Chapter 4 - Chapter 3

Raven

Hinihingal na pumasok ako sa loob ng isang convenience store. Ito lamang kasi ang paraan upang hindi na ako makita pa o matagpuan ng babaeng iyon.

Ano ba kasi 'yun? Para namang linta kung makahawak sa akin. Atsaka kung humalik para namang kakainin ako ng buhay. Pwe!

Ang sakit tuloy ng labi ko. Dumugo pa yata dahil sa naramdaman kong pagkagat niya kanina.

Hays!

Inis na nagtungo na lamang ako sa may drinks area bago kumuha ng dalawang dutch mill strawberry flavor. Kanina pa rin kasi ako mauuhaw eh.

Magbabayad na sana ako sa may counter noong mapadako ang aking mga mata sa isang napaka gandang babae na napapailing sa kanyang sarili habang kumukuha ng kanyang mga bibilhin.

Her smiles are so sweet and her face is so angelic that you will never tire of staring. I love girls, but I have never encountered someone as beautiful as her.

Para bang naging malabo ang lahat na nasa aking paligid at ang tangi ko lamang na nakikita ay siya. Naging mabagal din yata ang pag-ikot ng mundo sa loob ng ilang segundo.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanya, hanggang sa ako na rin mismo ang nagbawi ng aking mga mata. Ang weird lang na tumitig ako sa isang estranghero na katulad niya.

Agad na iwinaksi ko ang kanyang magandang imahe sa aking isipan at lalapit na sana sa may counter noong maunahan niya ako.

Mukhang kakilala rin nito ang isang lalaki na nagbabantay sa store, nasa tingin ko eh kasing edad ko lamang din.

Hindi ko mapigilan ang mapa iling habang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

The boy obviously likes her. Well, I can't blame him. I mean, look at her. She's truly a goddess. Ngunit halata rin na hindi siya ang tipo ng mga katulad ni Ate girl.

Ate girl.

Natatawa ako sa aking sarili nang sumagi ang katagang iyon sa aking isipan.

"N-Nakalimutan ko yata 'yong pera ko--" Rinig kong sabi nito na halatang nagpapanic na.

Awtomatiko na napakagat ako sa aking labi. Ugh! This girl, so adorable.

Ngunit hindi pa siya tapos sa kanyang pagsasalita noong biglang mapatawa ng malutong iyong lalaki ngunit mabilis rin itong natigilan.

"L-Libre ko nalang." Utal na wika pa niya habang namumula ang buong pisngi at hindi na muling makatingin pa sa babae.

Psh! Ang bulok ng diskarte.

"Hindi na, babayaran ko ito. Babalik lang ako--"

"Please!" Pamimilit pa niya at muling putol nito sa babae. Pero halos matawa na rin ako ng malakas noong makitang binatukan siya sa ulo.

"Siraulo ka ba?! Hindi mo naman ito tindahan. Tindahan ito ng nanay mo." Patuloy na pagmamaldita naman ng isa.

Napailing na lamang ako atsaka nagdesisyon ng umabante na upang maka bayad. At syempre, para maka the moves na rin. Hehe.

Agad naman na tumabi iyong si Ate girl para bigyan ako ng space. Napansin ko na biglang napatulala sa aking mukha iyong lalaki kaya naman hindi ko mapigilan ang mapangisi.

Akmang lalabas na rin sana ng store iyong babae nang maisipan kong gawin ang isang bagay.

"Babayaran ko na rin 'yong kanya." Sabi ko at iniabot sa lalaki ang aking bayad.

Naghintay lamang ako ng ilang segundo. At hindi nga ako nagkamali noong mabilis na nagsalita siya mula sa aking likuran.

"Naku, miss. Huwag na ano ka ba, nakakahiya naman, isa pa hindi mo naman ako kilala." Pagtatanggi nito.

Sandali akong natigilan at napalunok na rin noong marinig muli ang boses niya. But this time I know it's different because I'm the one she's talking to.

Ngunit sa halip na sagutin siya ay tahimik na kinuha ko na lamang ang aking cellphone mula sa loob ng aking bulsa habang hinihintay ang aking dutch mill.

At hindi naman na iyon nagtagal pa at pagkatapos ay mabilis na kinuha ko ang dalawang plastic bag mula sa kamay ng lalaki at agad na ibinigay kay Ate girl ang para sa kanya.

Sandali pa siyang napatulala noong mapasulyap siya sa aking mukha.

A mischievous smile drew to my lips when I heard her gasp as I walked out of the store. When I got inside my car I was humming because I was satisfied with what I did.

Umaasa rin na sana ay hindi lamang ito ang unang beses naming pagkikita.

----

Hindi maipinta ang aking itsura nang umalis ako sa aming bahay dahil sa inis sa aking mga magulang. Hindi kasi nila muna ipinaalam sa akin na ibang school na pala ang papasukan ko ngayon, at isang Public school pa.

Masyado na raw kasi akong nagiging isang spoiled brat kid kaya kailangan nila akong disiplinahin.

Eh sa ayaw ko nga sa Public school!

What the!

Pero alam ko rin naman na dahil ito sa maldita kong ex-girlfriend na hanggang ngayon ay stalk parin ng stalk sa akin. Siya ang dahilan kaya na kick out ako sa dating University na pinapasukan ko.

Alam ko rin na siya ang nagsumbong sa parents ko at sa Principal ng school na dating pinapasukan ko, na nakipag sex ako sa loob ng janitors closet. Tss!

At ngayon? Ano ang ini-expect nilang magiging buhay ko sa isang Public school?

Mukha nga yata na mas lalo lamang nila akong pahihirapan ngayon, pero pwes mas lalo rin akong magmamatigas.

"Crowded! Crowded! CROWDED! Hays!" Nagsisisigaw na ako sa loob ng aking kotse dahil sa dami ng pampublikong sasakyan na nakaharang sa daanan ko, isama mo na rin ang paroon at parito ng ibang estudyante.

"This is not Park. God dammit!" Panay na rin ang aking pagbusina para lamang tumabi ang ilan rito dahil hindi makaalis ang aking kotse.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tuluyang nakarating na rin ako sa loob ng gate, agad na bilisan ko ang pagpapatakbo ngunit awtomatiko rin na naapakan ko ang preno dahil muntik na akong may masagasahan.

Inaamin kong natakot at kinabahan ako roon. Pero, tatanga-tanga naman kasi at bakit sa gitna pa ng daanan ng kukwentuhan?!

Mas lalong dumami na rin ang mga tsismosa at tsismosong estudyante sa paligid, samahan mo na rin ng mga guwardya at mga teacher. Kaya naman, walang nagawa na bumaba nalang ako ng aking sasakyan.

Noon ko naman namukhaan ang babae na muntik ko ng masagasahan. Ewan ko pero, para bang biglang sumigla ang pakiramdam ko? Biglang nawala ang inis na nararamdaman ko ngayong umaga.

Ngunit pilit na itinatago ko ang nararamdaman na iyon sa pamamagitan ng aking pag ngisi, pagkatapos ay tinignan ko ito mula ulo hanggang paa bago ako napa kagat sa aking labi...

"Paumanhin, binibini." Labas sa ilong na pag hingi ko ng tawad dahil ang totoo, gusto ko lang i-emphasise sa kanya ang aking itsura. Alam kong walang nakakalimot basta-basta rito.

Hindi na ako nagtagal pa at muling bumalik na sa loob ng aking kotse. Agad na naghanap rin muna ako ng pwede kong pag paradahan.

Pagbaba na pagbaba ko pa lamang ng sasakyan ay agad na mayroong umakbay sa akin. Nagulat pa ako noong una pero agad na nakilala ko naman ito dahil sa kanyang pamilyar na pabango.

It's Axel. My best friend.

"Wait, have you been kicked out like me?" Natatawa na tanong ko sa kanya. At agad niya iyong sinagot sa pamamagitan ng kanyang malutong na pag tawa.

"We're in this together bro!" Sabay yakap nito sa akin. Kaya tuluyan na napa yakap na rin ako sa kanya.

Ayos! Dahil hindi magiging boring ang araw-araw ko ngayong nandito rin pala siya.

Kababata ko si Axel, sabay na kaming lumaki. Best friend's din ang mga parents namin kaya para na kaming magkapatid. Iyon nga lang, palagi siyang napapaaway dahil sa akin. Siya kasi ang palaging taga pag tanggol ko kapag nasa trouble ako, siya rin ang taga salo ng mga problema ko at palaging pinagtatakpan ang mga mali ko.

Kaya no wonder kung bakit siya nandito ngayon sa isang Public school katulad ko. For sure, sinadya niyang magpa kick out para makasama ako o para samahan ako.

Hindi agad kami dumiretso sa aming magiging unang klase. Mas ginusto namin ang mag hanap ng bagong matatambayan, at mabilis naman naming nagawa iyon. Hanggang sa hindi na namin namalayan pa ang oras.

"Ano bang nginingiti-ngiti mo riyan? Kanina ka pa naka ngiti. High ka ba?" Pabirong tanong ko dahil ngayon ko lamang yata siya nakitang ganito kasaya.

Mabilis na napailing siya. Alam ko naman na, pasaway kami. We drank alcohol and smoked sometimes, but we never tried drugs. Never. And we will never.

"Nahanap ko na yata ang magiging asawa ko." Parang nag ddaydream pa na sabi niya. Napatawa ako at binato ito ng mga dahon na mahawakan ko.

"Idiot." Natatawang wika ko. "You're stuck with me forever." Dagdag na pabiro ko pa dahil never pa siyang nagkaroon ng girlfriend, sa dahilang mas gusto nito ang manatili sa aking tabi.

"I'm serious this time, Raven." And there he is. Mukhang seryoso na nga.

"Alam kong siya na." Dagdag pa niya. "And guess what? You will help me to get her name."

Napatango ako ng maraming beses, halatang hindi interesado sa kanyang mga sinasabi at napa sulyap sa aking wrist watch.

"Oh shit!" Hindi ko mapigilan ang mapamura.

"What?!" Biglang napa balikwas din na tanong nito.

"We are late for three subjects. Let's go!" Mabilis na inayos ko ang aking suot. At agad din na isinukbit ang aking back pack.

"At kailan ka pa naging concern sa subjects mo?" Nahihimigan ko ang pagiging sarkastiko sa kanyang boses habang sumusunod sa akin.

"I just don't want to be stuck forever in this school. So in order to convince my parents to transfer me to a private school, I need to improve my grades." Diretsong paliwanag ko sa kanya.

"Well, that's good to hear then. It doesn't seem like you." Patuloy na pang-aasar pa rin niya. Pero hindi ko na lamang ito pinansin pa noong natatanaw ko na ang aking magiging bagong classroom.

Mabilis na at medyo napalakas pa yata ang pag bukas ko ng pintuan kaya agad na natigilan ang lahat at napatingin sa aking direksyon.

All eyes are on me. Well, I like that. I love that I always have everyone's attention.

"Ms. Delo Santos, do you know what time it is?! I guess you are too early for your next class. And we still have lunch break." Sarkastikong sabi ng aming teacher dahilan upang maging maingay ang klase dahil hindi napigilan ang matawa sa kanyang sinabi.

Well, except sa mga katulad niya. Bulong ko sa aking isipan.

"And please, you should wear your uniform next time."

Huh! At pati ba naman iyong suot ko? 'Yong fashion ko, papansinin din niya? Ugh!

Hindi ko napigilan ang mapangisi pagkatapos ay dire-diretso lamang sa pagpasok na para bang walang narinig sa kanyang mga sinabi.

"Whatever." Bulong ko pa.

Agad na iginala ko ang aking mga mata para humanap ng bakanteng mauupuan hanggang sa..

A familiar sparkling blue-green eyes met my gaze. Dahilan upang mapamura ako ng maraming beses sa aking sarili. She quickly looked away before bowing. As for me, it was a strange and tickling feeling I felt in my stomach as I stepped my feet towards her.

What are you doing Raven? I asked myself.

Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na naka upo na pala ako sa kanyang tabi. And I don't know but all that time, I was just looking at her beautiful face and I do not want to take her away from my eyes.

It's not love at first sight, is it?

Because that was the stupidest thing I had ever heard and even more I would never believe.