Chereads / Supreme Asura / Chapter 36 - Chapter 36

Chapter 36 - Chapter 36

Napakalaki at napakalawak ng Wind Fury Kingdom kumpara sa teritoryo ng tatlong kaharian at masasabi niyang ang power struggle o ang pagiging malakas na pinuno ang kinakailangan ng mga mamamayang ito na siyang kagustuhan ng lahat. Yung tipong kapag pinuno ka ng isang organisasyon halimbawa na lamang ang Gāo Clan ay kailangan mong maging karapat-dapat sa titulong iyan.

Bata pa lamang si Gāo Hui ay namulat na siya sa karahasan at masalimuot na pangyayari lalo na sa agawan ng kapangyarihan o pwesto sa pampulitikal na aspeto lalo na sa loob ng Gāo Clan. Ang kaniyang ama ay naiipit sa sitwasyon ng kaniyang mga kapatid. Isa siyang scholar noon ng prestirhiyosong paaralan nasiyang kinaiinggitan ng halos lahat ng kaniyang kapatid. Ang kanilang Ama ay siyang Clan Chief noon ng Gāo Clan kaya ang pressure ay halos nasa kaniya maging ang pamamahala sa loob at labas ng angkan ng Gāo ay dapat alam niya.

Sa lagay ng kaniyang amang si Gāo Qiang ay nalaman nila noon na ang Martial Talent nito ay isa lamang 2nd Mystic Grade Martial Talent, kumpara sa mga kapatid nitong ang mga talento ay 4th Grade Martial Talent hanggang 8th Grade Martial Talent ay walang binatbat ang talento nito sa kanila.

Napakahirap ng sitwasyon ng pamilya mismo nila lalo na ng kalagayan ng kaniyang Ama. Naiinggit ang mga kapatid nito sa kaniyang amang si Gāo Qiang nang pag-aralin ito sa Prestirhiyosong paaralan ngunit ang mga kapatid nito ay nasa ibang mga Prestirhiyosong paaralan rin. Tila ba hindi sila pumapayag na ang isang 2nd Mystic Grade Martial Talent ay dapat na magkaroon ng same treatment katulad nila. Magkakapatid lamang sila sa mga ina ngunit ang inis at inggit na ito ay nagdulot ng pagkakalabuan ng pagiging magkapatid ng mga ito na siyang hindi nagustuhan ng kanilang ama.

Hanggang sa naging tuloy-tuloy na ang malamig at nagkalamat na kapatiran ng mga anak ng Former Clan Chief na lolo nilang si Gāo Ping ng Gāo Clan. Yung tipong walang pakialamanan ngunit alam ng kaniyang amang galit ang mga ito sa kaniya lalo pa't ini-insist ng mga ito na nagkakaroon ng Favoritism sa kanilang magkakapatid at nagpapaawa-effect ang kaniyang sariling amang si Gāo Qiang na hindi naman totoo. Alam ni Gāo Hui na mali ang paratang mga ito sa kaniyang sariling ama.

Mas naging magulo ang sitwasyon ng kanilang angkan ng ihalal ang kaniyang sariling ama na maging Clan Chief ng buong Gāo Clan.

Bumalik sa kaniyang alaala kung paano naging desperado at lubos na nagalit ang mga ito sa kaniyang sariling ama dulot nang pagpili sa kaniya ng kanilang sariling ama. Lahat ng paratang at akusasyon ay ibinato ng mga ito sa kaniyang ama. Napakasakit isipin na sa murang edad niya ay nalaman niya kung paano wasakin ng titulo ang magkakapatid at kapatiran ng kanilang mga magulang.

Kailangan niyang maging malakas at ipakitang karapat-dapat siyang maging susunod na Clan Chief ng Gāo Clan. Alam niyang nare-restrain pa ang mga kapatid ng kaniyang ama dahil kahit papaano ay may takot at respeto pa ang mga ito sa kanilang amang si Gāo Ping na siyang lolo niya.

Pero paano na lamang ang kaniyang ama kung sakaling may mangyaring masama sa kaniyang lolo? Ang mga kapatid niya ay siguradong maghiimagsik ang mga ito. Siguradong isa sa mga ito ang gustong umupo bilang bagong Clan Chief.

...

BAM!

Nagkaroon ng kakaibang pagyanig ang nasabing Boulder kung saan ay nakita na lamang ng lahat ng manonood ang resulta ng Re-examination ng batang lalaking si Gāo Hui.

Dito ay nagkaroon ng malakas na usap-usapan sa nasabing kinaroroonan ng mga manonood na Former Student maging ng mga batang nakapila.

"Isa siyang 1st Earthen Grade Martial Talent?! Paanong nangyari ito?!"

"Totoo ba ang nakikita ko?! Isa siyang Earthen Grade Martial Talent?!"

"Hindi maaari ito! Kailan lang nagkaroon ng Earthen Grade Martial Talent?! Pili lamang ang nagkakaroon ng ganitong kataas at kalakas na Martial Talent!"

"Nakakainggit, paanong nangyari ito My god!"

"Hindi ko aakalaing mayroong ganitong klaseng halimaw sa grupo ng kabataang ito!"

"Kahanga-hanga, tunay na siyang kayamanan ng Shangyang Academy. Sigurado akong ang kinabukasan niya ay napakaliwanag!"

"Oo nga, talagang unang kita ko pa lamang sa kaniya ay alam kong napakatalentado niya.

Tila ba nagkaroon ng kakaibang hangin at kakaibang impresyon ang iniwan ng batang lalaking nagngangalang Gāo Hui. Tila ba ang masasamang mga sinasabi nila kanina lamang sa batang lalaking si Gāo Hui ay tila ba nabago at naging kaaya-ayang pakinggan.

"Gāo Hui, 1st Earthen Grade Martial Talent!" Malakas na sambit ng lalaking host.

Masigabong na palakpakan at hiyawan naman ang biglang namayani sa buong paligid. Tila ba nagkaroon ng napakaengrandeng anunsiyo na siyang may katotohanan rin naman. Ang paglitaw ng isang Earthen Grade Martial Talent ay isa talagang lihim na kayamanan ng isang paaralan o Alinmang organisasyon. Mabuti sana kung taon-taon nagkakaroon ng Earthen Grade Martial Talent sa kanilang Shangyang Academy o sa ibang mga lugar ngunit hindi. Pahirapan pa rin ang paghahanap ng mga ito.

"Paanong nangyari ito. Noong in-eksamin ang aking Martial Talent ay isa lamang akong 8th Mystic Grade Martial Talent pero ngayon ay isa na akong ganap na 1st Earthen Grade Martial Talent." Sambit ng batang lalaking si Gāo Hui habang gulong-gulo pa rin talaga ang isipan niya hanggang ngayon.

Rinig na rinig man niya ang maugong na palakpakan ngunit hindi kumbinsido ang batang lalaking si Gāo Hui na isa siyang 1st Earthen Grade Martial Talent. Sigurado siyang isa lamang siyang 8th Mystic Grade Martial Talent ngunit ang sudden result nito ay tunay na sumalungat sa kaniyang sariling resulta noon. Hindi siya makapaniwalang tunay ang lahat ng ito. Tila ba naiisip niyang nasa magandang panaginip lamang siya at hindi ito totoo.

Tila ba ang bagay na ito at pangyayaring ito ay nakakataba sa puso. Yung tipong ayaw niyang imulat ang kaniyang sariling mga mata baka isa lamang itomg panaginip.

Hindi rin nagtagal ay ipinagpatuloy pa ang nasabing Re-examination sa mga Martial Talent sa mga kaedaran niya. Unti-unti ring nag-lie low ang usap-usapan sa kaniya at nagpukos muli ang mga atensyon ng manonood sa mga natitirang mga batang gustong maeksamin muli ang kanilang mga talentong taglay.

Maraming mga Mystic Grade Martial Talent ngunit mas marami pa rin ang nasa Inferior 9th Grade Martial Talent hanggang 10th Grade Martial Talent na nabibilang sa mga common grade. Meron din namang 8th Grade Martial Talent na agad namang pinapalabas ng paaralan ng Shangyang Academy. Tila ba nakakalungkot isipin ang bagay na ito. Tunay ngang napakasalimuot at napakahirap ng standards ng Martial Arts School hindi lamang dito maging sa iba pang mga teritoryo ng Wind Fury Kingdom ay matataas din ang requirement ng Martial Talent nila. Ang may talentong 1st hanggang 4th Grade Martial ay pinapaaral sa mga mabababang mga paaralan o di kaya ay sa outside teritoryo o sa ibang kaharian. Sa murang edad pa lamang ay mulat na mulat na ang isip ng bawat kabataan sa ganitong klaseng pamamaraan ng Martial Arts School. Kahit saan ay may Power Struggle na nagaganap sa loob ng Wind Fury Kingdom. Merong sinuswerte at meron ding minamalas.