Chereads / Supreme Asura / Chapter 41 - Chapter 41

Chapter 41 - Chapter 41

"Eh... Sino ka?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin ito sa kaniyang paligid. Tila ba kinakausap ang niallang na hindi niya nakikitang nagsasalita kanina.

"Hmmmp! Mukha kang tanga diyan. Andito ako sa uluhan mo!" Sambit ng napakacute na boses.

"Huh?!" Nagtatakang sambit ng batang si Li Xiaolong.

Mabilis naman na kinapa ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang buhok.

Agad namang naramdaman ng batang si Li Xiaolong na may kung ano'ng bagay nga ang nakatungtong sa ulo nito.

Cling!

Cling!

Cling!

"Aray ko naman. Gusto mo ba kong mapatay sa kakapisil mo sakin. Hayop na bata to oh." Sambit ng napakacute na boses.

Tinigilan naman kakapisil ng batang si Li Xiaolong ang nasabing bagay este isa palang nagsasalitang nilalang.

Nang maiharap ng batang si Li Xiaolong ang nasabing napakacute na nilalang ay mabilis itong napasinghap.

"Wahhhh!!!! Ikaw ba ang nagsasalitang nilalang kanina na kumakausap sa akin?!" Tanong ng batang si Li Xiaolong habang niyayakap niya pa ito ng mahigpit.

"Aist, tigilan mo ko bata ha... Gusto mo ba kong mamatay sa sobrang higpit ng pagkakayakap mo?!" Sambit ng napakacute na boses mula sa napakacute na nilalang.

"Isa ka bang dambuhalang daga?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong iniharap sa kaniya ang nasabing napakacute na nilalang.

"Mukha ba kong daga ha?! Isa akong QUOLL." Sambit ng napakacute na nilalang at mabilis nitong ipinakita ang napakatalim nitong mga ngipin.

Naihagis ito ng marahas ng batang si Li Xiaolong nang bigla na lamang nito nakita ang wild behavior nang nasabing QUOLL.

"Aray ko naman. Ikaw na bata ka. Isa akong Native Cat. Mukha ba kong daga? at kung makahagis ka wagas ha!" Sambit ng QUOLL habang mabilis itong pinagpag ang sarili nitong katawan sa pamamagitan ng mabailis na paggalaw ng katawan nito ng side by side. Halatang nainis ang quoll sa inasta ng batang nasa harapan. Ihagis ba naman siya sa malayo.

"Ah eh, sorry naman. Nabigla lang ako eh. Di ka naman mabiro!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong dinampot ang hayop na QUOLL na native cat daw pero para sa kaniya mukha itong squirrel o di kaya ay malaking daga.

"Hep... Hep... Bakit mo nga pala ako iniistorbo ha? Kit mo ngang nagcu-cultivate ako rito eh. Makabasura ka sa manual kong binigay sa akin ni Itay ko. Marami akong natutunan rito eh." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang pinipigilan nito ang kaniyang sariling mairita sa sinasabi ng Quoll na mujhang daga na ewan yung pagkakatingin niya rito liban na lamang sa napakacute nito at mayroong White dots sa paligid ng katawan nito. Wag nga lang ngumanga at baka kagatin siya nito.

"Seryoso? Manual na yan?! Mukhang tissue paper lang yan eh. Tsaka ano'ng Cultivate ka diyan. Di ka nga nakatungtong sa Strength Training tapos ganyan na ang inaasta mo." Sambit ng Quoll habang makikitang naglalakad pa ito papalapit sa batang si Li Xiaolong.

"Ehhh?! Anong sinasabi mo. Isa ka lang namang Quoll eh. Makalait ka sa Manual ko ha." May manual ka ba diyan?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Manual lang ba hanap mo?! Hmmp! Marami ako niyan eh. Kahit sangkaterbang manual ang ibigay ko sa'yo pero sa kabastusan mo ay parang di kita bibigyan kahit isa!" Sambit ng Quoll habang makikitang naiinis rin ito sa inasta ng batang taong ito.

"Wow grabe ha. Sa liit mong yan, may manual kang sangkaterba? Kung sino man ang bastos dito ay ikaw iyon. Nag-umpisa na kong mag-aral ng manual ko tapos ikaw itong biglang susulpot out of nowhere. Natural sinong di maiinis aber?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong. Para sa kaniya ay tama lamang ang ginawa niya. Hindi naman siya yung nang-isturbo o gumawa ng masama sa kapwa niya. Yung mukhang dagang Native cat daw ito na ewan ay ito pa ang may ganang magalit sa kaniya.

"Hep... Hep.. hep... Bakit ka nga pala nasa uluhan ko kanina. Mukha bang higaan ang buhok ko?! Higaan ba to? Higaan ba to?!" Tila naiinis na sambit muli ng batang si Li Xiaolong.

Tila nakayuko naman ang nasabing Quoll dahil sa sinabing ito ng batang si Li Xiaolong.

Nang itinaas nito ang mukha nito ay nakita ng batang si Li Xiaolong ang napacute na mukha ng nasabing quoll. Naging malaki ang sariling mata nito na tila kumikislap ang itim nitong mata.

Naawa naman ang batang si Li Xiaolong.

"O siya sige na nga... Wag ka ng iiyak pero pwede bang bigyan mo ko ng manual kahit isa lang hehe...!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makahulugang nakangisi ito.

Binibiro niya lamang ang nagsasalitang nilalang na Quoll na ito. Hindi naman siya naniniwala rito eh tsaka isa pa sa liit nito ay talaga namang mukhang hindi naman totoo ang sinasabi nito.

Tila nabuhayan naman ng loob ang nasabing Quoll. Sa sinabi ng batang si Li Xiaolong.

"Okay, basta isa lang ha hehe...!" Tila seryosong sambit ng napakacute na Quoll habang nakatingala upang tingnan ang batang tao na ito.

"Siya nga pala, Ako si Li Xiaolong, pwede mo kong tawaging Little Xiao² . Sino ka ba?! Anong pangalan mo?! Di ko man lang alam ang pangalan mo eh." Tila napakamot sa kaniyang batok ang batang si Li Xiaolong. Tila ba hindi nito sineryoso ang sinabi ng Quoll kanina, alam niya namang nagbibiro lamang siya rito.

"Ako si Fai. Pwede mo din akong tawaging Old Fai kung gusto mo." Sambit ng napakacute na nilalang na Quoll. Tial na masaya itong nagpakilala sa batang si Li Xiaolong. Ngunit sa gitna ng kasiyahan nito ay bigla na lamang dumaan ang kakaibang emosyon sa pares ng mata nito ngunit hindi ito napansin ng batang si Li Xiaolong.

"Oh bakit naman Old Fai?! Pwede namang Fai nalang. Sa cute mong yan, bagay ba sayo ang Old?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Siya nga pala, dahil may kasalanan ako sayo ay papipiliin kita ng gusto mong manual. Asahan mong kahit anong mapili mo ay siguradong hindi ka magsisisi hehe!" Sambit ng napakacute na Quoll. Tila ba seryoso ito sa kaniyang sinasabi kanina patungkol sa pagbibigay nito ng manual.

"Seryoso?! Pero akala ko nagbibiro ka lang. Nagbibiro lang naman ako kanina eh. Alam ko namang gino-good time mo lamang ako haha..." Sambit ng batang si Li Xiaolong.

Ngunit maya-maya pa ay napansin ng batang si Li Xiaolong na tila nawala ang tunog ng hangin na sumasamyo sa kaniyan mukha. Tila pakiramdam niya ay lumiliit siya at parang nahilo siya bigla.

"Ano'ng nangyayari Fai?! Ano ito?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi nito magawang umalis sa kinatatayuan o kinaroroonan niya mismo.

Naramdaman na lamang bigla ng batang si Li Xiaolong na tila ba umiikot ang kaniyang paligid.

"Masasanay ka din bata. Wag kang mag-alala, walang mangyayari sa iyong masama." Sambit ng nilalang na Quoll kasabay ng pagkasabi nito ang biglang paglaho ng pigura ng batang si Li Xiaolong sa kinaroroonan niya.