Isang magandang buhay sa ating mga tagapakinig.Nawa'y maulinigan ninyo nang mahusay ang mensahe ng aking talumpati ngayong araw.
Ang mundo ay tigib nang pakikihamok sa buhay. Maraming mga dilema ang susubok sa atin. Mga pagsubok na minsan ay sobrang bigat. Kadalasan ito ay nagbubunga sa atin ng stress o kung mas mabigat pa hahantong sa depresyon.
Tayong mga kabataan ngayon ay madaling tamaan nito. Tayo sa ating pag-aaral ay maraming nais patunayan. Pero minsan, hindi lahat ibinibigay sa atin ang magandang kapalaran.
Nabibigo tayo nang madalas na hindi natin alam, na ito pala ang karanasan na magtuturo sa atin patungo sa tugatog ng tagumpay. Pero masyado tayong marupok, ang akala natin kapag hindi natin nakuha ang ating gusto, nawawala na ang kumpiyansa sa sarili, lunggati ang kaagad na nararamdaman. Kabiguan ang sumisiksik sa ating isipan.
Maraming pagkakataon na tayo ay mabibigo. Sa akademiko, sa panlipunang pakikibagay, sa ating pamilya o dili kaya sa ating mga kaibigan. Pero hindi ito ang dahilan upang lamunin ka nang lumbay patungo sa mas malalim na kalungkutan.
Mga minamahal kong kaibigan, ating pakakatandaan. Ang depresyon ay isa lamang sa mga nararamdaman natin na kayang baguhin ng ating isipan patungo sa bagong pagkakataon at pag-asa.
Huwag nating imukmok ang mga kabiguan sa tinatawag na depresyon. Bumangon tayo at magsimulang muli. Linisin ang ating puso at isipan dahil naghihintay ang bagong pagbubukang liwayway. Habang buhay may dagok.
Habang buhay ay may ngiti. Habang buhay ay tigib ng paglalakbay. Ikaw, kayo tayo lamang ang magbibigay ng kulay sa ating mundong ginagalawan. Maraming salamat po.