Chereads / Supreme Asura / Chapter 38 - Chapter 38

Chapter 38 - Chapter 38

Nang matiyak ng batang si Li Xiaolong na wala namang kahina-hinala liban na lamang sa kapirasong kalmot na iniwan ng isang do pa kiallang nilalang ay wala na siyang napansing kataka-taka pa rito.

Agad na niyang ipinatong ang kaniyang sariling kamay sa mismong Giant Boulder. Hinawakan niya ito.

Noong una ay walang nakitang anumang kakaiba ang batang si Li Xiaolong. Ngunit nang akmang tatanggalin niya ang kamay niya ay biglang dumaloy ang kakaibang enerhiya sa kamay nito kung saan ay mistulang hindi sjya makagalaw man lang.

Nanlaki ang mata ng batang si Li Xiaolong. Sinubukan niyang sumigaw ngunit ang bibig niya ay tila ba ayaw bumuka. Àng kaniyang leeg, binti, paa o alinmang bahagi ng kaniyang katawan ay tila wala na siyang kontrol rito na pagalawin ito. Gusto niya ng bumitaw at lisanin ang lugar na ito.

Nakaramdam ng ibayong takot ang batang si Li Xiaolong. Yung tipong parang dumikit na talaga ang katawan niya sa Boulder. Kahit na nagpupumiglas na siya sa isipan niya at gusto niya ng bitawan ang pagkakahawak niya sa nasabing Giant Boulder ay tila nakatayo lamang siya roon habang naiisip niyang pinapanood siya ng napakaraming pares ng mga mata.

"I bet, hanggang 1st Martial Talent lamang ang batang iyan!"

"Oo nga, ano'ng klaseng martial talent ito, ang bagal ng pagkakataas ng Martial Talent nito. Hanggang kalahati lamang ang Martial Talent nito hahaha!"

"Ano'ng ginagawa ng batang iyan. Nakakahiya ang Martial Talent nito. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng napakabagal na Martial Talent nito."

"Oo nga Hindi ko mai-------!"

Hindi pa natatapos na mapakinggan ng batang si Li Xiaolong ang sinasabi ng mga ito nang bigla na lamang nakita niya ang kaniyang sariling nasa isang kakaibang lugar.

Nakita niya ang kaniyang sariling nakaapak sa mga damuhan habang makikita ng batang si Li Xiaolong nasa napakataas niyang lugar. Naglakad siya ng naglakad paabante kung saan ay bigla siyang napahinto nang mapansin niyang nasa itaas pala siya ng napakalalim na banging ang kailaliman nito ay isang nagbabagang apoy.

Ngunit hindi lamang iyon ang isang nakakatakot na pangyayari para sa batang si Li Xiaolong dahil ang lugar na ito ay tila napakainit talaga.

Nagniningas ang mga apoy na magma kung saan ay nagiging bula pa ito na lumulubo hanggang sa pumuputok pa ito ng napakalakas at agresibo na siyang tumatalsik sa kabatuhan na siya namang unti-unting ring nabibitak at nahuhulog.

Bakas ang labis na takot at pangamba sa mukha ng batang si Li Xiaolong. Tiyak siyang kapag siya ay nahulog rito ay imposible pang mabuhay pa siya.

Maya-maya pa ay naramdaman ng batang si Li Xiaolong na may nakatingin sa kaniya.

Sino yan?! May nilalang ba dito?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis siyang nagpalinga-linga. Pakiramdam ng batang si Li Xiaolong ay sinusuri siya ng nilalang na ito na hindi niya mawari kung saan o kung saan ba ito.

Nabigla na lamang ang batang si Li Xiaolong nang bigoa siyang makarinig ng tinig mula sa misteryosong nilalang.

"Nakakamangha ang pakiramdam mo batang nilalang na tao. Ang taglay mong kakayahan sa murang edad mo pa lamang ay tunay na kahanga-hanga. Karapat-dapat ka talaga sa iyong titulo!" Sambit ng misteryosong nilalang habang umalingawngaw ng malakas ang boses nito na napakalalim.

"Sino ka? Ano'ng ginagawa ko sa lugar na ito?! Nasaan ako?!" Tila nabalot ng kakaibang takot at pangamba ang puso't isipan ng batang si Li Xiaolong. Yung tipong hindi niya alam kung saang lupalop siya ngayon o kung sinong nilalang ang kumakausap sa kaniya.

"Hahaha... Ramdam na ramdam ko ang iyong takot bata ngunit hindi rin maipagkakailang naramdaman ko rin ang labis mong hinahangad na maging isang malakas na Martial Artists, tama ba ko?!" Sambit ng misteryosong nilalang sa napakalalim nitong boses.

Tila nagulat naman ang batang si Li Xiaolong sa sinabi ng misteryosong nilalang. pakiramdam niya ay para siyang open book na nasuri na ng misteryosong nilalang ang kaniyang sariling emosyon at hangarin.

"Tama ka pero hindi ka man lang ba nahihiya sa iyong inaasta ha? Kailangan bang basahin mo ang isipan ko at ginugusto ng puso ko para lamang i-blackmail ako. Duwag ka ba?!" Matapang na sambit ng batang si Li Xiaolong habang bakas sa mukha nito ang labis na inis at galit. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit, basahin ba naman ang isipan niya without asking permission.

"Tunay na nakakamangha. Paumanhin sa aking ginawa bata. I like your attitude. Alam mo naman siguro kung bakit ka naririto hindi ba?!" Makahulugang sambit ng misteryosong nilalang sa napakalalim nitong boses sa pagsasalita.

"Bakit ako naririto?! Malamang hindi. Nagtanong ba ko kanina kung alam ko kung naririto ako?! Kung makatingin ka sakin kanina ay parang lalamunin mo ko ng buhay eh." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mistulang naiinis na talaga ito. Wala siyang kaide-ideya kung ano ang tinutukoy ng misteryosong nilalang na ito. Kung alam niya edi sana di na siya naguguluhan pa diba? Common sense.

"Kahanga-hanga ka nga batang nilalang. Bilang Asura Grade Martial Talent ay tunay ngang napakapalad mo. Alam mo bang bilyong taon na akong naghihintay para lamang mahanap ang isang katulad mo?! Ang nakatingin sayo ay hindi mismo ang aking sariling mata kundi ang aking Spiritual Void Eye."makahulugang sambit ng misteryosong nilalang habang umalingawngaw ang boses nito sa buong lugar.

"Asura Grade Martial Talent?! Spiritual Void Eye?! Ano'ng sinasabi-sabi mo diyan. Bakit ako maniniwala sa bagay na di ko naman dapat paniwalaan?! Ni ikaw nga ay hindi ko nakikita, malay ko bang gino-good time mo ko. Baka kasangkot ka pa ng mga matapobreng estudyante ng Shangyang Academy eh." Pabalang na sambit ng batang si Li Xiaolong. Malay niya bang pati ito pala ay pagtitripan siya. Hindi naman siya ignorante at estupido para maniwala lamang sa sinasabi nito.

GRRRRROOOOOOOAAAAARRRRRRRRRR!!!!!!!!

Isa malakas at nakakahindik na atungal ng isang nakakatakot na nilalang ang biglang umalingawngaw sa buong paligid.

Nakita na lamang ng batang si Li Xiaolong na unti-unting lumilindol ang buong kapaligiran at kumulo ng malakas ang mga nagniningas na mga magma.

Nakita na lamang ng batang si Li Xiaolong na bumitak ang mga lupa maging ng lupang kaniyang tinatapakan. Natagpuan lamang nito ang kaniyang sariling nahuhulog sa nagniningas na apoy at asupreng naghihintay sa kaniyang pagkahulog.

"Tutulungan kita bata. Hindi ko hahayaang mamamatay muli ang isa sa mga Asura. Kung kailangang mamatay ang lahat ng nilalang sa mundong ito para makaligtas ka lamang ay gagawin mo dahil iyon ang magpapalaya sa'yo!" Makahulugang sambit ng misteryosong tinig.

"Hindi--------!" Hindi pa natatapos sabihin ng batang si Li Xiaolong ang dapat sabihin nito ng bigla na lamang siyang nilamon ng walang hanggang kadiliman.