Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 2 - [1] Call of Duty

Chapter 2 - [1] Call of Duty

ZYNELLE'S POINT OF VIEW

KANINA pa nagva-vibrate ang phone ko pero hindi ko ito magawang sagutin. Sa akin naka sentro ang paningin ni mama habang nagdidiscuss ito.

"Ma'am, sorry po na late ako." Napalingon kami sa pintuan. Nakatungo si Kaizer. Tiningnan ko lang ito, pero nahuli niya naman akong nakatingin sa kaniya. Ngumisi siya at nakipagsukatan ng tingin. Talagang alam niya kung paano ako inisin.

"Always late Mr. Montero?" wika ni mama. Mainit ang dugo niya kay Kaizer, hindi ko alam kung bakit ba. Iniwas ko na ang tingin ko kay Kaizer dahil baka masira lang ng tuluyan ang araw ko.

"Sorry po talaga ma'am," sagot nito at pinapasok naman na. Ramdam ko ang mga titig niya habang naglalakad papunta sa upuan nito.

"Pssst, makatitig sa'yo wagas," bulong ni Arra. She's Tamarra Rain Woods my so called 'kalaw' bestfriend. She's that kind of a girl na walang hiya. Madaldal din siya at malakas ang boses, laging sumisigaw. In short kapag kasama mo siya, may tendency na pwede kang mabinge. Isa rin siyang campus public information officer, at kapares niya si Ashton Vivas, kaibigan ni Kaizer.

"Mukhang malakas yata ang tama sa'yo, sissy," dagdag pa ni Kyla. Siya naman si Kyla Marie Rodriguez ang Beauty Queen kong bestfriend. Maganda siya at mahilig sa fashion. Siya ang Woodrige Queen, at patay na patay sa Woodrige King na lagi lang siyang snob.

"Anong pinagsasasabi niyo diyan?" saway ko sa dalawa.

"Ayiiee, as if hindi niya alam," pang-aasar ni Kyla at hinila ang upuan papalapit sa'kin. "Nakalimutan mo na ba? Siya ang kalaban mo sa ranking, at ang mortal enemy mo, hindi ba? At palagi ka niyang iniinis, for sure may hidden agenda din iyan."

Well tama siya. Kalaban ko si Kaizer Montero sa ranking na iyan, pero hindi ako naiinis sa kaniya dahil do'n. Naiinis ako dahil sa lagi niya akong inaasar.

"Hoy, ayos ka lang?" tanong ni Arra at kinalabit ako. Tumango lang ako at hinintay na matapos na si mama sa pagsasalita.

"HOY GWEN ZYNELLE LXRYLLE, SAAN KA PUPUNTA?" sigaw ni Kyla.

"Cr lang ako, pakisabi na lang kay mama," sagot ko at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Agad akong nagtungo sa locker kung saan walang masyadong tao. Kailangan na masagot ko ang tawag na ito nu kuya Dark, baka importante.

"Hello, Kuya Dark. Ano ang kailangan mo?" pabulong kong sagot. Alam kong kanina pa ito nayayamot dahil hindi ko sinasagot ang tawag niya. Well, sorry for him, nakabantay si mama.

"We need you Zyne," sagot nito kaya kinabahan ako. O c'mon, may susunod na subject pa ako. Don't tell me, liliban ako sa klase?

"Bakit po kuya?" tanong ko at napakagat labi. Hindi ko siya kapatid, kundi kapatid sa serbisyo. Isa siyang agent, at sa katunayan siya ang founder ng asosasyon namin. Siya si Head Agent Cruz, pero kuya Dark at Agent Cruz lang ang tawag ko sa kaniya.

"Nakatakas si Mikazu mula sa kulungan. Siya lang ang may alam tungkol sa formula na kailangan upang makompleto ang proyekto nila. Zyne, alam mo kung gaano ka-delikado para sa mundo kung matatapos nila ang mga gamot na iyon," sagot niya. So, tama nga ako. Tatakas na naman ako, at mamaya mag dedefend na naman ako kay mama.

"Okay, I'll be there." Pinutol ko ang tawag niya at tumakbo na ako.

"Oh gosh!" Napasigaw ako nang muntik ko ng mabangga si Kaizer. Sobrang lapit na ng mukha ko sa kaniya dahil magkapantay lang ang taas namin. Umaatras ako ng kaunti.

"May cr na pala sa locker room, Zyne," natatawang sabi nito. Napakamot ako sa ulo at ngumiti na lang.

"Huh? Ah kasi may kinuha ako dito. O siya, sige mauna na ako," sagot ko at nagmadaling umalis. Ang lalaking iyon talaga, hindi titigil hanggang hindi ko nasasapak. Pasalamat lang siya at injel ako, dahil kong hindi, naku matagal ko na siyang pinakasalan--- este sinakal pala.

Agad akong lumabas sa gate. Nakita ko naman si manong guard na tinatawag ako, pero hindi na ako lumingon. Diri-diritsong takbo lang ang ginawa ko.

Sabi ko naman kasi, hindi na ako tatakas para mabawi ko na kay mama ang kotse ko. Well yes, ang akala kasi nila ni papa na naglalakwatsa lang ako kapag tumatakas ako. Akala nga rin nila na nakipagtanan na ako noong isang araw na hindi ako umuwi.

"Bakit ngayon ka lang?" Nakakunot-noo na tanong ni Kuya Dark.

"Agent Cruz, tinakbo ko lang naman mula sa paaralan hanggang dito. Ano ako sa tingin mo, hangin na agad mapapadpad dito?" mataray kong sagot.

"Palaban ka talaga, agent Lxrylle," aniya. Umirap lang ako at isinuot ang uniporme ko bilang agent. It's a blacksuit, na may logo ng TGP.

"Sabi ko naman na 'wag mo akong tawaging agent Lxrylle." Weird ang surename ko kaya ayaw ko na tawagin ako ng gano'n.

"Okay sorry, Agent Zyne," sagot niya at iginagis sa'kin ang isang electric whip. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ako na naman ang ipapadala sa asong iyon.

"Okay bye!" Sagot ko at sumakay sa mala-transformer naming kotse na pagmamay-ari ng TGP association.

Mukha bang pharmacy ang pangalan ng association namin? Well, it's Tentative G' Psydtecs, an anagram for Detective Spy Agents. Dalawa ang department namin, may spy department, at detective department. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni kuya Dark. Bakit ba kasi kumukuha siya ng mga estudyanteng espiya. Malaking sagabal kaya ito sa pag-aaral. Maliban na lang sa mahahati ang oras mo, parang lagi kang hinahabol ng kamatayan.

Hindi ko pa makakalimutan ang panahon na kung saan nagsimula ang pagiging agent ko. Madilim na noon at naiwan akong mag-isa sa bahay. Wala sila mama at papa,dahil may business trip daw si papa, kaya sinamahan ni mama. May biglang kumatok sa bahay, kaya naman nagdalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Pero nadala ako ng kuryusidad. Binuksan ko ito, pero isang maliit na kahon lang ang nakita ko.

"Anong mayroon sa kahon na ito?" taka kong tanong sa sarili ko. Wala naman kaming inaasahan na darating na order, kaya mas lalo akong nagtaka. Binuksan ko ang kahon,pero isang papel lang naman ang laman. Kinuha ko ito at binasa. Tanging 'TGP', kaya tumakbo agad ako palabas sa bahay. Gusto ko sanang puntahan ang The Generic Pharmacy, kaya lang hinarang ako ng itim na kotse.

Ang akala ko sa panahon na iyon ay mamamatay na ako. Akala ko ay mga kidappers sila, pero mali pala ako. Ang TGP na tinutukoy sa papel ay hindi Pharmacy o ano pa man. Kundi isang assosasyon na naglalayon ng katahimikan para buong mundo. Nakakatawa dahil ang isang lampa na ako ang natagpuan nila. Naghirap talaga ako sa training. Sakit sa katawan at puno ng mga sugat ang nakuha ko. Pero doon ko napagtanto na, kailngan kong mg-tiis para sa buong mundo at para sa mga taol mahal ko. After ng trainig, dinala ako sa headquarter at doon ko nakita ang mga high-tech na mga bagay. Isang lumilipad na camera, nagsasalita na aso, transformer na kotse, lipstick na atomic, at marami pang iba!

Napatigil ako sa pagsilip sa nakaraan nang makita ko ang lalaking nakatayo sa isang kanto. Siya na ang target ko. Si Mikazu na tauhan ng Poisonous Association. My kausap siya sa telepono, ay napalingon ito sa gawi ko,"oh, hi agent! " bati ni Mikazu na mukhang nagulat ng makita ako. Pinindot ko ang stop button ng kotse para huminto.

"Be ready agents!" Alam kong naririnig ako ng mga sidekicks ko.

"Talagang matigas ang ulo mo, Mikazu," wika ko rito.

"At talagang malakas ang loob mo bata!" iritado niyang sagot.

"Susuko ka o susuka?" pikon kong tanong. Inihanda ko ang aking sarili, dahil kung ano man ang maging sagot niya ay pagbibigyan ko ito.

"Nakakatawa ka bata," sagot nito at tumawa.

"Nakakatawa ang mukha mo!" sigaw ko.

"Talagang mag-isa ka lang. Kapag ba sinaktan kita, makakasuhan ako ng child abuse?"

"Sa tingin mo, kapag pinatay kita pwede akong makulong dahil sa Republic act No. 8485?" Nakita ko naman na nag-iba ang reaksiyon niya. Biglang nawala ang ngisi niya at sumeryoso.

"Anong tingin mo sa'kin hayop?" sigaw niya at kulang na lang umusok ang ilong dahil sa sobrang galit.

"Hindi naman sa gano'n, pero ikaw na mismo ang nagsabi. Ano sa tingin mo?" Natatawa na talaga ako sa pinagsasasabi ko. Sumugod ito sakin kaya umilag ako at umikot palapit sa kanya at inipit ko ang mga paa niya. Sunod kong sinipa ang sikmura nito, pero nahila niya ang buhok ko. Ouch, makakalbo na yata ako.

"How dare you!" sigaw ko at itinulak ito.

Ang tagal naman ng mga sidekick ko. Hihintayin yata nila na makalbo ako ng tuluyan ng Mikazu na ito.

"Sumuko ka na kasi, hihintayin mo pa ba na patulan na talaga kita,"pananakot ko dito. Imbes na sumuko ay binato lang ako nito ng isang matulis na bato. Talagang ginagalit ako ng lalaking ito, pati braso ko ay sinugatan pa. Inilabas ko ang may kuryente na latigo at inihampas sa kaniya. Napasigaw ito sa sakit at napaluhod sa sahig. Ang sandatang ito ang pinakagusto kong gamitin laban sa mga kalaban ko. Dahil isang hampas lang, siguradong tatayo ang mga balahibo nito.

"Mahuli mo man ako ay huli na. Nasabi ko na sa kanila ang sekretong formula!" sigaw niya at namilipit sa sakit.

Napalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Agad akong tumawag sa headquarter. "Agent Cruz, huli na tayo. Nasabi na niya---" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng hinostage ako ni Mikazu.

"Bitiwan mo siya Mikazu, sumuko ka na," nakangisi na wika ni agent Cruz, a.k.a kuya Dark.

"Tatapusin ko na ang buhay ng batang ito!" Tatapusin niya raw ako? Ah sige, papatulugin ko na ang asong 'to. Itinusok ko sa kaniya ang isang injection na may lamang pampatulog. Tinganan natin kung sino ang matapos!

"Sleep well!" bulong ko rito at hinayaan na matumba at saluhin ng sahig.

"O, tapos na ang duty ko. Babalik na ako sa campus, baka ako naman ang mapalayas sa bahay!" sigaw ko kay kuya Dark pero tumawa lang ito.

"Pahatid ka na kay Kenneth," wika niya at itinuro amg isang lalaki na mukhang mas matanda sa'kin. Agad kong hinubad ang blacksuit ko at itinapon ito sa kotse. Sumakay na ako sa hilux na pagmamay-ari ni Kenneth.

"Nice meeting you, agent Zyne. Akalain mo, pareho pala tayong agent."

"Kilala mo ako?" taka kong tanong.

"Oo, same school lang kayo ng kapatid ko, na soulmate mo," aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Wala akong soulmate, tumigil ka."

"Ba't ayaw mong aminin na gusto mo siya?" aniya

"Wala akong crush. Hindi ko crush ang Kaizer na iyon!" sagot ko.

"May sinabi ba akong si Kaizer? Parang inamin mo na rin lang," natatawa nitong sabi.

"Ewan ko sa'yo!" sagot ko at bumaba na sa kotse niya. Pero napaatras ako nang maalala ko na alam na niyang agent ako. "Hoy, ang sekreto ko, 'wag mong ipagkakalat!"

"Hindi ko sasabihin na crush mo siya!" sigaw niya and he drove away. He's insane, hindi iyon ang ibig kong sabihin!

Hinanap ko ang dalawa kong kaibigan. Alam ko na sa oras na ito ay tumatambay sila sa bench na malapit sa kabilang gate. Pupuntahan ko muna sila para itanong kung galit ba si mama sa'kin. Kung hindi dahil sa Mikazu na iyon, hindi sana ako lumiban ng klase. Pinunasan ko dumudugo kong braso, marahil ay magkaka marka ito. Band aid is the key to hide this.

"Hoy loka! Saan ka galing?" salubong sa'kin ni Arra. Saktong silang dalawa lang ni Kyla ang nakatambay dito.

"May binili lang ako sa malayo. Ano, galit ba si mama sa'kin?" Tanong ko at umupo sa tabi nila. Nakita ko naman na sumimangot silang dalawa. Alam ko na ang ibig nilang ipahiwatig. Pati sila napagalitan na naman ni mama.

"Sorry nadamay pa kayo, sorry!" Niyakap ko silang dalawa. Ngumiti sila at pinisil ang mukha ko.

"Ayos lang. Damay-damay tayo, dahil isang pamilya tayo!" wika ni Kyla. Nagpaalam naman na ako sa kanila na pupuntahan ko na si mama. Ngayon pa lang ay nag-iisip na ako ng pwedeng gawin kong palusot.

"Mama." Dahan-dahan akong naglakad papalapit kay mama. Tiningnan niya lang ako at umiling. Galit nga siya.

"Mama, sumakit po ang tiyan ko. Kaya umuwi na lang ako sa bahay para magpahinga," sagot ko na nakahawak pa sa tiyan ko. Pero sa lagay na ito, hindi ata tumatalab ang arte ko.

"Nakita ka ni guard na tumakbo papalayo, masakit pa ba ang tiyan mo no'n Zyne? Kailan ka ba makikinig?" Ayan na, nagsisimula na naman siya. Nagsuplong pala si manong guard kay mama.

"Nakakahiya, dahil guidance councelor ako tapos ang anak ko,palaging lumiliban sa klase." Napatungo na lang ako, at hindi na ako sumagot pa.

"Ma'am sorry po, kasi---"

"Isa ka pa, Montero!" Napalingon ako sa lalaking nasa pintuan.

Anong ginagawa niya dito?