Chereads / Supreme Asura / Chapter 42 - Chapter 42

Chapter 42 - Chapter 42

Nabalot ng nakakatakot na wlaang hanggang kadaliman ang batang si Li Xiaolong kung saan ay nakita niya lamang ang kaniyang sariling nasa walang kabuhay-buhay na lugar. Wala siyang makita at walang liwanag na mahagilap ang kaniyang sariling mga mata.

"Nasaan kaya ako?! Bakit ang dilim?!" Tanong ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Tila ba hindi niya pa rin alam kung nasaan siya.

"Bakit ang dilim, malamang walang liwanag." Sambit ng masa utak ng batang si Li Xiaolong.

"Aist, mukha akong tanga dito. Kausapin ko ba sarili ko." Sambit ng batang si Li Xiaolong at di nito maiwasang mapatampal sa kaniyang noo.

"Aray ko po!" Daing ng batang si Li Xiaolong. Akala niya ay hindi gaanong kasakit ang kaniyang nararamdaman.

"Buhay pa pala ako. Ano bang klaseng lugar ito. Nakatagpo lang ako ng Quoll na mukhang daga na iyon ay nagkamalas-malas ata ako ngayon." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang iniisip ang mga dahilan bago nangyari ang insidenteng ito. Naalala niya si Fai, sino nga ba si Fai o Old Fai? Siya lang naman yung kinakausap niya kanina. Talagang mapanlinlang ang anyo niyon.

Maiinis pa sana ang batang si Li Xiaolong ay bigla na lamang siyang nabalot ng kakaibang liwanag na siyang dahilan ng pagpikit ng pares na mata nito.

Nang maimulat niya ang kaniyang dalawang mga mata ay mabilis niyang nasilayan ang mga nakalutang na mga bagay sa ere.

Nakita ng batang si Li Xiaolong na napapaligiran siya ng mga nakalutang na bagay na ito. Nilibot-libot niya ang kaniyang pares na mata at halos manlaki ang mata niya nang suriin niya ang mga ito.

Ang mga bagay kasi na ito ay nasa pormang mga nakalatag na mga scrolls o do kaya ay mga librong nagkakapalan. Nasa anyo man ng scroll ito o libro ay ganoon pa rin naman iyon ngunit sa magkaibang paraan laamng inilimbag.

"Totoo ba ito o isa lamang itong panaginip?! Mga Cultivation Manuals ba ito o mga Martial Arts Scrolls and Martial Art Books?! No way!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakakanganga pa ito ng malaki habang nanlalaki ang kaniyang sariling pares na mga mata.

"Yes way! Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan. Maghanap ka ng isang Cultivation Manual na gusto mo ayon sa napagkasunduan natin pambawi ko na rin sa kasalanan ko sa'yo pero wag kang umasang makakaulit ka ulit sa akin dahil mahirap akong matuwa o makonsensya. Pumili ka ng sa palagay mo ay suitable sayo!" Sambit ng napakacute na boses ngunit hindi niya ito makita sa kahit saang lugar o kung lugar nga ba ito dahil hindi nga niya matanaw ang pinakadulong parte ng lugar na ito.

"Ehhhh... Fai?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong matapos nitong matulala sa sinasabi ng nilalang na iyon. Napaisip siya dahil parang napakapamilyar ng boses nito.

"Hmmmp! Oo ako to. Dalian mo na diyan dahil 5 minutes lang ang maaari mong itagal sa espesyal na lugar na ito. Kusa kang ma-eeject kapag natapos na ang nasabing minutong iyon. Pwede kang lumutang o lumipad dahil hindi naman pangkaraniwang lugar ito." Sambit ng nialalng na si Fai na isang Quoll. Medyo nairita siya sa batang si Li Xiaolong. Kung alam lang nito maraming mga nilalang ang gustong makapunta rito ay magugulat ito. Mung sinuman ang makakapasok rito ay tiyak na hindi mag-aaksaya ng oras kagaya ng batanv si Li Xiaolong.

"Oo na." Simpleng sagot na lamang ng batang si Li Xiaolong.  Medyo may inis siya sa Fai na ito. Kung gaano kaamo ang nilalang na ito na mukhang daga na native cat daw ay ganon naman ito kabugnutin.

Halos hindi naman makapaniwala ang batang si Li Xiaolong dahil tila napakagaan ng kaniyang sariling katawan nang subukan niyang lumutang at lumipad-lipad.

Nagtumbling-tumpling pa ito sa ere, animo'y naglalaro pa ito sa hangin at tila lumalangoy pa ito.

"Hoy! Batang pasaway, umayos ka ha. Ano bang ginagawa mo ha. Hanapin mo na ang gusto mong scroll o libro na naglalaman ng Cultivation manual o ii-eject kita ngayon din. Mukha ba kong nagbibiro ha?!" Tila umuusok na sambit ng boses ni Fai sa inis at galit sa batang si Li Xiaolong.

"Paumanhin naman Fai. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kakayahang lumipad eh. Ang galing at nakakamangha pala noh. Gusto kong maging isang Xanxia Expert hehe...!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang kumikislap ang sarili nitong pares ng mga mata.

"Hmmmp! Pesteng batang to. Ang baba ng pangarap nito. Gusto lang naman pala nitong lumipad. Aist, bakit ba naman ako nakatagpo ng ganitong klaseng batang to." Sambit ni Fai sa kaniyang isipan lamang. Hindi nito alam kung ano'ng gagawin niya rito.

"Bahala ka jan. Kapag di ka nakakuha ng manual mo jan ay malamang sa malamang ay hindi ka makakatapak sa matataas na Cultivation Stages maging ng iba't-ibang realm. Ang ninanais mong maging Xanxia Realm Expert ay malabo ng mangyari at mag--------!" Sambit ng malakas ni Fai.

"Hindi ka naman mabiro daga este Fai. Ito na, lalarga na este lilipad na ko at maghahanap na ng Cultivation Manual. Di ka naman mabiro eh hehe." Sambit ng batang si Li Xiaolong. Napaka-ano naman pala ng Quoll na si Fai na ito para sa batang si Li Xiaolong.

Agad na nilibot-libot ng batang si Li Xiaolong ang mga Cultivation Manuals.

Maraming nabasang Cultivation Manuals ang batang si Li Xiaolong at masasabi niyang nakakamangha ang mga ito pero parang masasabi niyang may mali pero iwinaksi niya ito. Napakaganda ng mga Cultivation Manuals na ito ngunit halos wala siyang mapili.

Naikwento kasi ng kaniyang sariling ama na si Li Qide na ang Cultivation Manuals na nakapaloob sa nagkakapalang mga libro o napakahabang scrolls ay tunay na mga pambihirang bagay na mahalaga sa mga Martial Artists. Ito ang nagsisilbing foundation ng kanilang pag-embark tungo sa daan ng Cultivation. Ang pagpili ng nararapat na Cultivation Manual ay isang napakaselang bagay.

Ipinikit ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang mata. Sa pagpikit niyang ito ay iwinala niya ang anumang klaseng alinlangang o agam-agam sa kaniyang puso't isipan.

Dito ay nakita niya ang matandang lalaking minsan niyang nakita sa isang bangketa noong nagdaang mga taon. Tila bumalik siya sa kaniyang nagdaang panahon.

Maging ang batang si Li Xiaolong ay hindi niya mahanap ang sagot sa kaniyang mga katanungan.