"Hoy! Master Kai, gumising ka na!" sigaw ko sabay hawi ko ng kurtina at bukas ng bintana ng kwarto niya dahilan para masinagan ng sikat ng araw ang mukha niya.
Sa tinagal-tagal na ng panahon na magkaibigan kami ng lalaking ito. Alam na alam ko na ang technique kung paano ko siya gigisingin tuwing umaga para pumasok. Mas tamang sabihin na alam ko na kug paano ko siya mapapabangon mula sa pagkakahiga.
"Ren, close the curtains," ma- awtoridad na utos niya sa akin.
Di ko namalayan na nakatayo na pala siya sa likuran ko. Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw niyang nasisikatan ng araw tuwing umaga. Napaka-arte niya, ayaw niya ata umitim at baka di magpantay ang kulay niya.
"Okay- okay, heto na isasara na po." Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Muli kong isinara ang kurtina.
Baka mag-huramentable pa siya kapag di ko siya sinunod.
I face his direction, laking gulat ko nang makita ko siyang nakatayo pa rin sa likunra ko, sa sobrang lapit ay halos dumikit na ang mukha ko sa dibdib niya.
Heto na naman siya sa mga trip niya.
Yumuko siya upang magpantay ang mata namin. Hindi ko talaga alam ang trip nito sa buhay. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, samantalang parang wala lang sa kanya iyon. Umatras ako at iniwas ang tingin sa kanya. He just smirked and stood straight again.
Kunwari inaantok pa ehh mukhang kanina pa siya gising.
"Dalian mo nang maligo at kakain na tayo sabi ni Papa," sabi ko sa kanya at mabilis nagtungo sa may pintuan palabas sa kwarto niya.
Lilinawin ko, I am not his maid. May dahilan kung bakit master ang tawag ko sa kanya. We like playing games, since natalo ako we need to fulfill the others' wish. We ended up with Master-Slave relationship. I need to obey his orders at isa na doon ka ang gisingin para hindi ma-late sa pagpasok. Since we are good friends nakikisakay ang pamilya ko sa mga trip namin.
Nakapwesto na ako sa upuan, nakahain na rin ang almusal sa mesa ang kulang na lang ay si Kai para makakain na kami. This is one of our family tradition, ang kumain nang sabay-sabay.
Sa wakas, lumabas na din siya, umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Reserve ang seat na yun para sa kanya.
"Sa wakas!" saad ko saka bumuntong hininga.
Isa pang tradisyon namin ay ang magdasal bago kumain. We thank the Lord for the food at nagsimula na kaming kumain. After having our breakfast we started to prepare for school.
We are both in college same course, same block at sabay kami naglalakad papuntang school dahil walking distance lang naman iyon. Magkakilala na kami nasa grade school pa lang kami, kaya masasabi kong close kami.
Siya lang ang kaibigan ko, dahil siguro pakiramdam ko sapat na ang isa, sapat na siya. More on di talaga ako mahilig makipag kaibigan.
Sapat na ang isang Kai, paano kapag sampu siya? Sampung mukha niya ang makikita ko araw-araw. That would be scary. Hindi naman pangit tong si Kai hindi rin siya gwapo dahil sobrang gwapo niya.
I admit it, nasa kanya na ata ang lahat ng pwede mong magustuhan ng isang babae physically, matangkad, maputi, matangos na ilong, mapulang labi, tamang kapal ng kilay, at magagandang pares ng mga mata. He is a total package kung tutuusin.
Kataka-takang wala pa siyang nagiging girlfriend, wala lang siguro talaga sa isip niya ang mga ganung bagay. Kung gaano siya ka attactrive physically ay kabaliktran naman iyon ng ugali niya. Iba rin kasi ang pakikitungo niya sa iba, I'm not an exception. He is not a smiling person. Napaka mahal ng ngiti niya minsan ko lang iyon nakita, to make him smile is one of my life mission. I know he have pearly white teeth if he smiles. Papasa pa siyang model sa toothpaste commercial. Ewan ba kung bakit ang hirap niyang ibigay 'yun sa ibang tao.
Ewan ko rin paano ko natitiis ang ugali niya, minsan lang siya magsalita, hindi lumalagpas ng dalawang sentence ang sinasabi niya at madalas ay english pa. Kung magsasalita man siya ay tuwing may kailangan lang siya o di kaya aasarin niya lang ako. He is really quiet, he'd rather sleep than talk.
I think that's why he is special.
"You're too slow," reklamo niya sa akin habang naglalakad.
Mga isang metro siguro ang pagitan namin habang nakasunod ako sa kanya. Ang bilis niya kasi maglakad siya na ang may mahabang legs. Hindi ako bansot 5"5' ang height ko sadyang mas mahaba lang ang biyas niya sa akin. Ang bilis niya lang din talaga kumilos sa lahat ng bagay, tamad nga lang madalas.
"Ikaw kaya nag magbuhat ng bag mo noh?" reklamo ko. Hindi naman talga mabigat ang bag niya.
"Are you disobeying me my dear slave?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya. There goes his smirk.
"Sorry na, Master Kai!" wala akong nagawa kundi ang sundin siya.
Ibato ko sayo to ehh!
May araw ka rin sa aking Damuho ka!
I don't hate hime inspite of his coldness, nasanay na lang siguro ako.Dahil matagal na siyang ganito. Madalas siyang nakayuko tuwing naglalakad kami. Parang ayaw niyang napapnsin ng ibang tao. Ngunit kahit gaano niya itago ang mukha niya ay mapapansin mo pa rin talaga siya.
Nagsimula at natapos ang unang klase namin nang hindi natutulog si Kai. Kaya sa vacant time namin ay tumambay kami sa library, siya ay natutulog at ako naman ay gumagawa ng notes niya. Isa sa mga utos niya ay ang pagsusulat ko nito para sa kanya.
Napakatamad buti na lang at nababasa niya pa ang penmanship ko. Hindi mahina ang utak ni Kai. Matalino siyang studyante na kahit akala mo di siya nakikinig pag tinawag siya para magsolve ng problems sa board ay magugulat ka at nasasagutan niya iyon. Kadikit lang talaga ng pagkatao niya ang pagiging tamad. Ganun ata talaga kapag mayaman.
Natapos na ako sa pagsusulat habang siya ay mahimbing pa rin na natutulog habang nakapatong ang ulo niya sa tumpok ng libro sa harapan niya.
Napatitig ako sa kanya at napangiti sa itsura niya he look so peaceful.
"Stop staring, if you don't wanna fall inlove." Nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
Tulog ba talaga to? paano niya nalamang pianapanood ko siya.
"Hindi kita tinititigan noh!" pagde-deny ko kahit pa nauutal ako.
Ngayon ay gising na siya at inaayos ang medyo nagulo niyang buhok.
"Really? you're a bad liar. I can see through your eyes." He gave me a wry smile.
"Tsk!" yan lang ang nasabi ko, alam kong namumula na naman ang pisngi ko ngayon.
Alam na alam niya kung paano ako asarin at natutuwa siya tuwing ginagawa niya iyon.
"I know that you're favorite hobby is watching my face while I sleep," sabi niya.
Paano ko nalaman na natutuwa siya? Everytime he smirks.
"Halika na mali-late na tayo sa susunod nating klase!" sabi ko sa kanya, saka ako tumayo at iniwan siya.
Ibig sabihin matagal na niyang alam na pinapanood ko siyang matulog tuwing nasa Library kami?
Putspa!
Nang matapos ang huling klase namin ay mabilis pa sa alas kwatro ang paglabas ko ng room. Iniiwasan ko si Kai kaya ako nag mamadali, hindi pa ako nakakarecover sa pagkakahuli niya sa akin kanina sa library. Nakakahiya mahuli ka ng crush mong nakatingin sa kanya.
Medyo madilim nang matapos ang klase namin. Hindi naman ako natatakot maglakad mag-isa dahil may street lights naman doon.
Habang naglalakad ay may natanaw akong anino ng tatlong lalaki. Sila yung lagi namin nakikita ni Kai tuwing pauwi kami. May inaabangan lang siguro sila sa school namin. Sa tingin ko ay mga dayo sila mula sa ibang University. One of them is kinda Chubby. Ang isa ay kulot ang buhok, ang isa naman ay madaming piercing. Mukha silang mga barumbado sa school, but who am I to judge.
Napatingin sila sa direksyon kaya agad akong nag iwas ng tingin. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang mapansin ng mata ko ang paglapit ng mga lalaki sa akin. Binilisan ko ang lakad ko pero naharangan pa rin nang isa sa kanila ang daraanan ko.
"Not too fast baby," sabi nito sa akin habang nakangiti. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
Anong baby sinasabi nito?
Bahagya akong napaatras at tinalikuran ko siya, iiwas sana ako ng daraanan ngunit di ko na iyon nagawa dahil nakalapit na sa amin ang dalawa niyang kasama.
"Excuse me, pwede huwag kayo humarang sa daan," mariin kong sambit ko.
Kunwari matapang ako, kunwari strong ako!
Kinakabahan ako pero lalo lang lalakas ang loob ng mga 'to kapag pinakita kong natatakot ako. Di nila pinansin ang sinabi ko at napangisi na lang.
"Ang suplada mo naman, pero gusto ko yan," sabi ng isa sakanila na medyo may katabaan.
Anong gusto?
"Ano ba gusto niyo ha, kung pera ang gusto niyo sorry pero wala ako nun." Pagbibigay alam ko sa kanila. baka naghahanap lang sila ng weak na makukuhanan nila ng pera.
"Hindi namin gusto ang pera mo, ikaw ang gusto namin," sabi ng lalaking may hikaw.
Di ko nagugustuhan kung saan patungo ang tagpong ito.
"Gusto niyo ko, pero ayoko sa inyo," walang kagana-ganang sambit ko.
"We always get what we want," sabi ng kulot nilang kasama.
Aba marunong mag-english ang loko.
Ewan ko ba kung bakit walang dumadaan sa kalsadang 'to ngayong oras na 'to.
"There's always a first time," saad ko sa kanila.
"Masyado kang maraming sinasabi," inis na sabi ng humarang sa akin kanina.
Hinatak niya ang braso ko, at pilit nila akong hinila sa likod ng isang garffiti wall an di nahahagip ng ilaw.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko, pero wala yung kwenta.
Anong laban ko sa tatlong to?
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, kailangn kong sumigaw baka sakaling may makakita sa amin. Masama ang kutob ko, alam ko ang kahihinatnan ko kapag di ako nakawala sa kanila. Nagpupumiglas pa rin ako sa pagkakahawak nila, hindi ko sila basta basta hahayaan sa binabalak nila.
"Ayaw mong manahimik ahh!" inis na sabi ng lalaking madaming piercing.
Bigla na lamang niya akong sinuntok sa sikmura. Napasinghap ako sa ginawa niya, hindi ko maipaliwanag ang sakit na iyon. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat. Tila nawalan ng lakas ang mga pa ko. Naiyak ako sa sakit dahil sa ginawa niyon, napaupo na lamang ako habang nakayakap sa tiyan ko. Sobrang sakit ng gitnang bahagi ng tiyan ko.
I felt so helpless, naiyak ako dahil sa sakit at sa takot. Kung di ko lang sana iniwasan si Kai wala sana ako sa sitwasyon ko ngayon. Ano ba kasing pumasok sa utak ko?
"Ayan nanahimik ka din," sabi ng isa sa kanila di ko alam kung sino. Naririnig ko ang tawanan nila.
Hinawakan nang isa sa kanila ang baba ko at Iniangat ang tingin ko sa kanya.
"Di ka masasaktan kung mananahimik ka lang," sabi nito.
Gustong gusto kong sagutin siya, pero di pa rin ako makapag salita dahil sa sakit ng tiyan ko. Kitang kita ko ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Alam ko kung anong balak niyang gawin. Nanlaki ang mata ko pilit niyang inilalapit ang mukha niya sa akin. Hawak ng isang kamay niya likod ng ulo ko. Pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanya, ngunit nanghihina pa rin ako. Wala na akong nagawa kundi ang magdasal na sana panaginip lang ang lahat ng ito. I could feel the my chest heaving.
No! I'd rather die than to experience this.
"Ren!" narinig kong may tumawag sa pangalan ko.
Napalingon silang tatlo sa lalaking pinag-mulan ng boses. Siguradong sigurado akong si Kai iyon. Agad siyang hinanap ng mga mata ko. Para akong nakahinga ng maluwag nang maaninag ko ang mukha niya. Binitawan ako ng lalaking may hikaw, naramdaman ko ang pagpagsak ko sa lupa. Di ko magawang panatilihing nakabukas ang mata ko.Hindi ko alam kung kakayanin ni Kai ang tatlong 'to, hindi ko pa siya nakitang makipag-suntukan. Di ko silang magawang panoorin dahil sa sakit ng tiyan ko. Paano kung mabugbog nila si Kai? Nadidinig ko ang sigaw nila tuwing sumusugod pero di ko alam kung tinataamaan ba nila si Kai o hindi. Bigla na lamang tumahimik ang paligid.
"Kai," tawag ko sa pangalan niya.
May lumapit sa akin at tinulungan akong umupo. Pilit kong Iminulat ang mga mata ko. I saw his worried face looking at me. Muling bumuhos ang mga luha ko, napakaiyakain ko kahit kailan. It a cry of relief, mabuti at walang nangyari sa kanya. Lalo akong naiyak nang maisip ko kung anong mangyayari kapag di dumating si Kai. Paano kung nagawa nila ang binabalak nila. Kung di nila ako papatayin, ako mismo ang papatay sa sarili ko.
"Are you alright," tanong niya sakin, his voice was calm but his eyes is full of anger. I couldn't answer him. Hindi ko alam bakit patuloy lang ako sa pag-iyak. Kinulong niya ako sa bisig niya, nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya habang hinahaplos niya ang likod ko.
"Sorry..." sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. Sa wakas nagawa ko na rin ang mag-salita.
"You don't have to apologize," sabi niya at lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
I found it comforting to be wrapped in his arms. I never cried like this before, I was really scared. What happened is much scarier than the dark. Nanatili kaming ganoon hanggang sa kumalma ako. Ako na mismo mo ang kumalas sa pagkaka yakap niya.
"Are you okay now?" tanong niya sa akin.
Tumango lamang ako, hindi ko makuhang magsalita. Tumalikod siya sa akin, nagtaka ako sa ginawa niyang iyon.
"Limited offer, back ride home," sabi niya habang nakatalikod pa rin.
Napangiti ako sa ginawa niya, kahit pa mukha siyang walang pakielam ay alam niya pa rin ang gagawin para pagaanin ang pakiramdam ko.Tumayo ako at pumasan sa likod niya. Walang kahirap hirap niya akong binuhat hanbang tumatayo siya. Ramdam ko ang init ng likod niya habang nakayakap ako sa balikat niya.
"I think you're gaining weight," sabi niya. Napasimangot ako sa sinabi niya.
Di ko alam kung nagrereklamo ba siya o ano.
"Di ibaba mo na lang ako," suhestiyon ko sa kanya, kunwari ay nagtatampo ako.
"I'm just kidding," sabi niya at hinigpitan ang hawak niya sa akin.
Muli na naman kaming natahimik.
"Ren," tawag niya sa akin.
"Ano 'yon?" inaantok na sabi ko.
"Don't do that again, promise me."
"Ang alin?" tanong ko.
"Don't go home without me, promise me," pakiusap niya.
"Promise," sabi ko habang nakapikit.
Tuluyan na akong nakatulog habang pasan niya ako sa likod niya.