Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 4 - [3] Poisoned

Chapter 4 - [3] Poisoned

HINULI ng mga pulis si Hashely at nadamay ang kuya niya. Nasira ang kinabukasan niya ng dahil lang sa pagpatay.

"Paano ba, alis na ako," wika ni Kaizer.

"Just go ahead, Kaikai!" sagot ko at sakto naman na lumapit sa'kin sila Kyla at Arra.

"Grabe, gigil ako sa Hashely na iyon. Akalain mo ba naman, ang amo ng mukha pero mamamatay tao pala. At ang mas nakaka-inis ay pinagbintangan ka pa." Hindi mapakali si Kyla habang sinasabi iyan. Gusto niya talagang saktan si Hashely kanina pa. Umataki na naman ang pagiging warfreak niya.

"Pero, kamusta naman kayo ni Kaizer, your frenemy?" natatawa na tanong ni Arra kaya naman inirapan ko lang ito. Anong frenemy? Enemy ko lang siya. Wala naman siyang ginagawang masama sa'kin, naiinis lang talaga ako sa kaniya dahil lagi niya akong inaasar. Lagi akong nabubuking ng dahil sa lalaking iyon.

"Gano'n pa rin. Ang kaaway ay kaaway," sagot ko at nauna ng maglakd sa cafeteria.

"The more you hate, the more you love." Sinundot-sundot pa ako ni Arra at Kyla, kaya tiningnan ko sila ng masama.

"Dahil ba sa competition niyo kaya ka galit sa kaniya?" tanong ni Arra.

"Hindi. Wala naman akong paki-alam sa rangking na iyan. Hindi naman ako galit, naiinis lang ako. Magka-iba naman siguro ang galit sa inis," sagot ko. Sabay silang tumawa at umiling,"ang ganitong set-up, common na sa movie at mga wattpad stories," dagdag pa ni Kyla.

"Iba ang kwento namin, I swear, I won't fall inlove with him!"

"Oy, 'wag kang magsalita ng tapos, mamaya kainin mo rin iyan," paalala ni Arra.

"Here's your fries and milktea, sana naman hindi ka na magalit sa'kin, Zinang." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Tiningnan  ko lang  siya ng 'what are you doing look', imbes na magpaliwanag ay,"  you're welcome!" aniya at tumalikod na.

"Hoy Kaikai, bumalik ka nga rito!" wika ko pero lumingon lang ito at kumindat, saka umalis. Para saan 'to? Deal namin kanina? Whatever, blessing 'to.

"OH M G! NARINIG KO 'YON. KYLA NARINIG MO RIN 'DI BA? MAY CALLSIGN NA SILA! ZINANG AT KAIKAI? OH M G!" Binatukan ko si Arra dahil kung makasigaw naman wagas. Pinanlakihan lang niya ako ng mata at sabay silang tumayo ni Kyla sa harapan ko. Naka cross-arm pa at nakataas ang nga kilay. "Mukhang may ipapaliwanag ka sa'min?" mataray na tanong ni Kyla.

"Wala," sagot ko at kinain na ang fries na bigay ni Kaizer. Naiinis lang ako sa taong iyon, pero pag pagkain na ang pag-uusapan, hindi ako aatras. Food is life, ano ba. Well, its already 4:30 in the afternoon. Pero ito kami nasa cafeteria at nagmemeryenda. Ganito talaga sa paaralan namin, bago mag-uwian, cafeteria muna ang dadaanan. Buti na lang talaga hindi kami tumataba sa lagay na ito.

"ANONG WALA? MAY KAIKAI AT ZINANG NA NGA KAYO, TAPOS HINDI KA MAGPAPALIWANAG SA'MIN?" sigaw ni Arrra. She's really annoying!

"Ehem, excuse me, miss Woods. Pakihinaan ang boses mo," sita ng kaibigan ni Kaizer. Mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang ngiti ni Kaizer.

"At anong paki-alam mo Mr. Vivas?" Ayon bumanat na si Arra, for sure away ang kalalabasan niyan. Pinanuod ko lang sila, at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Bahala silang magrambulan basta't busog ako. Hindi naman na sila bata para awatin.

"Pasalamat ka at babae ka, dahil kung hindi, kanina pa kitang inupakan!"

"PASALAMAT KA RIN AT LALAKI KA, DAHIL KUNG HINDI, KINALBO NA KITA MATAGAL NA. ANG EPAL MONG, UGOK KA!" habol-hininga na sigaw ni Arra. Gusto kong matawa sa kanilang dalawa. That man is Ashton Vivas, para silang aso't pusa. Ooops, just like the two of us.

Parang may anghel na dumaan sa Cafeteria nang biglang sumigaw si Rea. Nakita ko na yakap-yakap nito si Vanessa na walang malay. Hindi na ako nagsayang ng panahon  at agad ko na silang nilapitan.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Matapos niya lang inumin ang milktea niya ay nahimatay na siya. Hindi na siya humihinga!" umiiyak nitong sagot. Nagpanic ang lahat at ang iba ay nagsi-alisan na.

"Ibig sabihin may lason sa milktea," sagot ko.

"Nakalima na ako ng milktea pero siya  isa lang dahil hindi niya agad ito ininom. Pareho ang flavor ng milktea namin. Siguro ang inumin niya lang ang nilagyan, dahil kung pati ang akin ay marahil nauna na akong namatay," aniya.

"Tumawag kayo ng ambulansiya!" sigaw ng isa pang estudyante. Ang kasama niya ay nakabulagta sa tiles ng cafeteria. Bumubula ang bibig nito, kagaya kay Vanessa.

"Maari ko bang malaman kong ano ang ginawa niya bago siya nawalan ng buhay?" tanong ko sa lalaking kasama ng babaeng biktima.

"BUHAYIN NIYO ANG GIRLFRIEND KO!" sigaw lang nito at nagwala.

Hinila naman ako nila Arra dahil baka raw kung ano ang gawin sa'kin. Pinakalma naman ito ng mga kaibigan niya at nagsimula ng magkwento. "Dahil monthsary namin ngayon, inilibre ko siya ng milktea. Nag-usap lang kami ng kung ano-ano habang kumakain kami ng fries. At noong matapos na kaming kumain ay ininom na niya ang milktea na iyan, at bigla na lang siya nangisay at bumula ang bibig niya," paliwanag nito na nakalagay ang mga kamay sa ulo ito.

Tragic.

But I'll try to find who's the culprit are/is.

Nagpaalam na ako kila Arra dahil balak kung puntahan ang nagserve ng mga milkteas. Maaaring may kinalaman siya. Tumutol pa sila Arra pero dahil dumating na ang mga sundo nila ay wala na silang nagawa. Pumasok ako sa kitchen ng cafeteria, pero wala akong naabutan na tao. Nagsimula akong mag-imbestiga pero wala namang kahina-hinala akong  napansin.

"Lahat ng milkteas ay may lason. Nasa ice cube ang lason, kaya nang matunaw ito ay tumalab ang lason. Buti pala at hindi ko pinalagyan ng ice ang milktea na ibinigay ko sa iyo." Nakita ko si Kaizer na lumabas na galing sa isang bahagi ng kitchen. Anong ginagagawa niya  rito?

"Paano mo nasabi?"

"Dahil base sa kwento ni Rea, lima ang ininom niya agad, pero hindi siya namatay. At noong inumin ni Vanessa ang milktea niya ay tunaw na ang ice at humalo na sa inumin kaya gano'n ang nangyari. Namatay siya kagaya pa ng isang biktima."

"Paano mo nasasabi iyan?" tanong ko na hindi makumbense.

"Doctor si mommy, at scientist si Dad, isa ring detective ang kuya ko," aniya at ngumiti. Kaya pala alam niya. Sinong kuya ang tinutukoy niya? Si Kenneth ba? Hinarap ko siya at tumango ako.

"Pero nalaman mo agad ng gano'n kabilis?" taka kong tanong. Actually, may hint na ako sa sinabi niya. Alam ko kung saan nanggaling ang lason na iyon.

"Yups. At mabuti na lang alam ko na bawal ka sa malalamig kaya hindi ko pinalagyan ng ice cubes. Dahil kung hindi, baka---" Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil binatukan ko siya. Paglabas ko sa kitchen saktong pagdating naman ni kuya Dark. Agad ko itong sinlubong.

"Hi Zyne, how are you? Nagbabalik na naman ako," bati nito sa'kin.

"Ang gwapo na'tin  ah. Btw, may sasabihin ako sa'yo," sagot ko at hinila ko siya.

"Sa tingin ko ay, narito na sa paaralan namin ang isa nating target. Nakapasok na dito ang lason na gawa din ng poisonous association. Gumawa sila ng chemical trial," wika ko.

"Kung ganoon, mag-ingat ka. Mahigpit kong bilin na huwag kang magtitiwala kahit na kanino. Espiya ka, kaya iba ka sa kanila," aniya at itinuro ang mga estudyante. Tumango lang ako at hinayaan na siyang pumasok. Nilagyan naman ng 'POLICE LINE, DO NOT CROSS' ang buong Cafeteria. Nakita rin ng mga pulis na walang malay ang  naka duty na cafeteria staff. Marahil ay pinatulog siya ng culprit matapos na nitong lagyan ang mga ice cubes ng lason, pero sino ang nagserve ng mga ito?

Imbes na umalis ako sa crime scene, ay mas minabuti kong makinig sa deduction ni kuya Dark. Well, gusto kong maging detective, pero pagiging espiya ang ibinigay sa'kin, kaya wala akong magagawa.

"Sino ang naghanda sa mga milktea?" tanong ni Kuya Dark.

"Ako po," sagot ng babaeng nanghihina pa ang katawan nito. Bakas sa mukha nito ang labis na takot.

"Nakatulog ka, pero nakapagserve ka pa ng drinks? Ipaliwanag mo nga kung paano nangyari ito."

"Si George ang nagserve ng mga iyon dahil sinabi niya nagtungo rito ang boyfriend ko at may iniwan na regalo. Pinuntahan ko ang regalo na sinasabi niya. Nakita ko ang isang bulaklak na nakalapag sa mesa doon sa likod kaya agad ko itong inamoy. Pero imbes na mabango ang maamoy ko ay nahilo ako sa amoy at biglang sumikip ang dibdib ko. Siguro balak akong patayin ng boyfriend ko," aniya na inosente at walang kaalam-alam sa nangyari habang natutulog siya. Itinuro niya  rin ang isang lalaki na naka apron pa.

"Ikaw ba ang naglagay ng lason?" tanong ni kuya Dark sa isang lalaki.

"Saan?" lito nitong tanong at hindi ito mapakali. Panay iwas siya ng tingin sa mga pulis.

"Sa bulaklak at milk tea," aniya pero umiling lang ito.  Tumango si kuya Dark at naglakad papalapit dito. Nakita ko naman na may binubunot ang lalaki sa bulsa nito.

"Wait!" wika ko kaya napatingin sila sa'kin. Dahil naagaw ko ang attensiyon nila, ay nakakuha rin ng tyempo ang lalaki na makatakbo. Since it was my fault kaya nakatakas siya, hindi ako nagdalawang isip na habulin ito.

"Don't chase him!" Hinila ako ng pamilyar na tao. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang hawak nito sa'kin. Inis ko siyang hinarap at nakita ko ang mukha ni Kaizer.

"Look, siya ang may kagagawan ng lahat. Tapos hinayaan mo na makatakas! Nababaliw ka ba?" sigaw ko at lumapit naman si kuya Dark.

"Hanapin ninyo sa labas!" utos nito sa mga pulis.

"Kapag nahabol mo siya, mapapahamak ka lang! Babae ka, lalaki siya, ano ang laban mo?" aniya na nakasandal lang sa gate.

'Yon ang inaakala niya na hindi ko kayang hulihin ang lalaking iyon!

"Tumigil ka!" sigaw ko dito.

"Little girl, bakit mo ginawa iyon? Kita mo, nakatakas ang kriminal," wika ni kuya Dark. Little girl? E kung iparanas ko sa kaniya ang malalakas kong sipa.

"Mr. Detective kasi, noong lumalapit ka sa kaniya ay may kinukuha siya sa bulsa niya. Maaaring armas iyon," wika ko.

"Salamat, pero huwag ka ng uulit ha. Baka ikaw ang sunod na itarget nila," aniya at tumawa. Tinatakot ba niya ako? Dahil kong nasa headquarter lang kami, naupakan ko na siya.

"Matapang ka pala, Zinang. Pero mag-iingat ka dahil kapag ikaw ay namatay, mawawalan na ng thrill ang buhay ko." Tiningnan ko lang siya ng masama. Tingin na mukhang papatay ng buhay. Tumalikod ako sa kaniya pero hinila ulit ako nito.

"Bakit ba galit ka sa'kin?" aniya at hinawakan ang magkabila kong braso. Ginagawa na naman niya? Tiyak nang-aasar na naman siya. Gusto talaga niyang makatikim ng masakit. Gamit ang matatalim kong tingin ay pinagbantaan ko siya, pero hindi manlang natinag. He remained silent but staring into my eyes directly.

"Hindi ako galit sa'yo, naiinis lang ako sa pagmumukha mo!" sigaw ko rito.

"Dahil gwapo ako? 'Wag kang mag-alala, walang maaaring tumitig sa kagwapuhan ko, kun'di ikaw lang," he smile and wink. I left an eyebrow while looking at him. Pakulo niya, akala niya naman madadala ako sa mga banat na iyan. Style niya bulok na.

"Kaikai, mahiya ka nga sa sarili mo!" sigaw ko pero tumawa lang ako. Ayaw ko na sana siyang tawaging Kaikai, kaya lang hawak na aniya ang palayaw kong Zinang. Mukha tuloy akong manang, samantalang siya mukhang baby. Pfthahahahaha! Baby his face.

"I'll make sure that I'll gonna be the King and you're my queen," aniya. WHAT?!

"How many times do I need to warn you, Zyne?!" Napalingon ako kay mama na nakapamewang pa. Lagot na!