Ariana Carter POV
"Nandito na tayo" napatingin ako sa labas ng bintana. Pumasok kami sa isang malaking gate mas maganda itong tingnan at hindi nakakatakot. Pagkapasok namin sa gate may mga lalaking naka itim at may dalang mga baril. Ibinaba ni Jacob ang bintana kaya napatingin ako sa gawi n'ya.
May lumapit na isang lalaki at yumuko ang lalaki sa harapan ni Jacob. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanila pero hindi ko ito pinapahalata at hinihintay kung ano ang susunod na mangyari.
"Master" sambit nung lalaki sa labas. Tumango lang si Jacob sa kanya at tumingin ang lalaki sa akin, inirapan ko lang s'ya at binalik ang paningin ko sa harap. Nagsimula nanaman mag maneho si Jacob kaya napatingin ako sa labas ng bintana.
Namangha ako habang pinagmamasdan ang palagid. Totoo ba 'to?
Nyemas!
Ang ganda.
Maraming matataas na building at sobrang ganda ng mga disenyo. Para akong nasa europe.
"Ito ang main campus ng L.R University. Ang malaking building na nakikita mo ngayon ay mga dorm ng mga studyante na nag-aaral dito na tinatawag na L.R Condominium" napatingin ako kay Jacob. Dorm? Bakit Dorm ang tawag nila sa isang condo? Tsk ang gulo pero wow! ibig sabihin dyan ako titira?
Nyemas! mukhang na e-excite nanaman ako.
"Nakita mo ba ang malaking building sa right side mo?" sambit naman n'ya. Napatingin naman ako sa right side ko at may nakita akong Mall? Potangina? may mall? Wow!
"Yan ang L.R Mall sa loob ng L.R University" sambit naman n'ya. Tumango naman ako sa kanya.
"Hindi pa ba tayo bababa?" tanong ko. Umiling naman sa akin si Jacob. Sayang gusto ko pa naman kumuha ng litrato. Nyemas! Ipapakita ko sana sa mga kaibigan ko. For sure ma iinggit ang mga 'yon.
"Kailangan natin pumunta sa opisina ni Lorenzo" sagot n'ya. Lorenzo? Si Lorenzo Russo ba?
Nice!
Buti naman at makikilala ko na s'ya ngayon. Palihim naman akong ngumisi at tumango at ipinagpatuloy ko pagmamasid sa paligid.
Tangina!
Hindi ako makapaniwala na may gan'tong klaseng paaralan dito sa pilipinas. Ngayon lang ako nakakakita ng isang paaralan na may sariling condominium at may sariling mall.
Pero ba't walang tao?
"Ba't walang tao?" tanong ko sa kanya. Mahina naman s'yang natawa at tumigil sa pagmamaneho saka tumingin sa'kin.
"Sunday kasi ngayon lahat ng mga studyante na nag-aaral dito ay nasa Underground" sambit naman n'ya. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Underground? anong meron dun?
"Huh? What do you mean?"
"Basta you'll know it soon" sambit niya saka binigay sa akin ang susi ng sasakyan ko. Bumaba na si Jacob sa sasakyan kaya bumaba na rin ako. Pumasok kami sa isang building at tahimik lang akong sumusunod sa kanya.
May mga guard na nagbabantay sa labas ng building at masama nila akong tiningnan.
Tangina! Problema ng mga 'to.
Inirapan ko lang ang mga guard at pumasok na sa loob ng elevator. Pinindot ni Jacob ang number 15 at nakalipas ang ilang segundo ay nandito na kami sa 15th floor. Bumaba na kami ni Jacob at pagkababa namin ay may nakita akong malaking pinto. Pumasok kami sa loob at may naabutan kaming isang lalaki na nakaupo sa isang working table. Tumingin sa amin ang lalaki at nagulat naman ako sa nakita ko pero hindi ko ito pinapahalata.
It's him.
Si Lorenzo Russo.
Siya ang lalaki na nasa harapan ko ngayon.
Tumingin sa akin si Lorenzo Russo at tinitigan n'ya ako sa mata. Bigla naman akong kinabahan at hindi mapakali. B-Bakit n'ya ako tinititigan? Kilala n'ya kaya ako?
Nyemas naman!
"She's the transferee" sambit naman ni Jacob. Napatingin si Lorenzo kay Jacob at tumango. Hinila ako ni Jacob at papunta sa isang sofa at umupo kami. Binalik naman ni Lorenzo ang paningin n'ya sa akin at saka ngumisi.
Tangina naman!
Biglang tumibok ang puso ko.
Bwesit ba't ba ako kinakabahan. Kapag tinititigan n'ya ako bigla na lang akong nanghina at hindi mapakali. Bwesit na 'yan hindi naman gan'to.
"Jacob you can leave now, just come back in fifteen minutes" bigla naman akong kinalibutan nang magsalita s'ya.
Nyemas! Ang lamig ng boses!
"Oks bossing" sagot naman ni Jacob sa kanya at tumingin sa akin. Nyemas! wag mo akong iwan huhuhu. Tinitigan ko si Jacob sa mata na para bang sinasabi na wag mo akong iwanan pero ngumiti lang s'ya sa akin at lumabas na.
Bwesit! Tangina naman!
Lagot ka sa'kin Jacob Brown papahirapan talaga kita. Baka nakalimutan n'ya yung deal namin? tangina!!!!! Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako. Hindi ko inaasahan na magkakaganito ako. Sa lahat ng naging misyon ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Punyeta!
Dahan dahan na lumapit si Lorenzo sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya at binabantayan ang bawat galaw n'ya hinanda ko rin ang sarili ko sa posibleng mangyari. Hinawakan ko ang throwing knife ko na nakatago sa secret pocket ko. Habang papalapit si Lorenzo sa akin ay pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko at pinagpawisan na ako.
Nyemas!
Huhuhu lolo help.
Umupo siya sa tabi ko "What are you doing here?" malamig na sambit n'ya. Napatingin naman ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin.
Nyemas!
Ang gwapo n'ya pala sa malapitan. Pero teka lang anong sabi n'ya?
What are you doing here?
Nyemas! May alam kaya s'ya?
"H-Huh? Anong ibig mong sabihin?" pagmaang-maangan ko. Bigla naman s'yang ngumise at inilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko. Nyemas na 'yan! ba't ang lapit ng mukha n'ya.
"You're not a mafia right?" sambit naman niya.
Tangina! naamoy ko ang hininga n'ya. Nyemas umiral na naman ang kalandian ko. Ba't ang bango?
Kalma self alam mong marupok ka sa mga lalaking gwapo at sa mga lalaking cute. Relax ka lang at wag mong pairalin ang iyong karupokan
Relax Ariana!
Nyemas!
Kinalma ko ang sarili ko at sinagot ko ang tanong n'ya.
"Anong pinagsasabi mo?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. Hindi ko ipinapahalata na kinakabahan ako. Sana'y na ako sa mga gan'tong sitwasyon.
"Nevermind. What's your name?"
"Ariana Ca-- Zamora" nyemas! muntik na. Ngumise naman s'ya sa'kin at tumayo. Pumunta s'ya sa working table n'ya at binuksan n'ya ang isang drawer at may kinuha s'yang isang papel. Bumalik sa gawi ko si Lorenzo at binigay n'ya sa akin ang papel na kinuha n'ya. Agad ko naman itong binasa.
Name: Ariana Zamora
Age: 19 years old
Year: First year college
Parents:
-Mother: N/A
-Father: N/A
Siblings: N/A
Mafia: N/A
Nyemas!
Ito yung fake documents ko. Dahan dahan akong tumingin sa kasama ako at nakatingin lang s'ya sa akin. Tsk! I know what you are doing jerk! Alam kong binabantayan n'ya ang bawat galaw at ang magiging reaksyon ko.
"Ah ano naman ang gagawin ko dito?" pasimpleng tanong ko.
"Are you hiding something, bakit N/A lahat ng nakasulat d'yan?"
"Okay lang naman diba? tumatanggap naman kayo ng mga studyante na tinatago din ang mga pagkatao nila" pagsusungit ko. Kailangan kong maging masungit para hindi n'ya mahahalata na may tinatago ako.
"Tsk kung ako ang masusunod hindi kita tatanggapin. But my mom has accepted you at wala na akong magagawa dyan." sambit pa n'ya. Tumango lang ako sa kanya at nagsalita nanaman s'ya "Basahin mo yung papel na binigay ni mommy kanina. That's our rule at nandyan na rin ang schedule mo. If you want to ask something pumunta ka lang dito" dagdag pa n'ya at tumango nanaman ako. Nakakapagod sumagot sumasakit ang ulo ko gusto ko ng matulog.
"I'm Lorenzo Russo by the way. The owner of this school" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi n'ya. Nyemas! s'ya ang may-ari ng paaralan na 'to?
Shoot! so ang ibig sabihin ng L.R ay Lorenzo Russo? Nyemas bakit hindi ko naisip yun?
"Nice to meet you ARIANA ZAMORA" sambit pa n'ya at mas idiniin ang
pagbanggit ng pekeng pangalan ko.
Nyemas!
Mukhang kailangan kong mag-ingat.
To be continue...