Chereads / KETSUEKI / Chapter 3 - Chapter Two

Chapter 3 - Chapter Two

Masakit na ang ulo ko simula pa lamang nang magising ako. It felt like something happened pero di ko matandaan kung ano iyon, nakakapagtaka. I don't even remember how I ended up on my bed. Ang huling natatandaan ko ay pinasan ako ni Kai sa kanyang likod. Sa pagkakaalala ko kahapon ay nauana akong umuwi sa kanya. I remember that I was crying while I was in his arms, pero di ko matandaan bakit ako umiyak. Natatandaan kong lumabas ako ng school grounds, pero kung anong nangyari sa pagitan ng mga oras na iyon. Kahit gaano ko isipin ay di ko talaga maalala.

Nakakapagtaka talaga, alam kong may masamang nangyari ang di ko matandaan ay kung ano iyon. Napapailing na lang ako habang kumakain dahil sa pag iisip. Di ko maiwasan ang mapangiti nang maalala ko ang pag-yakap sa akin at pag-aalo niya sa akin. Pati na rin ang pagbuhat niya sa akin sa likod niya.

Sweet din siya kahit papaano.

"Anong problema mo?" tanong ng isang boses. Nagbalik ako sa kamalayan ko nang mapagtanto kong si kuya Aizen pala ang nagsalita. Napatingin ako sa direksyon niya na ngayon ay nakangisi na.

"Wala," tanggi ko sa kanya saka siya inirapan.

Nasa harapan nga pala kami ng pagkain, nakuha ko pang mag-imagine.

"I think she's day dreaming," kumento ni Kai at nagpatuloy sa pagkain.

"Asus, katabi mo na nga si Kai iniimagine mo pa?" nanunudyong sabi ng kuya ko.

Ako na naman ang nakita niya, lagi na lang akong pinagdididkitahan.

"Bakit ako magdi-daydream tungkol sa lalaking 'to?" taong ko sa kuya kong tuwang-tuwa pa rin sa pang-aasar sa akin, sabay turo kay Kai.

Wala di ako papagapi sa panunukso ng kuya kong may saltik.

"You know what, it's rude pointing your fingers to anyone," sambit ni Kai saka inabot ang daliri kong nakaturo sa kanya para ibaba. Tila my kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa ginawa niya. Ano ba! Agad kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Asus, naka tyansing ka na naman Ren," nakangising sabi ng kuya ko, nagpauloy ito sa pagkain.

Wala na talaga siyang ginawa kundi ang asarin ako.

"Ako, ako talaga? Di ba siya ang humawak sakin? Paanong naging ako kuya ha?" pagtatanggol ko sa aking sarili.

Di ako makapagpatuloy sa pagkauin dahil sa pang-aasar niya. Nakakainis talaga ang itsura niya kapag inaasar ako.

"Ay sus, kahit anong gawin mong pag dedeny malalaman din ni Kai na crush mo siya," sambit ng kuya, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kahit kailan talaga walang preno ang bibig niya.

Kuya!Sira ulo ka talaga!

Impit akong napapikit at napatingin sa direksyon ni Kai, napansin ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya. Kung pwede lang itakwil ko ang kuya ko gagawin ko, lahat talaga ng sekreto na nalalaman niya binubunyag niya.

"So, you have a crush on me," baling sa akin ni Kai na tila nanghihingi ng kumpirmasyon.

Sinakyan pa talaga niya ang pang-aasar sa akin ni kuya.

Hoy Kai ako yung bestfriend mo hindi yang halimaw na yan!

"Wag kang nagpapaniwala diyan kay Kuya," Nauutal na sabi ko, habang nag-iiwas ng tingin sa kanya.

Rule#11 Kapag nahuli ka h'wag kang aamin.

"Really?" tanong ni Kai, na tila di naniniwala.

"Oo, really talaga kaya tapusin mo na yang kinakain mo," pag-iiba ko ng usapan.

Magsasalita pa sana ang kuya ko nang sinamaan ko siya ng tingin.

Sige magsalita ka kuya! Isusumbong ko kay papa ang mga R18 magazines mo.

"Tama na yang kulitan, kumain na kayo," sabi ng papa ko.

Sanay na siguro si papa sa bangayan namin tuwing umaga, minsan pinapalagpas na lamang niya ang mga ito. Wala kaming nagawa kundi ang tahamik na ipagpatuloy ang pagkain namin.

Paano nalaman ng kuya ko na crush ko si Kai?

It happened two years ago, napaka pakeelamero kasi ng kuya ko. Wala sa bukabularyo niya ang salitang privacy. Basta-basta na lang siya pumasok sa loob ng kwarto. Di ko man lang napansin na nakapasok na pala siya, kung may audition ang mga akyat bahay papasa siya.

Habang busy akong naglalaro ng FLAMES ay bigla na lamang niyang hinablot ang notebook na pinagsusulatan ko. Nakita niya ang pangalan ko at pangalan ni Kai na nakasulat roon. Nakigaya lang naman ako sa mga classmates namin noon. Kaninong pangalan pa ba ang isusulat ko dun siya lang naman ang kilala ko .

Dun nagsimula ang pang-aasar niya sa akin minsan ay black-mail na ang ginagawa niya. Lagi niyang ginagamit ang nalalaman niya para sundin ko siya. At least ngayon di ko na kailangang sundin siya pag ayoko dahil ibinuking na niya ako.

Pagkatapos kong kumain ay inilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko. Iniwan ko sila roon at nagtungo sa sala at umupo sa isa sa mga upuan doon. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Kai at tumabi sa kinauupuan ko. Naka-kunot noo ko siyang tinitigan.

Naniwala kayo 'to kay kuya?

"What?" tanong niya sa akin habng diretsong nakatingin sa T.V.

"What ka diyan, ang dami daming upuan dito tatabi ka pa sa akin," sita ko sa kanya.

"You know, my spot is always right next to you," sabi niya.

Matutuwa ba ako sa sinabi niya o hindi? Baka pinagtitripan niya lang ako.

Inirapan ko na lang siya.

"Don't give me that look," utos niya. Napatingin lang ako sa kanya. Paano niya napansin 'yun ehh tutok na tutok siya sa T.V.

"H'wag mo ko tignan para di mo makita," inis na sabi ko sa kanya. Parang tanga lang dahil di naman siya nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya.

"Cute," sabi niya sabay lingo sa akin.

Cute? Ako ba ang tinutukoy niya? Anong cute dun?

Di ko alam kung ano namang trip ng lalaking 'to, ang weird niya madalas.

"Umuwi ka na nga sa inyo, nabubulok na yung mansion mo sa kabilang kanto, that's your home ok?" pagtataboy ko sa kanya.

"Home is where your heart is, you're my home so I'm staying," sambit niya.

Putspa!

Binanatan na naman niya ako.

Kainis!

Ayoko maapektuhan pero kinilig ako sa sinabi niya.

Marupok ka Ren!

Sino ba ang hindi? Sabihan ka ng crush mo ng ganun? Ewan ko kung di ka kiligin. Aaminin ko, medyo natinag ako sa sinabi niya pero alam ko ang agenda ng lalaking 'to. Lagi na lang siya ganito kapag itinataboy ko siya magsasalita ng mga ganitong linya. Di ko alam kung seseryosohin ko ang mga sinsasabi niya.

Madalas kasi nang titrip lang talaga siya. Gustong gusto niya kapag nakikita niyang namumula ako.

Ang sama rin ng ugali niya noh? Pero ewan ko ba bakit crush ko pa rin siya.

"Hoy Kaien Emrick, h'wag mo ko dinadaan sa mga linyahan mo, alam kong pagkain lang ang habol mo kaya andito ka lagi sa bahay," pagtataray ko sa kanya.

"Am I not welcome anymore?" tanong niya na tila nangongonsensya. Di ko siya sinagot, malamang welcome siya sa bahay para saan pa at naging bestfriend ko siya.

Sadyang ayaw ko lang siya makita dahil naiinis ako. Alam kong kukulitin niya ako hanggang sa aminin ko na totoo ang sinasabi ng kuya ko na crush ko siya. Tapos babastedin na naman niya ako.

"Ngayong gabi lang dalawin mo 'yong mansyon mo baka may iba ng nakatira dun," pagpupumilit ko sa kanya.

"Do you really want me to leave?" tanong niya gamit ang nagpapaawa niyang boses. Napatingin ako sa kanya.

"Oo, bukas pwede ka na bumalik ulit," pagmamatigas ko.

Nagbago ang emosyon ng mata niya, ewan ko kung imahinasyon ko lang ang nakita ko.

"Okay, goodbye then," walang pasubaling sabi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at nagsimulang maglakad patungo sa pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin.

Bago siya tuluyang makalabas ng pinto ay bigla na lamang namatay ang bigla na lamang namatay ang mga ilaw at dumilim ang paligid. Napasigaw ako, duwag ako pagdating sa dilim, dahil naiimagine ko na may bigla na lang lilitaw sa harapan ko na kung anu man. Agad kong ipinikit ang mga mata ko.

"Kai!" pasigaw na tawag ko sa kanya.

"Andiyan ka pa ba?" tumayo ako sa upuan at nagsimulang maglakad, inunat ko ang mga kamay ko aking harapan para malaman ko kung may mababangga ako o wala.

"Kai!" sigaw ko ulit sa pangalan niya.

"What?" tanong niya.

Nakahinga ako, akala ko ako na lang mag-isa doon.

"'Wag ka aalis kung nasaan ka man diyan ka lang hahanapin kita," sabi ko sa kanya.

"You just asked me to leave right?" pag-lilinaw niya. Naiimagine ko ang nakasilaw ng ngisi sa labi niya.

Nakakainis!

"Hindi! Dito ka lang!" sagot ko habang kinukumpas ang kamay ko sa dilim.

Kainis naman ehh!

"What if I don't want to?" pang aasar niya.

"Kai naman ehh!" reklamo ko patuloy lang ako sa paglalakad habang nakapikit.

"No," Mariin na tanggi niya.

Gusto ko siyang awayin, alam niya namang takot ako sa dilim. Pero nagagawa niya pa rin akong pag-tripan, bestfriend ko ba talaga ang lalaking ito?

"Kai naman ehh," pagsusumamo ko.

"You're missing the magic word my dear slave," patuloy sa pang-aasar niya sa akin.

"Ano bang gusto mong marinig?" tanong ko.

"Say that you want me to stay, because you need me your master," utos niya.

Bwisit din talaga siya! Nagagawa niya akong pag-tripan sa ganitong sitwasyon.

"Please stay, I need you Master," napilitang sabi ko.

Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Kahit madilim naiimagine ko na nakangisi siya. Nanalo na naman siya.

"Okay," sagot niya.

"Asan ka ba?di kita makita," parang tangang tanong ko. Paano ko siya makikita ehh nakapikit nga ako.

Naglalakad pa rin ako sa dilim di ko matandaan kung saang parte na ng sala ako naroroon. Bigla na lamang may gumapang sa may paanan ko. Napasigaw ako sa sobrang takot, saka nagtatakbo sa dilim hanggang sa mapatid ako at nabunggo sa isang bagay. Hinihintay ko na bumagsak ang mukha ko sa matigas na semento at mahalikan, ngunit hindi iyon nangyari. Imbes na matigas at malamig na semento ay malambot at mainit iyon.

Sinilip ko kung ano iyon kahit madilim nang bigla na lang sumindi ang ilaw. Napakunot noo ako ang makita ko ang mga mata ni Kai sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong nakadapo ang labi ko sa labi niya, napatingin akong muli sa mga mata niya at pareho kami ng reaksyon.

Putspa!

Dali-dali akong tumayo palayo sa kanya. Napakunot na lang ako ng noo at napakagat sa labi ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tumayo rin siya mula sa pagkakahiga, pareho kaming di makatingin sa isa't-isa. Di kami nagkibuan, hanggang sa narinig ko ang boses ng kuya ko.

"Okay ka lang ba diyan Kai? Pinagsamantalahan ka ba ng kapatid ko?" sigaw niya. Kanina pa ako sumisigaw pinabayaan lang nila ako ni papa. Nakakaloko silang dalawa ni papa madalas.

"I'm fine!" sagot naman ni Kai.

Di pa rin kami nagkikibuan, lumilipad ang isip ko dahail sa nangyari. Yung first kiss ko, si Kai.

Gusto kong magtatalon sa tuwa pero h'wag na lang. Nanatili na lamang akong tahimik hinhintay na magsalita siya.

"Ren," tawag niya sa pangalan ko, nilingon ko naman siya.

"Ano?" naiilang na tanong ko.

"I'm your first kiss right?" nakangising tanong niya, kahit na alam na niya ang sagot.

Putspa!

Lalong namula ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay napahiya ako. Kelangan mo pa talaga ipamukha sa akin. There goes his smirk again. Natutuwa ba siya na siya ang first kiss ko o dahil sa reaksyon ko siya natutuwa?

"Pang-asar ka talaga Kai!" sigaw ko sa kanya.

Pagkasabi ko nun ay mabilis na akong nagtungo sa kwarto ko at ni-lock ang pinto saka humiga sa kama ko. Niyakap ko ang teddy bear kong bigay rin niya. Alam kong namumula pa rin ang mukha ko. Nagsisipa ako ako sa hangin, naiinis ako pero kinikilig pa rin ako. Nagpagulong gulong ako sa kama. Napahinto ako nang maalala ko ang paglapat ng labi ko sa kanya. Napahawaka ako sa labi ko, Ahhhhh! Mukhang di ata ako makakatulog ng maayos ngayong gabi.

Pero ibig sabihin nun lalo niya akong aasarin, lalo niya akong pagtitripan.

I accidentally had my first kiss with my crush sarap himatayin!

< End of Chapter 2>