Chereads / KETSUEKI / Chapter 5 - Chapter Four

Chapter 5 - Chapter Four

Buong araw kong hindi kinibo si Kai nang araw na iyon, kahit hanggang sa makarating kami sa bahay ay di ko siya pinansin. Sinong di sasama ang loob sa paratang niya, buti sana kung totoo.

Mas lalo akong naiinis sa kanya dahi di niya rin ako pinapansin, hindi man lang siya nag-effort na kausapin ako. Ganun ba siya kamanhid para di mapansin na nasaktan sa sinabi niya o talagang wala siyang balak na aminin sa sarili niya na may kasalanan siya. Nang gabing yun ay umuwi siya sa bahay nila at di sa bahay natulog di tulad ng dati.

Sa mga sumunod na araw ay di siya pumasok at di rin nagpupunta sa bahay. Kahit na naiinis ako ay di ko ko magawang di mag-alala sa kaibigan ko dahil inabot na ng weekend ay di pa rin siya nagpaparamdam. Hindi ko alam kung kumakain ba siya ng maayos o baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Ano to? Nagpapasuyo ba siya? Ako ba ang may atraso sa kanya?

"Pa, pupuntahan ko si Kai sa bahay nila," paalam ko sa tatay ko. Di na ako nakatiis kapag may masamang nangyari sa kanya ay konsensya ko pa.

"Asus na mi-miss mo lang siya eh, may nakilala na yung iba kaya di nagpaparamdam sayo," pang-aasar ni kuya sa akin. Wala akong panahon para patulan siya.

"Aizen, tigilan mo na si Ren," saway ng papa ko kay kuya.

"Puntahan mo na siya Ren, di natin alam kung anu nangyayari sa kanya dahil di na siya nagpupunta dito," sabi sa akin ni papa.

"Baka may lover's quarrel sila Pa," sabi ng kuya ko, Inirapan ko na lamang siya.

"Mabuti pa Aizen mag-review ka na para board exams mo," sabi ng tatay ko na tila naiinis na rin sa kuya ko.

Napakamot na lang ng ulo ang kuya ko at walang nagawa kundi ang umakyat sa kwarto niya.

Kaya nang hapon na iyon ay pinuntahan ko si Kai sa bahay nila.

Halos limang minuto rin akong nakatayo sa harapan ng gate ng bahay nila. Masyado itong malaki para sa kanya, naiintidihan ko rin kung bakit pumapayag si papa na sa amin siya matulog madalas. Malungkot tumira sa isang bahay kapag mag-isa ka lang. Lalo kung napakalaki nito. Ewan ko ba kung bakit pinili niyang mag-stay dito kesa sumama sa mga magulang niya. Madami itong kwarto sa loob at di ko pa napapasok lahat kahit pa madalas kaming magtaguan dito nung mga bata pa kami.

Birthday ko noon at tinanong ako ni papa kung ano ang wish ko, gusto ko lang naman sumama sa kanya sa trabaho. Lagi niya lang akong iniiwan sa daycare center.

Pinili ko na sa sekretong na lang pumasok. Kaming dalawa lang ni Kai ang nakakaalam ng daan na iyon. Nakakailang ang dumaan sa front gate ng mansion nila.

Pagpasok ko mula roon ay tumambad sa akin ang taong di ko inaasahang makikita ko. Nakatayo siya ilang metro mula sa kinatatayuan ko. Napakunot siya ng noo habang nakatingin sa akin, marahil inaalala niya kung sino ako.

"Anong ginanagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"What are you doing here?" tanong ni Nigel sa akin.

"Ako ang unang nag-tanong tresspassing ka!" sabi ko sa kanya.

Putspa! Akyat bahay ata ang lalaking ito!

"I live here, kaya ikaw ang tresspassing," sagot niya sa akin.

"Paanong nakatira ka dito, ehh bahay nila Kai toh, tresspassing ka! Magnanakaw ka noh?" bintang ko sa kanya.

"Very funny, Seiren," sarkastikong sabi niya. Naalala niya na kung sino ako.

"Bakit ka nga nandito?" ulit ko ng akomg tanong.

Kulit! Ayaw na lang sagutin ehh.

"I told you, nakatira ako dito," paliwanag niya.

"Paano nangyari yun?" tanong ko dahil ako kumbinsido sa sinabi niya.

"We are relatives," paglilinaw niya.

O? magkamag-anak sila?

"Magkamag-anak kayo ni Kai? Mag-pinsan?" paglilinaw ko habang pa iling-iling.

"Parang ganun na nga," sagot niya sa akin.

"Paano kung nagsisinungaling ka lang?" di pa rin kumbinsidong sabi ko.

"Bakit ba kailangan kong magpaliwanag sa'yo?" pag susungit niya.

Antipatiko ang bruho!

Parang ibang Nigel na naman itong kausap ko, nakakakilabot sa pakiramdam tuwing mapapatingin ako sa kanya. His aura, it's too dark that it send shiver down my spine.

"Nasaan si Kai? Anong ginawa mo sa kanya?" tanong ko.

"He's dead, I killed him." Biglang sumilay ang isang nakakatakot na ngiti mula sa labi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, nakaramdama ako ng takot dahil sa ngiti niya, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Anong klaseng tao ba itong nasa harapan ko? May sa demonyo ata ang bruhong ito.

"You're next," banta niya at muling sumilay sa bibig niya ang nakakatakot na ngiti.

Napapa-atras ako tuwing humahakbang siya palapit sa akin. Hanggang sa tumama na sa pader ang likod ko.

"Wala ka ng maaatrasan," sabi niya, hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi. Hinarang niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Napulunok na lang ako dahil sa tila nanunuyong lalamunan ko. Di ako makapag salita dahil sa takot.

"What's happening here?"

Dinig kong sabi ng isang pamilyar na boses, na parang inaantok. Di ako pwedeng magkamali kung sino yun. Pareho kaming napatingin sa direksyon ng pinagmulan ng boses. Tama nga ako si Kai nga iyon. Hindi ko mapigilan and tuwa ko, para along nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita ko siya. Inalis ko ang kamay ni Nigel na nakaharang sa daraanan ko.

Putspa! Akala ko patay na talaga ang damuho!

Kitang-kita ko ang pagkusot niya ng kanyang isang mata. Parang bagong gising dahil nakasuot pa ng pantulog. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya at ramdam ko na napaatras siya dahil sa lakas ng pagtama ng katawan ko sa kanya dahil sa pagyakap ko.

"Ren?" what are you doing here and why are you crying?" tanong niya sa akin.

Nangingilid ang luha ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya at yakap ko siya.

Namiss ko siya!

"Akala ko di na kita makikita, akala ko patay ka na," sabi ko habang naka-yakap sa kanya at umiiyak pa rin.

"Me? Dead? What?" tanong niya na parang nagtataka.

Narinig ko ang tawa ni Nigel na halos humahagalpak na.

Putspang Bruho 'to!

Inalis ko ang pagkakayakap ko kay Kai at hinarap ko ang taong pinanggalingan ng boses.

"You should've seen her face when I told her that you're dead and I killed you," mangiyak-ngiyak na tawa niya. Sarap niyang sakalin, mabilaukan sana siya.

"You told her what?" Inis na sabi ni Kai.

Nakakainis ang lalaking ito, akala siguro niya nakakatawa ang ginawa niya. Kahit mangiyak-ngiyak pa rin ako ay padabog akong naglakad patungo sa kanya, at nang makalapit ako sa kanya di ko na napigilan and sarili ko na suntukin siya sa mukha. Hindi ko alam kung malakas ang pagkakasuntok ko sa kanya dahil napahinto siya sa pagtawa. Iniwan ko siyang nakakanganga roon.

"Pinsan mo ba talaga siya?" tanong ko kay Kai nang makalapit akong muli sa kanya.

"Unfortunately yes, are you disappointed?" tanong niya.

"No, I see weirdness runs in your family," dismayadong sabi ko.

"Said by the one who's a lot weirder," sagot niya.

Sinimangutan ko na lamang siya. Marahan niyang pinitik ang ilong ko. Napahawak tuloy ako sa ilong ko dahil sa ginawa niya. He then gave me a smirk.

Hinila ko na lamang siya papasok sa mansyon nila an animo'y pagmamay-ari ko. Nagpati anod naman siya sa akin.

"And what exactly are we going to do in my room?" narinig kong tanong niya.

Hinila ko kasi siya ppunta sa kwarto biya. Napatingin ako sa kanya nandun na naman ang nakakaloko niyang ngisi. Tsaka ko napagtanto ang ibig sabihin ng tanong niya. Muli na namang namula ang mukha ko.

Kainis! Di ko siya pagsasamantalahan akala niya naman.

"Abnormal ka, andito tayo kasi ..." tarantang sagot ko.

Iginala ko ang mata ko sa paligid para makaisip ng idadahilan. Napansin ko and suot niyang pantulog.

"What?" tanong niya na nakataas ang isang kilay naghihintay sa isasagot ko.

"Kasi, maliligo ka na, tanghali na di ka pa naliligo!" pagdadahilan ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng maka-isip ako ng idadahilan sa kanya.

"Very lame," dinig kong bulong niya.

Ano ba? Wala na akong maisip na idadahilan.

"Maligo ka na may pabulong-bulong ka pa diyan," pagtataray ko sa kanya.

"Okay," tipid niyang sagot. Sumunod naman siya agad.

Pumasok na siya sa loob ng banyo na nasa loob din kwarto niya. Ginala ko ang mata ko sa paligid first time kong makapasok sa kwarto niya kahit alam ko kung saang bahagi iyon ng bahay nila. Malinis ang kwarto niya di tulad ng inaasahan ko. Naglakad ako patungo sa kama na at umupo sa dulo nun. Abnormal din talaga ito ang laki-laki ng kwarto niya nakikitulog pa sa bahay namin. Buti di na aamagin tong bahay nila dahil may titira na dito.

Nawala ang pag-iimagine ko nang bumukas ang pinto ng CR niya, at lumabas siya ng naka-tapis lang ng tuwalya at walang damit pang-itaas.

Putspa! Nagkasala ako!

Ramdam ko na naman ang pag-init ng mukha ko. Tumalikod ako sa kanya.

Topless si Kai! Topless!

Nawindang ang utak ko sa nakita.

"Hoy! Kai! Pumasok ka ulit sa CR!" pasigaw na utos ko sa kanya.

"Why?" parang tangang tanong niya. I know he's wearing that smirk again.

"Why mo mukha mo! basta bumalik ka sa loob ng CR," utas ko.

Nagkakasala ako sa pinag gagagawa ng lalaking ito.

"I'm going to change my clothes here and not in there so don't take a peek, " utos niya sa akin.

Ano daw? Ano na namang pakana ng lalaking ito?

Kailangan niya pa talagang ipaalam sa akin yun?

Putspa! May underwear ba siya sa ilalim ng tuwalyang nakatapis sa bewang niya.

"Abnormal ka! Alam mong nandito ako dito ka pa magbibihis?! At hindi kits sisilipan wala akong pagnanasa sayo!" reklamo ko.

Ayoko na!

Dinig ko ang pagtawa niya mula sa likuran ko,pumikit ako at tinakpan ko na lang ng mga palad ko ang mga mata ko. 'Yung imagination ko kung saan saan na napunta. Ilang sandali pa ay nag salita na din siya.

"I'm done," sabi niya pagkatapos makapag bihis.

Pagkasabi nun ay tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa aking mga mata at napabuntong hininga. Hinarap ko siya at tinitigan ng masama habang nagpupunas siya ng buhok niya.

"What?" tanong niya.

Ang gwapo niya pa rin talaga pag bagong ligo.

"Halika na,"aya ko sa kanya.

"Where? "tanong niya.

"Sa bahay, ang payat mo na parang di ka kumakain," sabi ko.

"So you took a peek at my body," naniningkit ang matang pang-aasar niya sa akin.

"Manahimik ka!, halika na," tumayo ako at naglakad patungo sa pinto.

Paglabas namain sa bahay nila ay medyo palubog na ang araw Sinundan naman niya ako sa paglalakad ko hanggang sa makarating kami sa bahay at pumasok kami doon.

"Uyy Kai, welcome back! na-miss ka ni Ren," pagsisimula na naman ng kuya kong nasa sala.

"Mas miss mo kaya siya kuya," inirapan ko lang ang kuya ko.

Narinig ata kami ni papa at lumabas siya mula sa kusina.

"Nandiyan na pala kayo, tara na dito at maghapunan na tayo," aya ni papa.

"I missed your cooking Tito," sabi ni Kai.

"Aww, buti pa ang luto ni papa na miss ni Kai si Ren hindi," pang-aasar ni kuya.

Hindi ko na lang pinansin ang kuya ko.

"I miss her too," biglang sabi ni Kai.

Pwede mahimatay?

Dinadaan niya na naman ako sa mga paganito niya. Pilit kong pinigil ang mapangiti sa sinabi niya.

"Aysus! Kinilig na ang unggoy!" pang aasar ni kuya.

Panira talaga siya ng mood kahit kailan. Sabay-sabay na kaming pumunta sa kusina para kumain.

Naku! Sana may part two yung pagta-topless ni Kai.

Putspa! Manyak na ata ako!

< End of Chapter 4>