ᜁᜃᜐᜒᜌᜋ᜔ ᜈ ᜃᜊᜈᜆ
Ikasiyam na Kabanata
Hindi ko alam kung bakit labis pa rin ang kaniyang pagngiti kahit na kanina ay napahandusay na siya sa sakit ng aking pag-atake. Tinanong ko siya kung saan ako makakaligo sapagkat nakakapit pa rin ang kaunting amoy na pumalibot sa akin kagabi. Nagpapaalala lang ito sa akin tungkol sa nangyari.
Habang binabaybay namin ang mga kabahayan matapos naming lumabas sa kaniyang tahanan, lahat ng mga mata sa paligid ay sa akin nakatingin. Sanay ako na titigan ng ganito ngunit ang nagdulot ng aking kaba ay yung mga bulungan nila na kapansin-pansin. Ayaw ko sa mga lihim lalo na kapag batid kong tungkol iyon sa akin.
May iba naman na nakita kong nakangiti sa akin na para bang nasisiyahan. Tulad nalang ng isang matanda na nadaanan namin.
"Adang Mata!" bati ni Dakum sa kaniya. Ngayon ay naaalala ko na ang pangalan niyang Dakum.
"Magandang araw," ngiti ni Adang Mata bilang tugon sa kaniya. "Nasasaksihan ko na ang kapalaran ng ating nayon."
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng matanda. Bakit niya iyon nasabi? Dahil ba sa pagkakahuli sa akin ni Dakum na nagpakita ng kaniyang labis na kapangyarihan? Ang tanging iniisip ko sa sinabi niya ay ang kawalan namin ay siyang nagbigay ng kapalaran sa kanila.
"Hindi ko na maitatanggi ang galing mo sa pagtingin sa hinaharap. Nawa'y magpatuloy pa ang kakayahang inihandog sa inyo ni Amang Gabay," ani Dakum.
Hindi ko na pinili na sumabat sa kanila, baka marahil ay para sa kanila lang ang pagkakaintindihan na iyon. Nilagpasan din namin ang matanda pagkatapos.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa idinala niya ako sa isang malinis na lawa sa gitna ng kagubatan. Pagkapunta namin doon ay tumalikod ako sa kaniya upang hubarin ang aking kasuotan at mabilis na lumusong sa tubig upang hindi niya makita muli ang aking katawan.
"Ano pa bang itatago mo sa'kin, Aparo? Nakita't nahawakan ko na ang kabuuan ng iyong katawan," panunudyo niya sa'kin.
Nagpatuloy ako sa pagtunton sa gitna hanggang sa umabot na sa leeg ko ang tubig. Bahagya akong gininaw dahil sa lamig ng tubig.
Hindi ako humarap sa kaniya.
"Anong asal mayroon ka upang halos ipagsigawan mo ang kabastusan mo? Hindi ka ba nangangamba na may makarinig sa'yo," tanong ko sa kaniya na may bahid ng galit.
"Matibay ako na pinuno, Aparo. Hindi ako mapapabagsak ng kahit anong uri ng panghuhusga dahil lang sa kabastusan ko. Mas ikakatuwa ko pa na gawin ang mga bagay na nais ko."
"Inasahan ko na sasabihin mo 'yan. Tutal, pinagsamantalahan mo nga ako ng walang paalam at pagpapatawad," ani ko sa kaniya.
"Ano bang gusto mo? Tatanungin pa kita kung nais mong bayuhin kita, tapos hihingi nalang ng tawad pagkatapos dahil nasaktan ko yung ilalim mo? Ganoon ba?"
Agad binalot ng matinding pamumula ang aking mukha dahil sa kabulgaranng kaniyang mga sinasabi.
"Maaari bang tumahimik ka nalang?!"
Lumingon ako sa kaniya at pinanlisikan ng mata, at tumalikod muli dahil naiirita ako sa pagmumukha niya. Nakaupo siya sa isang malaking bato sa tabi ng lawa at nakatingin sa akin.
Tumawa siya ng malakas, at aaminin ko na parang kaliti sa aking tainga ang magandang tono ng kaniyang boses, ngunit nabulabog nito ang ilan sa mga ibon na nagsiliparan mula sa mga puno na kanilang pinagtatambayan.
"Nakakaaliw kang panoorin," medyo mahina niya itong sinabi ngunit sapat na para marinig ko.
"Nakakairita kang tingnan," pambabara ko sa kaniya.
"Kapag inasar mo pa 'ko baka hindi ko na mapigilan."
"Mapigilan ang alin?"
Bigla akong kinilabutan sa naging kutob ko sa gagawin niya.
Humarap ako sa kaniya upang abangan ang kaniyang isasagot, ngunit wala na siyang naging tugon para dito. Nagtaka lang ako nang nasaksihan ko ang panandaliang pag-iba ng kulay ng kaniyang mata, wari ba itong nawalan ng kulay ngunit hindi ko mawari kung anong kulay ang ipinakita nito. Luntian, bughaw o lila, nasa mga kulay na iyon ang natatangi kong duda.
Panandalian din ang pagiging seryoso ng kaniyang hitsura. Malayo sa nakilala kong Dakum na madalas magbiro at punong-puno ng buhay ang mukha.
Hindi na 'ko nagkomento doon. Hinayaan ko ito hanggang sa bumalik siya sa dati. Malaki nanaman ang kaniyang ngiti na para bang inaasar ako, at madilim nanaman ang kulay ng kaniyang mga mata.
Nilunok ko ang aking laway at inayos ang aking lalamunan upang makapagsalita ng maayos at malakas. May kalayuan na kasi ako sa kaniya dahil patuloy lang ako sa pagtungo sa gitna ng sapa.
"Hindi naman patas kapag ako lang ang naaburido sa'yo. Mas matutuwa pa 'ko kapag nalaman kong naiinis ka sa'kin," ikinabigla ko ang aking pagtawa dahil sa palagay ko ay hindi iyon ang nararapat kong emosyon na ipakita sa kaniya.
Nakita ko ang pananalim ng kaniyang mata sa akin at ang pagpasada ng kaniyang dila sa pagitan ng kaniyang labi na parang natatakam sa isang pagkain. Napatigil ako sa pagtawa at napalunok muli ng laway.
Agad siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at tumayo sa itaas ng bato habang matikas na tumindig. Hindi maipagkakaila ang laki ng kaniyang katawan. Kaakit-akit tingnan ang kaniyang matipunong dibdib at kalamnan na para bang inukit ito ng isang mahusay na iskulptor.
Nanatili lang ang kaniyang matalim na paningin sa akin habang dahan-dahan na hinubad ang kaniyang bahag at ipinakita ang kaniyang kabuuan sa paningin ko. Agad akong luminga-linga sa paligid upang suriin kung mayroon pang ibang tao maliban sa amin, ngunit ni-isa ay wala akong nakita.
Inimbento ang bahag para itago ang bagay na nasa pagitan ng ating mga hita, dahil unang-una ay hindi ito dapat direkta na ipakita sa kahit sino, maliban nalang kung katipan mo ang makakakita nito.
Isa nanamang kahihiyan ang ipinapakita niya sa akin!
Agad kong tinakpan ang aking mga mata gamit ang kamay upang matakpan nito ang pagbalandra ng kaniyang kabuuan.
"Hoy, kung ako sa'yo takpan mo 'yan bago pa may ibang makakita diyan!"
Pagkatapos no'n ay narinig ko ang kaniyang paglusong sa tubig kaya agad kong tinanggal ang takip sa aking mukha.
Nasa parte na siya na hanggang bewang ang taas ng tubig. Seryoso ang kaniyang mukha habang patuloy na lumapit sa akin. Umaatras naman ako upang maiwasan siya na matunton ako.
"Tumigil ka! Lumayo ka sa'kin, ayokong makisabay sa'yo sa pagligo!"
Noong hanggang dibdib na niya ang tubig ay bigla siya sumisid pailalim. Umalma naman ako sa kung ano ang mangyayari. Luminga linga ako sa paligid upang hantayin ang pang-angat niya mula sa tubig at nagulat ako nang biglang umangat ang kaniyang mukha sa tapat mismo ng aking mukha.
Napasigaw ako at napaatras ngunit sa pag-atras ko ay lagpas na pala sa akin ang lalim ng tubig. Inasahan ko ang aking pagkalunod hanggang sa maramdaman ko ang pares ng malalapad na kamay na bumuhat sa magkabila kong hita at inangat ako upang ipaipit ito sa kaniyang baywang.
Napakapit ang aking mga braso sa kaniyang paligid ng kaniyang leeg.
Malapit ang kaniyang mukha sa akin at napansin ang kakaibang nangyari sa kaniyang mga mata. Muling bumalik ang pag-iiba ng kulay, at sa pagkakataong iyon ay alam ko na ang kulay nito. Bughaw, tulad ng karagatan sa kalayuan. Para ka nitong dinadala sa ibaba ng dagat upang makita ang natatago nitong yaman sa pinaka-ilalim.
Natulala ako sa panghihipnotismo ng kaniyang mata. Sinusubukan kong kumawala sa kaniyang paningin ngunit para ba itinali na ang aking paningin upang sa kaniya lang ito ibaling.
Parang nanghihina ang aking binti at kalamnan sa kuryenteng idinadala ng pagdikit ng aming mga balat. Pareho kaming hubo't hubad sa tagpong ito kaya hindi talaga iyon maiwasan.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang kaniyang dalawang kamay na dumapo sa aking dibdib. Laking gulat ko nang sabay na pinaglaruan ng kaniyang magkabilang hinlalaki ang aking magkabilang utong sa magkaibang direksyon.
Bahagya akong nangisay at napapikit ang mata sa sensasyon. Hindi ko kayang kumawala. Muli ko nanaman naramdaman ang kaniyang init na sumasalungat sa lamig ng tubig. Muli ko ring naaamoy ang kaniyang gayuma na nanggagaling sa kaniyang katawan.
"T-tama na..."
Nanlulupaypay ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniyang labi na pinipigilan kong halikan. Matinding tawag ng laman ang aking nadarama.
"I-ibaba mo na 'ko," pigil ko ulit sa kaniya.
"Hindi kita hahayaang malunod."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ako sa aking labi at dahan-dahan bumaba ang kaniyang kamay sa pagitan ng aking hita.