SPOKEN POETRY
Isang masamang panaginip ang dumating
Covid19, Covid19, Covid19!
Sa simula pa lamang kinatakutan ka na
Namatayan ang iba ng mahal na pamilya
Sa China, Pilipinas , Europa at Amerika
Kalaban ng Mundo ay dumating na...
Isang sigalot at kakaibang giyera
Hayan na ang kalaban di mo pa nakikita.
Kaya bukas o makalawa...
Kung di ka makakaligtas ay patay ka na.
Kaya mahal Kong kaibigan
Stay at home ka lamang
Ito ang tunay na kailangan
Nating mga mamamayan.
Makinig sa kinauukulan
Police, sundalo at mga lider ng pamahalaan.
Huwag kalabanin at huwag puro daing
Sumunod na lamang para sa iyo rin
Kaligtasan mo kanilang hiling
Maging maayos at mundoy gumaling
Ikaw , oo ikaw!
Na nakakarinig ng aking salitang uhaw
Wag ka sanang sa landas ay maligaw
Wag manamantala sa krisis na gumagalaw
Tumulong ka kahit sa bahay ka tumanaw
Dalangin namin huwag bumitaw
Frontliners kailangang tunay...
Pasasalamat ay mangibabaw
Kayo ang dakila, bayaning di maligaw.
Huwag na nating bigyan ng ibang kaanyuan
Politika ng bansa away ay iwanan
Tulungan ang ating mga kababayan
Lalo na ang mga hikaos tigib ng kahirapan
Kayo lang sa ganitong dagok ang maasahan
Ibigay sa kanila ang karapatan
Karapatan na mabuhay magpakailanman
Karapatang mailigtas sa delubyong Iyan
Karapatag maging maayos ang kabuhayan
Kaya mga kaibigan
Dasal ng lahat ang kailangan
Alam ng Diyos ang ating pinagdadaanan
Kaya ibibigay Aniya ating kaligtasan
Mundo ay babasbasan ng kapangyarihan
Maging ligtas sa kapahamakan
Magkaroon ng tunay na kalulwalhatian
Wala ng mapapahamak sa kamatayan
Gagaling sa Covid19 na karamdaman
Bastat huwag lamang siyang kalimutan
Isapuso natin kanyang banal na kasulatan
Ililigtas ka niya sa krisis na kalaban.