Chereads / Supreme Asura / Chapter 39 - Chapter 39

Chapter 39 - Chapter 39

Nagising na lamang ang batang si Li Xiaolong nang tamaan siya ng sikat ng araw. Tila ba nahihilo pa siya habang kinukusot nito ang kaniyang pares na mata.

"Gising na siya Night Spider!" Simpleng sambit ng pamilyar na boses. Alam ni Li Xiaolong na boses ito ng kaniyang Ate Jianxin.

Agad na nagmulat ang batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong tiningnan ang kaniyang sariling at mabilis niyang tiningnan ang dalawang nilalang na nasa harapan niya.

"O gising ka na pala batang Xiaolong." Simpleng sambit ng lalaking si Night Spider.

"Ano nga pala ang nagong resulta ng re-examination ko Kuya Night. Pasado ba ako?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang gusto nitong malaman ang kaniyang sariling resulta ng re-examination.

"Ah... Eh... Ikinalulungkot ko Batang Xiaolong ngunit ang resulta ng re-examination mo ay hindi ka nakapasa. Isa ka pa rin palang 2nd Grade Martial Talent." Sambit ng lalaking si Night Spider.

Pinandilatan naman ng mata ng dalagang si Li Jianxin ang lalaking si Night Spider.

Napabuntong-hininga na lamang ang lalaking si Night Spider.

"Okay lang Little Xiao². Babalik na lamang tayo sa Li Clan. Atleast nagtry ka diba." Pag-aalo ng dalagang si Li Jianxin sa batang si Li Xiaolong. Nalulungkot man siya dahil sa naging resulta ng re-examination ng Martial Talent ng batang si Li Xiaolong.

Napatahimik na lamang ang batang si Li Xiaolong sa gilid. Pero lingid sa kaalaman ng mga ito ay hindi talaga siya sobrang nalulungkot dahil sa pangyayaring ito. Pinanghahawakan niya pa rin ang tila kakaibang nangyari sa kaniya noong nahimatay daw siya at unconscious kanina.

"Uhm, okay po Ate. Sa totoo lang din po ay ayoko rin pong umasa ng malaki given na napakababa ng aking Martial Talent at Ayoko ding mapalayo kila Itay at inay maging sa kapatid ko. Bata pa naman ako malay ko ba kung maaaring mas lumakas pa ko diba?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong. Tila ba wala na ang lungkot sa mukha nito at nakangiti na ito ngayon.

Nagulat naman ang lalaking si Night Spider ngunit hindi niya ipinakita ito. Tunay nga na espesyal nga ang batang ito ngunit nakakalungkot lamang na isa lamang itong mayroong 2nd Grade Martial Talent. Maging siya ay lumuwag na din ang kinikimkim nitong lungkot at makokonsensya siya dahil mayroong part sa kaniya na feeling niya ay na-pressure ang bata but it turns out na hindi naman pala. Napakatransparent ng mga bata kaya alam niyang totoo ang sinasabi ng batang si Li Xiaolong.

Napatahimik lamang si Night Spider sa gilid.

Agad naman siyang hinarap ng dalagang si Li Jianxin at nagwika.

"O Night Spider, aalis na kami. Pahiram na lang ng kabayo mo, marunong naman siguro tong umuwi mag-isa diba?!" Sambit ni Li Jianxin habang nagtanong pa ito sa huli.

"Oo naman. Pumalakpak ka lang ng tatlong beses at kusang ng aalis ang kabayo ko at babalik na rin rito yan." Sambit ni Night Spider sa dalagang si Li Jianxin.

"Hanggang sa muli!" Sambit ni Li Jianxin at inakay ang batang si Li Xiaolong.

"Mauna ka na po Ate, kakausapin ko lang po si Kuya Night Spider." Sambit ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang Ate Jianxin.

"Okay, basta wag ka lang magpapatagal ha. Malayo-layo pa ang lalakbayin natin pabalik ng Sky Flame Kingdom at aalis na rin ako sa makalawa." Paalala ng magandang dalagang si Li Jianxin sa batang si Li Xiaolong.

"Opo ate, pangako po susunod ako at madali lang ito." Sambit ni Li Xiaolong sa kaniyang Ate Li Jianxin.

Agad namang naglakad papalayo ang dalagang si Li Jianxin patungo sa kinaroroonan ng kabayo. Alam naman niyang matalino at pambihirang kabayo ito, isa pa ay well-trained din ito.

Samantala,

"O Batang Xiaolong bakit nandito ka pa? Akala ko ay uuwi ka na sa inyo?!" Sambit ng lalaking si Night Spider sa nakatayong si Li Xiaolong sa harapan niya.

"Ah eh kuya, yung about sa ginastos mo palang pera sa ak-------!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis itong pinutol ng lalaking si Night Spider.

"Ano ka bang bata ka, wag mo ng problemahin yun. Kusa kong ibinigay iyon tsaka ako nga ata ang dapat humingi ng pasensya sa'yo eh dahil pinaasa kita at umasa rin ako na mali lamang ako." Sambit ng lalaking si Night Spider.

"Yun po ba, wala po yun Kuya Night Spider. Hindi naman kayo nagkulang sa akin eh. At tsaka hindi po iyon ang dahilan kung bakit gusto kitang kausapin kuya." Sambit ng batang si Li Xiaolong.

Nangunot naman ang noo ng lalaking si Night Spider.

"Eh ano naman ang gusto mong sabihin sakin Batang Xiaolong?" Tila nagtatakang sambit ng lalaking si Night Spider.

" Ah eh, yung Giant Boulder po ba ay palagi bang nandiyan sa Open Ground Stadium sa pwesto nito?!" Taning ng batang si Li Xiaolong.

"Haha... Kinabahan ako dun ah. Hindi mo ba alam na walang sinuman ang nakakausog o makakapaglipat ng Giant Boulder na iyon?! Matagal ng nariyan sa sentro ng Open Ground Stadium ang nasabing Giant Boulder na yan. Bakit mo natanong Batang Xiaolong?!" Sambit ng lalaking si Night Spider hàbang nakatingin ito sa batang si Li Xiaolong.

"Nakita ko kasi kuya na mayroong kakaibang kalmot doon sa gilid ng Giant Boulder lalo na sa pagitan ng cracks. Pakitingnan na lamang po ha kasi baka makatulong iyon sa iyo ng malaki." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakangiti.

"Huh?! Eh... Sige,  titingnan ko yun." Tila naguguluhan man ang lalaking si Night Spider ay mabilis naman siyang sumang-ayon sa gusto ng batang si Li Xiaolong.

"O siya kuya, aalis na po ako. Baka hinihintay na ko ni Ate Jianxin eh. Salamat po ng marami. Hanggang sa muli!" Sambit ng batang si Li Xiaolong at mabilis na kumaripas ng takbo papalayo.

"Hahaha... Hindi pa rin nagbabago ang batang yun." Natawa na lamang ang lalaking si Night Spider sa kaniyang isipan sa naging asal ng batang si Li Xiaolong. Hindi naman niya maaaring baguhin ang resulta nito. Tiningnan niya ang papalayong pigura ng batang si Li Xiaolong. Inalala niya pa ang huling sinabi nito, medyo nabalot siya ng kuryusidad sa sinabi nito. Ano naman kaya iyon para pagkaabalahan pang sabihin sa kaniya ng batang si Li Xiaolong.