Ariana Carter POV
Kakarating ko lang dito sa head quarter namin, nandito ako ngayon sa opisina ng tito ko at hinihintay ko siya. Akala ko pa naman nandito na siya. Nyemas na yan! Masyado akong na excite.
"Ang saya mo yata Ariana" napatingin ako sa kaibigan ko na si Mia nang bigla siyang magsalita. Siya nga pala si Mia Garcia isa din siyang secret agent.
"Oo nga, kanina ko pa yan napapansin" sambit naman ni Sara Villanueva na kaibigan din namin. Ngumiti ako sa mga kaibigan ko kaya mas lalong kumunot ang mga noo nila. Hahahahaha mga tsismosa ang pota!
Napatingin kami sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa nito ang Tito ko kasama ang dalawa niyang anak na pinsan ko na si Hannah and Hazel de Guzman. Mga anak sila ng tito ko na si Vincent de Guzman na kapatid ng mama ko na si Vanessa de Guzman at ang papa nila ang namumuno sa DG organization at siya ang lolo namin at ang pangalan niya ay Vladimir de Guzman.
"Ariana" napatingin ako sa tito ko nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko at umupo siya sa upuan niya.
"Yes chief" nakangiting sambit ko. Nagtataka namang tumingin sa akin ang mga pinsan ko pero hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin at naghihintay lang ako sa sasabihin ng tito ko.
Potangina ang bagal! excited na ako eh! nyemas na yan!
"Change of plan tayo" sambit niya at seryosong tumingin sa akin. Nawala naman ang mga ngiti ko sa mukha at seryosong tumingin sa kanya. Umupo ako sa isang sofa at naghihintay sa kanyang sasabihin. Anong ibig niyang sabihin? Change of plan? Does it mean na hindi na ako mag e espiya sa Russo Mafia? Paano na ang sasakyan ko? Ka inis naman!
"Anong plano chief?" seryosong tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at may binigay siyang isang papel. Agad ko naman itong tinanggap at binasa ang nakasulat.
Name: Lorenzo Anderson Russo (eldest)
Age: 19 years old
Year: First year college
Parents:
-Mother: Stefanie Anderson Russo
-Father: Gabrielle Russo
Siblings:
-Matteo Anderson Russo 17 years old (second child)
-Francesca Anderson Russo 16 years old (third child)
-Daniella Anderson Russo 15 years old (youngest)
Mafia: Russo Mafia
at may picture ng isang lalaki, binasa ko pa ang ibang nakasulat. Ano naman ang meron dito? Nakakunot noo akong tumingin sa tito ko at natataka akong nakatingin sa kanya at parang naiiintidihan naman niya ako kaya nagsalita siya.
"Siya ang anak ng mafia boss ng Russo Mafia. You need to spy him may nakuha kaming isang impormasyon na siya ang susunod na maging Boss nila. Kailangan mo siyang maging kaibigan at kailangan mong makakuha ng impormasyon sa kanya. Nag-aaral siya sa isang L.R University na pagmamay-ari nila. Dun ka mag-aaral sa paaralan na pinapasukan niya. Wag kang mag-alala gumawa na kami ng Fake document mo. Bibigyan ka namin ng limang buwan at sa loob ng limang buwan kailangan alam mo na ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanila" mahabang paliwanag ng tito ko.
Potangina?
Kakaibiganin ko siya? Nahihibang na ba ang tito ko? Paano kung masungit yun? Edi mahihirapan pa ako? Tangina naman.
"And one more thing, may dorm ang school na papasukan mo kaya hindi ka muna uuwi sa bahay niyo. Bukas na bukas papasok ka na, ipapahatid na lang kita kay Lucas" dagdag pa niya. Punyeta naman? bukas agad? tangina hindi naman halatang excited ang tito ko ano? magkapatid nga sila ni mama.
Tangina naman!
Tumango na lang ako sa tito ko at tumingin ako sa mga kasama namin na parang gulat sa mga narinig nila. Hindi ko sila masisisi, hindi pa kasi sila binibigyan ng isang misyon tungkol sa mga Mafia. Sa lahat ng mga babaeng agent ako lang ang nagkakaroon ng misyon na ito. Hindi kasi nila tinatanggap dahil natatakot raw sila sa mga nangyayari.
"Dafak? sure ka dyan beshy?" tanong ni Sara sa akin. Tumango naman ako sa kanya saka nag thumbs up.
"Paano kung may masayang mangyari sayo?" nag-aalalalang tanong ni Mia sa akin. Lumapit ako sa kanya saka inakbayan siya "Ano ka ba, parang hindi mo naman ako kilala. Maingat akong tao at baka nakalimutan mo kung sino ako?" pagpapagaan ko ng loob niya.
Bigla namang tumulo ang luha ni Mia at niyakap niya ako. "Ano ka ba, don't worry. Kaya ko to, ako pa"
"Pero cousin, we're worried" nag-aalalang sambit ni Hazel. Ngumiti lang ako sa kanya na para bang sinasabing kaya ko to.
Napatingin ako kay Hannah at bigla itong bumuntong hininga "Basta't mag-iingat ka ha" sambit niya. Tumango naman ako saka ngumiti. Nilapitan ako ng mga kaibigan at pinsan ko at niyakap nila ako. "Don't worry guys, kaya ko to. Babalik akong buhay promise" sambit ko sa kanila.
Kumalas kami sa pagkakayakap at tumingin ako sa tito ko "Nasan na?" na-eexcite na tanong ko. Napabuntong hininga naman ang tito ko at binigay niya sa akin ang susi ng sasakyan. Kumikinang naman ang mata ko habang pinagmamasdan ko ang susi ng sasakyak at hinalikan ko pa ito.
"Kaya naman pala" napatingin ako sa mga kasama ko nang bigla silang magsalita.
"Hehehe" sambit ko saka tumakbo palabas. Alam ko kasi na papagalitan na naman nila ako.
Yeeeeeees! sa wakas may bago na naman akong baby.
Masubukan nga!
Agad akong lumabas ng head quarter at dumiretso sa parking lot.
Dumiretso ako sa bago kong sasakyan at kumikinang ang mata ko habang pinagmasdan ko ito. Pumasok ako sa loob at agad kong binuksan ang makina ng sasakyan at nagsimula ng magmaneho palabas ng parking lot pero bago ako makalabas biglang nagsidatingan ang mga kaibigan ko kinatok ang bintana ng sasakyan.
Binaba ko ang bintana at nagtataka akong tumingin sa kanila. Tangina naman storbo!
"Sama kami" magkasabay na sambit nila. Aayaw na sana ako pero bigla nilang binuksan ang pinto at pumasok na.
"Tangina naman" naiinis na sambit ko pero tinawanan lang nila ako. Nyemas!
"WOHOOOOOOOOOOO" sigaw namin yan wag kang epal. Sumisigaw kaming lima habang mabilis kong minamaneho ang bago kong sasakyan.
Biinibilisan ko pa ang pagmamaneho ng sasakyan ko. Tangina! ang sarap sa feeling!
Nakalipas ang ilang minuto ay bumalik na kami sa head quarter habang naglalakad kami pabalik sa opisina ng tito ko biglang nagsalita si Hannah kaya napatingin kami sa kanya "Tangina ang swerte mo gago!"
"Tangina mo rin! wag mo akong mamura. Papabili ka sa tatay mo total tatay mo naman yun"
"Oo nga no! Tangina ka nakalimutan ko tatay ko nga pala yun" natatawang sambit niya kaya napatawa din kami.
Nang nasa harapan na kami ng opisina ng tito ko ay agad kaming pumasok at naabutan naman namin si Lucas. Nasan si Tito?
"San si papa?" tanong ni Hazel kay Lucas.
"Lumabas, pinuntahan si Agent Martinez" sambit niya, tumango kami sa kanya at nilapitan siya. Umupo ako sa tabi ni Lucas at tumingin naman ito sa akin "I heard you have a new car" nakangiting sambit niya. Tumango sa kanya saka pinakita ko ang susi ng bago kong sasakyan.
Ginulo naman niya ang buhok ko at niyakap ako "Na-miss kita babe" sambit niya. Niyakap ko siya pabalik at hinalikan siya sa mga labi niya " I miss you too" sagot ko. Siya nga pala si Lucas Garcia kapatid siya ni Mia na kaibigan ko and he is my boyfriend. Hindi ko siya nakita ng mga ilang araw dahil may misyon ako at kahapon lang ito natapos. Tapos bukas may bago na naman akong misyon. Tanginang buhay to!
"Tangina! sa harapan pa talaga namin kayo maglandian" naasar na sambit ni Hazel. Hindi namin siya pinansin at nagpatuloy lang kami sa pag-uusap ni Lucas.
"I heard you have a new mission" sambit niya. Tumango naman ako sa kanya.
"Nako kuya! Mafia nanaman! Pagalitan mo nga yang girlfriend mo. Her mission is very dangerous" sambit ni Mia. Nginitian lang siya ni Lucas at ginulo ang buhok niya.
"Magtiwala lang tayo sa kanya okay? She's Ariana Carter our #1 best agent" sambit ni Lucas at tumingin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya.
"Thanks babe, thank you for trusting me"
To be continue....