Playing)

Nang magsimula nang tumugtog ang musika ay mas lalong dumagundong ang hiyawan at sigawan sa loob ng bar kasabay nito ang pagnanais ng puso ni Kale na kumawala sa kanyang dibdib dahil sa matinding kaba. Para kay Kale, ang pagsasayaw ay ang tanging bagay na kailanman ay hinding-hindi niya gagawin.

Nagsimula na silang sumayaw at ang dalawa niyang kasama ay bigay-todo sa paggalaw. Naka-one step forward ang mga ito habang siya naman ay naka-one step backward. Si Kale ang nasa gitna at nasa gilid ang dalawa. Sumasabay na lang siya sa kanila pero ang kanyang isip ay nagdadasal na sana'y matapos na ito.

Nang nasa kalagitnaan na sila ng pagsasayaw ay nagulat na lamang si Kale nang bigla siyang tinawag ng dalawa at nakangisi sa kanya. Isinesenyas nila sa kanya ang butones ng kanyang suot habang paatras ang mga ito. Ito ay signal na si Kale naman ang umabante.

Kay Kale na nakatutok ang spotlight. Sinimulan na niyang in-unbutton ang suot niyang black long sleeves shirt at dahan-dahan itong hinubad.

"Oh, fuck baby!"

"Please be mine, baby!"

"Nixon hon, take me please!"

Naging sunod-sunod na ang mga hiyawan lalo na ng mga kababaihan at halos nagsilabasan na rin ang mga selpon ng mga taong hindi na mapirmi sa panonood kay Kale. Nakatutok na sa kanya ngayon ang kani-kanilang mga selpon. Saktong chorus na ng musika ay ibinato ni Kale sa mga tuwang-tuwang nanonood ang damit niyang hinubad habang hindi na magkamayaw ang mga ito sa pag-aagawan. Halos maglaway ang lahat dahil sa nakalantad niyang katawan.

Ngunit isang pamilyar na boses ang nakakuha ng atensyon ni Kale kaya napalingon siya sa gawi kung saan nagmumula ang boses na 'yon.

"Kale, bakla! More please!" tili nito habang iwinawagayway ang hawak na selpon. Kitang-kita niya na aliw na aliw ito sa kanya at hindi nakaligtas sa kanya ang pagngisi nito.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya dahil nandoon si baks at paniguradong aasarin siya nito sa kanilang tropa.

Ilang saglit lang ay natapos na ang kanilang performance at masigabong nagpalakpakan ang lahat. Nag-request pa ang mga customers ng isa pa pero ngumiti na lang ang tatlo at nagpasalamat.

Nang makababa na sila ay nauna nang umalis si dude at Yan samantalang si Kale nama'y pabalik na sa bar counter nang biglang siyang harangin ng mga babaeng customers na halos pag-agawan siya. Halos nagtutulakan na ang iba at pilit na siyang hinihila. Narinig na lang niya na tumawag ng bouncers ang kanilang manager para matulungan siya mula sa mga customers.

Nang makawala si Kale mula sa panghihila ng mga ito ay bigla na namang may humarang sa kanya at mabilis siyang niyakap nang napakahigpit.

"Baks! I missed you! Libre mo na pala ako," sigaw nitong bati kay Kale habang nakayakap pa rin.

"Oy Johansen, bitiwan mo nga ako. Hindi ako makahinga," usal niya habang nagpupumiglas sa pagkakayakap nito. "Wala akong pera saka 'di kita na-miss."

Humiwalay naman ito sa pagkakayakap sa kanya. "Walanghiyang bakla ka! Tama bang tawagin ako ng Johansen? Nakakadiri ka talaga," maarteng sagot naman nito sabay irap kay Kale na may kasama pang hampas sa kanyang balikat.

Napangiti na lang tuloy siya sa ikinilos nito. Akala mo tunay na lalaki sa laki ng katawan pero kapag nagsalita na, nako po walang duda nga. It's a prank!

Sabay na silang pumunta sa bar counter. Nadatnan nilang marami ng customers ang nakaupo sa bar stools at tila naghihintay ng bartender. Buti na lang ay may bakante pang isang upuan at doon na umupo si baks.

Pumuwesto na si Kale sa bar counter at binati naman siya ng mga customers. Pinuri siya ng mga ito dahil sa kanilang performance kanina. Nginitian niya lang ang mga nang tipid bilang sagot.

Laging handa si Kale sa mga ganitong pagkakataon at lagi siyang may nakatagong extra black long sleeve shirt dahil hindi na bumabalik sa kanya ang damit sa tuwing may performance silang tatlo. Mabilis na siyang nagbihis. Itinanong na niya ang mga orders ng mga customers at nagsimula ng magtrabaho.

Nang magawa na niya ang samu't saring cocktails at alak ay isi-nerve na niya ang mga ito sa kanila. Bumaling naman siya kay baks na kasalukuyang inililibot ang tingin sa buong bar.

"Baks, 'yong dati pa rin ba?" pukaw nito kay bakla.

Nakataas ang kilay nitong lumingon sa kanya. "Baks, sapaw ka naman. Naghahanap ako ng fafa eh. Anyways, I want something new, nakakasawa na 'yong ino-order ko , paulit-ulit na," maarte na namang sagot nito sa kanya.

"And 'what' is that something new? Walang gano'n dito," sarkastikong tugon ni Kale.

Nagbanggit ng cocktail si bakla na bago sa pandinig niya kaya nagtatanong siyang tumingin dito. Nang tatanungin na niya si baks ay bigla siyang tinawag ng isang customer at nag-order ulit ng vodka. Sinenyasan niya muna si baks na saglit lang.

"Baks, anong cocktail 'yong tinutukoy mo?" tanong niya ulit dito nang makabalik siya.

"Gunpowder Plot baks. You need a gin, spiced gunpowder syrup and bitters. Just fill the gin with gunpowder flavors. May fernet-branca at egg white ka ba diyan baks?" paliwanag nito kay Kale.

Nagtingin muna siya sa drawers at shelves. Nang wala siyang makita ay bigla siyang may nasagi na compartment sa isang shelf. Nang buksan niya ito ay may nakita siyang isang green bottle na may label ng katulad ng tinutukoy ni baks.

"Ito ba 'yon baks?" tanong ni Kale rito at iniabot kay baks ang bote. Kinuha naman ito ng huli at binuksan saka inamoy.

"'Yan 'yon baks. Shake mo 'yan kasama no'ng gin at egg white."

Sinunod ni Kale ang mga iba pang sinabi sa kanya ni baks at isi-nerve niya ito gamit ang smoking cloche kaya umuusok ito.

"Maraming salamat bakla! Ang galing ng pagkakagawa mo sa cocktail ko," puri ni baks sa kanya nang maubos nito ang cocktail.

"No problem baks. Ikaw ang magaling dahil ang dami mong nalalaman pagdating sa mga cocktails. Thanks for teaching me Johansen," pasasalamat ni Kale.

"Alam mong bakla ka, okay na eh kaso nakakadiri ka talaga. I'm Joana 'kay? And speaking of magaling, talagang knowledgeable ako sa mga ganyan dahil lumaki akong 'yan ang family business namin kasama ang mga pinsan ko sa winery," pagkukuwento pa nito.

Poker face niyang tiningnan si baks at 'di na sumagot pa. Tumawa naman ang huli nang bahagya. Bumalik na ulit si Kale sa paggawa ng mga cocktails. Ang dami na ulit na orders. Si baks naman ay busy sa katabi nitong lalaki na may patawa-tawa pa. Landi talaga ni bekimon.

"Nixon, pasuyo nga nitong mga orders," pakiusap sa kanya ni Kuya Mario sabay abot ng kapirasong papel. Isa rin itong waiter sa The Midnight Haven pero mas matanda ito sa kanilang tatlo.

Tinanguan niya lamang ito at ginawa na agad ang mga nakalista sa papel.

Nanguha si Kale ng mixing glass at sinalinan ng gin, dry vermouth at orange bitters. Nang maisalin ang mga ito ay nilagyan niya ng yelo saka hinalo ito gamit ang bar spoon hanggang sa maging malamig ito.

Nang okay na ay nanguha na siya ng apat na cocktail glass at isinalin ang ginawang cocktail. Sa huli ay nilagyan niya ito ng lemon twist.

"Kuya Mario, okay na itong apat na dry martini," at iniabot na ang mga ito at inilagay na ni Kuya Mario ito sa hawak nitong tray. Nagpasalamat muna ito saka umalis.

Nagpupunas na si Kale ngayon sa bar counter at iniligpit ang mga baso ng mga customers na ngayon ay nakasubsob na. Gabi-gabi ay ganyan ang gawain ng mga customers niya. Ginagawang tulugan ang bar counter.

"Baks! Anong chikaret mo now?" biglang tawag sa kanya ni bekimon. Medyo may tama na rin ito dahil kanina pa ito may sariling mundo kasama ang kalandian nitong lalaki.

"Ay tigilan mo ako baks. Maglandi ka na lang diyan," sagot naman niya rito habang patuloy pa rin sa paglilinis.

"Musta ka na? Wala ka pa rin bang jowabelles? Nami-miss ka na rin pala ng tropa. Kinukumusta kung may pamilya ka na raw ba," tugon nitong nang-aasar na siyang ikinatigil ng ginagawa ni Kale at nag-angat ng tingin kay bekimon.

"I'm fine baks. Oo, pamilyado na ako," tipid niyang sagot na siyang ikinanganga nito at biglang tumili.

"Trulala ba itech? Spill it baks!"

"Bakla, may pogi oh," mabilis na sabi ni Kale at itinuro ang isang lalaking matipuno ang katawan na nakatingin sa gawi nila at mukhang bakat ang ano, muscle.

Bigla namang napalingon si bekimon sa itinuturo niya saka dali-daling tumayo at umalis. Napakabekimon talaga.

Habang abala si Kale sa pag-aayos ng mga liquors at bar utensils ay may biglang umupo sa puwesto kanina ni bekimon. Isang babae na lagpas balikat ang haba ng buhok na kulay itim. Maputi ito na petite at hindi kalakihan ang mukha.

"Miss, one margarita please," sabi nito kay Kale na nakangiti. Hindi na siya sumagot pa at ginawa na agad ang order ng babae. Saglit lang ay isi-nerve na rin niya ito.

"Here's your margarita ma'am."

"Thanks, miss. Do you mind if I ask you something?" kapagkuwa'y sabi ulit nito.

"No."

"Where are you studying?"

"At a public university."

"Oh, okay. I've been in this bar for a couple of times and you got my attention. Based on what I observed, you are talented aside from bartending. I want to make an offer. If you are interested, this is my calling card," mahabang sabi nito at nag-abot ng isang maliit na card. Nilagok muna ng babae ang kanyang margarita at tumayo na. Bago pa ito umalis ay pinisil muna nito ang kaliwang braso ni Kale at ngumiti.

Nang mawala na ito sa paningin ni Kale ay tiningnan niya saglit ang calling card.

An offer? I'm not interested.

Pinunit niya ang calling card at itinapon sa trash bin. Mayamaya ay nagligpit na siya at naghanda na sa pag-uwi. Maaga muna sila ngayon. Nang ma-check na ng kanilang manager ang lahat ay nag-out na siya. Nang palabas na siya ay biglang may tumawag sa kanya.

"Mahal, sabay na tayong umuwi. Gusto kang makita ng anak natin."