Chereads / SHE'S A SPY / Chapter 4 - Mission

Chapter 4 - Mission

Ariana Carter POV

"Aria bumaba ka na, nandito na si Lucas" narinig kong sigaw ni mama. Oh! nandito na s'ya? napaka aga naman. May gusto pa sana akong gawin bago umalis.

"Opo ma" sagot ko sa mama ko saka kinuha ko ang maleta na dadalhin ko. So this is it. Ngayon na magsisimula ang misyon ko. Bumaba na ako at naabutan ko si Lucas na kausap si mama.

"Hey babe" bati ko sa kanya pagkababa ko sa hagdan. Tumingin naman si Lucas sa gawi ko at ngumiti. Lumapit si Lucas sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi saka kinuha niya ang maleta na dala ko.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya at tumango naman si Lucas sakin.

"Kumain ako sa bahay bago umalis" sambit niya. Tumango na lang ako sa kanya saka humarap sa mama ko.

"Mama alis na po ako, san nga po pala si lolo at papa?" kanina ko pa kasi hindi nakikita sina lolo at papa. Hindi ko din sila nakita nung kumain kami ng agahan. Hindi ko naman natanong sa mama ko kasi nagmamadali ako.

Bwesit naman ba't ngayon pa sila wala, ngayon pa na alis na ako.

"Nasa head quarter ang papa't lolo mo anak, may emergency meeting kasi" sagot naman ni mama. Napasimangot naman ako sa sinabi niya? emergency meeting? bakit hindi nila ako sinabihan? porket may misyon ako hindi na nila sasabihin sa akin ang mga importanteng bagay?

Nyemas na yan!

"Ganun ba ma? sige alis na po ako" sambit ko saka hinalikan siya sa pisngi. Niyakap naman ako ni mama "Mag-iingat ka anak ha? Kung may kailangan ka just call me okay?" tumango naman ako sa kanya saka niyakap siya pabalik.

"Opo mama" sambit ko at kumalas na sa pagkakayakap. "Alis na po kami Tita" pagpapaalam ni Lucas sa mama ko.

"Osya, Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko" sambit ni mama.

"Opo tita, wag po kayong mag-alala" tumango naman si mama.

Lumabas na kami ni Lucas at sumakay na sa sasakyan niya.

Teka lang!

"Hala pano na ang sasakyan ko? wala akong gagamitin?" nag-aalalang sambit ko sa kanya. Pano na yung bago kong sasakyan? Punyeta naman anong gagamitin ko kapag kailangan ko ng sasakyan? Ayaw ko naman mag commute. Tumingin naman si Lucas at ngumiti siya ng malawak. Anong nginingiti niya dyan? Badtrip!

"Don't worry babe, dinala na namin ang bagong kotse mo dun sa school na papasukan mo." sambit ni Lucas. Nakahinga naman ako ng maayos. Akala ko pa naman pagbawalan nila akong gumamit ng sasakyan.

"Talaga? buti naman" sambit ko, ngumiti lang si Lucas sa akin at nagsimula ng magmaneho.

Tahimik lang kami ni Lucas buong byahe. Sa loob ng dalawang taon na magkarelasyon kami ni Lucas ay madalas lang kaming nagkakasama. Hindi kasi kami nagkakasama sa mga misyon namin dahil mahihirap na misyon ang binibigay sa akin.

Nakalipas ang ilang oras ay nandito na kami sa labas ng paaralan na papasukan ko. Tumingin naman ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ko ang paligid.

"Nasan tayo?" Nagtatakang tanong ko, kakaiba kasi ang paligid walang tao at napakatahimik ng lugar. Wala kang makikitang sasakyan na dumadaan at wala ka din makikita na kahit isang bahay.

Punyeta! Dito ba talaga ako mag-aaral?

Lumabas ako ng sasakyan at tumingin ako sa malaking gate sa harapan ko. May nakita akong isang malaking sign sa taas ng gate at binasa ko naman ang nakasulat

Welcome to L.R University

Bumalik ako sa loob ng sasakyan at nagtataka akong tumingin kay Lucas.

"Babe makinig ka sa akin okay?" Seryosong sabi niya. Tumango naman ako sa kanya saka hinintay na magsalita siya.

"Hindi ito nasabi ni chief kahapon kasi gusto niya ako ang magsabi sayo. Ewan ko ba dun kay chief hi—."

"Ipaliwanag mo na dami pang ebas" naiinis na sambit ko. Ang tagal kasi! Kinakabahan na ako, ang creepy kasi ng school parang haunted school. Sigurado ba s'ya na ito yung paaralan na papasukan ko? Tangina takot pa naman ako sa multo.

"Ang paaralan na papasukan mo ay ang LR University. Ang paaralan na 'to ay para lang sa mga Mafia." Sambit niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ibig niyang sabihin mga Mafia lang ang nag-aaral dito? Punyeta! Mamamatay na yata ako!

"Nyemas! Mafia? As in lahat ng nag-aaral dito ay mga mafia?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya sa akin.

"Bwesit! Hindi ba naiisip ni tito na pwede akong mapahamak! At isa pa pano ako nakapasok dito kung mga mafia lang ang pwedeng mag-aral dito?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Yun na nga eh makinig ka kasi muna dami mo din ebas ano?" naiiritang sambit niya.

"Sorry naman hahahahahaha" sambit ko saka nag peace sign. Oh diba parang magkaibigan lang kami. Wala eh hindi kami sweet tangina pake nyo ba? Hahahaha ewan ko ba dito sa relasyon namin.

"Marami sa atin ang papasok dito hindi lang ikaw. Maaga ka kasing umuwi kahapon kaya hindi mo nalaman ang iba pang imporsyon. So yun na nga marami sa atin ang papasok dito at isa na ako dun. Kailangan nating magpanggap na hindi tayo magkakilala at yun pa rin ang gagawin mo ganun na din samin at kailangan din nating makakuha ng mga impormasyon" paliwanag niya.  So patuloy pa rin ang pagiging spy ko? at ganun din sila? Okaaaaaaay? ang weird naman. Yun lang Napaka-imposible naman na yun lang ang gagawin namin dito. Parang ang boring naman nun. Walang thrill gusto ko ng barilan eh marami pa naman akong dalang baril.

"At ano naman ang gagawin natin kapag may mga impormasyon na tayong nakuha?"

"We will attack them" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya? Attack agad?

"Punyeta! Hindi maganda yan. Kailangan muna natin pagplanuhan ang mga bagay na yan" seryosong sabi ko.

"Ang sinabi ni chief na bibigyan lang niya tayo ng signal kapag aatake na tayo" sambit niya. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Masama ang pakiramdam ko para dito. Parang may mali talaga eh. Hindi naman ganito ang ginagawa namin kapag may group mission kami.

Tangina iba talaga eh!

Humarap ako kay Lucas "So papasok ka na ngayon?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya sa akin "Hindi, sa susunod na araw pa ako papasok. Yung ibang kasama natin ay nasa loob na." Sagot naman niya.

"Ilan sa atin ang papasok?"

"35"

"Punyeta bakit 35 lang?"

"Hindi ko din alam"

Potangina talaga! Iba talaga ang pakiramdam ko dito eh. Parang may mali. Tumingin ako kay Lucas at ngumiti naman sya sa akin. "Alam ko ang nararamdaman mo babe dahil ganun din ang nararamdaman ko, pero think positive lang tayo okay? Magtiwala lang tayo sa tito mo" pagpapagaan niya ng kalooban ko. Tumango naman ako sa kanya saka mapaklang ngumiti.

"Don't worry nasa tabi mo lang naman ako. Hindi man kita malalapitan pero nasa paligid lang ako babantayan ka" sambit niya.

I feel relieved.

Buti na lang nandito si Lucas, I smiled at him and kissed him on his lips "Thank you babe"

"I love you" sambit naman ni Lucas at ngumiti. "I love you too" sagot ko naman.

"Pasok na ako" sambit ko at akmang lalabas na sana pero pinigilan niya ako.

"Teka lang" sabi niya at tumingin sa likod ng kotse. May kinuha siyang isang envelope at binigay ito sa akin. Kinuha ko naman ang envelope na binigay niga at binuksan ito.

May nakita akong isang documents.

Name: Ariana Zamora

Age: 19 years old

Year: First year college

Parents:

-Mother: N/A

-Father: N/A

Siblings: N/A

Mafia: N/A

"Yan ang fake documents mo na ginawa ni Hannah" kumunot naman ang noo ko.

"What the heck? Tatanggapin ba nila ito?" nakakunot noong tanong ko sa kanya. Tumango naman si Lucas sa akin "Yeah tatangapin nila yan, this school is a mafia school wala silang problema sa mga bagay na yan. Na-hack namin ang kanilang system at ganyan din ang mga documents mg ibang studyante dito." Paliwanag naman niya. I nodded at him kahit medyo weird.

"Nakausap ko nga pala si Tito Andrew kanina, sabi niya ako na muna ang bahala sayo at wag ka muna umuwi sa bahay nyo hanggang hindi pa tapos ang misyon natin. At sinabi din niya na babalik na ang ate mo next month at papasok din siya dito" sambit niya. Nakausap niya si papa? at si ate Arianne papasok din dito? Tangina?

"Okay then, I'll go now" sambit ko. Lucas nodded at me "Take care babe" sambit niya. Tumango naman ako at lumabas na ng sasakyan niya. Lumabas din si Lucas at tinulungan akong ibaba ang maleta ko. "Dala mo ba ang susi ng sasakyan mo?" he asked me and I nodded at him.

"Good" sambit niya at hinalikan niya ang noo ko. "Take care okay? Just wait for me" sambit niya.

"I will babe, ingat ka pauwi ha" sambit ko naman. Tumango si Lucas sa akin and he hugged me niyakap ko naman siya pabalik.

"Osya pasok na ako" sambit ko at kumalas na sa pagkakayakap.

"Take care" he said.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa gate. This is it! Medyo masama man ang pakiramdam ko sa misyon na to pero na-eexcite din ako. Sisiguraduhin kong maging tagumpay ang misyon ko.

To be continue....