NAKAUWI kami ni mama sa bahay na panay pukol lang siya ng masasamang tingin sa'kin. Wala naman akong balak na magsalita, dahil kapag nagsimula ako, magiging sirang plaka na naman ang bunganga niya. Murag lisod kaayo.
"Triple case yata ang nasalihan mo ngayon Zyne," wika ni mama. Napalingon ako sa kaniya. Lumapit naman siya sa'kin at tumabi sa upuan. Hinawakan din niya ang braso ko na may sugat pa. Napangiwi ako sa sakit, pero hindi ko ipinahalata.
"Po?" maang-maangan ko.
"Hindi ko rin alam kong papaano mo na memaintain ang grades mo, gayong lagi ka naman na lumiliban. Zyne, grade 12 kana. Next year it's a new journey for you. Kaya ngayon pa lang, umayos ka na. At kapag nalaglag ka sa rank, pagagalitan ka ng papa mo," paalala ni mama.
Well tama siya, magagalit nga si papa kapag bumaba ang rank ko. Dahil iyon lang naman talaga ang gusto nila, for me to be the best and always the no. 1 idol of all. Hindi ko alam kung normal lang ba talaga na gano'n ang isang magulang. Kasi for me, mas gudto ko ang normal lang. Ayoko ng masyadong attention. Mas gugustuhin ko pa na ibuwis ang buhay ko, kaysa maging sikat sa buong mundo. Ano naman kung sikat ako? May magagawa ba iyon laban sa mga masasamang tao? Malamang pwedeng ako pa ang unang target nila.
"Ma, para sa iyo, gaano ka importante ang kayamanan at pagiging sikat," tanong ko kay mama. Natigilan muna siya bago sagutin ang tanong ko.
"Importante, dahil sa panahon ngayon, kompetisyon ang pamumuhay ng mga tao. Wala na tayo sa panahong 90s, kaya panahon na para gumising ka, Zyne," sagot niya at nakatutok lang sa T.V.
"Alin ang mas importante, buhay o kayamanan," tanong kong muli, pero this time hinarap na ako ni mama. Seryoso siyang nakatingin sa'kin
"Mas importante ang buhay dahil walang silbi ang kayamanan kung patay ka na. Pero walang kulay ang buhay pag wala kang pera," aniya. Umiling ako ," pero bakit kailangan pa na pumatay para lang maging mayaman? I mean, like sa mga news, maraming yumayaman just because of illegal activities,"sagot ko.
"Matulog ka na, pagod lang iyan. Bukas uuwi ang papa mo, dapat nandito ka para salubungin siya," aniya at tumayo na. Pinatay ko na rin ang telebisyon, dahil mukhang umiiwas na si mama sa mga tanong ko.
Bago ako natulog ay minabuti ko munang kausapin si kuya Dark. Tumawag ako sa headquarter, at agad naman itong sinagot. Huminga muna ako ng malalim bago ako magsimulang magsalita.
"Kuya Dark, ano ang nangyari kanina? Nahanap ba siya? Nahuli ba? Tama ba ang hinala natin?" sunud-sunod kong tanong. Nakita ko naman na tumawa siya. Bahagya akong nainis dahil ayaw yatang sagutin ang tanong ko.
"Wait, isa-isa lang baby girl," sagot nito. Baby girl? Kani-kanina lang little girl, tapos ngayon baby girl na, sunod ano naman kaya? Grabe talaga siya, masyadong kakaiba mag-isip.
"Sa kasamaang palad, hindi namin siya nahuli. Pero bukas, magreport ka rito sa headquarters, may bago kang iimbestigahan na tao," aniya kaya napangiti ako. New target huh.
"Same school lang kayo, at kilalang-kilala mo. She is a teacher, kaya dapat mag-ingat ka," dagdag pa niya.
Pinanliitan ko lang siya ng mata. Saka na ako tumango nang kumunot na ang kaniyang noo. Nakakatawa siyang inisin. Ganito pala ang feeling kapag nakakapang-inis ka ng tao. And surely this is what Kaizer always feel. Tsk. Naalala ko na naman ang lalaking iyon. Sa dami ba naman ng tao sa school, bakit ako ang napagtritripan. Ganoon na ba kalakas ang charm ko at na magnet siya. Bahala na nga siya, kung kumakain man siya ngayon, sana mabulunan siya.
Harsh ko 'no? Pero joke lang iyon. Sayang naman kung mawawala na siya sa mundo, mawawala na rin ang taga libre sa'kin kapag natatalo ko siya. Lagi ko siyang talo sa mga bet naming dalawa, pero kanina, hindi ko naman in-expect na ililibre niya ako kasi tie lang naman kami. May isang riddle pa naman na hindi na solve. At mabuti nalang na alam niya na bawal ako sa malalamig na inumin, dahil kong hindi, baka one spy agent down na naman.
Tiyak ko lang na bukas sariwa pa rin ang nangyari kanina. Kailangan talaga na isecure ko ang buong school namin. Gagamitin ko na ang pagiging VP ko. Kailangan na unahin ko ang paaraan na kinabibilangan ko bago muna ang labas. They need my protection, dahil alam kong hindi nila alam ang mga nangyayari sa mundo. Gaya ng banta ng Poisonous Association. Ang grupo na ito ay balak na sakupin ang buong mundo. Sa kasamaang palad, nakarating na sila dito sa Pilipinas.
Kapag nahanap namin ang laboratory nila, tiyak world war III na. Madugong labanan ang magaganap. Sana naman ay matauhan na sila ngayon pa lang. Tao rin sila, kaya alam kong may pakiramdam sila. May pag-asa pa naman na magbago ang mga masasama. There is always an end for everything.
***
I just woke up when someone knocks on my door. "Zyne, susunduin ko na ang papa mo sa airport, mamaya kaming gabi uuwi dahil may pupuntahan pa kami," sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
"Sige ho, mama," sagot ko naman. Narinig ko na may umalis na kotse, at alam kong si mama na iyon. Dali-dali akong bumangon at nagsipilyo agad. Naligo na rin ako at isinuot ang fitted jeans at crop top shirt ko. Naupo muna ako sa kama at tiningnan ang phone ko. May message si kuya Dark.
From: Madilim na Agent
Hintayin mo nalang si Ken, susunduin ka niya sa may plaza.
12:30 am
Oh, so ang kapatid na naman ni Kaizer ang susundo sa'kin. Teka, kung kapatid niya ay isang agent, baka siya rin. Pero hindi, kasi malabo na maging agent iyon. Famousity lang ang gusto no'n. Isa pa, sporty siya kaya mas gugustuhin pa niya na magtraining kaysa makipaglaban sa mga ilegalista.
Lumabas na ako sa bahay at isinalpak ang earphone sa tainga ko. Nag jogging ako paputang plaza. Nakarating ako ng mabilis dahil hindi lang naman ito malayo mula sa bahay. Pero wala pa si Kenneth. Mas mabuti pa mag libot-libot lang muna ako dito. I jog throughout the place. Pero napahinto ako nang may makita akong patak ng dugo sa damo. Sinundan ko ito, kung saan papunta. May nakita akong malaking halaman sa may tagong parte na.
Medyo makapal ang damo at may mga matitinik kaya hindi ako gaanong nakalapit.
"Oh God!" bulalas ko nang makita ko ang isang bangkay na naliligo sa sariling dugo. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Inspector Go. Kilala ko siya dahil naipakilala na ako ni kuya Dark doon. Sabi niya pa, magpinsan daw kami, kaya kapag daw tumawag ako rito ay agad akong puntahan. Sinungaling talaga na kuya Dark na iyon, ginawa pa akong pinsan.
"Zinang?" Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Alam ko kung sino ang ito. Wala ng iba kun'di si Kaikai!
"What a coincidence, anong ginagawa mo dito?" tanong nito na tagaktak na ang pawis. So nag jo-jogging din siya.
"Kagaya ng ginagawa mo," sagot ko rito at nang makita ko si Inspector Go ay tumayo na ako. Itinuro ko sa kanila ang bangkay at nagsimula naman siyang magtanong.
"May nakita ka bang ibang tao rito?" tanong ni Inspector Go.
"Marami, kasi plaza ito," sagot ko habang nakatingin lang sa biktima. T-teka... siya si George. Ang lalaki kagabi na naglagay ng lason sa mga milktea! Kung ganoon, isa lang ang maaaring pumatay sa kaniya. Ang poisonous association. Marahil natakot sila na ilaglag sila ni George kapag nahuli ito.
"Siya ang hinahabol mo kahapon hindi ba?" Nakita ko si Kaizer na lumapit sa'min. Hinubad nito ang jacket niya at hinila ako. Isinuot niya ito at isinara ang zipper. Tiningnan ko siya ng masama.
"Pinagpye-pyestahan nila ang abs mo!" aniya na may diin ang pagkasabi. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o mahihiya. I swear, hindi na ako uulit na magsuot pa nito.
"S-Salamat," nauutal ko pang sagot.
"Huwag kang magsusuot ng ganitong damit. Ayokong mabastos ang future wife ko." Kapal talaga ng mukha niya kahit kailan! Hindi ko na siya pinansin.
"Miss Lxrylle, may maari ka bang maitulong tungkol sa pagresulba ng kaso?" tanong ni Inspector Go. Umiling lang ako. Kailangan kong mag-ingat. Hindi dapat magtiwala sa kahit kanino.
"Tawagan niyo nalang si Detective Dark," wika ko kaya tumango sila. Nakita ko naman na may huminto na pulang kotse sa harap ng plaza. Nagpaalam na ako kay Kaizer at agad na pumasok sa kotse. Alam kong kay kuya Dark ito.
"What's wrong?" aniya.
"Si George, pinatay siya. At alam kong P.A. ang may kagagawan no'n. Tingnan mo ang smart watch mo, tumatawag si Inspector Go."
"No, hindi ko sila tutulungan na lutasin iyan. Sensitibo ang kasong iyan, walang ibang dapat na makaalam tungkol sa totoong sanhi ng pagkamatay niya," sagot niya habang pinapanuod ang mga ito mula sa loob ng kotse.
"Pero kailan mo balak isiwalat ang tungkol sa mga taong iyon?"
"Sa tamang panahon," aniya. Tumango na lang ako at naupo ng maayos.
"Wait, nasaan si Kenneth? Akala ko ba siya ang susundo sa'kin?" Umiling lang ito.
"May emergency daw sa kanila," sagot nito at pinaandar na ang kotse. Emergency? Magkapatid nga sila ni Kaizer, kaya emergency ang palusot lagi.
"Ang mama mo, ang iimbestigahan mo." Katagang ikinabigla ko. Hindi ako nakapag react sa sinabi niya habang nasa byahe kami. Iniisip ko na sana nagkamali lang ako sa pagkakarinig.
"Sino ulit?"
"Athena Lxrylle," he said. Huminto na rin ang kotse at nauna na siyang lumabas.
"You must be kidding me right?" habol kong tanong pero umiling siya.
"Alamin mo ang totoo mong pagkatao Zyne, at ang mga magulang mo," sagot niya at tinapik ang mga balikat ko.
Why? What's wrong?