Chereads / SHE'S A SPY / Chapter 2 - Ariana Carter

Chapter 2 - Ariana Carter

Ariana Carter's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, kinusot ko ang mata ko at napatingin sa orasan. Nanlaki ang mata ko nang napagtanto kong alas 9 na ng umaga. Punyeta anong oras na! Bwesit ba't kasi madaling araw na akong natulog kagabi. Late na ako, lagot na naman ako sa tito ko.

Oo nga pala muntik ko ng makalimutan.

Ngayon na pala magsisimula ang misyon ko kaya okay lang kung late ako, buti naman at naalala ko yan.

At ngayon na rin pala ibibigay ang sasakyan na hiniling ko. Nyemas excited na ako!

Agad akong bumangon at pumunta sa banyo para maligo. Binilisan ko ang pagligo ko at pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba. Naabutan ko si mama sa kusina na nagluluto kaya nilapitan ko siya saka hinalikan ko ang pisngi n'ya. "Morning ma" pagbati ko sa mama ko.

Humarap ang mama ko sa'kin saka nginitian ako at hinalikan ang pisngi ko "Good morning Aria" sambit nito saka nilapag ang niluto n'yang hotdog, bacon at itlog sa mesa.

Kumuha ako ng mga plato, baso, kutsara at tinidor at nilapag ko ito sa mesa. "Gisingin mo na ang papa mo anak" tumango naman ako kay mama saka pinuntahan ko si papa sa kwarto nila.

Naabutan ko ang papa ko na natutulog sa kama, kaya nilapitan ko s'ya at tinapik ang pisngi n'ya "Papa, kakain na po" wika ko.

Iminulat ni papa ang mata n'ya saka binati ako "Good morning Aria" sambit n'ya. Nginitian ko ang papa ko at niyakap ko s'ya. "Kakain na po papa" sambit ko. Tumango naman ito sa akin at sabay kaming lumabas ng kwarto nila at pumunta sa kusina.

Agad kaming umupo sa mesa at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami biglang dumating ang lolo ko kaya agad akong napatayo at nilapitan ko s'ya saka nagmano. Niyakap ko ang lolo ko at hinalikan ito sa pisngi "Lolo! Na miss po kita" naiiyak na sambit ko. Ilang araw ko din hindi nakita ang lolo ko dahil sa misyon ko.

"Na miss din kita Aria apo, siya nga pala narinig ko kay Vincent na may ibinigay siyang misyon saiyo" sambit ng lolo ko, inalalayan ko naman siyang maupo sa upuan saka tumabi sa kanya. S'ya nga pala ang lolo ko tatay siya ng mama at tito vincent ko. Ang lolo ko ang namumuno ng organisasyon na tinatrabahuan ko ngayon, ang DG organization.

"Opo lolo" sambit ko at sumubo ng pagkain. Nararamdaman kong napatingin sina mama at papa sakin. Kaya ipinikit ko ang mata ko dahil alam ko na kung ano ang susunod na mangyari.

"Talaga Ariana anak? Galingan mo ha! Anong misyon ba yan?" Tanong ni mama, napatingin ako sa kanya saka napakamot sa ulo ko. Hindi naman halata na supportive ang nanay ko ano? Mukhang mas excited pa nga s'ya sa sarili niyang anak. Nyemas!

"Spying po ma"

"Mafia ba yan anak?" Tanong ng papa ko, tumango naman ako sa kanya bilang sagot

Biglang tumayo ang papa ko at umakyat papunta sa taas, kaya nagtataka akong tumingin kina mama at lolo pero nginitian lang nila ako. Hindi kaya nagalit ang papa ko? Pero bakit naman siya magagalit eh normal na ito sa amin.

Lahat kami sa pamilya namin ay mga secret agent, napakaimposible naman na magalit ang papa ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain kasi kailangan kong magmadali at para magawa ko na rin ang misyon ko.

May nabuo na akong plano kung paano ko gagawin ang misyon ko. Tangina na-eexcite ako! First time kong gawin ang plano ko ngayon. Kaya hindi ako sigurado kung tama ba itong gagawin ko. Pero susubukan ko mukhang exciting naman!

"Anong nginingiti mo dyan apo?" Nagtatakang tanong sakin ng lolo ko, napatingin ako sa kanya saka nagsalita "na-eexcite lang po ako sa misyon ko lo" nakangiting sambit ko. Natawa naman ang lolo kaya natawa na rin ang mama ko.

Kingina mga baliw ang pota! Mag ama nga sila. Parehas silang baliw. Joklang! Kahit baliw sila mahal na mahal ko ang mga 'yan.

"Anak gamitin mo to" biglang sabi ng papa ko na kakababa lang sa hagdan. Napatingin naman ako sa kanya at hindi ako makapaniwala sa ipinakita niya. Punyeta! Totoo ba 'to?

Tumayo ako at lumapit kay papa saka kinuha ang baril na ibinigay niya sa akin. Punyeta! Ito yung baril na nakikita kong nakadisplay sa kwarto ni mama at papa. Hindi ito pinapagalaw ni mama kasi pagmamay-ari daw 'yon ng lola ko na pumanaw na.

Pinagmasdan ko ang baril na ibinigay ni papa at kumikinang ang mga mata ko habang sinusuri ang baril. Narinig kong tumawa ang mga magulang ko pati na rin si lolo pero hindi ko sila pinansin dahil busy ako sa pagsuri sa baril ng lola ko.

Tangina ang ganda talaga!

"Papayagan niyo ba talaga akong gumamit nito pa, ma, lo?" Namamanghang tanong ko saka tiningnan sila isa-isa. Tumango naman sila sa akin kaya natapalon ako sa tuwa at ikinasa ko ang baril. Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa garden namin, tumingala ako at naghanap ako ng ibon at nang may nakita na ako. Agad kong ipinutok ang baril.

"Boom sapol" nakangising sambit ko at bumagsak ang ibon sa harapan ko. Hinipan ko ang usok sa dulo ng baril at dahan-dahan akong lumapit sa isang ibon na binaril ko.

Tsk tsk tsk!

"Pasensya ka na, god bless" sambit ko sa ibon saka pumasok na sa loob ng bahay. Naabutan ko naman sina mama,papa at lolo na nakatingin sa akin. Kaya nagtataka akong napatingin sa kanila.

"Bakit ho?" napailing naman sila saka dahan-dahan na pumalakpak.

"Ang galing talaga ng apo ko!" Proud na sambit ng lolo ko.

"Syempre sa'n pa ba nagmana?" Tanong naman ng nanay ko.

"Syempre sa'tin" sambit ng papa ko. Kumunot naman ang noo ko. Baliw ba sila? Punyeta ang paplastic eh hindi naman sila lumabas. Mga ulol!

"Sabog ba kayo ma, pa, lo?" Nakakunot noong tanong ko sa kanila. Tumigil naman sila sa kagaguhan nila saka nagtataka tumingin sa akin.

"Ang paplastic no ho kasi, eh hindi naman kayo lumabas" naiinis kong sambit sa kanila.

Nyemas na 'yan!

"Oo nga pala" magkasabay na sambit nila at nagtawanan pa! Punyeta mga baliw nga! Napailing na lang ako at umakyat na sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong hinanda ang isa ko pang baril at nilagay ito sa secret pocket ko. Ang baril naman na ibinigay nina papa ay nilagay ko sa boots na suot ko. Kumuha pa ako ng mga throwing knife at nilagay ito sa iba kong secret pocket. Bumaba na ako at naabutan ko ang mga baliw na nagtatawanan. Psh!

"Alis na po ako" paalam ko sa kanila. Tumango naman sila sa akin kaya lumabas ako ng bahay na nakakunot ang noo.

Punyeta hindi man lang ako sinabihan na mag-ingat ako o kahit ano pa. Mga ulol talaga! Psh!

To be continue....