Chereads / SHE'S A SPY / Chapter 5 - Stefanie Russo

Chapter 5 - Stefanie Russo

Ariana Carter POV

Habang naglalakad ako papunta sa gate. May nararamdaman akong kakaibang presensya na para bang may nagmamasid sa akin at binabantayan ang bawat galaw ko.

Psh! sige lang, magtago lang kayo mga hangal. Anong akala niyo sakin bobo na hindi kayo mararamdaman? Punyeta!

Pumasok ako sa loob ng gate at may naabutan akong isang matabang lalaki na may dalang assault rifle. Tumingin sa akin ang lalaki at itinutok niya ang baril sa akin. Ngumisi ako sa kanya saka hinagis ang dala kong envelope.

Sinalo naman ni tabachoy ang envelope at sinamaan niya ako ng tingin pero ngumisi lang ako sa kanya. Binuksan ni tabachoy ang envelope at binasa ang nasa loob. Psh!

"Sumama ka sakin" biglang sambit niya. Tumango lang ako sa kanya at tahimik lang na sumunod sa kanya. Pinakiramdaman ko ang presensya ng mga taong nagmamasid sa akin.

Tsk! Nandito pa rin sila.

"Ako nga pala si Sebastian Trinidad isa ako sa mga soldiers ng Russo Mafia" sambit niya. Tumingin naman ako sa kanya at tumango. Feeling close lang ganern? Nyemas!

"Mukha kang mahina, anong ginagawa mo dito?" Tanong naman ni tabachoy. Tangina bat ba ang daldal neto? Ako? Mahina? Hahaha nagpapatawa ba sya? Nyemas na yan! Masyado niya akong minamaliit porket babae ako tangina lang!

"Tinatanong pa ba yan?" Masungit na sagot ko sa kanya. Ang bobo lang eh ano? Ano bang ginagawa sa paaralan? Tsk!

"Relax, mabait ako. Kung tutuusin ako ang pinakamabait na soldiers dito. Maswerte ka't ako ang naabutan mong nagbabantay" sambit naman niya. Pake ko?

"Oh talaga? Edi thank you tabachoy" naiiritang sambit ko at diretsong tumingin sa harap. Tsk!

"Hahahahahahahahaha" Nakakunot noo akong tumingin sa kanya. Anong nakakatawa? Ka asar!

"Anong nakakatawa? Nyemas may nakakatawa ba sa sinabi ko ha TABACHOY" sambit ko at mas idiniin ko pa ang word na tabachoy.

"Pff w-wala" sambit niya at nagpipigil pa rin ng tawa. Tsk! Nakalipas ang ilang minuto ay huminto kami sa harapan ng isang kulay itim na pinto. Kumatok si tabachoy at pumasok na kami sa loob. May naabutan kaming isang lalaki na nakaupo sa isang sofa at humarap naman ito sa amin.

"Oy bossing nandito ka pala, may transferee hinatid ko lang" sambit naman ni tabachoy at tumingin siya sa akin saka ngumiti. Tsk! Umirap lang ako sa kanya saka umupo sa isang sofa kahit hindi nila ako pinaupo.

Napansin ko naman na nagulat sila sa ginawa ko pero hindi ko lang ito pinagtuunan ng pansin at humarap ako sa lalaki na tinatawag ni tabachoy na bossing. Tsk!

Binigay ni tabachoy ang envelope ma hinagis ko sa kanya kanina at agad naman itong tinaggap ng lalaki saka binasa.

"Hmmmm" tumatango na sambit niya saka tumingin sa akin. "Ariana Zamora right?" tanong niya.

"What's your mafia?" Tanong niya ulit. Tsk! Kailangan pa ba yon?

"Pasensya ka na hindi ko pwedeng sabihin" malamig na sambit ko. Ngumisi naman siya sa akin "Alam mo ba kung anong klaseng paaralan ang pinasukan mo?"

"Malamang" naiiritang sambit ko. Tsk! Daming satsat kelan ba ibibigay ang susi ng dorm ko.

"Tatanggapin niyo ba ako o hindi tsk"

"Relax, hindi ako ang mag dedesisyon nyan. Hintayin muna natin si madam" sambit naman niya. Madam? Sino naman yan?

"Ge"

"Ako nga pala si Jacob Brown" sambit niya saka inilahad ang kamay niya. Tsk! Tinanggap ko naman ito saka nagpakilala.

"Ariana" tipid na sagot ko at bumitaw na.

"Bossing alis na ako" napatingin naman kami kay tabachoy nang bigla siyang magsalita. Tsk! Nandito pa pala 'to?

Tumango ang lalaki sa kanya at tumingin naman si tabachoy sakin "bye miss sungit" sambit niya at lumabas na ng pinto.

"Punyeta" naiinis na bulong ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nitong kasama ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit mo napili na mag-aral dito?" He asked me. Tangina bat andami nilang tanong. Bwesit naman.

Masama akong tumingin sa kanya saka sinagot ang punyetang tanong niya "Pakialam mo ba?"

"Relax miss sungit nagtatanong lang eh. Gusto ko lang naman makipagkaibigan" sambit niya saka ngumuso. Nabigla naman ako sa ginawa niya pero hindi ko ito pinapahalata. Hindi ko inaasahan na gagawin niya yan. Akala ko pa naman lahat ng mafia ay mga cold. Pero ang cute niya.

Tsk! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? May Lucas na ako tsk tsk!

Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas. May pumasok na isang magandang babae at nakangiti siyang tumingin sa akin.

Tumayo ang lalaking kasama ko saka yumuko siya sa babaeng pumasok. Who is she? Siya kaya yung sinasabi niyang madam?

"Madame" magalang na sambit ng lalaki. Ops tama nga ako. Nyemas!Nginitian siya ng babae saka umupo siya sa sofa na katabi ko.

"Madame transferee po" sambit ng lalaki.

"I know" sambit niya saka tumingin sa akin. "I'm Stefanie Anderson Russo, just call me madame and I am the principal of this school. What's your name iha?" sambit niya.

Teka lang!

Stefanie Anderson Russo?

Hindi ba siya ang nanay ni Lorenzo? Shoot! Siya nga! Palihim naman akong napangisi saka humarap sa kanya at ngumiti.

"Hello madame, my name's Ariana Zamora. Just call me Ariana po" sambit ko naman.

"Nice name, so you're the new student huh?" sambit niya saka sinuri ako.

"Yes po" magalang na sagot ko.

"Hmmm you looked weak, sigurado ka bang gusto mong mag-aral dito? Alam mo ba ang pinapasukan mo iha?" sambit naman niya. Naiinis naman ako sa sinabi niya saka sinamaan siya ng tingin. Is she insulting me?

Nyemas na yan!

Kinuha ko ang throwing knife na nakatago sa secret pocket ko saka nilagay ko sa tapat ng leeg niya. "Are you insulting me, madame" malambing na bulong ko sa kanya.

Bigla namang napatayo ang kasama namin saka tinutok niya ang baril sakin. Ngumisi lang ako sa kanya "Go on, I'm not scared stupid. I can kill you both in a second" sambit ko saka ngumiti ng napakatamis. Yung ngiti na hindi nila malilimutan.

"It's okay Jacob, ibaba mo ang baril mo" sambit naman nitong babae saka mahina siyang tumawa.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya "Okay I give up....I'm sorry for insulting you" sambit niya. Tsk! Binitawan ko siya saka umupo ako sa sofa.

"I like you" biglang sambit ni madame.

Who cares?

"I like me too" sagot ko saka iniwas ko ang paningin ko. Tsk! Bigla naman siyang tumawa ng napakalakas as in yung sobrang lakas. Tsk!

Mga baliw yata ang mga tao dito.

"It's true, I really like you. I like your attitude hahahaha" sambit niya saka tumawa ulit.

"Because of that, I'll accept you. Welcome to L.R University iha" she said saka lumapit sa akin at niyakap ako.

Taray maypayakap ang pota. Pero at least tanggap ako.

"Good to hear, so where my dorm?" Tangina napapa english na rin ako. Nyemas!

Ngumiti siya sakin saka tumayo at lumapit siya sa isang table saka binuksan ang isang drawer. May kinuha siyang susi saka ibinigay ito sa akin.

"That is the key of your room. Mag-isa ka lang sa kwarto mo wag kang mag-alala" sambit niya saka ngumiti sa akin.

"Oks" sagot ko naman. Tumingin naman siya sa kasama namin "Jacob ihatid mo siya sa kwarto niya. Room 99" Jacob nodded at her.

Tumingin sa akin yung Jacob "Let's go hatid na kita" sambit niya. Tumango naman ako sa kanya saka tumayo na. Lumabas na kami at nagsimulang maglakad papunta sa dorm ko. Pero bago kami makalabas ng pinto bigla akong tinawag ni madame kaya tumingin ako sa kanya.

"Bakit ho" magalang na tanong ko. Lumapit siya sa akin at may ibinigay siya sa akin na isang papel. Ano naman ang gagawin ko dito?

"Aria dear, that's our school rules that you need to follow. Just read it later kapag nasa dorm ka na" sambit naman niya and I nodded.

"And one more thing"

"Po?"

"Can I have your cellphone number?" nagulat naman ako sa sinabi niya. She wants my cellphone number? Bakit naman?

"Po?" Nagtatakang tanong ko.

"Ah I need to call you kasi, para malaman mo ang schedule mo" sambit naman niya saka umiwas ng tingin. Tsk! She's not a good liar. Nakita ko kaya sa papel na binigay niya nakasulat na rin yung schedule ko dun.

"Sure po madame" sambit ko saka ibinigay ang number ko. She smiled at me and hugged me "Thank you Aria dear and by the way call me tita na lang"

What the heck is her problem? Tsk! Nyemas na yan daming request. Gusto ko ng magpahinga saka kailangan ko pang tawagan si chief.

Tumango na lang ako sa kanya saka nagpaalam ng umalis. Tsk!

"Bye Aria dear" sambit niya at kumakaway pa tsk!

To be continue....