Ariana Carter POV
Napatingin ako sa pinto nang biglang may kumatok at pumasok si Jacob. Tumingin si Jacob sa gawi ko saka nginitian ako pero inirapan ko lang s'ya at umiwas ng tingin. Narinig ko naman ang mahina n'yang pagtawa.
Nyemas!
"Bossing" bati n'ya sa kasama ko at umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa gawi nila at seryoso lang nakatingin si Lorenzo kay Jacob habang si Jacob ay sumusulyap sa gawi ko.
"Take her to her dorm" sagot naman ni Lorenzo sa kanya at tumayo na. Tsk!
"Arat na Aria babes" biglang sambit ni Jacob at hinila ako palabas. Pero anong sabi n'ya? Aria babes? Potangina?
"Hoy anong sabi mo?" naiinis na sambit ko at pumasok na kami sa elevator.
"Sabi ko arat na Aria babes" sambit n'ya at ngumiti pa.
"Nyemas! stop calling me that" malamig na sambit ko. "Bakit Aria babes?" sambit naman n'ya saka nag pout. Nyemas naman! lagot ako kay Lucas kapag narinig n'ya yan. Tangina!
"I said stop" sambit ko at bumaba ng elevator nang bumukas ito. Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Jacob and he's calling my name pero hindi ko s'ya pinansin at dumiretso na sa sasakyan ko at pumasok.
Binuksan ko ang makina ng sasakyan at bigla namang pumasok si Jacob sa passenger seat.
"Bakit mo ako iniwan Aria babes?" sambit naman n'ya saka nag pout ulit. Grrr ang cute n'ya! Pero naiinis ako sa kanya. Tsk!
"Tsk! sa'n ba ang dorm ko?" nakakunot noo na tanong ko sa kanya. Tinuro naman ni Jacob ang pangatlong builing sa right side ko kaya tumango ako sa kanya at sinimulan magmaneho papunta kung nasa'n ang dorm ko. Pumasok ako sa isang basement at pinark ko ang sasakyan ko.
Bumaba na ako ng sasakyan at bumaba na din si Jacob. Tahimik lang kaming naglalakad at hindi ko s'ya kinakausap. Tsk! nararamdaman n'ya siguro na medyo naiinis ako sa kanga kaya hindi na s'ya nagsalita.
Sumakay nanaman kami sa isang elevator at pinindot ni Jacob ang 10th floor. At nakalipas ang ilang segundo ay bumaba na kami. Tahimik lang akong sumusunod kay Jacob at huminto kami sa isang pinto napatingin ako sa taas ng pinto at may nakita akong numero na naka-ukit sa taas.
Room #99
"Where's your key?" biglang sambit n'ya. Binigay ko naman ang susi na ibinigay ni Mrs.Russo kanina at agad n'ya naman itong kinuha at binuksan ang pinto.
Pumasok kami sa loob ng unit at nanlaki ang mga mata ko ng makita ito.
Nyemas ang ganda!
"Nyemas ito ba talaga ang dorm ko?" namamanghang tanong ko sa kasama ko. Ngumiti naman s'ya sa'kin saka tumango.
"Yup"
"Nyemas ang ganda!"
Narinig ko naman ang mahina n'yang pagtawa. Humarap ako kay Jacob saka ngumiti ng mawalak at pinitik ko ang noo n'ya "Pasalamat ka medyo nawala yung inis ko sayo" sambit ko at tuluyan ng pumasok sa loob. Nilibot ko ang paligid at habang pinupuntahan ko ang bawat lugar ng dorm ko ay hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko.
Tangina ito na yata ang pinaka magandang misyon na natanggap ko. Laking pasasalamat ko na tinanggap ko ang misyon na 'to alam kong mahihirapan ako o posibleng mabigo ako sa misyon ko at maaari ko itong ikamatay dahil mafia ang kalaban ko pero at least naranasan ko ang ganito kasaya.
Masaya ako sobrang saya.
Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko basta ang alam ko ay masaya ako ngayon.
***
Jacob Brown POV
Tahimik lang akong nagmamasid sa bagong studyante. She's beautiful, cute and hot kaya lang medyo masungit. I like her attitude lalo na ang pagiging masungit n'ya.
Masaya n'yang nilibot ang buong paligid at makikita mo talaga sa mga mata n'ya ang saya.
Napangiti naman ako habang tinitingnan ko s'ya. She's something. I mean s'ya lang ang babaeng nakakapagpangiti sa akin ng ganito. When I saw her she immediately captured my eyes. I mean nagiging interesado ako sa kanya.
Oo, aaminin ko na gusto ko s'ya.
Naniniwala ka ba sa love at first sight? 'yan ang nararamdaman ko kanina nang makita ko s'ya. Alam kong napaka-imposible. Pero bigla na lang akong naging interesado sa kanya kahit wala s'yang ginawang kakaiba. She's pretty and quite interesting. I want to know about her more.
Kanina when he let her borrow her car medyo na touched ako. Nararamdaman ko naman na ayaw n'yang ipahiram ang sasakyan pero pumayag pa rin s'ya. Kaya ko nga nasabi yung kaartehan ko sa kanya kanina kasi komportable ako sa kanya. Sabi nga ng mga nag-aaral dito na I'm cold, walang puso atb. Hindi ko naman sila masisi kung ganyan ang pagtingin nila sa akin sumusunod lang din ako sa utos ng nakakataas.
"Jacob, pwede ka ng umalis" napatingin ako kay Ariana ng bigla s'yang magsalita. Ngumiti ako sa kanya at tumayo na "Okay, Aria babes. Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. Remember our deal?" sambit ko sa kanya at binigyan s'ya ng calling card. Ngumiti naman si Ariana sa akin at tumango.
"Oks, salamat nga pala" sambit n'ya. "No probs" sagot ko naman at akmang lalabas na pero bigla s'yang nagsalita kaya napalingon ako sa gawi n'ya.
"Sya nga pala, stop calling me Aria babes. Maliwanag?" sambit n'ya. Napasimangot naman ako sa sinabi n'ya "Okay Aria babes" pagbibiro ko. Napansin ko naman na medyo na naiirita na s'ya kaya palihim akong napangiti.
She's cute.
"Nyemas bahala ka na nga. Shoooo!" sambit n'ya at tinataboy ako palabas. Natawa naman ako sa naging reaction n'ya at tuluyan na ngang nakalabas ng unit n'ya.
S'ya nga pala!
Ako nga pala si Jacob Brown 19 years old and I'm first year college. No girlfriend since birth at m'yembro ako ng Russo Mafia at kaibigan ko si Lorenzo Russo. I have a twin brother and he's Daniel Brown beware of him because he's a fuckboi.
Shit! kailangan ko pa palang bumalik sa opisina ni Lorenzo.
Agad akong bumaba at dumiretso sa opisina ni Lorenzo. Naabutan ko naman s'ya na nakaupo sa working table n'ya at tumingin naman s'ya sa gawi ko nang makapasok ako sa loob.
"Yow Bossing" bati ko sa kanya at umupo sa isang upuan sa harapan n'ya.
"I have a task for you Jacob" seryosong sambit n'ya. Seryoso naman akong tumingin sa kanya at tumango. Ano nanaman ang task ko?
"I want you to watch the new student Ariana Zamora and I want you to know about her identity. Kaibiganin mo s'ya at gamitin mo s'ya para makakuha ka ng impormasyon tungkol sa kanya." seryosong sambit n'ya. Nagulat naman ako sa sinabi n'ya.
Tangina!
Ayaw ko ng misyon na 'to dahil paniguradong magagalit sa akin si Ariana kapag malaman n'ya 'to. At paniguradong lalayuan n'ya ako. Pero wala na akong magagawa.
Fuck this life.
"Okay bossing" sagot ko sa kanya.
"Good. I feel like she's not like us. Kaya kapag malaman na natin kung ano ang tunay na pagkatao n'ya. We're going to kill her." sambit pa n'ya.
Tangina!
"Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni mommy. I know that she know that the new student is different pero tinaggap n'ya pa rin ito. Tsk!" dagdag pa n'ya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nagulat ako sa sinabi n'ya. Tangina! I can't kill her.
"Are you with me Jacob?" tanong naman ni Lorenzo. Napatingin naman ako sa kanya at seryoso lang s'yang nakatingin sa akin.
"Yeah" sagot ko naman at tumingin sa labas ng bintana.
Tangina!
Gusto kong tanggihan ang mga pinagsasabi n'ya. Pero wala na akong magagawa, he's my boss. Fuck this life!
To be continue...