Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 6 - [5] He's insane

Chapter 6 - [5] He's insane

NAGSALUBONG na nga talaga ng tuluyan ang mga kilay ko. Hindi ko pa nadadigest ang sinabi niya.

"Bakit si mama? Anong mayroon? Ordinaryong teacher lang siya!"  reklamo ko habang naglalakad kami ni kuya Dark. Pinagtitinginan kami ng mga kapwa naming agents. Wala na akong paki, basta naguguluhan ako.

"Relax, okay! Hindi naman talaga siya ang main subject mo. What I mean is, pakiramdam ka sa mama mo." Nakahinga ako ng kahit papaano. Ang akala ko ay kung ano na.

"Gano'n ba? Masyado mo naman kasi ako pinakakabahan eh," natatawa kong sagot at naupo sa swivel chair niya. Nag wacky ako sa camera na lumilipad. Ang cool talaga, hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na totoo ito. Na nangyayari sa totoong buhay ang ganito.

"Mrs. Vergara, siya ang subject mo." Napalingon ako kay kuya Dark. The most kindest teacher in our campus. P.E. teacher din namin siya at paborito siya ng lahat.

"Kuya Dark, bakit siya? Mabait naman siyang guro, at ---" "Just like books, don't judge a person by it's physical appearances," putol niya sa sasabihin ko . Well, may tama nga naman siya.

"Okay, sorry. Ano naman ang gagawin ko sa kaniya?" tanong ko habang nakikipaglaro kay Byden ang asong  robot pero cute. Hinila ako ni Kuya Dark, at dinala sa underground.

"Makipag close ka sa kaniya. Teacher ang mama mo, at magkalapit na magkaibigan sila. Maaaring may mga imporamsiyon din na alam ng mama mo, tungkol sa kaniya." Kaya pala sabi niya pati si mama iimbestigahan ko, because of their friensdhip.

"Isa o dalawang araw lang ang ibibigay ko sa iyo, Zyne. Dahil diyan nakasalalay ang buhay ninyong lahat na nasa Woodrige high," aniya na ikinatigil ko. What does he mean?

"What do you mean?" I ask out of curiousity. May pinindot siya sa flat screen monitor at may mga pangalan na nagsilabasan doon. Ni zoom niya ang profile ni Ma'am Nicole Virgara. Nakamarka ito ng pula, at ibig sabihin, kahina-hinala siyang tao. So it means, she's a devil in disguise.

"May tiwala ako sa iyo Zyne, alam kong kaya mo ito," dagdag ni kuya Dark. Naupo siya at may kinuhang small ataché case. Binuksan niya ito at ipinakita ang mga hidden camera, smartphone-controlled watch, lipstick piston, at isang glasses na kayang makita ang mga hidden objects.

Natawa ako ng bahagya. Naalala ko kasi kung ano ang gagawin ko. Magsusuot ako ng glasses for two days, tapos magdadala ng lipstick sa bag, at magsusuot ng ganiyang relo. Malamang magtataka sila. Hindi lang si mama at papa, kundi ang mga kaklase ko. I hate glasses, but I hate lipstick the most. Pero para sa misyon kakayanin ko na lang.

"Ayaw mo no'n, sasabihin nila na mas nagiging genius na ang Vice at rank 1 nila." Tiningnan ko lang ito ng masama. May inilabas din siyang HD camera.

"Journalist ka rin hindi ba? Magagamit mo iyan. Double purpose, a camera and a gun," aniya. I am amazed on what I've heard. Napa 'WOW' na lang ako at sinuri ito. Kakaiba na talaga sa panahon ngayon, mas naglelevel up na ang mga gadgets.

"Pero Zyne, always remember, huwag aasa lagi sa mga gadgets at weapons na mayroon ka. Utak din ang pairalin, huwag ang puso. Kung alam mong masama, hulihin o patayin kung kinakailangan," paalala niya. As for me, huhulihin ko lang, ayaw kong pumatay. Mabait akong bata 'no! Tumango ako at dinampot ang atache-case.

"Good luck," aniya. Ngumiti lang ako tumalikod na.

"Ihahatid na kita sa labas," aniya. Good to hear that, dahil madilim sa tunnel kong mag-isa lang ako na dadaan doon.

Ang headquarters kasi namin ay karugtong lang mismo sa TGP na pharmacy. Actually, ang assosasyon namin ang may-ari sa drugs store na nakatayo sa bayan namin. Ginawang dalawang palapag ang building. Sa baba ang pharmacy, sa taas ang headquarters namin. May  secret elevator din papunta sa underground, at connected sa underground ang isang tunnel patungo sa garage ng building.

Hindi mo talaga maiisip na may mga agent na namumugad sa building na ito. Aakalain talaga ng karamihan na natural na pharmacy lang ang binibilhan nila. Our staffs in the pharmacy area were all agents.  Doon din namin nalalaman kung sino ang mga bumibili ng mga gamot na medyo delikado sa kapaligiran.

"See you again next time, my dear," aniya. Oh see! My dear na ang tawag sa'kin, it's like arabo dear. Tsk. Inirapan ko lang siya at naglakad na papalayo sa kaniya.

"O wait, dalhin mo ang bag na ito." May inihagis siyang asul na bag sa akin. May mga laman itong gamot at inilagay ko naman sa loob ang ibinigay niyang mga gagamitin ko sa misyon. Inihagis ko sa kaniya ang maliit na ataché case. I don't need that anymore.

Nakapa ko ang jacket na suot-suot ko. Arg, kay Kaizer pala ito, I like how it's design, may buttones siya na tatlo sa may dibdib at kumiking ito. At infairness, mabango pa ito kahit pawis na pawis na siya kanina. Pero ang sinabi niya ang nakasira sa lahat. Ang hangin niya rin pala.

Tinanggal ko ang jacket at isinuot ang bag, at pagkatapos ay ibinalik ko ang jacket. Mahirap na baka mamaya, mapasubo pa ako sa daan. Ayoko pa naman sanang manakit ng tao ngayon.

"HOY ZYNE!" Napalingon ako sa sumigaw. Look who's here? Si Arra lang naman, nakangiti ng malawak at sinalubong ako.

"Galing ka na naman sa pharmacy?" taka nitong tanong kaya tumango lang ako. Tumawa naman siya at inakbayan ako.

"Beshy, kilala ko kung sino ang may-ari ng jacket na ito. Ikaw ha, hindi ka lang nagsasabi," aniya na ikinalaki ng mata ko.

"Hoy, loka! Walang meaning 'to, pinahiram niya lang sa'kin kasi, crop top ang suot ko kanina." paliwanag ko habang pinandidilatan siya.

"Ay, akala ko iyon na talaga. Pero, may chance ba?" Binatukan ko siya dahil sa mga tanong nito.

"He's my enemy. And I swear once again, I will never fell inlove with him," sagot ko.t

"Paano kung ma-fall ka? Ibig sabihin ba no'n akin ka na?" Napalingon ako sa nagsalita. Kaizer is standing behind us while wearing his annoying smile. I just flashed my death glare at him.

"Sige Zyne, alis na ako ha. Enjoy!" Nagmadaling umalis si Arra at pinaharurot ang kotse niya. Nakakainis ang babaeng iyon. Iniwan lang ako rito.

"So, have a meal with me, and I will treat you again," wika ni Kaizer. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Kaya kong ilibre ang sarili ko!" sigaw ko rito

"Alam ko, pero masama ang magpalipas ng gutom. Ayaw kong magkasakit ka, dahil may future pa tayo," aniya at hinila ako. Hindi ako nakapagsalita dahil sa inis ko sa kaniya. Pumasok kami sa isang  restaurant.  Padabog akong umupo pero siya ay nakangiti pa rin. Sarap niyang tusukin ng tinidor!

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya at lumipat ng upuan. Lumapit siya sa tabi ko at binuklat ang menu. Pinitik ko naman ang noo niya at ipinakita ko ang menu na nasa hawak ko. Chansing   lang ang ugok na ito. Kahit kailan at kahit saan iniinis talaga ako.

"Aray naman, sakit no'n" reklamo niya at bumalik na sa upuan.

"You know what Kaizer, kung may balak kang masama sa'kin, 'wag mo nang ituloy." banta ko rito. Natatakot lang naman ako na baka ginagawa niya lang ito para paamuhin ako at makuha niya ang chance para mahatak ako pababa sa rangking. Oo, I don't care about that ranks, pero I still care for my parents.

"Wala akong masamang balak sa iyo. Pero, balak ko sanang pakasalan ka. Hindi naman masama iyon," nang-aasar niyang sagot. Hinawakan ko ang kutsilyo  at bahagyang itinass.  Tumawa lang siya  kaya mas lalo akong nainis. Bakit ba kasi ako sumasama sa lalaking ito. Mali! Hinatak niya lang pala ako, hindi ako sumama.

"Enjoy your meal, ma'am and sir,"wika ng waiter. Ibinaba ko naman ang kutsilyo na hawak ko.

"Tawa pa diyan at mababato na kita," inis kong banta rito.

"Just make sure na kapag binato mo ako, ay kasama na do'n ang puso mo. I'll never  hesitate to catch it," wika niya. Napa face palm na lang ako at hindi na sumagot pa. Bahal siya sa buhay niya, kakain na lang ako.

"Gutom ka na, sabi ko na nga ba eh," puna niya. Hindi ko lang siya pinansin.

"Nga pala, sa Tuesday 'di ba ang acquaintance party?" tanong niya kaya tumango ako. Buti naipaalala niya sa'kin. Hindi ko pa na follow-up si Lance about diyan. Siguro tomorrow nalang ako magpupunta sa school para  tumulong sa pagdecorate sa hall. Wait... speaking of decorating, baka galing na doon si Arra kanina.

"Bawal do'n ang mahangin, baka matangay kami," banat ko rito. Uminom muna siya ng tubig, at seryosong tumingin sa'kin. He's coffee brown eyes is so very attractive. At kahit lalaki siya, he still have those peach lips ang perfect arched eyebrows. Oh wait... self stop worshiping a man like him!

"Hangin pala... don't worry hindi ko sila tatangayin. Isang babae lang naman ang kaya kung mahalin," sagot niya na mukhang ewan. Nag-iinit na ang ulo ko dahil sa mga walang kwenta niyang sagot.

"Nevermind," sagot ko. Kumain ako ng tahimik at ramdam ko ang mga titig niya. Nakaka-ilang din naman kung may nanunuod sa iyo habang kumakain ka.

"Idol mo na ako niyan?" sita ko rito.

"Idol ka naman ng lahat. Kaya pababagsakin kita para maging akin ka lang, tandaan mo 'yan!" may diin niyang sagot. What? Pababagsakin daw? So tama nga ako. Plano niya talaga akong pabagsakin. At alam kong disidido siya sa sinabi niya.

"Sige pabagsakin mo ako, basta ikaw na rin ang magpa-aral sa'kin ha," pikon kong sagot.

"Of course. Magtatayo na ako ng bahay na'tin. Hindi lang kita pag-aaralin, dahil i-aalay ko sa'yo lahat ng akin." Napatayo na ako ng tuluyan. Nagdamali akong lumabas dahil sa sobrang inis ko sa kaniya. Walang patutunguhan ang pag-uusap namin. Mababaliw lang ako.

"Hey, Zinang!"

"Ma'am, Sir, ang bayad po ninyo," rinig kong sita ng isang staff. Napalingon ako kay Kaizer at tinaasan ng kilay.

"Okay, I'll pay the bill, pero dito ka lang," aniya at tumango naman na ako. Pagtalikod niya at agad na akong tumakbo. Bahala na sumakit ang tyan ko, basta matakasan ko siya ngayon. Kakaiba na kasi ang mga banat niya eh. Nakaka-panindig balahibo.

Pagkarating ko sa bahay ay bukas na ang main door. Siguro ay nakarating na sila mama at papa. Nagmadali akong pumasok at tama nga ang hinala ko. Nakita ako ni papa kaya agad ko itong niyakap. Si mama naman ay tumikhim, galit na naman iyan. Paano ba naman, hapon na akong naka-uwi.

"Tawagin mo na muna si Manang," utos ni mama sa'kin kaya nagmdali aking lumabas at nagtungo sa bahay nila Manang Vikay. Pero bago pa ako nakapasok sa bahay nila ay sumalubong na agad ito sa'kin.

"Hija, kailangan na ba ako sa bahay ninyo?" tnong niya. Tumango ako at ngumiti. First time ko na maka-usap ng malapitan si Manang , pero may napansin akong kaka-iba.

"Zyne, saan ka galing kanina?" tanong ni mama nang makarating na ako.

"Sa mall po, nag window shopping," palusot ko. Sana naman maniwala siya.

"Sumakay ka ng taxi?" tanong ni papa. Umiling naman ako.

"Tumakbo lang po, papa. Excercise na rin po," natatawa kong sagot.

"Saan ka naman kumain?" tanong ni mama. Parang nasa interview lang ako.

"May naglibre po sa'kin. Pauwi na sana ako rito pero pinilit akong sumama sa pagkain," sagot ko. Binuksan ni papa ang T.V. at saktong nagflash ang report tungkol sa napatay na si George.

"Nandoon ka sa crime scene, Zyne?" napalakas ang pagkakasabi no'n ni papa kaya nagulat ako.

"Napadaan lang po ako, at napansin ko na may patak ng dugo sa mga damo kaya hinanap ko kung saan nanggaling. And I found a man bathing with his own blood. Siya ang staff na nagserve ng may lason na milktea sa school, mama," sagot ko.

"Ano? May lason na milktea sa paaralan ninyo?" gulat na tanong ni papa.

"Mahilig ka sa milktea hindi ba?" dagdag pa ni papa.

"Opo, pero bawal po ako sa malamig papa, remember. Kaya safe ako, dahil nasa ice naman po talaga ang lason," sagot ko.

"Saan mo nalaman iyan Zyne?" takang tanong ni mama.

"Kasi po, narinig ko sa detective," palusot ko. Nag-alangan na tumango si mama.

"Kaya next year, sa Australia ka na mag-aaral." Katagang hindi ko inaasahan. I thought sa Japan ang punterya nila, bakit ngayon sa Australia?