Chereads / Bihag Ni Dakum [BxB, SPG] (Tagalog) / Chapter 6 - Ikalimang Kabanata: Dakumlawin

Chapter 6 - Ikalimang Kabanata: Dakumlawin

ᜁᜃᜎᜒᜋᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ

Ikalimang Kabanata

Kapansin-pansin ang pamumula ng kaniyang mukha tulad ko, ngunit wala siyang planong itago iyon. Nang lumapit siya sa akin ay naamoy ko siya ng sobrang bango. Amoy ng pinaghalong halimuyak ng mga bulaklak at pawis ng pagkalalaki.

Lalo lang akong nakaramdam ng init sa tagpong ito. Ang galit na kanina'y nangingibabaw ay wari bang nawala sa aking sistema at napalitan ng matinding pagnanasa.

Hindi... Hindi pwede. Anong meron sa'kin at bakit ako nagkakaganito?

Sa tingin ko, kailangan kong ituon ang aking pansin sa pagkain na inaalok niya, baka sakaling maiba ang aking nararamdaman. Guni-guni ko lang 'to!

Unti-unti akong bumangon at naglakad papunta sa mangkok na nilapag niya. Ang laman no'n ay lutong karne't gulay na may kasalong kanin. Nakaramdam ako ng malakas na pagkalam ng tiyan noong malanghap ko ang amoy nito.

Hindi ko maitatanggi na gutom talaga ko. Sobrang pagod ang aking nararanasan dahil sa kaniya. Ito lang ba ang kaya niyang maisukli sa akin?

Dadakot na sana ako ng pagkain mula sa mangkok ngunit napansin ko na marumi ang aking kamay. Hindi ko kayang kumain ng may kasalong dumi sa aking kinakain. Agad akong nandiri sa sarili.

"Ano pa ba ang hinihintay mo? Bakit hindi mo na kainin iyan, nang sa gayon ay hindi ko na marinig ang ungol ng kalamnan mo," tanong niya at biglang tumawa.

Ano ba ang nakakatawa do'n? Kasalanan niya naman kung bakit sobra ang pagkagutom ko ngayon. At bakit parang kaayos niyang kausap ngayon di tulad kanina?

Ayaw kong magsalita. Ang ginawa ko'y inilahad sa kaniya ang kamay kong ubod ng dumi. Tumango siya ng bahagya at napatigil sa pagtawa. Mabuti naman at naintindihan niya. May utak din pala ang isang 'to.

"Abutin mo sa akin ang mangkok," seryoso niyang utos

'Di ko alam ang nais niyang mangyari pero sinunod ko nalang siya. Iniisip ko kung ano ang naisip niyang paraan para makain ko ang inalok niyang pagkain.

Tinaggal niya ang kaniyang mga gigintong singsing sa daliri. Bawat singsing ay may mga makukulay at makikinang na bato. Tunay na pang-dugong bughaw.

Dumakot siya sa pagkain at inabot ito sa akin. Itinapat niya ito sa aking labi na nananatali pa ring nakasarado.

"Ako na ang magpapakain sa'yo."

Tumingin ako sa kaniyang mapupungay na mga mata na malagkit ang pagtingin sa akin. Malalim at waring batang interesado sa mga nakikita.

Nais kong magsalita... upang umangal. Ngunit gutom na talaga ako at 'di napigilan ang pagbuka ng aking bibig upang abutin ang pagkain. Masarap ang pagkakaluto rito. Dama ko bawat daliri niya sa aking bibig.

Hindi ko alam kung sinasandya ba niya na padulas-dulasin ang mga daliri niya sa loob ng aking bibig. Kulang nalang ay masinok ako sa ginagawa niyang paglalaro sa aking dila.

Nagpatuloy lang ang kaniyang pagsubo sa akin ng pagkain. Napupunan ang aking kalamnan na siyang nagpawala sa kanina pang pagkalam ng aking sikmura. Minsan, nakakaramdam ako ng kaunting kaliti kapag dumadampi ang kaniyang daliri sa gilagid ko. Pakiwal kasi ang pagdampi kaya napapataas ang ulo ko kapag nangyayari iyon. Hinahayaan ko nalang dahil maaaring 'di naman niya sinasandya.

Ilang minuto lang ay isang dakot nalang ang natitira sa pagkain. Busog na 'ko ngunit ito na ang pinakahuling subo sa lahat. Pinasok niya ang kaniyang daliri dala ang kapirasong pagkain. Tinanggap ko iyon at nginuya nang itinanggal niya ang kaniyang kamay.

Nang makatapos ay dinilaan ko ang aking labi. Nanatili lang na nakaangat ang kaniyang kamay sa ere, at sa hindi malamang dahilan ay hinawakan ko ang kaniyang palapulsuhan at dinilaan ang bawat sulok ng kaniyang kamay. Mula sa puno't dulo ng daliri, isa-isa, pati na sa bawat pagitan nito.

Sinipsip ko ito na parang sumisimot ng buto. Dinilaan ang bawat parte na parang isang kinahahayukang bagay. Ang inamoy na parang isang bulaklak na nakakahalina sa bango.

Nabigla ako sa aking ginawa at napatingin sa kaniya. Nag-aalab ang paningin niya habang dinidilaan ang ibabang labi.

Hindi ko na napigilan ang init na aking nadarama. Agad akong lumapit sa mukha niya upang halikan ng mariin. Swabe ang paggalaw at tinanggap niya iyon ng ipasok niya ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig. Kumiwal-kiwal ito na parang may bagay na hinahanap sa loob. Madiin na may pagkaswabe ang kaniyang halik ang nagdala sa'kin ng matinding sensasyon.

Hinawakan niya ang aking magkabilang baywang at hinila niya ako paupo sa kaniyang nakabukang harapan. Bumaba ang aking tingin na madama ang bukol na dumikit sa aking pang-upo.

Naaninag ko ang pagbakat ng kaniyang harapan sa likod ng kaniyang katad na bahag. Nanlaki ang aking mata nang idinikit ko ang aking kamay upang masukat kung gaano ito kalaki. Dama ko na kasing taba ito ng aking palapulsuhan, nakapa ko rin ang ulo nitong nagngangalit sa katigasan.

"Mahabaging langit!" wala sa sarili kong pagkakasabi.

Napahagikgik siya samantalang namula lang lalo ang aking pisngi. Hindi pa man din ako nakipagtalik ninuman ngunit alam ko ang mga hakbang kung paano gawin ito. Sa katunayan ay may kasintahan ang kapatid kong si Adamin na kapwa niya ring lalaki na si Kiron.

Naisalaysay na sa akin ni Kiron kung ano ang madalas nilang ginagawa ni Adamin sa kakahuyan. Lubos ang aking pandidiri sa kadahilanang ayaw kong isipin ang kapatid kong nakikipagtalik.

Dahil mas malaki ang lalaking ito, siya ang magiging dominante sa pagitan naming dalawa.

"Anong pangalan mo," tanong niya sa gitna ng aming paghahalikan.

Humalik akong muli at sumagot sa tanong niya.

"Aparo."

"Maganda sa pandinig. Waring isang bagay na sumusulong sa himpapawid," papuri niya.

Tila may apoy na namamagitan sa amin na nagpapabugso ng aming damdamin. Mainit na umaalab. Nag-uudyok sa akin na lamunin ng sistema. Nilapit ko pa ang aking mukha papasakaniya.

"Ikaw."

"Bakit?"

"Ang pangalan mo. Nais kong malaman. Bawal ba?"

Ngumiti siya at marahang hinaplos ang ilalim ng aking labi. Hinayaan ko itong bahagyang nakabukas.

"Dakumlawin, ngunit maaari mo kong tawaging Dakum."