Maagang pumasok si Kale sa university ngayon kahit madaling araw na siyang nakauwi kagabi dahil sa pagdalaw niya kay Maggie. Sa tuwing papasok siya ay lagi siyang dumidiretso sa library. Kasalukuyan siyang nakaupo sa pinakalikod at madilim na bahagi ng silid kung saan 'di siya makikita ng librarian.
Kinuha na niya ang kanyang Walkman saka ipinasak ang earphones sa kanyang tenga at natulog na.
Makalipas ang kalahating minuto ay nagising na lamang siya buhat ng may yumuyugyog sa kanya. Nanlalabo pa ang matang nag-angat siya ng tingin. Nasilayan niya ang kulot na librarian na nakangiti sa kanya.
"Nagsisimula na ang klase. You better leave," kalmado nitong sabi kay Kale.
"Thank you po ma'am," magalang niyang tugon dahil sa pagpapaalala nito. Tumayo na siya at kinuha na ang kanyang black sling backpack at umalis na sa library.
Hindi na siya nagmadali pa dahil late na rin naman siya sa klase. Susulitin ko na. Para pa siyang namamasyal sa parke kung maglakad.
Nang makarating siya sa kanilang classroom ay nandoon na ang mga kaibigan niyang si dude at Yan. Hindi lamang sila magkakatrabaho sa bar kung di magkakaklase din sa pinapasukan nilang unibersidad.
Akmang papasok na siya nang patago nang bigla siyang maramdaman ng kanilang propesor at huminto ito sa pagsusulat sa whiteboard. Nilingon siya nito saka nagsalita.
"Ms. Oliveros, late ka na naman. Napaaga ka ata para sa next subject," panenermon nito sa kanya ngunit dinedma niya lang ng hindi halata.
Matapos siyang sermunan ay pinaupo na siya. May mahalagang sasabihin ang kanilang propesor sa kanila.
"Class, listen. Maghanda kayo para sa nalalapit na event, ang quiz bowl lalo na kayong tatlo," anunsyo nito sa buong klase at itinuro ang tatlo—si Troy, Arian at Kale.
"Ms. Oliveros for the individual category. Mr. Fuentes and Ms. Ramirez for the pair category. In the pair category, the contest will be held at the Henderson University while the individual category will be held here, at the Don Jose Graciano State University," dagdag at paliwanag pa ng kanilang propesor.
Pagkasabing 'yon ng kanilang propesor ay biglang nagbulungan ang buong klase. Ang iba naman ay nagpipigil na sumigaw dahil sa tuwa sapagkat wala na namang klase sa araw ng event. Silang tatlo naman ay nagkatinginan lang. Sinabihan din na excuse silang tatlo para mag-review bilang paghahanda sa quiz bowl.
Umalis na rin sila sa klase matapos 'yon. Magkakaiba sila ng room ng pag-re-review-han kaya magkakahiwalay sila. Mas okay 'yon dahil magiging tahimik ang buhay ko at makakatulog pa. Hindi na rin sila nakapag-usap pa dahil dumiretso na sila sa kanya-kanya nilang room.
Makalipas ang apat na oras na pagtulog ni Kale ay lunch break na. Paalis na sana siya papuntang canteen para bumili ng tubig nang may marahas na humila sa kanyang braso. Paglingon niya ay si dude na ang lapad ng ngiti at kasama nito si Yan na may hawak pang mga reviewers.
Dibdiban masyado ang pag-re-review ah, Yan. Kung ako, itulog mo na lang.
Kinaladkad na siya ni dude at sinabing may ipapakita ito sa kanya. Para siyang aso kung hilahin ni dude at hindi ito magkandaugaga sa pagmamadali. Hindi naman nito pinapansin si Yan na nagrereklamo at tumatalak na dahil nagugutom na ito.
Ilang minutong pagkaladkad kay Kale at pagrereklamo ni Yan ay binitiwan na siya ni dude. Masaya nitong ipinakita sa kanilang dalawa ang isang bagong motorsiklo.
"Dude, Yan! Ito nga pala ang iyayabang ko sa inyong dalawa. Ang bago kong biling Yamaha NMAX. Binili ko 'yan gamit ang aking ipon at ang perang kinikita ko sa bar," masayang sabi nito sa kanila.
I'm happy for him. To be able to buy something from your own money is something you should be proud of. His hardships and sacrifices paid off.
"Saka binili ko 'yan hindi lang para sa 'kin kung di para sa 'ting tatlo para hindi na tayo mamasahe at makikipag-unahan sa pagsakay," nakangiti nitong paliwanag.
Dahil sa sinabi 'yon ni dude ay nilapitan siya ni Kale at tinapik sa balikat. It's very rare for a person nowadays to think about others first than himself.
"Dude, may helmet ka na ba?" tanong ni Kale.
Napakamot naman ito sa ulo at alanganing ngumiti. "Wala nga dude eh. Naubos na 'yong pera ko dahil sa motor. Wala ng natira, pero next time siguro," may panghihinayang saad nito pero nagawa pa rin nitong ngumiti.
Tumango na lamang si Kale sa isinagot ni dude ngunit bigla siyang may naisip. Ipinagpaliban niya muna ito at ipinagpatuloy ang kanilang pag-uusap ni dude nang biglang sumabat si Yan sa dalawa.
"Hoy kayong dalawa! Hindi pa ba kayo tapos diyan? Mamamatay na ako sa gutom, motor pa rin! Eh kung ipakain ko sa inyo 'yan lalo ka na Fuentes!" nakakunot ang noo nitong sigaw sa kanila. Sa halip na pakalmahin ay nginisian at inasar itong lalo ni dude.
Hindi na ako magugulat kung isang araw ay makikita ko na lang silang nagbubugbugan.
"Tara na, mag-lunch na tayo," yaya ni Kale kaya tumigil na ang mga ito sa kanilang bangayan at dumiretso na silang tatlo sa canteen.
Pagdating ay pumunta na sila sa counter at pumila. Nag-order na ang dalawa ng sisig, afritada, laing, kare-kare at tig-dalawang order ng kanin. Ang mga ito ay para kay dude at Yan pa lamang. Sa totoo, si Yan ang pinakamalakas kumain sa kanilang tatlo.
Nang makuha ng dalawa ang kanilang orders, si Kale na ang sumunod. Nag-order lang ito ng bottled water at isang crackers. Nagtatanong ang mga tingin ng dalawa sa kanya habang nakatitig sa binili niya. Nagkibit-balikat lang si Kale.
Nang makahanap na sila ng puwesto at nakaupo na, nagsimula na silang kumain. Magkatabi si dude at Yan habang si Kale naman ay katapat nila. Halos hindi magkandamayaw sa pagkain ang dalawa at para bang nag-fasting ang mga ito ng isang linggo. Itinuon na lang ni Kale ang kanyang pokus sa kanyang pagkain at kumain na rin. Habang kumakain siya ng kanyang crackers ay biglang nagsalita si Yan na puno pa ang bibig.
"Nix, kumain ka nga kaya ka nangangayayat eh. Puro ka tubig at crackers, hindi ka mabubusog niyan. Ito oh, tunay na pagkain," panenermon nito sa kanya habang iniaabot ang isang plato ng sisig at kanin pero tumanggi lamang si Kale.
Patuloy pa rin si Yan sa pamimilit kay Kale pero nag-iwas na siya ng tingin at kinuha na ang kanyang Walkman at ipinasak na ang kanyang earphones. Makikinig na lang ako ng music habang naghihintay na matapos silang kumain kaysa makipagtalo sa pagkain ko.
Ilang minuto ang lumipas ay biglang hinila ni dude ang kanyang earphones na siyang ikinakunot ng noo ni Kale at masamang tiningnan ito.
"Dude, chill ka lang. Tara, tambay muna tayo sa bilyaran," pagyayaya nito kay Kale habang umiinom ng softdrink. Saglit siyang nag-isip.
"Eh di 'wag na tayong pumasok ngayong hapon para wala na tayong review. Ano sa tingin niyo?" nakangisi namang suhestiyon ni Kale kay dude.
Bigla namang kuminang ang mata nito habang si Yan naman ay nanlaki ang mga mata na tila 'di makapaniwala.
"Sige dude! Gusto ko 'yang naisip mo. Tara, 'wag na tayong pumasok!" bulalas ni dude at bumaling naman ito kay Yan na nag-aayos na ng sarili. "Ikaw ba Yan?"
"Eh di kung saan kayo, do'n din ako," at napaikot na lang si Yan ng mata.
Napangisi na lamang si Kale dahil tatambay na naman silang tatlo. Ganyan ang kadalasan nilang ginagawa basta magustuhan nilang gumala ay gagawin nila kahit may pasok silang tatlo. Basta nagkayayaan, walang ano-ano'y aabsent kami.
Ang buhay hindi dapat puro aral lang. Minsan, kailangan rin mag-enjoy at mag-relax. Habang bata at nabubuhay pa, dapat ine-enjoy lang. Life is short to be stressed so why not take a break?
Nag-stay pa sila ng limang minuto at nilinis ang kanilang mesa. Matapos no'n ay nagdesisyon na silang umalis at pumunta na sa Poolroom House. Isa ito sa mga matagal ng bilyaran na matatagpuan sa tabi ng supermarket na medyo malapit sa kanilang unibersidad.
Nang makarating ang magkakaibigan, ilan sa mga lalaking nagbibilyar doon ay binati sila lalong-lalo na si dude na kilalang-kilala na dahil lagi ito rito. Bihira lang din na may babaeng nagpupunta sa bilyarang ito malibn kay Yan at Kale. Nagbayad na sila sa may-ari at itinuro na nito sa kanila ang bakanteng pool table at tumungo na sila.
Umupo na lang sa gilid si Kale kung saan ay may mesa rin itong katabi. Inilapag niya ang kanilang mga bag habang si Troy ay nanguha na ng dalawang cue sticks at si Yan naman ang nag-aayos ng billiard balls. Wala balak maglaro si Kale dahil mas gusto niyang mag-relax habang nanonood. Masasayang lang ang energy niya at tinatamad pa.
Bago magsimula si Yan at dude ay inilagay muna nila sa mesa ang kanilang mga pusta. Kasisimula pa lang ng dalawa ay nagsisigawan at nagtatawanan na ang mga ito. Hindi rin mawawala ang pagtatalo ng mga ito.
Kahit magulo sila ay ang ganda pa rin nilang tingnan dahil bakas sa mga mukha nila ang saya. Daig pa nila ang mga aso't pusa. Sana lahat ay ganyan kay dude at Yan.
Natawa na lang si Kale sa kanyang isip dahil dadalawa na lang silang naglalaro ay nagdadayaan pa. Mga siraulo talaga.
Makalipas ang isang oras ay nagyaya na si Kale na umalis. Na-bored na ito at inaantok na. Mabuti na lamang ay pumayag ang dalawang kasama niya dahil nakabusangot na ang isa sa kanila. Nagpasalamat muna sila sa mga tao ro'n at kinuha na ang kanilang mga gamit saka tuluyang umalis.
"Saan na tayo pupunta ngayon, dude? Maaga pa eh, alas-dos pa lang ng hapon."
"Sa mall tayo pupunta ngayon."
"Wala ng pera si Fuentes! Ang hina niya kasing umasinta palibhasa duling! Mahina tumira at mag-shoot! Paano makakapag-mall 'yan eh natalo sa pustahan namin," patuloy na pang-aasar ni Yan kay dude.
Tiningnan naman ito ni dude nang masama pero ang huli ay dumila lang. Baka magkatuluyan itong dalawa.
Naglakad na sila papuntang mall. Nang makapasok na ay dire-diretso lang si Kale sa paglalakad habang nakasunod sa kanya ang mga kasama. Naririnig niya pang nagbibiruan at nag-aasaran ang mga ito. Ilang saglit pa ay huminto na sila sa isang motor shop sa loob ng mall.
Lumingon naman si Kale sa dalawa at napansin niya ang pagtataka at pagkalito sa mukha ni dude. Tumingin pa sa kanya at akmang magtatanong nang biglang pumasok na siya sa loob ng shop.
Kumuha na si Kale ng isang basket at nagsimula nang magtingin-tingin. Una niyang tiningnan ang iba't ibang motor parts na puwedeng gamitin ni dude kung gusto nitong i-customize ang sariling motor. 'Di naman maalam si Kale sa mga motor dahil iba ang forte niya.
Habang abala siya sa pagtitingin, wala pa rin ang dalawa niyang kasama at hindi niya alam kung nasaan ang mga ito. Baka naghahampasan na sila ng muffler sa isa't isa o 'di kaya'y nagpapaunahan kung sino ang mas mabilis magpagulong ng gulong.
Nang hindi siya makapag-decide kung anong pipiliin ay pumunta na lang si Kale sa helmet section. Hindi niya inaasahan na nandito lang pala ang dalawa. Isinusuot ang bawat helmet na naka-display at magpo-pose na akala mo ay model tapos ay biglang tatawa. Dahil sa kanyang nasaksihan, napatampal na lamang siya sa kanyang noo.
Mga abnormal talaga. Iisipin ko na talaga na bagay silang dalawa.
Pumunta na si Kale sa gawi ng dalawa at tumingin sa mga ito nang naka-poker face. Nang makita siya ng mga ito, biglang umayos si Yan at dude saka nagpatay-malisya na kunwari ay sinusuri nang maigi ang mga helmet. Ang galing talaga nilang magpanggap na para bang wala silang ginawang katangahan kanina.
"Ang ganda nitong na helmet 'no dude? Kaso ang mahal lang," saad ni dude kay Kale habang hawak nito ang isang blue na helmet. Nang tingnan niya ito ay tumango lamang siya. Isa pala itong LightMode helmet kaya mahal, ani Kale sa kanyang isip.
"Gusto mo ba 'yan?"
Muntikan nang mabitiwan ni dude ang hawak na blue helmet dahil sa pagkabigla at pagkagulat. Saglit niya munang tinitigan si Kale at parang binabasa niya kung ano ang nasa isip nito. Nang wala makuhang sagot si Kale mula sa kaibigan ay iniwan niya muna ito para makapag-isip isip pa.
"Nix! Ang ganda nitong helmet na 'to oh. Gusto ko siyang bilhin. Ano sa tingin mo?" masayang sabi naman ni Yan habang patakbong palapit kay Kale, hawak ang isang red helmet at may mga black lines na design ito.
"Bagay sa 'yo 'yan saka maganda 'yong style."
Ngumiti naman ito sa kanyang sagot at tiningnan ulit ang helmet. Napakunot naman ang noo ni Kale nang ibalik nito ang hawak na helmet sa helmet rack.
"Bakit mo ibinalik? Akala ko ba gusto mo?"
"Nagbago isip ko eh. Kahit gusto kong bilhin, ang mahal niya," tugon ulit nito kay Kale habang kamot-kamot ang nito ang ulo.
Kinuha ni Kale ang helmet na ibinalik ni Yan at inilagay sa kanyang basket. Ito na ngayon ang nalilito dahil sa kanyang ginawa. Hinayaan na lamang niya ang kaibigan.
Pinuntahan na ulit nilang dalawa si dude. Tila gano'n pa rin ang puwesto nito nang iwan siya ni Kale kanina. Iniisip pa rin niya ata ang tungkol sa helmet. Dahil mukhang hirap pa rin itong mag-decide ay kinuha na rin ni Kale rito ang helmet at inilagay na rin sa basket. Kukunin pa sana ito ni dude pabalik pero mabilis na umalis si Kale papuntang counter.
"Sir, okay na po ba?" tanong sa akin ng cashier.
"Hindi po ako sir. Yes, okay na."
Kinuha na ng cashier ang mga helmet na kanilang napili. Nang maayos na, kinuha ni Kale ang kanyang wallet sa backpack niya at nagbayad na. Sinabi rin niya na ilagay sa magkabilang box ang dalawang helmet. Mabilis naman itong ginawa ng cashier. Nagpasalamat na sila nang iabot nito ang dalawang box na naka-plastic at umalis na sa motor shop.
"Dude, Yan, take these," at iniabot ni Kale ang dalawang plastic sa kanila.
Sa halip na kunin ni Yan at dude ang iniaabot sa kanila ay niyakap nila si Kale nang mahigpit. Kahit hindi niya nakikita ang mga mukha ng dalawang kaibigan ay ramdam niya ang labis na tuwa ng mga ito dahil sa kanilang ikinikilos.
"Grabe dude! Maraming-maraming salamat! Tinupad mo ang gusto ko," masayang sigaw ni dude.
"Mahal na mahal talaga kita Nix!" tili naman ni Yan at mas hinigpitan ang pagkakayakap kay Kale.
Makalipas ang ilang minuto, humiwalay na sila kay Kale at masayang umuwi ang tatlong magkakaibigan.
That's what friends are for.