Chapter 2 - Chapter 1

>>> Eight Years Earlier <<<

Alice

"Ma, ako na po ang bahala sa allowance ko. Kaya ko naman eh. Pleaseee!!" Pakiusap ko sa aking ina dahil nangungulit na naman ito para sa mga gastusin ko.

"Alice, hindi mo naman kailangang solohin ang mga gastusin. Nandito pa kami ng Papa mo, responsibilidad namin ang paaralin at gastusan ka." Sabi pa niya mula sa kabilang linya. Napahinga ako ng malalim.

"Ma, ilang beses ko ho bang sasabihin na gusto kong maging independent. Paano ako magiging isang ganap na Attorney kung aasa ako palagi sa inyo?" Pangungumbinsi ko parin rito.

"Oh siya, basta ha mag-iingat ka palagi." Paalala nito bigla at tuluyang sumuko na sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapa ngiti ng matagumpay sa aking sarili habang naglalakad patungo sa pabotiro kong convenience store malapit sa aking boarding house.

Naglalakad na kasi ako kanina noong tumawag si mama. Alam ko, miss na miss na nila ako dahil kahit Summer, hindi ako umuwi sa kanila para magbakasyon. Mas gusto ko kasi ang humanap ng mga raket para kahit papaano eh makapag-ipon at makabawas sa kanilang mga gastusin.

Ganon talaga ako, lumaki ako na mayroong sariling deskarte sa buhay. Kaya kahit high school pa lamang ako, gusto ko ng matutunan kung paano ang mamuhay ng mag-isa at hindi umaasa sa kahit na kanino.

Pero minsan naman, syempre kinakailangan ko parin ng tulong mula sa aking mga magulang. Kaya hangga't makakayanan kong tustusan ang pang araw-araw ko eh, ginagawan ko talaga ng paraan.

Nasa fourth year high school na ako ngayon, masasabi kong proud ako sa aking sarili dahil napanatili ko ang maging number 1 palagi sa mga klase. Kahit na nagmula lamang ako sa isang mahirap na pamilya, isang working student kung saan madalas, nagtatrabaho sa gabi at nag-aaral sa umaga.

Never pa rin kaya akong nagkanobyo ano? Para kasi sa aking mga magulang, sagabal lamang iyon. At alam kong tama sila. Kaya kahit sandali, never pa talagang sumagi sa aking isipan ang pumasok sa isang relasyon. Isa pa, napaka bata ko pa ano para makipag nobyo? Mamaya pa niyan...mabuntis pa ako. Paano na ang mga pangarap ko, hindi ba?

Agad akong napailing nang maisip iyon.

Ano ba kasi ang pumasok sa kukuti ko at naisipan ko ang ganoong bagay? Tss!

Kumuha na muna ako ng basket mula sa may entrance ng tindahan at pinili lamang ang mga mahalaga at importanteng bagay, bago tuluyang nagtungo sa cashier kung saan naka upo si Nathan, ang sasakan ng hambog na anak ng may-ari ng tindahan na si Aling Obet.

Papalapit pa lamang ako ay nakikita ko na agad ang nakakapikon nitong mga ngisi.

"Uyy! May naligaw na naman yata. Magpapalibre ka ba sa akin?" Sabay taas baba ng kanyang kilay.

"Magbabayad ako." Masungit na wika ko at padabog na inilapag sa kanyang harapan ang basket.

"Galit ka pa yata eh." Pang-aasar niya habang ini-scan isa-isa ang laman ng basket. Hindi ko ito pinansin at sa halip ay napairap na lamang.

"546 lahat." Sabi nito na agad ko namang kinapa ang ang aking buong pera na isang libo mula sa likod ng bulsa ng aking maong short. "Pero dahil kaklase naman kita at maganda ka pa, 500 nalang." Pagkatapos ay napa kindat pa na dagdag nito sa akin.

Pinagtaasan ko lamang ito ng kilay at muling hinanap ang pera mula sa apat na bulsa ng aking short, pero wala akong mahanap.

Hays! Nakalimutan ko pa yata. Kung minamalas ka nga naman oh.

Dismayado at nahihiya na muling nagbaling ako ng tingin kay Nathan. "N-Nakalimutan ko yata 'yong pera ko--"

Hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang bigla itong napatawa ng malakas dahilan upang mapatingin sa aming direksyon ang ibang namimili. Mabilis pa sa alas kuwatro na tinignan ko ito ng masama dahilan upang manahimik siya.

"L-Libre ko nalang." Utal na wika niya habang namumula ang buong pisngi at hindi na muling makatingin pa sa akin.

"Hindi na, babayaran ko ito. Babalik lang ako--"

"Please!" Pamimilit pa niya na agad ko naman na binatukan sa ulo.

"Siraulo ka ba?! Hindi mo naman ito tindahan. Tindahan ito ng nanay mo." Patuloy na pagmamaldita ko. Tumabi ako sandali dahil may bagong customer na ang magbabayad. Tatalikod na rin sana ako para umuwi na muna sandali at kumuha ng pera nang biglang...

"Babayaran ko na rin 'yong kanya." Sabi ng babae na ngayon ay nagbabayad na. At ito namang si Nathan, halos kulang nalang eh tumulo na ang laway sa pagtitig sa mukha ng babae. Hindi ko masyadong makita ang itsura nito dahil naka hoddie jacket siya.

"Naku, miss. Huwag na ano ka ba, nakakahiya naman, isa pa hindi mo naman ako kilala." Pagtatanggi ko rito dahil nasa kamay na ni Nathan ang kanyang pera.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay tahimik na kinuha lamang nito ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Magsasalita na sana akong muli noong ini-abot na nito sa akin ang paper bag na naglalaman ng aking mga gamit na binayaran niya.

Sandali pa akong napatulala noong masulyapan ko ang kanyang mukha.

Shit! Ang ganda niya! Kahit na mayroong basag ang kanyang labi. Hindi ko tuloy mapigilan ang magtaka. Napaaway kaya siya?

"T-Thank you.." Wala sa sariling pagpapasalamat ko ngunit huli na dahil wala na ito sa aking harapan.

Artista ba 'yun? Tanong sa sarili at mabilis na napalingon sa kung saan siya lumabas kanina. Ngunit bigo ako dahil hindi ko na ito muling namataan pa.

----

Kinabukasan, humihikab at half close pa ang aking mga mata 'nong bumangon ako sa aking kama bago nagtungo sa banyo para maligo na.

"Waaaahhhhh!!!! Ang lamiiiiiig!!" Nagtititili na himpit ko sa loob ng banyo noong tumama sa aking balat ang malamig na agos ng tubig.

Kung bakit naman kasi nakalimutan kong mag-init ng tubig na pampaligo.

Ginaw na ginaw naman na lumabas ako ng banyo pagkatapos ng halos sampung segundo. Ayokong tumagal sa sa loob at baka mamatay ako sa lamig, ano?

Nanginginig ang buong katawan na isinusuot ko ang aking lumang uniform. Binili pa ito ni mama simula noong first year high school pa ako, ang lupet ano? Mas matibay pa sa relasyon ninyo ng Ex mo. Umabot na ng halos apat na taon. Hehe.

First day of school, ito ang isa sa pinaka paborito ko. New face, new friends and new classmates. Yay! Walang humpay ang saya na aking nararamdaman habang naglalakad patungong eskwelahan.

Walking distance lamang kasi ang eskwelahan na pinapasukan ko mula sa boarding house. Actually, sinadya ko talaga iyon para hindi ko na kailangang mamasahe.

"Aliceeeee!!!" Malakas na sigaw ng kilala kong boses noong makapasok na ako sa gate. Agad na hinanap ko ang pinang galingan nito.

Kumikinang ang mga mata nang dumako ang aking paningin sa kanya. Iyon ay walang iba kung hindi ang aking best friend na si Sarah. Maganda siya, matalino, hinahangaan ng lahat, dahil iyong tindig at beauty niya ay talagang pang modelo. Palagi nga siyang nananalo sa mga beauty pageant eh. Siya ang pambato ng aming school mula sa ibang eskwelahan. Nakaka inggit din ang baby blue eyes niya na hindi maitanggi na mayroon siyang ibang lahi. Mabait din naman siya, pero maldita sa ibang estudyante. Lalo na kay Lila, iyong isang ko namang best friend na nakilala ko naman noong third year high school kami. Ewan ko nga at kung bakit ayaw na ayaw nila sa isa't isa. Hayyyy.

Nagtatatalon naman sa tuwa at excitement na niyakap namin ang isa't isa.

"I miss youuuu!" Naka ngiting sabi nito habang kinukurot ang magkabilaang pisngi ko.

"Namiss din kita!" Pagkatapos ay muli ko itong niyakap. Noon naman narinig namin ang nagsisigawan na ibang estudyante, at lahat sila ay naka tingin ng diretso sa amin.

Nagtataka man habang nanlalaki ang mga mata ay mabilis na itinulak ko si Sarah sa gilid, habang ako naman ay naiwang mag-isa sa gitna ng daan at handa na sanang masagasahan ng isang mamahaling sasakyan, noong mabilis ang preno na huminto ito sa aking harapan.

Halos himatayin ako sa kaba pati na rin iyong ibang estudyanteng naka saksi sa nangyari.

Akala ko, katapusan ko na.

"Asshole!" Sigaw ni Sarah noong lumapit ito sa tabi ng sasakyan sabay sipa nito sa gulong. "Kung gusto mong magpakamatay huwag ka ng mandamay!" Galit na dagdag pa niya.

Hindi nagtagal ay may ibang teacher na rin ang lumapit at guwardya dahil sa nangyari. Sabay-sabay naman na napa singhap ang lahat noong makita na bumukas iyong pintuan, kung saan naka upo ang driver ng sasakyan at iniluwa nito ang isang mala anghel ngunit bad girl look na itsura ng isang babae.

Naka ngisi na tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ito napa kagat sa kanyang labi...

"Paumanhin, binibini." Parang wala sa loob na sambit nito. Hindi ko mapigilan ang mapanganga dahil sa hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.

Muntik na kaya niya akong masagasahan! Manhid ba siya?!

Lalapitan pa sana ito ni Sarah ng mabilis na muling pumasok na siya sa kanyang kotse at walang alalinlangan na muling pinasibad ang kanyang sasakyan.

Anong akala niya rito sa eskwelahan, high way?

Dahil sa mga katulad niya kaya gusto kong maging isang Abogada. Nakakainis lang!

Pero...kusa akong natigilan nang maalala ang mukha na iyon.

Hindi ba siya iyong babae kagabi sa convenience store? No way!