Chereads / SHE'S A SPY / Chapter 9 - Lorenzo Russo

Chapter 9 - Lorenzo Russo

Ariana Carter POV

Pagkalabas ni Jacob sa unit ko ay agad kong kinuha ang laptop ko at agad kong tinawagan si tito. Nakalipas ang ilang minuto ay sinagot n'ya naman ito at kasama n'ya ang ibang m'yembro ng DG organization.

"Agent A, anong balita?" biglang sambit n'ya.

"Tinanggap na nila ako chief" sambit ko saka ngumiti at nagsalita ulit "Sya nga pala, bakit hindi n'yo sinabi sa akin ang bagong plano?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Napabuntong hininga naman ang ang tito ko

"Biglaan eh, plano yan ni Master." plano ni lolo? What's his plan? tangina ba't hindi nila ako sinabihan?

Nyemas na yan!

"May iba pa tayong plano pero hindi pa namin pwedeng sabihin sa'yo. Just focus on your own misyon at s'ya nga pala sa pagkakaalam ko papasok ka na bukas. Kaya pagbutihan mo ang misyon mo Agent A" sambit pa n'ya. Tumango na lang ako sa kanya saka pinatay ko na ang tawag.

Medyo weird.

I mean nakakapanibago, ngayon lang 'to nangyari. Hindi man lang nila ako sinabihan ng buong plano. Ano ba ang balak ni lolo? At bakit biglang nagbago ang plano? Nyemas naman!

Umiiral nanaman ang kuryusidad ko. Tsk!

Umiling na lang ako saka tumayo na at inayos ko na ang mga gamit ko. Nyemas! hindi pa rin ako makapaniwala na ganito kaganda ang dorm ko. Kaya lang medyo weird kasi dorm ang tawag nila sa isang condominuim.

Tsk!

Nakita ko ang papel na binigay sa 'kin ni Mrs. Russo kanina kaya agad ko itong kinuha at binasa ang nakasulat.

L.R University Rules:

Rule #1: Do not kill inside the school campus. (Unless you have permission from the boss)

Nyemas anong klaseng rules 'to?

Rule #2: You are not allowed to leave LR University on weekdays.

Ibig sabihin tuwing sabado't linggo lang ako makakalabas dito? Nyemas naman. Pero okay na rin at least may Mall dito hindi magiging boring. At medyo nagiging interesado ako sa Underground na sinasabi ni Jacob.

Rule #3: You are not allowed to take a cutting classes.

Nyemas! Mahilig pa naman ako mag cutting class lalo na't gutom ako. Pano na 'yan?

Rule #4: You need to join a club.

Club? Anong klaseng club? Ano ba 'yan. Pa'no ko malalaman kung anong ibig nilang sabihin. Tsk ang bobobo din 'no? Hindi man lang ipinaliwanag.

Nyemas na yan!

Rule #5: You have to follow the rules.

Ano ba 'yan! Anong klaseng rule 'to? Rule #5 kailangan kong sundin lahat ng rules? Tsk! parang timang ang pota.

Hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin at tumingin ako sa likod ng papel at nakita ko naman ang schedule ko.

Ariana Zamora, 19 years old Schedule: (Class A1)

Monday: 08:00-16:00

Tuesday: 08:00-16:00

Wednesday: 08:00-16:00

Thurday: 08:00-16:00

Friday: 08:00-12:00

Saturday: Rest Day

Sunday: 16:00-18:00 (Underground)

Napakunot naman ang noo ko nang makita ko ang nakasulat sa Sunday. Nyemas ano 'to? What the hell is this? At ano ba 'tong underground? Kanina pa ako na ku-curious dito.

Nyemas!

I'm really curious!

Tawagan ko kaya si Jacob? o kaya puntahan ko si Lorenzo total sabi naman n'ya sa'kin na pumunta lang ako sa opisina n'ya kapag may gusto akong itanong.

Tama puntahan ko na lang s'ya.

****

Nandito na ako sa labas ng opisina ni Lorenzo Russo agad ko itong kinatok at binuksan. Naabutan ko s'ya na nakaupo sa sofa at tumingin naman si Lorenzo sa gawi ko. Ngumiti ako sa kanya at nilapitan s'ya. Seryoso lang s'yang nakatingin sa akin at hinihintay na magsalita ako. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"U-Uhm gusto ko lang sana magtanong" sambit ko. Tumango naman s'ya sa akin saka pinaupo ako kaya umupo ako sa tabi n'ya at pinakita ang papel na hawak ko.

"Anong ibig sabihin ng Underground? I mean ano 'yan?Anong meron sa Underground?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Napansin ko naman na ngumise s'ya kaya napakunot ang noo ko. May sinabi ba akong mali?

"I knew it" biglang sambit n'ya saka seryoso akong tiningnan. Nabigla naman ako nang bigla n'ya akong hilain papalapit sa kanya at pinulupot n'ya ang braso n'ya sa leeg ko saka tinutukan ako ng baril sa ulo.

Tangina! I let my guard down!

Hindi ko pinapahalata sa kanya na nabigla ako sa ginawa n'ya at kinalma ko ang sarili ko saka nagsalita.

"Hoy anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya saka kinalma ang sarili ko.

"What are you doing here?" malamig na tanong n'ya sa'kin. Hindi ko naman sinagot ang tanong n'ya saka tinulak ko s'ya papalayo sa'kin at mabilis kong kinuha ang baril na nakatago sa boots ko at itinutok ito sa kanya. Ngumisi ako kay Lorenzo saka sinagot ang tanong n'ya "Nandito ako para mag-aral. Hindi ba halata?" pang-aasar ko sa kanya. Ngumisi naman s'ya pabalik at ibinaba n'ya ang baril n'ya kaya binaba ko na rin ang baril ko. Tsk!

"No, I know you're not like us" sambit n'ya saka umupo at kinuha ang papel na dala ko. Tsk!

"Believe what you believe mister. Nyemas na 'yan! Pumunta lang naman ako dito kasi gusto kong itanong kung anong meron sa underground. Tsk! daming satsat" sambit ko saka umupo na rin.

Narinig ko naman ang mahina n'yang pagtawa kaya nanlaki ang mga mata mong tumingin sa kanya. What the hell! muntik ko ng makalimutan na tao rin pala ang mga mafia. Tsk! iba kasi anh paningin ko sa kanila. Lalo na't kalaban namin sila. Pero nyemas! ang hot n'yang tumawa promise. Umiral na naman ang kalandian ng isang Ariana Carter.

"T-Tumatawa ka pala?" namamanghang tanong ko sa kanya. Napatingin naman s'ya sa gawi ko saka kumunot ang noo n'ya.

"Tsk!" sambit n'ya saka umiwas ng tingin.

Palihim naman akong napangisi nang may naisip akong plano. Tama! Kailangan ko s'yang maging kaibigan at kunin ko ang tiwala n'ya. Yan yung sinabi ni chief sa akin. Sa tingin ko ito na ang tamang oras.

Nilapitan ko si Lorenzo at kita ko naman ang pagkabigla n'ya.

"What are you doing?" malamig na sambit n'ya. Ngumiti naman ako sa kanya "Ang cute mong tumawa, tawa ka nga ulit" nanlaki naman ang mga mata ni Lorenzo sa sinabi ko kaya palihim akong ngumise.

This is it.

Sisiguraduhin kong maging kaibigan kita. Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa misyon ko.

"Stay away" napahinto ako at hindi makagalaw nang marinig ko ang boses n'ya. Nyemas! hindi ko inaasahan na magiging mas malamig pa ang boses n'ya. Tsk! dahan dahan akong lumayo sa kanya at napasimangot. Napansin ko naman ang paglingon n'ya saka binalik ang paningin sa papel na hawak n'ya.

"So ano nga yung underground" pag-iiba ko ng usapan. Napabuntong hininga naman si Lorenzo saka humarap s'ya sa kin.

"Ang Underground ay isang Arena kung saan lahat ng studyante ay maglalaban. Every Sunday kailangan mong pumunta sa underground kasama ang mga studyante ng LRU and you need to fight them and it's not just a fight. It's a deadly fight. But there is only one rule in Arena at yun ay ang bawal pumatay." nagulat naman ako sa sinabi n'ya. What the hell? Anong klaseng paaralan 'to?

Nyemas naman oo nga pala. It's a fucking Mafia School.

Potangina naman!

To be continue...