Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 6 - ( Their Dreams)

Chapter 6 - ( Their Dreams)

Sa Sari - sari store ni Aling Celia.

Naroon pa rin ang dalagang si Jen habang abala sa mga kustomer nila.

Marami kasing bumibili kapag hapon kaya abalang abala ang dalagang si Jen para sa mga namimili.

" Jen, isang dosena ngang pambabad! " wika ng isang ginang na suki sa tindahan ni Aling Celia.

" yong kulay pula ho ba o yong isa? " usisa ng dalaga na may ngiti sa mga mata habang hinaharap ang mamimili sa tindahan.

" yong pula Jen saka dagdagan mo pa ng isang dosena. " tugon ng ginang.

Masayang pinagbalot ng dalaga ng pambabad na sabon ang ginang saka kinalkula.

" 120 peses po, " abot ng dalaga at kinuha ang bayad.

Sandaling mauupo ang dalaga at hahawak sa likod niya.

" mukhang masakit na ang likod mo, Jen? Pwede kanang umuwi saka diba may klase pa kayo bukas? " usisa ni Aling Celia sa kaniya. Ngingiti na lamang ang dalaga at tutugon.

" Aling Celia, wala pa ho kaming pasok bukas kaya maghahanap muna ako ng pera para pangdagdag sa allowance ko. " ani Jen na tila hindi pa rin napapagod.

" ikaw talaga Jen at saka dinalhan kita ng pasalubong. " abot niya ng isang supot sa dalaga.

" maraming salamat po talaga! " yakap niya rito.

" uwi kana at baka gabihin ka pa! Mahirap na, " paalala ni Aling Celia sa kaniya.

Umuwing nakangiti si Jen habang pokus lang sa paglalakad papasok sa masikip na iskinita na tila dalawang tao lang ang kasya.

Pagbungad niya sa mga kabahayan ay agad siyang may napansin.

Maraming mga ginoo ang nagbabantay sa harap ng inuupahan niyang maliit na bahay.

Nasa hagdan ang mga ito habang nakatayo na parang mga bodyguards.

" anong ginagawa ng mga yan? " kamot ng dalaga habang kinakapa ang susi sa bulsa niya.

" Ms. Santos, magandang gabi. " bati ng isang ginoo.

" anong sadya ninyo? " usisa ng dalaga habang umaakyat ng hagdan.

" gaya ng sabi ni sir Carllex na padadalhan niya kayo ng tulong. " tugon nito kay Jen.

" ok fine, " sandali niyang binuksan ang pintuan ngunit ayaw makisama ng pintuan.

Jen Pov's

Ano ba yan!

Bweset na pintuan ko bat ngayon ka pa nagloloko!

Sinipa ko na lamang ang pintuan na kinalabog nito.

Pero matibay at hindi na naman maitulak paloob.

" Kailangan mo ng tulong, Ms. Santos? " sabi nong ginoo na nakasama ko kanina.

" medyo ayaw lang kasi makisama nitong pintuan. " sabay sipa ko rito pero ayan mukhang barado ata at ayaw matulak.

" tumabi ka Ms. Santos! " sabi nong ginoo.

Tumabi na lamang ako ng bigla niyang sunggaban ang pintuan. Hala, nasira na lalo yong pintuan. " sorry Ms. Santos mukhang kailangan niyo nang palitan yong pintuan niyo. " sabi ng ginoo. Ano kaya ang pangalan nito at mukhang may galit din siya sa pintuan ko.

" pabayaan niyo na yan eh wala naman akong pang ayos diyan. " pasok ko na sa loob at nilagay sa ref yong dala kong supot.

Aba, pumasok na silang lahat sa loob. Parang sila lang ang may ari ng bahay oh. Kaniya kaniyang silip sa bawat kanto. Ano bang ginagawa nila dito? Sabi daw tulong pero parang inpeksiyon ata ang ginagawa nila.

" Ms. Santos pwede bang makita ang kwarto mo? " usisa nang ginoo.

" kailangan pa ba yon? " kamot ko at wala nang choice para buksan ang pintuan ang kwarto ko.

Nakakhiya kaya saka walang magandang pwesto ang kwarto ko at simple lang. Ano ba kasi ang kailangan nila? " Ms. Santos, magkano ang allowance mo sa isang linggo? " ask na naman niya. Mukhang investigator ang mga ito at lahat sila ay parang may tinitingnan.

" survey ba ito? " masungit kong tanong sa kanila habang naka cross arm. Ewan ko lang kapag tinupak ako. " nagtatanong lang po, Ms. Santos! " tugon niya.

" ok, 500 pesos kada linggo tulad ngayon 200 pesos na lang at kailangan ko pang rumaket para madagdagan yon. " sabay walk out ko at tumungo sa kusina.

Tingnan mo nga naman nagsi alisan na sila maliban don sa humated sa akin na ginoo at tila may tinititigan pa sa loob ng kwarto ko. " mauuna na kami Ms. Santos. Oo nga pala, pinabibigay ni sir Carllex. " abot niya ng isang white envelop. Ano kaya ang laman nito.

Binuksan ko na lamang ang envelop at nanlaki ang mga mata ko.

Oh my god! Ang dami nito! " hala, " sambit ko habang binibilang ang perang nasa loob nito.

Anak nang, hindi naman ako nagpapasuhok ah! Ah, basta isasauli ko ito bukas sa kaniya.

Ang dami kaya nito at kahit wala pa akong allowance ay hindi ko gagalawin to.

Sa kabilang banda

Sa hospital bed, nagbabasa pa ang binata ng libro at hindi pa siya nagdidinner.

Lalapitan siya ng mama Jerimy niya, " anak, kumain kana at nang makainom kana ng gamot." payo niya sa anak na ayaw mapaawat sa pagbabasa. " nandito na ako! " boses ng ginoong si Fierce de la Vega na mula pa sa San de la Vega. May dala siyang mga damit at gamit para sa mag ina niya.

Ilalapag niya saglit ang mga dala nito, " hi, kamusta kayo rito? " halik niya sa pisngi ng asawa at hinalikan ang noo ng binatang anak nito. " ayaw pa niyang magpaawat sa binabasa niya. " tugon ni Jerimy sa asawa. " Carllex, mamaya na yan at may dala akong paborito mong gulay saka pinadalhan ka ng lola ng masarap na sandwich. " pa alam niya sa anak.

Kaagad namang titiklopin ng binata ang librong hawak niya. " Dinner na tayo ma pa! " sabi ng binata na tila takam na takam sa paborito niyang gulay.

Ipinatong tray sa harap ng kama ng binata at roon ay nilatag ang mga pagkaing dala.

" pa, sandwich nalang yong sa akin. At mukhang mapapasarap ang kain nito. " ani ng binata habang natatakam na.

" heto anak, " abot ng mama niya sa kabalot na sandwich.

" pa, ang sarap talaga nito. " sabi ng binatang anak nilang puno ang bibig nito.

" Carllex, wag ka munang magsalita at ubusin mo muna yang sa bibig mo. " wika ng papa niya.

Makikitang maglalagay ng gulay si Jerimy sa pinggan ng asawa niya.

" ikaw kumain ka na rin. " sabay subo ni Fierce sa asawa niya.

" salamat, heto din! " ganti nitong subo.

Makikitang enjoy na enjoy ang binata sa dinner niyang leafy vegetable na sandwich na sinabayan pa ng pagkain ng gulay na inihain sa kaniya.

" tubig anak, " abot ng papa niya.

" thank you po, pa! " inom nito.

" sandali anak, " sabay punas ng mama niya sa bibig ng anak nila ng tissue na hawak.

Uminom na ng gamot ang binata at pinahiga na ito.

Inayos naman ang mga pinagkainan nila at si Fierce mismo ang nag ayos nito at ibinalik sa kinalalagyan. " pa, uuwi na ba kayo? " tanong ng binata.

" hindi, dito ako matutulog saka may dala akong extra na kumot para sa mama mo. " titig niya sa asawang nagsusuklay ng buhok habang naka upo sa sofa.

" ma, " tawag niya rito. Mahihinto na lamang sa pagsuklay ang ginang at lalapitan ang anak.

" hindi ka ba makatulog? " tanong nito sa anak.

" hindi po! " tugon niya.

Tinabihan na lamang siya ng mama niya habang kinakamot ang ulo nito para antukin ang anak niya.

Makalipas ang ilang sandali ay nakatulog na ang binata.

Babangon na lamang si Jerimy at tutungo sa nilatag ng asawa niya para doon mahiga.

" are you ok? " usisa ni Fierce sa asawa habang nakahiga sa bisig nito.

" oo, naibsan na din ang kalungkutan sa dibdib. " tugon niya rito.

" matulog na tayo, good night! " halik niya sa noo ng asawa at kinumutan ito.

Sa kabilang banda

Sa kwarto ng dalaga, sinigurado niyang naka lock ang mga pinto niya at nakasara ang bintana niya sa kwarto. Nakahiga na ang dalaga at mapapansing may luha siya sa mga mata.

" mama mis kona kayo ni papa diyan. Wag kayong mag alala ilang buwan nalang at makakauwi na ako diyan dala ang diploma ko. " wika ng dalagang yakap yakap ang picture frame ng mga magulang niya.

Sa buwang nagliliwanag sa kalangitan.

May dalawang pusong nananambitan na sana sila'y maging ligtas at makamit ang kanilang mga pinapangarap.

Ang isa'y nananambitan nang pag ibig sa nakilalang dalaga na nagligtas sa kaniya at makauwi sa bahay nito.

Ang isa nama'y nananambitan na maging ligtas at tuparin ang mga pangarap.

@YhunaSibuyana