Chapter 9 - Chapter 11

Now playing: I'd Rather

Alice

"Sure ka, hindi talaga sasama?" Tanong ko kay Sarah mula sa kabilang linya. Kanina ko pa ito pinipilit pero nagmamatigas talaga.

Kaarawan kasi ngayon ni Axel. Inimbitahan niya ako at pati na rin ang aking mga kaibigan. Syempre, pumayag naman agad ang mga ito lalo pa at libre lahat ni Axel.

Ang yaman niya ano? Hindi man lamang niya inisip na mapapagastos siya ng malaki, lalo na at sa isang mamahaling resort pa niya kami dadalhin.

Pero, mas okay na rin ito dahil makakapag relax kami kahit papaano mula sa nakaka stress na school works. Tama?

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Sarah mula sa kabilang linya. "At ilang beses ko rin bang kailangang sabihin sayo na hindi nga ako makakasama. Mas gusto ko pa ang mag-isa kaysa ang makasama yang mga sosyal mong kaibigan ano?" Hindi ko naman mapigilan ang mapatirik ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi.

Eh siya rin naman ah. Mukhang sosyal kahit hindi naman dahil sa kutis at ganda niyang mamahalin.

"Okay, kung hindi talaga kita mapipilit." Sabi ko. At magsasalita pa sana akong muli nang biglang sumingit si Lila.

"Alice, let's go! Hayaan mo na nga yang baliw mong kaibigan na yan." Sabay talikod na sabi nito sa akin.

Napapailing na lamang ako habang tinitignan ito pabalik kung nasaan sina Billy. Paalis na kasi kami ngayon at hinihintay na lamang namin si Raven.

"Who's that? Lila?" Rinig ko na tanong ni Sarah at halatang biglang na inis sa narinig.

"Y-Yeah." Utal na sagot ko dahil for sure mas lalong maiinis na naman siya sa isa. May sinabi pa itong muli pero hindi ko na narinig dahil sa malakas na busina ng sasakyan ni Axel.

Agad naman na nagpaalam na ako kay Sarah at sinabing paalis na kami. Sinabi na lamang din nito na mag-iingat ako sa aming lakad.

"Si Raven? Hindi na ba natin siya hihintayin?" Tanong ko kay Axel habang sinusimulan nitong baybayin ang kalsada.

Agad na napasilip din ako sa aking cellphone, umaasa na mayroong text message galing kay Raven pero bigo ako.

"Sabi niya mauna na raw tayo." Sagot ni Axel. "May kailangan pa raw siyang daanan." Dagdag pa niya. "Don't worry, she'll be there soon."

Binigyan ko ito ng isang mabagal na ngiti. "O-Okay." Iyon lamang ang tanging nasabi ko at pagkatapos ay ibinaling na lamang ang mga mata sa labas ng bintana. Hindi ko rin mapigilan ang mapahinga ng malalim.

Kaysa ang mag-isip ng kung ano ay binuksan ko na lamang din ang bintana upang makalanghap ng hangin. At para na rin hindi antukin sa biyahe.

----

Mabilis lamang kaming nakarating sa resort. Agad na sinalubong at binati kami ng mga staff at dinala sa aming rooms para makapag pahinga sandali.

Pero itong mga kaibigan ko na mukhang sanay na sanay sa biyahe eh, mas inuna pa ang magsuot ng kanilang swimsuits kaysa ang mahiga sa kama.

Napapangiti na lamang ako rito habang tinitignan silang isa-isang pumapasok sa loob ng banyo para magpalit.

"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" Tanong ni Adriana bago ako tinignan mula ulo hanggang paa. Naka suot parin kasi ako ng aking fitted jeans at t-shirt. Ewan ko rin at kung bakit ito ang naisipan kong suotin knowing na resort ang pupuntahan namin.

Nagkibit balikat lamang ako. Napa ngisi lamang din ito at naupo sa aking tabi sa ibabaw ng kama na ngayon ay naka suot na ng kanyang bikini.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok dahil sa magandang hubog ng kanyang katawan. At dito pa talaga siya dumisplay sa aking harapan na animo'y nag susun batting.

Mabilis na nagbawi ako ng aking mga mata bago napa tikhim.

"Oh please, feel free to stare at me. It's free." Rinig kong sabi nito sa mahinang boses sakto lamang upang marinig ko.

"A-Ano?" Gulat na bulalas ko at magsasalita pa sana nang maunahan niya.

"Did you have a girlfriend?" Diretsahan na tanong nito sa akin bago napatitig sa aking mukha. Awtomatiko naman na nang init ang aking mga pingi.

"What?! Of course n---"

"Ah, yes you do. Right?" Putol nitong muli sa akin. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagka inis. Sinabi ko bang yes? Okay lang ba siya?

"Wala naman akong sinasabi na---" Muling naputol ang gusto kong sabihin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Binigyan ako nito ng isang mapang asar na ngisi bago napatayong muli mula sa pag upo. "I gotta go." Pagkatapos ay tinalikuran na ako.

Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga ng malalim atsaka lumabas na rin mula sa loob ng silid na iyon.

----

Hapon na, pero hanggang ngayon ay hindi parin nakakarating si Raven. Kanina ko parin ito gustong itext pero ewan ko rin ba at kung bakit parang may isang bagay na bumubulong sa akin na huwag kong gawin. Hindi ko magawa.

Hindi ko rin mapigilan ang mag-alala. Syempre 'no? Kaibigan ko na rin kaya yun. Atsaka...napalapit na kami sa isa' t isa.

"Napaka seryoso mo naman." Rinig kong komento ni Axel mula sa aking likuran. Tinutulungan rin kasi ako nito sa pag grilled ng barbeque para sa aming hapunan.

"Pagod kana bang magluto kaya mukhang malalim na ang iniisip mo?" Dagdag pa niya. Napatawa naman ako sa sinabi nito.

"Sira! Hindi 'no?" Sagot ko sa kanya. "Kaysa naman ang gumastos ka pa. Siguradong ginto rin ang presyo ng mga pagkain dito." Dagdag ko pa. "Atsaka birthday mo ngayon, deserve mo ang pagsilbihan."

"Tama si Alice." Sang-ayon naman ni Lila na humahakbang papalapit sa amin.

"Masarap kayang magluto ang bestfriend ko. Ayaw mo ba 'non? Hindi pa kayo pero asawa na ang turing sayo. Pinagsisilbihan kana." Awtomatiko naman na tinignan ko ito ng matalim. Ang sama talaga minsan ng tabas ng dila ni Lila.

Hindi naman napigilan ni Axel ang mapatawa. "I really like you." Ganting pangbobola naman nito kay Lila.

Nagpatuloy kami sa aming pag-aasaran at tawanan hanggang sa biglang mayroong tumawag sa pangalan ni Axel.

Sabay-sabay kaming napa lingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Iyong boses na kanina ko pa hinahanap at gustong-gustong marinig.

"Raven, dude you're late." Halatang nagtatampo na wika ni Axel. Ngunit agad niya ring sinalubong ang kaibigan at niyakap.

"Happy birthday." Pagbati ni Raven sa kanya at inabot ang isang paper bag na sa tingin ko ay regalo nito para kay Axel.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpalinga-linga si Raven sa paligid, hanggang sa mahanap ako ng kanyang mga mata. Ilang segundo rin yatang nagkatitigan kami at pagkatapos ay bibigyan ko sana ito ng isang ngiti nang biglang may isang babae na sumulpot mula sa kanyang likuran at agad na napakapit sa kanyang braso.

Rinig ko ang pag sipol na ginawa ni Billy mula sa unahan habang naka tingin sa babaeng katabi ni Raven. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin at pag aper nito kay Adriana, halatang nagkakatuwaan pa. Habang si Breeze naman ay sumasabay din sa trip nila.

Magkakaibigan nga sila. Sabi ko sa aking isipan.

Habang ako naman ay lihim na pinasadahan ko ng tingin iyong babae. Grabe, ang sexy niya! Naka suot lamang din kasi ito ng kanyang bikini, dahilan upang mas lalong makita ang magandang hubog ng kanyang katawan. Lalo na iyong naglalakihan nitong hinarahap na tiyak na mapapalingon talaga sa kanya ang lahat ng kalalakihan.

Ang kinis nito at talagang bumagay sa kanyang beauty ang kanyang kayumangging kulay. Ang tangkad din niya. Para siyang isang beauty queen na naligaw lamang dito sa aming harapan.

Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng pagseselos. Lalo na at magkadikit lamang ang mga balat nila ni Raven.

Isama mo na at naka bikini pa siya ngayon, hindi katulad ko parang manang ang kasuotan at kulang nalang eh magmukhang yaya ng mga kaibigan ko.

Wait, teka nga. Ako? Nagseselos? Huh! At bakit naman ako magseselos?!

Naka bikini lang naman siya ha! Kaya ko rin namang magsuot ng ganyan. Ayoko nga lang! Hmp.

"Uh, guys. I would like you to meet Stacey." Pagpapakilala ni Raven sa babaeng kasama.

"Hi Stacey." Agad na pagbati ni Adriana kay Stacey.

"Hi guys!" Naka ngiting pagbati rin nito sa tatlo at agad na lumapit sa kanila.

Hinintay ko naman na muli akong tignan ni Raven pero hindi na niya iyon ginawa. Inaamin kong... medyo nasasaktan ako ngayon. At kung bakit? Hindi ko rin alam.

Pakiramdam ko, para akong isang bata na naagawan ng paborito kong laruan.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang na mayroong biglang humapit sa aking beywang at agad akong hinila palapit sa kanyang katawan.

"Hungry?" Binigyan ko ng isang pekeng ngiti si Axel bago kumalas mula sa pagkakahawak nito sa akin.

Alam kong napansin nito ang biglang pagbabago ng mood ko pero mabilis niya iyong naitago.

"M-Mabuti pa nga siguro kumain na tayo." Sabi ko kay Axel ngunit hindi naman makatingin sa kanyang mga mata.

Ewan ko, ang sama ko ba? Pero bakit ganon? Dumating lang si Raven, napuno na naman ang aking isipan ng mga bagay tungkol sa kanya. Hays.

Ngunit ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit parang iniiwasan ako ngayon ni Raven? Lahat kinakausap niya, tinitignan niya, nginingitian niya maliban sa akin. Hindi naman halatang ayaw niya akong kausapin, hindi ba? Pero bakit?

Isa pa itong si Stacey, kung makatitig at makasubo ng pagkain kay Raven kanina daig pa ang...ay ewan.

'Yung ka sweetan nilang dalawa hindi nakakatuwa.

Kailan pa ako naging ganito ka bitter?

Atsaka bakit hindi maalis-alis iyong mga mata ko kay Raven? Bakit? Deadman nga ako diba?!

Deadma ka Alice!

Sa inis ko ay sinubukan ko muna ang mapag-isa. Agad na nagtungo ako sa medyo tahimik na paligid. Pero kahit saan yata ako magtungo eh wala akong mahanap na katahimikan dahil nagkalat ang mga tao sa buong resort.

Noong may makita ako na isang bench ay dali-daling lumapit ako roon at naupo. Hindi masyadong matao dito banda at ang tanging maririnig lamang ay ang mabagal na musika na nang gagaling sa may hindi kalayuan.

Napalunok ako at napapikit. Ngunit mabilis ko rin na muling iminulat ang aking mga mata dahil ang mukha na naman ni Raven ang aking nakikita.

"Hays!" Frustrated na napasigaw ako at napasabunot sa aking buhok.

"Stress ka rin? Ako rin!" Awtomatiko akong nag-angat ng aking ulo at bumungad sa akin ang galit na mukha ni Lila.

Napa irap ako. "Pwede bang umalis ka muna rito gusto kong mapag-isa." Pakiusap ko sa kanya.

Ngunit hindi ito nakinig at pumaroon at parito lamang sa aking harapan.

"Lila!" Saway ko pa.

"Nakakainis yang si Sarah!" Biglang singhal nito sa akin. Napakunot naman ang aking noo.

"Sarah? A-Anong meron kay Sar--"

"Bakit hindi mo sinabi na may outing rin pala sila---" Natigilan siya sandali. Halatang pinag-iisipan ng mabuti ang susunod na sasabihin. "Argh! Yang best friend mong yan panira talaga ng araw kahit kailan. I hate her so much!"

"Teka, ano ba kasing nangyari? Atsaka bakit inis na inis ka na naman sa kanya? May ginawa na naman ba siya?" Naguguluhan na tanong ko.

"Oo!" Diretsahang sagot nito. "Muktik ba naman akong mahalikan doon sa may pool kanina. Ang lampa naman kasi eh, sa akin pa siya bumagsak!" Naiiyak na sabi nito na parang isang bata na nagsusumbong sa kanyang nanay.

Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang mapatawa ng malutong. "Ano namang nakakatawa roon? Hays! Dyan kana nga!" Sabay padabog na muli niya akong tinalukuran.

Iiling-iling na naman ako sa aking sarili. Kung hindi lang sila magkaaway palagi, iisipin ko mag jowa na sila. Hahaha. Pero, malabo yatang mangyari iyon eh.

Atsaka, nandito si Sarah? Ibigsabihin may iba siyang mga kasama. Psh! Bakit kailangan pa niyang magsinungaling sa akin kanina? Nakakatampo na siya ha.

Hindi na rin ako nagtagal pa roon, mahirap na at baka maubos pa ng mga lamok ang dugo ko. Isa pa, baka hinahanap na rin ako.

Pabalik na sana ako sa aking mga kaibigan noong makita ang naglalakad na si Raven. Kapwa kami napahinto sa aming paghakbang nang magtama ang aming mata sa isa't isa.

May kalayuan pa kami sa isa't isa, pero parang naka auto zoom in ang aking mga mata sa kanyang mandang mukha dahil doon lamang ito naka focus.

Napapalunok ako...bakit parang kinakabahan yata ako? Kailan pa ako na nakaramdam ng nerbyos na makita siya?

Pilit na binalewala ko iyon at tuluyang binigyan ng ngiti si Raven. Kahit na di niya ako kinakausap. Kahit na iniiwasan niya ako. Itinaas ko na rin ang aking kanang kamay para kumaway sa kanya nang siya namang maramdaman ko ang isang mahigpit na pagyakap mula sa aking likuran.

"Alice..." Awtomatikong nabura ang aking mga ngiti na para sana kay Raven.

Mabilis napaharap ako kay Axel at magsasalita na sana nang maunahan niya. "Thank you for this day." Kumikinang ang mga mata na nagpapasalamat siya na para bang mayroon talaga akong magandang nagawa para sa kanya ngayong araw.

Ngunit bago pa man ako muling magsalita ay napalingon muna ako sandali sa direksyon kung nasaan si Raven. Malungkot na napahinga ako ng malalim noong makita na wala na ito sa kanyang kinatatayuan kanina.

Iniisip kaya niyang boyfriend ko na si Axel?

Bakit pakiramdam ko, kailangan kong magpaliwanag sa kanya?