CHAPTER 31: The Writing On The Wall
BLAIR WADSON
Nag-aya si Kaleon na maligo kami dahil daw simula ng makaakyat siya sa itaas ng puno, hindi siya sumubok na bumaba dahil sa takot. Since ang ginawa namin kanina ni Jem ay paglalaro lang, pumayag na rin kami.
Si Kaleon ang unang lumusong sa tubig.
"Doon ako banda maliligo," sabi ko kay Jem. Mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin dahil tango lang ang isinagot niya. I made my way farther from their place. Nang sa tingin ko ay sapat na ang layo ng puwesto ko sa kanila, sinimulan ko nang hubarin ang basang blouse ko. Sinunod ko ang palda ko. Itinira ko ang bra at ang underwear ko. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang paligid ko.
Muli kong naramdaman ang kalamigan ng tubig nang lumusong ulit ako. Ang sarap sa pakiramdam. Ipinatong ko ang mga basa ko ng damit sa malaking bato at ibinabad ang sarili ko sa ilog. Isang araw lang ang lumipas noong huli akong naligo, pero mabilis kong na-miss ang pakiramdam sa balat ng malamig na tubig. It was refreshing, I had to admit.
Ipinatong ko ang batok ko sa damuhan at tumitig sa langit. Nahaharangan ng mga puno ang araw pero may sapat na butas para makita kung gaano kaaliwalas ang langit ngayon.
"Two days…" I whispered.
Yes, it had been two days since the accident. At marami nang nangyari. It was all unexpected. Alam kong dapat ay hindi ako magtiwala sa kahit na sino man ngayon dahil nang sinubukan kong magtiwala kay Evangelyn, she just betrayed and left us. At alam kong ganoon din ang ginawa ko kay Celaena. No, Blair, you saved yourself, sabi ng isang bahagi ng isip ko.
Nararamdaman ko ang init na hatid ng araw sa mukha ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko ang sarili kong makaramdam ng init. Naririnig ko ang masayang tawanan nila Jem sa kabilang bahagi ng ilog. Mabuti pa sila… masaya.
Ikiniling ko ang ulo ko. "You can do this, Blair," I said to myself.
Muli kong naalala ang mukha ni Mrs Chua at ang mga salitang binanggit niya. When the time comes, tell your classmates that I was sincerely sorry that I couldn't do anything about it, her voice echoed inside my head again. Ms Wadson, you should ready yourself for what is about to happen. It was a warning… at ito ba ang babala na sinasabi niya sa akin? If so, she knew that this would happen? Pero bakit niya ito hinayaan… Dahil wala siyang nagawa… that's what she had said to me. I should've taken that seriously.
Tell them I tried, Mrs Chua's serene face staring back at me.
The pin… I suddenly realized. Lumapit ako sa malaking bato at kinuha ang palda ko. I took out the thing that was still inside its pocket. What is the meaning of this thing?
Para itong puzzle na gusto kong resolbahan. But I just couldn't seem to find its pieces.
I decided to get out of the water. Tinuyo ko ang sarili ko gamit ang panyo ko at nagbihis na. I have to tell them…
"Jem, Kal! I have to tell you something!" I called out for them.
Bumalik ako sa puwesto nila Jem nang makita ko siyang nakatingin sa itaas—sa mga puno. Bahagyang nakakunot ang noo niya.
"How's the view, Blair?" mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at nakitang si Kaleon iyon. His hair was obviously wet at may ilang tubig na tumutulo galing doon. Nakangisi siya.
Nang ibalik ko ang tingin kay Jem, saka ko lang na-realize na ang tanging suot niya lang ay boxer briefs. Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko at tumalikod. Kanina kasi, naka-polo pa siya nang lumusong kami. At ngayon…
Narinig kong humagalpak ng tumawa si Kaleon.
"Hoy, John Emmanuel, magdamit ka nga!" sabi ko. I could still hear Kaleon laughing. He was enjoying this, asshole.
I flinched when I felt Jem walked past me. Kinagat ko ang ibaba kong labi at naikuyom ang mga kamay ko.
"Miss President, full name ko pa talaga ang ginamit mo," I heard him say. "I didn't realize you were there."
Gusto kong lumubog ngayon sa lupa sa kahihiyan. But I wasn't checking him out. Sa mukha niya lang ako nakatingin. At pumunta ako sa puwesto nila para sabihin ang conversation namin ni Mrs Chua.
Kaleon was saying something to Jem. "Yeah, actually medyo kanina pa nga, eh. She said that she wants to tell us something," ani Kaleon at humagalpak ng tawa.
Nakadamit na ba siya? Gusto ko nang banatan itong si Kaleon. Baka akalain pa ni Jem, binobosohan ko siya. Madiin pa ring nakalapat ang kamay ko sa aking mukha.
"Okay na, Blair! Nakadamit na siya," tila ba nabasa ng huli ang nasa isip ko.
May naramdaman akong kamay na humawak sa nakatakip na mga kamay sa mukha ko. Dahan-dahan niyang ibinaba iyon.
"Presentable na akong tingnan," si Jem.
Nagmulat ako, my hands were still ready to block my eyes if he was still nude. Bumungad sa 'kin ang mga mata niya. Masyadong malapit ang kanyang mukha. He was smiling at me. Sa hindi ko malamang dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko. Kinailangan ko pang kumurap. May narinig akong tumikhim sa likuran namin—si Kaleon.
"A-ah… o-okay," halos bulong na sabi ko. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa mga mata niya. Baka kapag nanatili pa akong nakatingin sa kanya, maubusan na ng hangin ang katawan ko. I felt heat crept up on my cheeks. Sigurado akong mas mapula pa iyon sa kamatis.
Nakadamit na nga silang pareho. Lumapit si Kaleon sa puwesto namin. "You have something to say, right?"
Tila ba bumalik ako sa sarili ko. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang magsalita. "O-oo. I know it will sound like I'm making this up, pero hindi. Iyong gabi ng retreat natin, Sir Denver told me to meet him sa room natin to fix some documents. And pumasok si Mrs Chua sa room," I said to them.
I told them every bit of what I heard that night, maliban na lang sa pin na ibinigay sa akin ni Mrs Chua. And that everything connects to one thing—the New World Order.
Bumahid ang takot sa mukha ni Kaleon matapos kong ipaliwanag ang lahat sa kanila. "So sinasabi mo na alam ito ng ating principal? That this was a well-thought plan? Maging ang mga protesta dati sa harap ng school natin? What the hell," aniya at tumalikod, hinihilot ang sentido niya.
Tumango ako. "Oo, I'm positive but not really sure."
Lumingon ako kay Jem na nakakunot ang noo. "O baka lahat ng mga teachers," sabi niya.
Pumihit paharap si Kaleon. "This is absurd. At bakit nila ito gagawin sa atin?"
Si Jem ang sumagot. "Hindi ko rin alam," he was still looking at me. "You know what, let's just go and find the others. Malapit nang lumubog ang araw."
Walang nagawa si Kaleon kundi sumunod kay Jem na nagsimula ng maglakad. I looked around before following them, makings sure that we were not being followed.
*****
Kaleon and Jem were talking about some basketball game when I interrupted their conversation.
"Kaleon, bakit ka nga pala galing sa puno?" sabi ko, out of the blue.
Kumamot siya sa ulo niya at inayos ang kanyang glasses. "I tried to climb all the way to the top and luckily, it was successful. It's safe up there. But when I heard your voice, nakilala agad kita. Kaya ako bumaba to confirm if it's really you guys."
Napangiti ako sinabi niya. I felt happy to find one of our classmates—alive.
At least, nagawa niyang makaalis ng bus bago pa iyon puntiryahin ng mga nilalang na nakasuot ng itim na roba.
Sa tuwing bumabalik sa isip ko kung paano namin iniwan ang mga kaklase namin doon… I could die right now. Masyado nang mabigat ang puso ko sa lahat ng mga nangyari at mangyayari pa lang.
"I'm happy to see you two safe," nakangiting saad ni Kaleon.
"We're glad that you are, too, pare," nakangiting sagot ni Jem.
He smiled back. Halos magkasing-tangkad kami kung pagtatabihin. Lagpas ng tainga ang kanyang buhok at medyo malapad ang kanyang ulo. Hindi siya mataba at hindi rin siya mapayat. Singkit ang mga mata niya. Kaleon came from a Korean family. Tanging ang daddy lang niya ang may lahing pinoy kaya sila tumira dito sa pilipinas. His skin was almost the shade of white under the sunlight, kundi lang dahil sa dumi roon. Katamtaman lang ang katawan niya. Nakasabit sa braso niya ang kanyang coat na kasing dumi na rin ng uniporme niya.
Sigurado akong Jem was also glad that he's found one of his friends—to have someone to really talk to, a guy to say the least.
I looked at my uniform which was now slightly dry. Walang nagsalita sa aming tatlo kung saan kami patungo. The only thing we should—and could only—do was to keep walking to have enough distance from them—from those monsters.
"Saan nga pala tayo papunta?" tila ba narinig ni Kaleon ang nasa isip ko.
Nauna silang dalawa sa paglalakad habang ako naman ay nasa likuran nila, nakasunod. Napansin kong walang hangin. And it was still quiet. Ganito ba talaga katahimik dito sa lugar na ito? It felt so uncomfortable.
Si Jem ang sumagot. "No one knows. But we're going to try to find Maru, Celaena and the others."
Parang saglit na tumigil sa pag-ikot ang mundo. Celaena. I still hadn't told him yet. Hindi ko alam kung bakit. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya. And since when did I care about his feelings? No, nag-aalala lang ako dahil kapag malaman niya ang nangyari sa kanilang anak. He'd kill me for sure. At alam kong deserve ko iyon—for leaving Celaena behind just to save myself? It would gave him enough reason to kill me.
Itinuon ko na lang ang tingin ko sa sapatos ko. Puro putik na iyon, pati na rin ang medyas ko. I could almost feel the dirt on my skin.
"How did you get there?" wala sa loob na tanong ko kay Kaleon.
He turned to face, still walking. "Nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng bus…" so, tama nga ako. Isa siya sa mga taong iniwan namin doon. "Kaya mabilis kong binasag ang salamin para makalabas ako. Then I saw these guys—they were wearing cloaks and a freaking mask that scared the shit out of me. I know it sounds odd. And I had to run when one of their members saw me. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa punong iyon. Tumakbo lang ako nang tumakbo kasi alam kong nakasunod sila sa 'kin."
Tumango ako. "N-nakita ko rin sila…" halos bulong na sabi ko. They were the one who killed my bestfriend, I wanted to say but couldn't.
"Sa tingin n'yo ba ang mga teachers ng Ellis ang nasa likod nito?" Kaleon tried to open up the topic again. "I mean, why would they do this to us?"
"All we need are answers," Jem said, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Kaleon. "And to survive this goddamn place."
I found myself agreeing with him.
Bumuntong hininga si Kaleon. "At dito pa talaga tayo napadpad sa gubat. Gaano ba ito kalawak? Kasi kanina pa tayo naglalakad. I don't think this is still part of Ellis Island," he said. "If it is, I would know it right away."
Nagkatinginan kami ni Jem. Ako ang nagsalita. "Paano mo naman nasabi?"
Tumikhim muna siya bago nagpatuloy. "Kasi dumaan tayo sa isang makitid na tulay. Eh, di ang ibig sabihin niyon malayo na tayo sa Ellis, hindi ba? At isa pa, this forest is unfamiliar to me dahil walang ganito kalawak na gubat sa isla ng Ellis. Alam ko ang lahat ng kagubatan na sakop ng isla natin. It's part of my Father's job," mahabang litanya niya. "And one more thing, 'yong mga stopover natin."
Nabigla ako roon sa sinabi ni Kaleon. Now I found myself wondering, where the hell are they going to bring us if the accident didn't happen? I felt like he knew something so I asked him.
"Kaleon, did you know where we were supposed to be going—iyong surprise place na dapat ay pupuntahan natin?" I asked him.
"Hmm, actually…" naghintay kami ni Jem ng mga susunod na sasabihin ni Kaleon. He looked at me then to Jem as if deciding whether to tell us or not. "Yes. It's a camping site daw, malapit sa isang bundok. Narinig ko lang na sinabi iyon ni Sir Denver sa telepono—" he gasped, eyes widened, like he suddenly realized something. "Do you know if Sir got out? Siya lang ang tanging tao na makakatulong sa atin dito."
Nagbaba ako ng tingin. "I-I saw him, Kaleon," saad ko. "He's dead."
Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Parang may pumipiga pa rin sa puso ko kapag naiisip ko kung ilan kaya ang nailigtas namin ni Celaena kung binalikan namin sila roon? Siguro ay kasama na namin ang marami sa kanila.
Positibo akong marami pa sila. Hindi pa lang sila nagigising. But we left them there. We left them there to die.
"How about Brooke?" he asked me.
Umiling lang ako bilang sagot. "We couldn't her body. Maybe she's here somewhere."
Bahagyang lumiwanag ang ekspresyon sa kanyang mukha na parang nakahinga siya ng maluwag.
"That's good, I guess," aniya.
*****
Tuyo na ang lupa na dinadaanan namin. Mas kumakapal ang mga naglalakihang puno na nakapaligid sa amin habang tinatahak ang daan.
"Where are we, guys?" for the nth time, Kaleon asked no one in particular.
We stopped walking when we saw a huge wall; a dead end. Kinailangan pa naming itaas ng bahagya ang aming mga ulo para malaman kung saan nagtatapos iyon. But it was too tall for us to see its end. May mga lumot na rin sa ibang bahagi ng dingding. Tumingin ako sa kaliwa ko, umaasang makikita kung hanggang saan ito. But it was the same with the right. Napansin kong lumalagpas ang wall sa mga matatayog na puno.
"Should we follow this?" I dismissed Kaleon's question.
Hindi ko na mabilang kung ilang oras na kaming naglalakad. It felt like ages. Ni hindi man lang kami nagpahinga. Umupo si Jem, mukhang naramdaman na niya ang pagod. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko. I sighed tiredly.
Gamit ang isang kamay ko, idinikit ko iyon sa pader. I felt the roughness of it. It smelled old, too.
"No, I don't think so," tugon ni Jem na nakatingin sa dingding. "Maaaring isa lang itong trap."
Tumingin ulit ako sa itaas. Nasisinagan ng araw ang halos kalahating bahagi nitong pader.
"Yeah, that's possible," pagsang-ayon ko kay Jem.
Sinubukan kong isipin kung bakit may ganito kalaking pader na itinayo rito. And it looked like it was built ages ago. Base na rin sa kulay ng semento. Nagsisimula nang mangitim iyon. Nakita ko na pumunta si Kaleon sa kanang bahagi.
"Guys, tell me I'm not the only one who can see this," aniya na nakadikit din ang kamay sa pader. Napalingon ako sa kanya at nakita ang gulat na ekspresyon sa mukha niya. Ilang hakbang ang layo niya sa puwesto ko.
Mabilis kaming lumapit sa kanya.
"What's that?" tanong ni Jem.
There was something written on the wall. Kung tama ang hula ko, bato ang ginamit sa pagsusulat niyon. Mayroong arrow na nakaturo ng pakanan.
We are still alive. Those strange men in cloak wouldn't probably understand this. Sundan niyo lang itong arrow. Keep on walking left. If you see this, come to us immediately.
-M
Nahigit ko ang hininga ko.
They're alive… sabi ko sa sarili ko.
"Si Maru ang nagsulat nito," halos pabulong na sabi ni Jem na nasa likuran ko.