Chereads / KETSUEKI / Chapter 4 - Chapter Three

Chapter 4 - Chapter Three

Tulad nang inaasahan ko di nga ako nakatulog ng gabing iyon. Dahil sa kakaisip kung paano ko haharapin si Kai. Kitang-kita ko ang sobrang itim at parang butis na eyebags sa ilalim ng mga mata ko. Kapag nakita ito ni Kai sigurado akong aasarin na naman niya ako.

Sasabihin na naman niyang dahil sa kanya kaya di ako nakatulog, kahit totoo yun kelangan kong i-deny. Fake it 'til you make it, ika nga nila.

"What's with the full bangs?" Tanong ni Kai sa akin habang naglalakad kami papuntang school.

Di ko siya sinagot, alangan namang sabihin kong para itago ang eyebags ko dahil hindi ako makatulog kakaisip sa first kiss ko. Hindi ko gagawin yun, aasarin niya lang ako.

Dahil hindi ko alam kung paano itatago ang eyebags ko naisipan kong maglagay ng bangs na abot hanggang sa ilong ko.

Lakas maka Sunako Nakahara.

Binilisan ko ang lakad ko kahit na alam kong maabutan niya pa rin naman ako.

"Hey! Stop!" dinig kong sabi niya, sinunod ko siya at huminto sa paglalakad.

Bahagya siyang yumuko, dahilan para maglapit ang mga mukha namin. Kita ko pa rin ang mga mata niya sa pagitan ng mga siwang na sa pagitan ng bangs ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Bahagya kong inilayo ang mukha ko sa kanya.

Why does he always have to do this.

"I hate your bangs, " pagkasabi nun ay tumayo ng tuwid.

Akala ko ay kung ano na ang gagawin niya. Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko.

Putspa!

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, ano na naman ba ang pakana ng lalaking ito. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko, ngunit kinuha niya yun ulit. Ano ba talaga ang trip niya sa buhay, napatingin na lamang ako sa kanya.

"Just hold my hand so you won't trip, I know you can't see clearly with those bangs," sabi niya.

Putspa!

Paanong di magkaka-crush sa ginagawa niya!

Hinila niya ako at hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko, kaya wala na akong nagawa kundi ang sabayan ang paglakad niya kundi ay makakaladkad ako.

Akala ko makakatulong sa akin ang bangs ko, hindi pala. Nakakainis, nakatitig lang ako sa kamay kong hawak-hawak niya. Una kiss ngayon naman hawak-kamay, di naman kami mag-jowa. Hindi niya binitawan ang kamay, hanggang sa makarating kami sa pintuan ng classroom.

Napahinto siya sa paglalakad, akala ko ay bibitawan na niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya dahil lalo niyang hinigpitan ang hawak niya dito.

Ano na namang trip nito?

Saka ko napansin kung saan siya nakatingin. Nakatingin siya sa isang lalaki na ngayon ko lang nakita. Napapalibutan siya ng mga classmates namin, para siyang artista na dinudumog ng fans. Pero kahit na ganun ay nakatingin din siya kay Kai.

Magkakilala ba sila?

Nakangisi ang lalaking iyon, na ang dating sa akin ay nakakainis. Binalik ko ang tingin ko kay Kai na ngayon ay nakakunot na ang noo. Kahit di ko siya tanungin ay alam kong ayaw niya sa lalaking iyon.

Pinasadahan ko ito ng tingin, kung tatanungin ako ay masasabi kong may itsura rin siya. Mas may buhay ang mga mata niya kumpara sa mata ni Kai at kahit maputi siya ay di kasing putla ng kulay ni Kai. Higit sa lahat marunong siya ngumiti dahil halos lahat ng mga classmates ko na nagpapakilala sa kanya ay nginingitian niya di tulad ni Kai na laging seryoso.

"Stop comparing me to him," biglang sabi ni Kai.

Napatingin ulit ako sa kanya at nagtaka kung paano niya nalaman ang iniisip ko.

"Don't befriend him," dugtong niya pa.

Bakit kaya? Di ko alam kung bakit pero di na lang ako nagtanong. Pagkatapos nun ay binitawan na din niya ang kamay ko. Nagtungo na lang ako sa upuan ko sa may likuran sinundan din naman ako ni Kai na naka-upo naman sa kanang upuan sa tabi ko. Nahihiwagaan pa rin sa kaibigan kong si Kai at sa bagong estudyante.

Mayroon kaming mahabang vacant dahil wala ang instructor namin. Kapag ganun ay sa Library kami tumatambay ni Kai.

Pero bago ko pa siya yayain ay lumabas na siya ng classroom. Susundan ko sana siya pero di ko na siya nakita. Na isip ko na marahil ay nasa library na siya ngunit pagdating ko sa roon ay wala siya sa pinupwestuhan namin.

Saan na kaya 'yun?

Okay na din 'yon para di ako mailang sa kanya. Susunod din siguro 'yon dito maya-maya baka nagutom lang at kumain muna sabi ko sa sarili. Natulog ako dahil inaantok pa ako at hindi ko na kaya pang imulat ang mga mata ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa mesa at ipinatong ko doon ang ulo na parang unan. Nasa kasarapan ako ng tulog ko nang may narinig akong, paggalaw ng upuan. Marahil ay si Kai na iyon kaya, sinilip ko kung sino iyon para kumpirmahin.

Putspa naman eh!

Muntik na akong mapabalikwas sa upuan nang makita ko ang bago naming classmate na nakangiting nakatingin sa akin habang nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa. Salamat sa bangs ko at hindi niya nakita ang mukha ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko.

Ano kayang trip nito sa buhay?

Tanda ko ang sinabi ni Kai na 'wag akong makipag kaibigan sa lalaking ito. Kailan ba ako nakipagkaibigan bukod sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at tumayo at tinalikuran ko siya.

"Girlfriend ka ba ni Kai?" biglang tanong niya na nagpahinto sa akin sa kinatatayuan ko.

How I wish!

Dapat ko ba siyang sagutin ng hindi? o huwag ko na lang siyang pansinin?

"I saw you we're holding each other's hands when you entered the room," usisa niya.

Napalingon ako sa kinauupuan niya. Magkakakilala nga siguro sila ni Kai, pareho silang Inglesero.

"So are you his girlfriend?" ulit niya sa tanong.

Pwede din namang nang chismis na ang mga classmates ko tungkol sa amin.

"Hindi, pake mo ba?" Tinaas ko ang isa kong kilay kahit alam kong di naman niya yun makikita dahil sa bangs ko. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. May mali ba sa sinagot ko sa kanya?nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

"You're Seiren Perez right?" biglang tanong niya.

Paano niya nalaman ang pangalan ko eh hindi naman ako nagpapakilala sa kanya. Marahil tsinismis na naman ng mga classmates ko. Tinanguan ko na lang siya bilang tugon.

"Nigel Delano, nice to meet you Seiren," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya.

Dahil may manners ako kahit papaano ay inabot ko ang kamay ko para makipag-shakehands. Bigla siyang yumuko at hinalikan ang likod ng palad ko. Nabigla ako sa ginawa niya, hindi ko 'yun inaasahan. Pagkatapos ay tumayo siya ng tuwid diretso ang tingin sa akin at nakangiti.

Malandi ang isang 'to.

Lalo niyang inilapit ang sarili niya sa akin at nakatitig pa rin siya sa akin. Ang aura niya ay nagbago bigla, hindi ko alam kung bakit ako biglang kinalibutan. Para siyang isang mapaglarong pusa na biglang naging leon na handa akong sakmalin anumang oras.

Humakbang pa siya palapit sa akin, ini-angat niya ang isa niyang kamay at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko at inipit sa likod ng kanang tenga ko. Nakakapangilabot ang ginawa niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit di ko magawang umalis sa kinatatayuan ko, parang may isang bagay na pumipigil sa akin.

"You're nervous aren't you? I can hear you're heart beating so fast," biglang sabi niya.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay inilapit ang mukha niya sa akin na tila bubulong, naramdaman ko ang hininga niya sa aking kanang tenga. Bigla na lamang may humatak sa akin mula sa aking likuran kaya napa-atras ako.

Nang tingnan ko kung sino yun ay nakita ko ang mukha ni Kai na galit na galit na nakatingin kay Nigel habang si Nigel naman ay nagbigay ng nakakalokong ngiti. Di ko naramdaman na dumating na pala siya.

"Don't ever lay your hands on her, I'm warning you!" biglang sigaw ni Kai.

Napatingin ako sa paligid at tinignan kung may nakarinig sa sigaw ni Kai baka bigla na lang sumulpot ang Librarian at paalisin kami.

"Try to stop me then," parang nanghahamon na sabi ni Nigel. Bigla na lang siyang tumingin sa akin alam kong nag-tama ang mga mata namin kahit pa may bangs ako.

"I won't stop you, I'll kill you," banta naman ni Kai.

Anong kill? Anong pinagsasasabi ni Kai? My split personality ba siya?

Ano bang pinag-aawayan ng dalawang 'to?

Hinawakan ni Kai ang kamay ko sa may bandang pulso, at hinila palabas ng Library. Halos madapa ako dahil sa bilis ng lakad niya at ang higpit di ng hawak niya sa akin. Nang makalayo kami ng Library ay huminto ako at binawi ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Anong problema mo?" naiinis na tanong ko.

"I told you not to befriend that guy!" randam ko ang galit sa boses niya.

Ano bang ginawa ko?

"Hindi ako nakikipag-kaibigan sa kanya," paliwanag ko sa kanya, dahil hindi naman talaga.

"Then what? You we're just flirting with him?" akusa niya sa akin.

Ha! Ako nakikipaglandian?

Kung makikipaglandian ako, sayo ko gagawin'yun. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kai. Nasakatan ako sa sinabi niya, kapag nakipag-usap pala ako sa iba bukod sa kanya landi na iyon? Sa kanya pa talaga nanggaling 'yun, gusto ko siyang tanungin kung kelan niya ako nakitang nakipaglandian sa isang lalaki. Ganun pala tingin niya sa akin, ewan ko kung anong problema niya.

"Hindi! Bakit ganun ba ang tingin mo sa akin, malandi?" Di ko napigilan ang kwestyunin ang paratang niya sa akin.

Ang dami kong gusto sabihin pero 'yun lang ang nasabi ko,at agad akong padabog na naglakad palayo dahil sa sama ng loob. Napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi pinipigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

Putspa!

Sa'yo pa talaga nanggaling 'yun?

Nakakainis!

Naiinis ako sa sarili ko bakit ako ganito, Bakit napaka iyakin ko?

< End of Chapter 3 >