Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 3 - [2] Murder

Chapter 3 - [2] Murder

Ano ang ginagawa niya dito?

"Ma'am kasi po may emergency sa bahay kanina kaya ako lumabas ng hindi nagpapa-alam." paliwanag ni Kaizer.

"So, ipapatawag ko ang kuya mo," sagot ni mama. Hindi na ako umimik pa dahil baka ako nanaman ang gisahin niya, mahirap na.

"Huwag naman po. Gagawin ko nalang po ang parusa na ibibigay ninyo," hamon ni Kaizer kay mama.

"Gano'n ba? Sige, isama mo si Zyne at linisin ninyo ang buong library!" sigaw ni mama. Napalaki naman ang mata ko at nagpaawa ng tingin kay mama.

"Tumigil ka Zyne, kapag hindi ka pa nagtanda, ipapatapon kita sa Japan!" aniya kaya tumayo nalang ako at naunang maglakad. Nakakainis naman kasing kuya Dark na iyon. Bakit ako ang laging binibigyan ng misyon. At Japan? No way! Hindi na ako babalik pa roon.

"Hindi ko alam kong papaanong nananatili ka pa rin sa rank 1, kahit panay cutting ka naman," biglang nagsalita si Kaizer.

"Akala mo naman ako lang ang nag cu-cut class dito 'no, ikaw rin kaya," wika ko at dinampot ang walis. Hinanap ko si Miss Liana pero wala siya rito. Baka kumakain sa canteen.

"Emergency nga sa bahay, e ikaw saan ka nagtungo?" tanong nito at nagsimulang ilagay sa mesa ang mga upuan. Nagpatuloy lang ako sa pagwalis at tumalikod sa kaniya.

"S-sa TGP," sagot ko pero huli na ang lahat ng mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko.

"TGP?"

"Ah, oo sa pharmacy. Kasi sumakit nga ang tiyan ko," sagot ko habang nagwawalis. Iniiwasan ko rin na humarap sa kaniya, baka mahalata niya na nagsisinungaling ako.

"Sumakit ang tiyan mo kasi, imbes sa comfort room ka magpunta, ay naligaw ka sa locker," aniya kaya tiningnan ko ito ng masama.

"Ewan ko sa'yo!" sigaw ko ng malakas pero biglang sumarado ang pinto. Malakas ba ang hangin sa labas? Lagot, baka na lock na iyon. Agad naman na tumakbo si Kaizer upang buksan ang pinto, but sadly ayaw mabuksan. Hindi ko lang ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglilinis. Mabubuksan din iyan kapag dumating si miss Liana.

"Masama ang kutob ko," wika niya, pero hindi ko pa rin pinansin. Tumikhim siya,"Kakaiba na ito!" dagdag pa niya.

"Ha?" sagot ko na nagpanggap na wala akong narinig.

"Haylabyu," sagot niya kaya agad akong tumalikod. Tch, ba't ba nag-iinit ang mukha ko?! Nakaka-inis! Pakulo niya lang iyan para mautakan niya ako at mapabagsak. Gano'n nga 'yon.

"Mukha mo!" sagot ko at pinigilan na hindi mambato.

Namuno na naman ang katahimikan hanggang sa may narinig akong tunog ng serina. Ibig sabihin may pulis! Tumayo agad ako para sumilip sa bintana pero nagsabay kami ni Kaizer at nauntog kami sa isa't-isa. Kamalasan talaga kahit kailan!

"Bulag ka ba?" bulyaw ko dito pero tumawa lang siya.

"Bakit?" walang kwenta niyang sagot.

"Sira, tinatanong kita hindi ako mag pi-pick up!" I hissed at him.

Sumilip na nga kami sa bintana at nakita ko na kasama nila si kuya Dark. Aba't, chance na para pagbubugbugin ko siya! Pero, teka--- anong ginagawa niya rito? Hindi kaya may krimen na naganap? Well, hindi lang siya isang spy agent, dahil isa siyang sikat na detective. Kaya nga itinayo niya ang detective department, under TGP.

"May murder yata na naganap?" patanong na wika ni Kaizer.

"You know what Kaikai, i-chat mo kaya ang active na bulkan, baka sakaling alam niya!" sarkastik kong sagot. Ang talas ng mga dila ko talaga. Bakit ba ako nagtataray sa lalaking ito? Ah basta naiinis ako sa kaniya.

"Matalino la talaga sa science, Zinang." Napalingon ako sa sinabi nito. Zinang? Yuck, ang panget! I mentally rolled my eyes.

"Zinang wait... tingnan mo ang orasan!" sigaw niya at hinila ako. Kinareer talaga niya ang Zinang, nakakabweset talaga ang lalaking ito. Sana pala hindi ko na siya tinawag na Kaikai. Kaikai? Acute!

Tumingin nga ako sa orasan at napansin kong sira ito. At hindi basta sira lang. Ang hour hand ay nakaturo sa III, at ang minute hand naman sa IV, at ang rotating hand ay nasa VI.

"May number ba dito?" tanong ni Kaizer at tumango naman ako.

"Sa mga mesa, may nakalagay doon, at sa mga libro" wika ko at naupo. Bulag yata ang taong ito.

"Wala naman!" inis nitong sabi kaya napatayo ako.

"What?" sigaw ko at tumakbo papalapit sa mga mesa. Gusto ko sana siyang sigawan, kaya lang tama nga siya. Wala na nga dito ang mga numero. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahapon lang ay nandito pa iyon.

"Encyclopedia!" sabay naming sigaw.

Mabilis naming tinungo ang bookshelf at hinanap ang tatlong libro. Nakita ko na may nakadikit na sticky note sa cover ng bawat isa. Anong ibig sabihin nito? Kinuha ko ang book I para i-check, pero wala itong sticky note.

"Paunahan ng pagbasa sa code," wika ni Kaizer. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Pagbasa lang naman pala.

"Oo ba." matapang kong sagot, "ang matalo ay manglilibre ng fries at milktea," dagdag ko pa. Tumawa siya kaya mas lalong nainis pa ako.

"Deal!" aniya at tinitigan niya lang ang sticky note na hawak-hawak niya. Ang akala ko ba ay babasahin, ano ba ang ginagawa niya?

"Decoding the code," bored niyang sagot. Oh my! Muntik ko ng makalimutan na code nga pala itong nakasulat.

01010010 01101111 01101111 01110100 01101111 01110000

Talagang mahahasa nito ang utak ko. Buti na lang ay naituro ito ni kuya Dark sa'min. At binary code itong napunta sa'kin. But aish! I hate numbers, it is really my weakness! Nakita ko si Kaizer na napalingon sa'kin. Kita ko sa mukha nito na nahirapan siya kaya inirapan ko lang ito. "I think, my brain cells will fade away," aniya at inilapag ang hawak niya.

"Palit tayo," sagot ko dahil nakita kong mga letra ang nakuha niya. Actually, it is not a code. It's an anagram.

Ready Bicon

"Binary code lang naman ito. Siguro clue ito para masolve ang code na iyan," wika ko habang itinuturo ang isang sticky note.

"It's Rooftop," aniya kaya mas naiintindihan ko na. May gustong ipagawa sa'min ang may-ari ng codes na ito.

Nag-unahan kami sa pagpulot nito kaya imbes na ang sticky note ang makuha ay ang kamay ko ang nahawakan niya. Tinapik ko ang kamay niya gamit ang isa kong kamay. Chansing ang kumag na 'to.

"Riddles ito," wika niya kaya nagseryoso ako.

"'Yong deal natin ha," paalala ko sa kaniya. Tumango lang ito at hindi ma sumagot.

"The two of you are suspects of murder," wika ng pulis na pumasok sa library.

Totaly naka-question mark ang isip ko. Paanong naging suspect kami? Wala akong maalala na pinatay ko. Hindi pa naman ako pumapatay ah. Balak ko palang patayin itong kasama kong mahangin.

"Paano?" tanong ko kaya lang ay hinila na kami palabas.

"Bakit mo sila kinakaladkad Ares?" Nakita kong lumapit si kuya Dark.

"Murderer daw kami?" sagot ko. Nagsimula naman na magbulong-bulongan ang mga kamag-aral namin.

"Hoy, mamang pulis, hindi mamamatay tao ang kaibigan namin!" sigaw ni Kyla na galit na galit gustong manakit.

"Hindi niyo ba nakikita na nasa library sila, pero nasa labas ang biktima," wika nito.

"Ano naman kung nasa library kami? Kuyang pulis, na lock kami sa loob. Saan mo naman kami padadaanin palabas? Sa bintana? At kung ako ang pumatay, ide hindi ako magsstay sa library na may koneksiyon sa biktima," gigil kong sagot rito.

"Oh God, ang top 1 at top 2, ay murderers?"

"Hindi ba't magkaaway sila? Bakit sila magkasama?"

"Plinano nila siguro ang lahat ,nakakatakot sila!"

Napapikit na lang ako. Sira na ang image ko ng dahil sa lintik na pulis na ito. Wala man lang bang gagawin si kuya Dark? Bakit ba kasi na-lock kami sa library na iyan. At ano ang kinalaman ng codes na iyon?

"Ares, kapag napatunayan ko na hindi sila ang culprit, tandaan mo, maaaring gamitin laban sa'yo ang akosasyon," wika ni kuya Dark.

"Mr. Detective, simulan mo ang imbestigasyon. At sigurado akong hindi magsisinungaling ang kapatid ko," wika ng tinawag nilang si Ares.

"Nasaan ang kapatid mo?" tanong ni kuya Dark.

Nakita ko naman na lumapit si Hashely. Siya ang top 1 dati sa paaralan na ito noong bagong pasok lang ako. She is already a 2nd Year college now. Pero, papaano niya naman nasabi na kami ang pumatay sa librarian?

"Tingnan ninyo sa loob ng library. Hawak nila ang tatlong sticky note na dapat gagamitin nila para magsilbing clue para malito kayo. Aakalain ninyo na iba ang killer, dahil mali ang hint na ilalagay nila. Ang lalabas, mga inosente sila at ang kawawang kinaiinisan nila ang maiipit," paliwanag nito. Tinapik ko si Kaizer dahil hindi manlang ito umiimik.

"Kagagawan mo ba?" inis kong tanong dito.

"Baka ito yata ang ginawa mo noong umalis ka. Kaya ka umalis para makatakas ka, kaya lang---"

"G*g* ka ba? Anong akala mo talaga sa'kin murderer?"

"At ano ang tingin mo rin sa'kin?"

"Kausapin mo ang active na volcano baka sakaling magkasundo kayo!" I hissed at him. Arg, he's really annoying!

"Lovebirds, enough that quarrels." Nakakunot-noo kong nilingon si kuya Dark. Isa pa siya! Pinapatagal pa niya ang issue.

"Mr. Detective, ito na," wika ng isang lalaki na may hawak na isang notebook. For sure may pangalan ito sa loob. At maaaring iyan ang laman ng riddles na hindi pa namin na solve kanina.

"Hashely Flores."

"Bakit?" sumagot si Hashely nang tawagin siya ni kuya Dark. Panay lunok siya at hindi mapakali.

"Your the killer. Bakit mo pinatay si miss Liana?" Bakas sa mukha ni Hashely ang pagkagulat. Nagsimula na namang mag-ingay ang mga kamag-aral namin. Mga tao talaga kahit kailan mga chismosa.

"Anong ako? Sinabi ko na 'di ba, maling code ang ilalagay nila para maipit ako. Marahil galit sila sa'kin," aniya. Grabe naman siya, hindi pa nga namin natapos basahin ang mga iyon, tapos ngayon pinagbibintangan pa kami.

"May fingerprint si Miss Liana sa mga codes na iyan, kaya sigurado akong galing sa kaniya iyon bago mo siya pinatay o bago siya namatay."

"Notebook mo ito, nakalapag sa sahig ng rooftop. Ito ang tinutukoy ng riddles. Ngayon, bakit ka pumatay?"

Napaatras si Hashely at biglang umiyak. "Hindi ko sinasadya na mapatay siya. Nagalit lang ako dahil narinig ko siya na si Zyne ang gagawin niyang President sa library officers. Lahat nalang inaagaw ng Zyne na iyan, at dumating pa ang Kaizer na iyan."

"Pinagbantaan ko siya doon sa rooftop pero inagaw niya ang notebook ko na iyan at itinapon sa isang sulok, kaya mas lalo akong nagalit. Hindi ko alam na may inilagay pala siyang mga clues sa library. Kaya paglabas niya mula roon ay sinundan ko siya at pinatay. Ako rin ang naglock sa dalawang iyan, para sila ang pagkamalan na pumatay." Patuloy siya sa pag-iyak habang nagpapaliwanag.

Bakit hindi nalang niya ako kinausap na 'wag tanggapin ang alok, total ayaw ko naman talaga ng posisyon. Being the campus Vice President is enough for me. Ayaw ko na ng iba pang responsibilidad dahil isa akong espiya. Espiya na laging napapagalitan ni mama, dahil inaakalang laging nag lalakwatsa.

"Being locked in a library and having a bet in decoding that codes with you is quite amazing." Inirapan ko lang siya. Anong amazing ang pinagsasasabi niya?

"When I was with him, I felt different. Suddenly my heart beat faster,"I wisphered while turning my back from him. Dahil ba ito talaga sa naiinis ako sa mukha niya? Basta naiinis ako sa kanya!

"It's your fault Zyne!" sigaw ni Hashely sa'kin. Nagngingitngit siya sa galit at tumatangis. Hindi ko alam kung maaawa ba ako, o magagalit sa kaniya. Ng dahil lang sa posisyon ay nagawa niyang pumatay? Mababaw na rason. Tama nga ang sabi ni kuya Dark.

"Mas mabuti pa ang pumatay ng makakasalanan na tao para sa ikatatahimik ng mundo, kaysa pumatay para sa sariling luho."