Now playing: Weak by Kiana Lede
Raven
I have been staring at my cellphone for almost 30 minutes. Inaabangan ang pag ring nito dahil ang sabi niya, tatawag siya.
"Tatawag ako bukas. Sabay tayong magrereview." Paulit-ulit iyong nagrereply sa aking isipan.
Hindi ko naman tuloy mapigilan ang makaramdam ng kakaibang kiliti sa aking sikmura. Ito na ba ang sinasabi nilang kinikilig?
Sa tuwa ko eh, hinanap ko ang pangalan nito sa aking contact list. And from 'Alice' I replaced it with 'My girl'.
Hindi naman masamang mag assume at maging feeling minsan hindi ba? Kahit na hindi pa ako sigurado kung straight ba ito o hindi. Lahat naman yata ng babae, nagiging baliko dahil sa akin.
At ang tawag dito? Law of attraction.
*wink*
'MY GIRL'
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi noong muli akong napasulyap sa aking cellphone.
Kailan ka ba tatawag? Naiinip na tanong ko sa aking isipan.
"Girlfrieeeeend. Tawag kana please?" Parang tangang sabi ko bago napahinga ng malalim.
"Who's that? New babe?" Tanong ni Axel noong mapasulyap ito sa aking cellphone. Mabilis naman na napailing ako.
"Shut up, Axel." Wala sa mood na wika ko.
"Girlfriend, tapos bukas break na agad. Tss!" Tinignan ko lamang ito ng masama dahilan upang mapataas ang dalawa nitong kamay sa ere tanda ng pagsuko.
"Fine, fine. Do whatever you want." Muling wika niya at muling bumalik sa kabilang table kung saan maraming girls.
Nandito kami ngayon sa bar na pag mamay-ari ng pamilya nina Axel. Actually, isa ito sa madalas naming tambayan.
Mahilig talaga kaming mag party, party is life kung baga. Pero....hindi ko alam kung bakit bigla yatang naging boring ang ganitong hobby sa akin.
Muli akong napasulyap sa aking cellphone.
Maybe it's because I'm more interested in this girl now than having fun in vain.
Naghintay pa akong muli ng ilang minuto, at noong hindi na ako makapagtiis pa ay lumabas na muna ako sandali at naghanap ng medyo tahimik na paligid.
My father once said, not all food comes to people voluntarily. Sometimes people have to come to food and eat it.
"Raven?" Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman ko nang marinig ang boses niya.
Gosh! My knees are weakening because of her.
"Yes, I am babe." But I stay in my cool.
"B-Babe ka dyan! Bakit parang ang ingay yata? Nasa bar ka ba?" Ang bilis naman niyang manghula. Atsaka, nalaman parin niya kahit na nasa may medyo tahimik na sulok na ako?
Ugh!
"Yup." Sagot ko.
My gosh!
I have never been nervous like this while talking on the phone. At hindi ako ang siyang unang tumatawag, o ang unang nag fifirst move dahil sila ang unang lumalapit sa akin.
But what is happening to you right now, Raven?
"Are you even allowed there?" Nahihimigan ko ang pagdududa sa boses niya. Pero damn, napapangiti na lamang ako ng disoras.
"Of course! Because, I'm gorgeous." Napangisi ako.
"Hindi ba dapat nagbabasa ka ngayon ng libro? At hindi ang naglalaklak ng alak?"
Hindi naman ako lasing ah. Atsaka, isang bote lang kaya ng beer ang nainom ko dahil wala ako sa mood kanina.
"Ops! Masyado ka namang concern sa akin. Hindi pa kita girlfriend niya ha?" Narinig ko ang paghinga nito ng malalim. Sign na naiinis na siya.
"Awww. Miss mo na ako 'no?" Panunukso ko pa.
"Raven, seryoso ako. Para rin sa iyo ito." Hindi ko mapigilan ang mapakagat ng labi.
I felt an unfamiliar electricity when I heard the concern in her voice.
"Yeah, I know. Promise bukas, magrereview ako. I-I'll be there, okay? Just text me the address or where we will meet."
"Okay." Tipid na sagot nito. "Itetext ko nalang kung saan tayo magkikita." Dagdag pa niya.
"Uhmm..Alice?"
"Ano?"
Hays. Gusto ko lang namang kausap ka eh. Gusto ko pang makausap ka. Hanggang sa abutin tayo ng anumang oras. Hanggang sa abutin tayo ng bukas.
Pero...hindi ko magawang sabihin iyon.
"Good night." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko.
"G-Goodnight." Pag papaalam niya rin bago pinatay na tawag.
Pagkatapos noon ay napatitig akong muli sa screen ng aking cellphone. Hindi ko rin mapigilan ang mapahawak sa kaliwang bahagi ng aking dibdib habang napapahinga ng malalim.
"Just calm down...okay?" Saway ko sa aking puso.
Pabalik na sana akong muli sa loob ng bar noong marinig na mayroong text message na dumating. Mabilis na binuksan ko ito at nakitang galing iyon kay Alice, naglalaman iyon kung saan kami magkikita bukas at kung anong oras.
Masayang napasuntok ako sa hangin sa ere at masayang pumihit patungo sa aking sasakyan.
I need to go to bed early, so I don't look haggard in front of her tomorrow. Itetext ko na lamang din si Axel na nauna na akong umuwi.
---
Kinabukasan, maaga akong nagtungo sa school para sa pagkikita namin ni Alice. Sinadya ko talaga na mauna at ang mag paaga upang mapabilib siya.
Pinapasok naman ako kaagad ng guwardya. Sa tanang buhay ko, ngayon lamang ako pumunta sa school para magreview ng weekend. Never ko itong nagawa noon dahil madalas nasa galaan ako with Axel.
Dumiretso na rin ako sa library. Dito ko na lang siguro hihintayin si Alice, inilabas ko rin sandali ang aking cellphone at itenext siya na nandito na ako.
Habang naghihintay sa pagdating nito, kumuha rin muna ako ng nabili kong dutch mill sa aking bag at sinimulang inumin ito.
Noon ko naman naisipan na, hanapin ang pangalan ni Alice sa Facebook. Bakit hindi ko naisip iyon noong unang beses ko pa lamang siyang nakilala?
Ngunit nakakailang search na ako eh hindi ko parin ito nahahanap. Huwag mong sabihin na wala siyang social media account?
Tss!
Dismayado na napasulyap ako sa may entrance ng library. Halos tumalon ang puso ko sa tuwa noong namataan ang pamilyar na pigura na iyon. Sandaling napa kusot rin ako ng aking mga mata, pero hindi ako nagkakamali. Ito ay walang iba kung hindi si Alice.
Kusang naramdaman ko na naman ang walang humpay na excitement at kaba na rin at the same time.
Pero teka, sino naman iyong babaeng kasama niya? Bakit ngayon ko lang yata ito nakita? Hindi naman namin ito kaklase. At may pa beso pa sa kanyang pisngi? Atska, bakit ganoon siya kung makahawak sa balakang ni Alice ko? Aba't talaga naman. Tsk!
Mabuti nalang at umalis na ito. Ang akala ko eh sasama parin siya hanggang dito sa loob. Agad naman na nakita ako ni Alice.
Hindi ko mapigilan ang mapanguso noong humakbang na ito papalapit sa akin. Kusa ring napatulala sa angkin nitong kagandahan noong gumuhit na ang matamis na ngiti sa kanyang labi, isama mo na rin ang mapuputi nitong mga ngipin.
"Bakit mukhang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" Natatawa na tanong nito bago na upo sa aking tabi.
"Who's the girl with you?" Tanong ko habang blangko ang expression ng mukha.
"Ah, yun ba? Si Sarah yun, best friend ko." Sagot naman niya ngunit wala naman sa akin ang mga mata. Napahinga ako ng malalim at lihim na pinagmamasdan ang mga kilos niya.
Amoy na amoy ko rin ang gamit na shampoo nito mula kanyang buhok na ngayon eh basa pa. Ang fresh niyang tignan at kahit maghapon pa yata siyang nasa ilalim ng araw eh mananatili parin ang kanyang freshness.
Napakurap ako ng maraming beses bago napatikhim at nagbawi ng tingin. Hindi ko rin mapigilan ang mapa inom ng marami mula sa aking hawak na dutch mill dahilan upang muli itong matawa, bago nag-angat ng kanyang mga mata at napatingin sa aking hawak.
"Really? Dutch mill? Ano ka bata?" Iiling-iling na komento nito.
I felt my cheeks blush when she said that out of embarrassment.
"M-Masarap kasi eh." Tugon ko bago napayuko.
Sandaling natahimik muna kami, at pagkatapos ng ilang segundo ay inilabas na nito ang kanyang libro at iba pang gamit para sa pag review.
"Gusto kong mag focus ka, okay?" Sabi niya na parang bata ang nasa kanyang nasa harapan. I couldn't help but grin as she looked away.
Bago pa man kami tuluyang magsimula ay may dumating na apat na kababaihan at lahat sila ay naupo sa table malapit sa amin, na sa tingin ko ay nasa Junior High pa lamang ang mga ito.
Habang nagsasalita si Alice, napansin ko na sa akin lamang nakatutok ang kanilang mata habang nagpapacute.
Aba'y syempre, hindi ako madamot sa killer smile ko kaya pinagbigyan ko na sila. Parang mga bulate naman na kinilig ang mga ito bago nagpakawala ng himpit na tili, hanggang sa isang malakas na batok naman ang natamo ko mula kay Alice.
"Ouch!" Reklamo ko habang napapahimas sa parte ng aking ulo na nasaktan.
Napalingon ito sa kanyang likod. Matatalim na tingin ang ibinigay nito sa mga babaeng tinitgnan ko kanina. Mukha naman silang nasindak kay Alice kaya agad silang napayuko at nagkunwaring nagbabasa ng libro.
Muli itong nagbaling ng kanyang mga mata sa akin. Seryoso ang mukha na tinitigan niya ako ng mataman atsaka napahinga ng malalim.
"Alam mo mukha ka naman talagang matalino eh, tinatamad ka lang mag-aral." Panimula niya. "Gusto kong mag focus ka. Pwede ba yun? Ako na ang makikiusap dahil hindi lang grades mo ang nakasalalay rito, Raven." Dagdag pa niya sa seryosong tono.
"So now, I want you to cooperate with me. I want you to focus on what I have to say, and give me your hundred percent attention." Maawtoridad na utos niya na animo'y isa siyang teacher.
Pero sa halip na maging seryoso rin akong gaya niya ay napa ngiti pa ako ng nakakaloko.
Gosh! She's turning me on. Especially when she is serious like this, her charm grows stronger.
"Raven!" Sabay hampas nito sa braso ko. "Seryoso ako. Makinig ka naman oh!" Nakabusangot ng saway nito sa akin dahilan upang tuluyan na akong mapatawa.
"What?" Natatawa na pag mamaang-maangan ko. "Fine, let's start then. I'll be serious and I will focus." Sabay taas ko ng aking kanang kamay tanda ng pangako.
Walang kibo na muling tumayo ito mula sa pag upo. Nagtataka naman ang mga mata na sinundan ko ito ng tingin.
"Diyan ka lang. May kukunin lang akong libro." Sabi niya at tuluyan na akong iniwanan.
Pero dahil sa makulit talaga ako, kaya tumayo na rin ako at agad siyang sinundan.
Naabutan ko nga ito na mayroong kinukuhang libro ngunit hindi naman niya maabot dahil sa may kataasan. Napa ngiti ako at lalapitan na sana siya noong biglang nadulas ang kanyang paa at awtomatikong nahulog ang kanyang katawan sa akin, dahilan upang sabay kaming ma out balance at natumba sa sahig.
Agad na naramdaman ko ang pananakit ng aking balakang dahil sa medyo may kalakasan ang aming pag bagsak. Noon ko naman na realize na nasa ilalim ako ni Alice, habang siya naman ay nasa aking ibabaw.
Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin at maraming beses noong magtama ang aking mga mata sa mapupula nitong labi. It was as if they were attracting me and inviting me to taste them.
Kaya naman mabilis akong nagbawi ng aking paningin ngunit hindi naman inaasahan na sa kanyang medyo sumisilip na...ahem! Cleavage, muling magtatama ang aking mga mata. Dahil sa nakasuot ito ng V-neck t-shirt.
Awtomatiko akong napakagat ako sa aking labi at tinignan siya sa mata ng mayroong ibig sabihin.
"Oh, I love this position." Sabay taas baba ko ng aking kilay.
Kusa naman na namula ang kanyang mukha na animo'y isa itong kamatis. Pagkatapos ay napahawak sa aking dibdib upang tuluyang makatayo na.
Yeah, sa aking didib.
Parehas kaming natigilan at napatingin sa kanyang kamay na ngayon ay nasa akin paring hinaharap.
"And your hand is perfectly fit on my boobs, huh?" Dagdag na pang-aasar ko pa. Mas lalo tuloy nangamatis ang kanyang itsura at mabilis na napatayo na.
"Ang manyak mo!" Inis na saway nito sa akin habang pinapagpag ang suot na jeans.
Mayroon pa siyang sinasabi, ngunit wala na sa mga iyon ang aking atensyon kung hindi sa bawat pagkibot ng kanyang mga labi.
I wonder what they really taste like when I kiss them. I wonder how soft it is because it seems addictive to stare at.
I have never felt this way before. I have never been attracted to a girl like this in my entire life.
I have never been so crazy or addicted to the smell of hair, or the perfume a girl uses.
Wala pang babae ang binigyan ko ng ganitong atensyon. Pero si Alice? Ibang iba siya sa lahat. Siya ang unang babae na pinag first move-an ko, siya ang unang babae na nilingon ko ng dalawang beses, ng pangatlo, hanggang sa hindi ko na mabilang.
At higit sa lahat, nahihiya ako at kinakabahan kapag nasa harapan ko siya. Natatakot akong magkamali sa harap niya. Para bang, kung pwede lang, ayokong madisappoint ito sa akin.
This girl is really driving me crazy.
Kaya dahil doon, ay wala sa sariling hinawakan ko si Alice sa kanyang dalawang braso at mabilis na isinandal ito sa bookshelves.
Halatang nagulat at nagtataka ang kanyang mga mata noong gawin ko iyon.
"A-Anong...anong g-ginawa mo?" Halos pabulong na tanong nito sa akin. Kulang na lamang din ay maduling ito dahil sa pag titig sa aking mga mata.
Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng kanyang puso dahil sa kaba. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang paglunok nito.
Ngunit buong lakas na pinigilan ko ang aking sarili na huwag gawin ang bagay na pwede kong pagsisihan sa huli. Kahit na halos isang pulgada na lamang ang layo ng aming mga labi, ay walang nagawa na napapikit na lamang ako bago siya iniwanan doong nakatayo mag-isa habang nagtataka.
Fuck!
Hindi ko mapigilan ang mapamura habang naglalakad palabas ng library.
I'm so sorry, Alice. I can't face you right now because I'm so tempted to do the thing I know you won't like.
When I know one thing I can do, I will never stop.