Chapter 6 - Chapter 5

Now playing: Way Back Into Love

Alice

Ang inaasahan kong mahihirapan ako sa pagising sa umaga eh, hindi nangyari. Maaga akong nagising kaysa sa alarm ko kaya naman maaga rin akong naligo at naghanda para sa pagpasok.

Araw ngayon ng biyernes, kaya naman inaasahan ko na mas maraming assignments ang ibibigay sa amin. Hindi na rin ako nag-almusal pa. Madalas kasi talaga, hindi ako nag aalmusal dahil bukod sa nagtitipid eh, kinukulang rin sa oras. Mas gusto ko kasi ang hindi malate sa unang klase kaysa ang kumain.

At ngayon nga, naglalakad na akong muli patungong eskwelahan. Noon ko rin naisipan na tignan ang aking cellphone kung mayroon bang text message para sa akin.

Isa galing kay mama:

"Mag-iingat palagi anak. Huwag masyadong pagurin ang sarili."

Awtomatiko na napangiti ako nang makita iyon. Para bang binigyan ako ng maraming energy para ngayong araw.

Mayroong pang isang message, at nang galing naman iyon kay Sarah.

"Mag-oovernight ako sa b-house mo tonight."

Hindi ko mapigilan ang mapakunot ang aking noo dahil never naman yatang nag overnight si Sarah sa tinitirahan ko.

Hayst! Ayoko na munang unahin ang ibang bagay at mag isip ng kung anu-ano. Kailangan kong mag focus para sa unang subject ngayong araw.

Wala pang masyadong estudyante noong tuluyang makapasok na ako gate. Iilan pa lamang din ang mga sasakyan na nandito.

Siguro nga masyado lamang akong napaaga kaya ganoon. Nagpatuloy lamang ako sa aking paglalakad, naghahanap din ng pweding maupuan sandali upang makapag review noong narinig kong may tumawag sa aking pangalan, mula sa malapit na parking area.

"Raven?" Bigkas ko ng pangalan nito noong makita na kumakaway siya habang masayang binubuksan ang pinto ng kanyang kotse.

Agad din itong lumapit sa akin pagkatapos. Hinihingal pa at halatang puyat pa. Pero kahit na medyo nanlalalim ang kanyang mga mata ngayon eh, hindi iyon nakabawas sa angkin nitong ganda. Napangiti ako ng lihim sa aking sarili at hindi ko rin alam kung bakit.

Hindi parin siya nakasuot ng school uniform hanggang ngayon. Hindi ba talaga siya marunong sumunod sa school rules?

Well, mukhang wala naman talaga sa itsura niya ang sumunod sa ano mang rules.

Mabilis na nagbawi ako ng aking paningin noong nakita kong napadila siya sa ibabang parte ng kanyang labi.

Ano ba yan!

"Wow! Masyado ka yatang maaga ngayon. Anong nakain?" Sarkastikong komento ko sa kanya upang hindi mag mukhang guilty, bago nagpatuloy sa paglalakad.

Napatikhim lamang ito at agad din na sumunod sa akin. "Mali bang mag paka estudyante ako?" Tugon niya.

"Bakit? Sinabi ko ba?" Wika ko bago napa irap.

"H-Hindi." Tipid na wika niya at magsasalita na naman sana noong mapahinto ako at mabilis na napahawak sa aking tiyan dahil bigla na lamang itong nag alburuto.

Awtomatiko na muling nagbaling ako ng aking mga mata kay Raven at tinignan ito ng masama.

"Bakit sa tuwing nakikita kita, natatae ako? Hays!" Pagmamaktol ko at agad na nagtungo sa direksyon patungong CR. Mabuti na lamang at nasa malapit lamang kami, hindi ko na kailangang tumakbo sa malayo.

Hindi ko alam eh nasa likuran ko parin pala siya.

"Ano?! Mukha ba akong inidoro?!" Inis na bigkas niya ngunit hindi ko na lamang ito pinansin pa at malakas na pinagsarahan ng pinto.

Hays! Nakakahiya naman, Alice. Ke aga-aga eh iyon agad ang ibubungad mo? Dismayadong sabi ko sa aking sarili.

Kung bakit naman kasi palaging ganito ang tyan ko? Naman eh!

Noong natapos na ako eh, hindi na rin ako nagtagal pa sa loob ng CR. Mabilis na muli akong lumabas, umaasa na sana ay wala na si Raven. Pero mali ako.

Prentong naka sandal pa ito sa may labas ng pinto habang naghihintay sa akin. Napapikit ako bago napahinga ng malalim.

Bakit naman ganito ang umaga ko? Nanghihina na tanong kong muli sa aking isipan.

Noong makita niyang tapos na ako eh isang ngiti ang iginawad nito sa akin. Iyong ngiti na alam mong may ibig sabihin ngunit hindi ko naman alam kung ano.

Hindi ako kumikibo. Ayaw ko siyang kausapin. Ayaw ko ring makarinig ng kung anong pang-aasar mula sa kanya dahil masyado na akong hiyang-hiya sa sarili ko.

Napahinto ito sa paglalakad at mataman na tinitigan ako sa mukha. Hindi parin ako makatingin ng diretso sa kanya.

Akala ko ay may sasabihin lamang siya pero hindi, walang sabi na hinila niya ako pabalik kung saan nakaparada ang kanyang kotse.

"Raven, saan mo naman ako dadalhin?" Sa halip na sagutin ako ay tuloy-tuloy lamang ito sa kanyang ginagawa.

Noong nasa tapat na kami ng kanyang kotse ay sandaling may kinuha ito mula sa loob. Isang paper bag na medyo may kalakihan.

Iginaya niya rin ako sa may hood ng kanyang kotse. Nauna siyang naupo roon, pagkatapos ay suminyas sa akin na tumabi ako sa kanya.

Walang nagawa na sinunod ko na lamang din siya. Tahimik at walang kibo na naupo ako sa tabi nito. Ngunit nag-iwan naman ng konting space sa aming gitna.

Hanggang sa isa-isa na nitong inilabas ang laman ng paper bag. Nasa limang food container iyon at lahat ay mayroong laman na pagkain. Isa-isa at tahimik niya rin iyong binuksan, hindi ko mapigilan ang mapalunok noong makita na mukhang masasarap at bagong luto ang mga iyon.

Naglagay din ito ng tinidor at kutsara sa aking harapan pagkatapos, bago ito muling nag-angat ng kanyang mga mata sa akin.

Mabilis naman at nagkuwari na sa ibang direksyon ako nakatingin. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

"Did you know that at this age, I can master different types and recipes of foods?" Sabi niya.

Bakit ganoon? Hindi siya mukhang mayabang, sa halip ay ang cool pa niyang tignan habang sinasabi iyon. Napatikhim ako.

"S-Sinasabi mo ba ngayon na ikaw ang nagluto ng mga ito?" Napatango ito bilang sagot sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapa 'Wow' sa aking isipan.

Hindi nito inaalis ang kanyang mga mata sa akin. Mayroong sinasabi ang mga iyon habang nagkikislapan pa, ngunit hindi ko naman mawari kung ano. Hindi naman kasi ako manghuhula.

Pero shit! Bakit nakakailang siyang tumitig? N-Nakakaakit.

ANO?! Nahihibang kana ba Alice?!

Sa inis ko sa pakikipagtalo sa aking isipan eh wala sa sarili na nahawak ako ng kutsara bago mabilis na tinikman ang isang putahe.

OH. MY. GOD!

Ang sarap! Muli akong napakuha at mabilis na muling isinubo iyon. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Raven.

"I know you will love this food." Natatawa na sabi nito sa mahinang boses. "And I'm glad because I cooked those myself," Dagdag pa niya. "for you."

Awtomatiko akong nabilaukan nang marinig ang sinabi niyang iyon. Agad naman niya akong inabutan ng tubig habang napapangisi.

Niluto niya ang mga ito para sa akin?

Bakit? Dahil ba alam niyang hindi ako kumakain ng almusal? Naguguluhan na tanong ko sa sarili.

-----

Buong araw nalang yata akong nag-iisip dahil sa nangyaring pagkikita namin ni Raven kanina. At sa buong araw na iyon, hindi siya nawala sa aking tabi, maging sa paningin ko.

Lalo na sa aking isipan. Biglang singit ni inner self.

Hindi ko naman ito pweding iwasan dahil magkaklase kami sa lahat ng subjects. Maging ang aming lunch break ay parehas din.

Hapon na ngayon, huling klase para sa araw na ito. At inaamin kong kahit anong focus ang gawin ko ay hindi ko iyon magawa.

Mabuti na lamang kahit papaano eh nakapag review ako kagabi, mayroon akong naisagot sa sa quiz.

"Okay, I will tell you the result of your first quiz." Sabi ni Mrs. Caar mula sa harapan ng klase habang hawak ang aming mga quiz paper kanina.

"Ms. Saavedra," Awtomatiko akong kinabahan noong marinig kong tawagin nito ang aking apelyedo.

"Y-Yes?" Ramdam kong lahat ng mga mata ay nasa akin.

"You have the highest score. Good job!" Hindi ko mapigilan ang mapahinga ng maluwag. Akala ko naman...

"Still number 1, huh?" Naka ngiting komento ni Breeze. Binigyan ko ito ng isang ngiti ganoon din si Lila sa aking tabi.

"But how about you Ms. Delo Santos?" Natigilan ako nang marinig ang apelyedo ni Raven na tahimik lamang na nakikinig kay Mrs. Caar.

Agad din na pinagtinginan siya ng lahat. Naririnig ko pa ang bulungan nina Billy at Adriana. Titignan ko na rin sana ito nang bigla siyang napabulong.

"Don't look at me." May halong pagbabanta sa boses niya kaya napayuko na lamang ako.

"Is your class really Class A or Class F?" May pang iinsulto sa tono ng boses ni Mrs. Caar. Dahilan upang mapayuko na lamang din si Raven gaya ko.

"Try to study hard hija, beauty does not matter when you don't have a brain." Dagdag pa niya. Napapailing na lamang ako in disbelief.

Paano niya nasasabi iyon sa kanyang estudyante? Sa harap ng buong klase? Hindi ba dapat eencourage niya ang kanyang estudyante na mas magsumikap pa? Ngunit bakit ganon ang ginagawa niya?

Ramdam ko rin ang awkward at tensyon na nararamdaman sa buong silid, dahil kahit isa ay walang nagsasalita o umiimik sa amin.

"Today, I will group you by pair. And I will be the one who will decide." Muling wika ni Mrs. Caar bago nito tinawag ang mga pangalan ng magiging mag partner.

Ang unang pangalan na natawag ay sina Lila at Breeze. Habang sina Billy naman at si Adriana ay ang sumunod na mag partner. At pati na rin ang iba pa naming klase.

"Saavedra and Delo Santos." Mabilis na nagbaling ako ng tingin kay Raven. Ganoon din ito sa akin.

Kami talaga ang partner? Nanlalaki ang mga mata na tanong ko sa aking isipan.

Don't get me wrong huh! Hindi dahil sa ayaw ko siyang ka partner kung hindi dahil, gusto ko sana itong iwasan. Pero hindi naman yata umaayon ang panahon sa akin ngayon.

Pagkatapos banggitin ni Mrs. Caar ang aming mga pangalan at kung sino ang aming magiging partner, ay umalis na rin ito ng aming classroom bilang dismissal ng klase.

Agad naman na nag sitayuan na ang iba bilang paghahanda sa pag uwi.

"It's okay if you don't want me to be your partner. Kaya ko namang mag-isa." Matigas na sabi ni Raven sa akin. Sakto lamang ang lakas upang marinig ko.

Kusa akong nagbaling ng aking mga mata sa kanya. At magsasalita na sana nang mabilis itong tumayo na at walang lingon likod na lumabas na rin ng classroom. Napahinga na lamang ako ng malalim sa aking sarili.

"Hindi kana lugi. Dahil hot na, sexy at maganda pa ang naging partner mo." Bulong ni Lila habang naka kagat labi pa noong naglalakad na kami sa corridor. Pagkatapos ay napatakbo na ito para habulin sina Billy sa unahan.

Napapailing na lamang ako. Psh! If I know type lang niya ang mga tulad ni Raven, iyong mga bad girl.

Nasabi ko na ba sa inyong gay si Lila? Ganoon din si Sarah. Actually, pati rin pala sina Breeze, Billy at Adriana.

Yep, magaganda sila na maganda rin ang gusto. Kuha niyo?

Naramdaman kong mayroong umakbay sa akin dahilan upang matigilan ako. Kahit na hindi ko pa man nakikita ang mukha niya, alam kong si Raven ito.

Gusto ko pa sanang tanungin kung ayos lang ba siya ngunit naunahan na naman niya ako.

"So, pwede mo na ba akong i-treat ngayon? And I'm hoping na dadalhin mo na ako sa masarap na---"

"Seryoso ka ba? Hindi ka ba talaga marunong makinig sa teacher natin?" Putol ko sa kanya bago inihagis ang aking hawak na libro sa kanyang dibdib na agad rin naman nitong nasalo.

"Magbasa ka. May group quiz tayo sa monday." Pagkatapos ay mabilis na tinalikuran ko na ito.

Nakakainis siya! Kung anu-ano pa ang iniisip niya kaysa ang mag-alala sa magiging grades niya. Nakakailang hakbang na ako ng muli na naman akong napahinto.

Hays! Naman eh!

Hanggang sa nahuli ko na lamang ang aking sarili na naglalakad pabalik kay Raven, na hanggang ngayon ay nakatayo parin kung saan ko siya iniwanan kanina.

Mabilis na hinablot ko mula sa kanyang kaliwang kamay ang hawak nitong cellphone at iti-nype roon ang aking cellphone number. Walang nagawa na napatulala na lamang din ito sa akin. Habang napapalunok ng mariin.

"May pantawag ka ba?" Tanong ko.

"Huh?" Halatang naguguluhan siya.

Bakit pa ba ako nagtatanong, eh mayaman nga pala siya. For sure naka unlimited calls pa ito. Mabilis na tinawagan ko ang aking sariling number. At noong nag ring na ito ay agad na pinatay ko na rin ang tawag.

"Tatawag ako bukas. Sabay tayong mag rereview." Pagkatapos ay muling tinalikuran ko na siya.

Habang naglalakad papalayo, hindi ko namalayan na naka ngiti pala ako. Napatikhim ako at pinilit na maging seryoso ang aking itsura.