Chereads / My Beloved Enemy / Chapter 1 - Prologue

My Beloved Enemy

🇵🇭Fryzelmane
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 49.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Prologue



I'm still wondering why, people kills, sell drugs and operate illegal activities?  Is it for riches? Or just to survive in this toxic world?

"Agent Zyne, saiyo ko ipagkakatiwala ang misyon na ito."

Napangiti ako sa tinuran ni Kuya Dark. "Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya," sagot ko at isinuot ang disguise outfit.

Hinawakan ko ng mahigpit ang camera at naglagay din ako ng coat camera para mas mapadali ang plano. Kinuha ko ang bag at  iniayos ang pagkakalagay ng lipstick piston na gagamitin ko kung sakali man ay nagkabukuhan.

"Sakay na Agent Zyne," sigaw ni Agent Gail habang si Agent Kalie ay tumango-tango.

Wala akong sinayang na oras, at agad na akong tumalon at naupo ng maayos.

"Are you ready?" tanong nila pareho.

"Yes , I am!" sagot ko, pero kinakabahan talaga ako.

"This is more risky than before," paalala ni Agent Gail.

"I hope I can do this successfully," sagot ko.

"We're just here for you," pagpapalakas sa loob ko ni  Agent Kalie.

Pagkadating namin sa harap ng isang museum ay dali-dali akong umakyat sa isang malaking punong kahoy.

Isinuot ko ang  aking authentic ROXANT monocular at pinagmasdan ang paligid. Kitang-kita ko na napakaraming bantay sa paligid, at siguradong mahihirapan ako na lusotan sila.

Bumaba ako at nagpaalam kila Agent Gail at Agent Kalie.

"Take care!" sabay nilang sabi at naglakad na ako papalapit sa museum.

Muli kong isinuot ang A.R.M. na kung titingnan ay isang ordinaryong eye glasses lamang. Malaki ang maitutulong nito.

"Agent Zyne, are you there?" rinig kong tanong ni Kuya Dark mula sa earpiece na gamit ko.

"Yes, I'm already here," sagot ko.

Lumingon ako at nakita ko ang isang drone, at alam kong sa oras na ito nakikita na nila ako.

"Goodluck!" aniya.

Hindi na ako sumagot pa. Agad na akong pumasok at ipinakita sa mga bantay ang fake Id ko as a journalist.

"Hi, good morning!"  bati sa akin ng lalaki.

"Hello, Good Morning too.  Isa akong journalist na gustong magsiyasat tungkol sa mga statue na naririto sa museum."

Ipinakita ko sa kaniya ang ID ko.

Ngumiti ito at iginiya sa akin ang daan patungo sa loob.  Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ko kung saan ba nakalagay ang isang cat's golden head na may laman na ipinagbabawal na formula.

"Are you alright?"

Napalingon ako sa kausap ko, at nginitian ito.

"Yes, namangha lang ako sa ganda ng paligid," palusot ko at kinuha ang camera.

"Puwede ko ba silang kunan ng litrato?"

"Sorry for that, pero mahigpit na iponagbabawal ang pagkuha ng litrato sa mga bagay na nasa loob ng museum," aniya.

"Can I touch them?" tanong kong muli.

"Sure, pweding-p'wede." Sagot nito.

Naglibot ako at kunwari hinahaplos ang mga naggagandahan palamuti na narito.

"Nakikita niyo ba kung may laman?" bulong ko.

"Wala diyan ang formula na ginagawa nila. Tingin ko nasa secret room nila iyon itinago!" sagot ni Kuya Dark.

"Ako na ang bahala, basta ang mga dadaanan ko ihanda niyo, dahil baka mahalata nila ako sa mga gagawin ko sa susunod," sagot ko.

Isa-isa kong nilagyan ng hidden camera ang mga malalaking estatwa bago ako magpaalam.

"Sir, aalis na ako. Salamat sa pag intertain," pagpapaalam ko.

Lumingon ako sa kabilang daan. It was all clear maging sa mga CCTV's area ay walang nakabantay.  Ngumiti ako at dumiretso lang sa dinaanan ko kanina.

Pagkalabas ko ng gate ay nagtungo ako sa likod. Inakyat ko ang bakod at dahan-dahat na naglakad papalapit sa likuran ng building. Dumaan ako sa exit para makapasok muli. Gamit ang glasses ko ay nakita ko ang mga footsteps na patungo sa isang silid.

Mabilis ngunit maingat ko itong sinundan hanggang makapasok ako.  Sa wall nakita ko ang isang cippher machine.

Binuksan ko ito agad, ngunit hindi ko alam kung paano icra-crack ang code.

"Oh-oh!"

"Bakit Agent Zyne?" sabay-sabay nilang tanong.

"5 digits, pure numbers," sagot ko.

"Subukan mo i-crack."

"Kapag mali ang nailagay ko, mag-aalaram ang buong paligid. Malamang mabubuko tayo," agad kong sagot.

"Wala bang nakalagay na encrypted?" tanong ni Head Agent.

"Teka titingnan ko," sagot ko.

"Ceasar's  cipher  ang gamit nila," dagdag ko.

"Ano ang nakikita mo?"

"7-8-1-23-11"

"Crack it now," pagmamadali nila.

"Wait..."

Naguguluhan ako at the same time kinakabahan. Kung hindi sana sa kalikutan ng utak ko hindi ako mapaasok sa mga ganito kadelikadong gawain.

"Ceasar cipher or gronsfeld cipher is a type of encryption to which associated with a shift of a fixed number of a letter. Each letter is replaced by that obtained after performing the shift," sabi ni Agent Kalie.

"Got it!" sagot ko.

Kinuha ko ang ballpen sa loob ng jacket ko. This is left shift of three? Maybe.

I started to write the alphabet letters beginning from XYZABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVW since left shift of three. Sa ibaba isinulat ko rin ang right sequence ng alphabet letters at nagsimulang magbilang.

XYZABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVW

ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ

Nagsimula akong magbilang sa A.

[ 7=G, 8=H, 1= X, 23=W, 11=K] = GHXWK

So kailangan ko pang gawin ang substitution. Sa taas naman ako tumingin at hinanap ang equivalent ng bawat letra.

[ G=D, H=E, X=A, W=T, K=H ]

Kung gano'n, DEATH ang decrypted code.

Itinipa ko na ito sa machine, ngunit hindi pa rin mawala ang kaba ko. "Ito na nabuksan ko na," masaya kong sabi.

"Agent Zyne hanapin mo na agad ang cat's golden head at naroon malamang ang hinahanap natin."

Sinunod ko ang utos ni Kuya Dark. Nagmadali akong pumasok sa loob at iginala ang aking paningin. And finally I saw it!

Kinuha ko kaagad ang  cylinder na may laman na kulay asul na likido. Ito na ang formula na  sinusubukan nilang tapusin para pabagsakin ang buong mundo.

Naalarma ako ng may marinig akong boses sa labas. Agad akong nagtago sa isang madilim na sulok.

"Kailangan na hindi nila makuha pa ang formula na iyan. Bantayan niyo si Mikazu, dahil siya ang susunod nilang target," wika ng lalaki.

"Parang may tao, Master K." Lumingon sa direksyon ko ang isang lalaki.

"Umalis na tayo, may lakad pa tayo!" sabat ng isang lalaki habang nakatingin sa mismong pinagtataguan ko. Sa tingin ko ay nakita niya ako. Pero bakit hindi niya sinabi sa mga kasama nila?

"Palitan mo ang code," wika ni Kuya Dark.

Tumayo ako nang mawala na sila at naglakad palabas.

"Hindi ko alam kung paano ko ito papalitan," sagot ko.

Tinuruan ako ni Agent Gail na isang expert of hacking kaya napadali ang pagpalit ko ng code. Gamit lamang ang laptop na dala ko.

Pinalitan ko ang code at wala akong iniwan na clue.

"Congrats! Mission success," masaya nilang sabi.

"Salamat sa tulong ninyo," sagot ko.

Agad na akong naglakad pabalik sa paaralan namin. Nakaramdam ako na may sumusunod sa'kin. Huminto ako at napapikit nang may humawak sa leeg ko.

"Sino ka?!" sigaw ko at itinulak ito.

"Relax, it was only me. Saan ka ba galing?" Kaizer smirk as he lean on the wall.

"None of your business!" sigaw ko at tumakbo, pero malas lang naabutan niya ako.

"Baka may kakaiba ka ng ginagawa ha," aniya at pinitik ang noo ko

"Shut up, baka ikaw ang may milagrong ginagawa!" sigaw ko.

Naiinis ako sa kaniya dahil sa mayabang siya. At basta naiinis ako! Tingin ko puno ng hangin ang ulo nito.

"See you at the guidance again, Zyne!" nakangiti nitong turan at talagang alam niya ang mangyayari.

HERE WE GO AGAIN!