Chereads / SHE'S A SPY / Chapter 11 - His Friends

Chapter 11 - His Friends

Ariana Carter POV

Fuck! Fuck! Fuck!

Bakit ba ako pumayag?

Tangina makikita kami ni Lucas.

Pero pwede ko 'tong gamitin sa misyon ko. Pero nyemas! nag-aalala ako sa magiging reaksyon ni Lucas. Paniguradong malalaman n'ya 'to. Lalo na't ang lalaking 'yon ang may-ari ng paaralan na 'to.

Siguro ipapaliwanag ko na lang kay Lucas? Siguro naman maiintindihan n'ya ako diba?

Pero tangina naman bakit ba kasi ako pumayag? Dahil ba sa nakasulat sa kontrata? Nyemas hindi eh! Hindi ko inaasahan ang nangyari kanina. Hindi ko alam pero bigla akong natakot at bigla akong pumayag sa gusto n'ya.

Pero chance ko na rin 'to para mapalapit sa kanila.

Nabasa ko sa nakasulat sa kontrata kanina na magpanggap kami bilang magkasintahan at ipapakilala n'ya sa pamilya n'ya. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko konektedo ito sa misyon ko. Mas mapapadali ang misyon ko kapag nakakausap ko sila. At isa pa baka may malaman akong impormasyon kapag kasama ko s'ya.

Pero nag-aalala pa rin ako, nag-aalala ako sa maging reaction ni Lucas. Alam kong maiintindihan n'ya ako dahil parte ito ng misyon namin. Pero alam kong masasaktan s'ya. Tangina naman!

Hindi ko kayang saktan si Lucas.

"Argh" nakapasunot na lang ako sa buhok ko at napabuntong hininga.

Nyemas sana hindi na lang ako lumabas! Sana tinawagan ko na lang si Jacob.

Tangina naman!

Napatingin ako sa wall clock at hindi ko namalayan na alas 9 na pala ng gabi. Nyemas hindi pa ako kumakain.

Pumunta ako sa refrigerator saka binuksan ito pero nadismaya ako ng makita kong walang pagkain sa loob ng ref. Tangina naman! Ba't ba ang malas ko ngayon. Bumalik na lang ako sa sala saka ko tinawagan si Jacob nakalipas ang ilang minuto ay sinagot n'ya naman ito.

"Bakit Aria babes?" sambit n'ya.

"Tsk! bilhan mo nga ako ng pagkain." sambit ko.

"Hindi ka pa kumain? Tangina anong oras na" nag-aalalang tanong n'ya.

"Hindi pa eh" sagot ko naman.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Alam mo ba kung anong oras na? Aria babes naman eh pano kung magkasakit ka?"

"Wow! Kung makapag-react kala mo nanay ko eh. Tsk! sige na gutom na ako. Please Jacob" pagmamakaawa ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa n'ya "Aye aye Aria babes" sambit n'ya saka binaba ang tawag.

Nakalipas ang 30 minuto ay dumating na si Jacob at binigay n'ya sa kin ang pagkain na binili n'ya agad ko naman itong kinain. Nakatingin lang si Jacob sa akin habang kumakain ako at nang matapos akong kumain ay ngumiti ako sa kanya saka nagpasalamat.

"Thanks Jacob"

"No probs Aria babes"

"Makakaalis ka na" sambit ko. Nanlaki naman ang mata n'ya saka ngumuso kaya nilapitan ko s'ya at kinurot ko ang pisngi n'ya.

"Sige na may pasok pa tayo bukas, kung gusto mo sabay na tayong pumasok pumunta ka na lang dito sunduin mo ako hehe" sambit ko saka napakamot sa ulo ko. Bigla naman s'yang ngumiti saka tumango.

"Talaga? sige sige. Goodnight Aria babes" sambit n'ya. Tumango naman ako sa kanya at umalis na s'ya ng tuluyan.

Pagkaalis ni Jacob ay agad kong niligpit ang pinagkainan ko at umakyat na papunta sa kwarto ko. Agad akong pumasok sa banyo saka naligo pagkatapos kong maligo ay humiga na ako sa kama.

Hays!

Bukas na ako papasok. Sana naman hindi ako mahihirapan sa misyon ko. At sana naman hindi magalit sa'kin ang mga studyante sa paaralan na 'to. For sure magagalit ang mga 'yon kapag nalaman nilang girlfriend ako ng isang Lorenzo Russo. Paniguradong maiinis sa akin ang mga fan girl ng lalaking yun. Ganun naman talaga ang madalas na nangyayari.

Pero fake lang naman yun eh. Nyemas naman bakit ba kasi ako pumayag.

Hays!

Hindi ko na lang inisip yun at pinikit ko na lang ang mata ko hanggang sa makatulog ako.

****

Kinabukasan ay maaga akong nagising agad akong bumangon saka naligo pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako saka bumaba para kumain.

Tangina!

Oo nga pala wala pala akong pagkain sa ref. Nyemas naman!

Narinig kong may nag doorbell kaya pumunta ako sa pinto at binuksan ito. Naabutan ko naman si Jacob na may dalang plastic at ipinakita n'ya ito sa akin. Ngumiti si Jacob "May dala akong pagkain. Let's eat" sambit n'ya saka pumasok na.

Agad naman akong sumunod sa kanya saka nagsimula na kaming kumain ng agahan. Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan n'ya at sinimulan na n'yang magmaneho papunta sa school campus. Nakalipas ang dalawang minuto ay narating na namin ang aming destinasyon agad kaming bumaba ni Jacob at pansin ko naman na tumitingin sa amin ang mga studyante.

"Who the hell is she?"

"Hala sino yan? Bakit kasama n'ya ang Jacob ko?"

"OMG is she his girlfriend?"

"She looked weak"

"Woah chix"

"She's Pretty"

"And cute"

"Don't mind them" napatingin aki may Jacob nang magsalita s'ya. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

"By the way anong section ka?" tanong n'ya sa akin.

"Class A1" tipid na sagot ko. Nanlaki naman ang mata n'ya saka ngumiti ng malawak "Mukhang tinadhana tayo Aria babes. Magkaklase tayo" sambit n'ya. Napangiti naman ako sa sinabi n'ya. Nice may kakilala ako.

"Hey girl did you see that? Jacob's smiling at her"

"OMG yeah gosh I can't believe this. Who the hell is she"

Patuloy lang sa pagbubulungan ang mga studyante. Hindi ko nalang sila pinagtuuanan ng pansin at tahimik lang na sumusunod kay Jacob. Palihim lang akong nagmamasid sa paligid at parang normal na university lang pala ang LRU. Akala ko pa naman na lahag ng mga studyante ay may dalang mga baril at kahit ano pang armas. Tsk!

"Sya nga pala Aria babes, pumunta muna tayo sa opisina ni President" sambit n'ya.

"Ha? sino naman yan?"

"Oh hindi mo pa pala alam? I mean puntahan muna natin si Lorenzo he's the student council president" sambit n'ya at tumango naman ako.

Nakalipas ang ilang minuto ay nandito na kami sa harap ng pintuan ng council na sinasabi n'ya at agad n'ya naman itong binuksan at may naabutan kaming tatlong lalaki na nakaupo sa sofa kasama si Lorenzo Russo. Napatingin naman sila sa gawi ko at nagtataka silang tumingin sa akin. Hinila ako ni Jacob papalapit sa kanila at napatingin ako sa lalaking kamukha ni Jacob?

Tangina?

May kambal s'ya?

Tumingin ako kay Jacob at hinila n'ya ako papalapit sa kanya. Napatingin naman ako sa kambal n'ya nang bigla itong magsalita.

"Hi Ms.Beautiful I'm Daniel Brown his twin brother. Just call me Daniel or baby if you want" sambit n'ya saka kinindatan ako.

Tsk!

Playboy!

"No thanks" sambit ko saka napatingin sa gawi ni Lorenzo. Seryoso lang s'yang nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at tumingin kay Jacob nang magsalita s'ya "Siya nga pala si Ariana Zamora. She's transferee" pagpapakilala n'ya sa akin.

"Uhm Hi" sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sa akin ang isang lalaki.

"Nice to meet you Ariana I'm Joshua Davis. Just call me Josh" pagpapakilala naman ng isang lalaki. Ngumiti lang ako sa kanya saka tumango at napatingin sa lalaking katabi n'ya.

"Matteo Russo" tipid na sambit n'ya. Nagulat naman ako sa sinabi n'ya pero hindi ko ito pinapahalata.

He's Lorenzo's brother.

"Umupo ka muna Aria babes" sambit ni Jacob at hinila ako papalapit sa isang bakanteng sofa at tumabi naman s'ya sa akin. Napatingin naman ako kay Lorenzo.

Bigla s'yang tumayo at lumapit s'ya sa gawi namin at pinaghiwalay kaming dalawa ni Jacob saka hinila n'ya ako papalapit sa kanya.

"Stay away from my girlfriend"

To be continue...