CHAPTER 28: Out of Sight, Out of Mind
BROOKE ESGUERRA
Bakit may isang abandonadong gusali sa gitna ng kagubatan? Iyon ang unang katanungan na pumasok sa isip ko. Mula sa aking puwesto, nakikini-kinita ko ang mga natuyong lumot na umaakyat hanggang sa pang-apat na palapag ng gusali. The topmost floor was ruined—the fifth floor. Pero duda ako na ang ibang palapag ay ganoon din.
I felt a poke on my shoulder. "Tara na," sabi ni Samuel na bahagyang hinila ang braso ko.
Nag-alangan ako. This could be a trap. Bakit hindi nila iyon naisip? What made them so sure that it was safe to go inside and stay there for the night? Malapit na ring lumubog ang araw. And that left us no other option but this building. Hindi namin kilala ang kagubatang ito. There could be predators around this place that patiently waits for the perfect opportunity to attack us.
I nodded. Hindi pa rin maalis sa sistema ko ang takot pero sumunod kami sa kanila patungo sa loob ng gusali. Nakabukas na ang double doors. When we entered the building, we were greeted by the scent of old stack of papers, though I couldn't see one. Maybe this building had been a library once. Pinasadahan ko ng tingin ang unang palapag. Malawak iyon at may ilang mga estante na maayos na nakapuwesto sa bandang dulo. May tatlong sofa rin na nakataob, chandelier na puno ng alikabok sa kisame at isang mukhang reception desk sa kanan ko.
"Hindi kaya hotel 'to dati?" I heard Samuel asked beside me. Dumungaw siya sa loob ng desk at tuluyang pumasok doon. Bahagya siyang umupo para i-check ang mga bagay na nakalagay roon.
I remember Samuel with Evangelyn. But I guess it doesn't matter now, is it? Evangelyn cheated on Maru. End of story. Ayoko nang makialam pa sa kanilang buhay.
I busied myself looking around. There were CCTV cameras on every corner that looked old as well. Puno na rin ang mga iyon ng alikabok. Kulay brown ang dingding at kulay cream naman ang kisame. Mukha nga itong hotel—but a smaller version, though.
Nakita kong umakyat si Maru sa itaas. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, probably lost in thought. We were all still wearing our uniforms, opposite of the colors I could see around us.
Lumipas ang mahabang oras at bumaba na si Zach kasama ang ibang mga lalaki kong kaklase. They were wearing different clothes—white shirt at gray pants ang suot ni Rini, at parehong blue long-sleeved shirt at gray pants din naman ang suot ni Maru at Roberto.
"May mga damit kaming nakita sa itaas. Puwede na kayong magpalit. And there are empty rooms—"
May pumutol sa sinasabi ni Zach. "Is it safe for us to sleep here?" It was Vanessa.
Si Roberto ang sumagot. "Yes, we checked each room. Pansamantalang hinarangan na rin namin ang hagdanan papunta sa fifth floor."
"One more thing. 'Wag kayong mag-occupy ng room na mag-isa lang, okay? Just to be safe," dagdag ni Maru.
Nakita kong lumabas na si Samuel sa likod ng desk at tumabi sa 'kin. "Mabuti naman. Ayoko nang isuot 'tong uniform. Ang dumi na rin."
Mahina akong tumawa. "Yeah, same. And amoy pawis ka na rin."
He rolled his eyes and laughed. "Says who?"
"Says me."
I didn't know Samuel could be this fun. The first time we exchanged words was in the female restroom.
Umakyat na kami kasabay ng ilan. The stairs were made of white marble. At ang ilan sa mga ilaw na nakasabit sa kisame ay basag na. Ilang taon na kaya itong nanatiling abandonado? Hindi kaya itong malawak na kagubatan na ito ay minsan ng naging siyudad? Pinalis ko ang isipin na iyon. Narating namin ang pasilyo ng second floor. May kaunting liwanag na nanggagaling sa nakasarang mga bintana. Sa kaliwa ay ang mga kuwarto. At sa kanan naman ay malawak na espasyo at may railing na dumudungaw sa unang palapag.
"Five rooms," ani Samuel sa tabi ko. "Sa tingin ko, mas maganda kung sa third floor na tayo maghanap ng kuwarto natin."
Tumango lang ako at umakyat kami ng hagdan. Ganoon din ang disenyo ng ikatlong palapag. Malawak din ang pasilyo at may limang silid. Hindi lang pala kami ang o-okupa ng kuwarto dito. May dalawa ring babae na sina Emma at Bethany ang pumasok sa unang silid. Pumasok na ako sa pangalawa. Tumambad sa akin ang dalawang single bed at sa gitna niyon ay bedside table na may malamang ay pundidong lampshade. Carpeted din ang flooring ng silid at may chandelier sa gitna. There was a window overlooking the forest.
"I'll take the next room, Brooke," narinig kong sabi ni Samuel. When I looked behind me, I saw him standing on the doorway. "Just knock on my door if you need something… or someone to talk to. I'm here."
I nodded my head. "Thank you, Samuel," sabi ko.
I walked towards the window. Nang magawa ko iyong buksan, bumungad sa akin ang malawak na kagubatan. Hindi ko makita ang dulo niyon. Or is there even an end? Pulos sanga at dahon ng puno ang nakikita ko. Gaano ba kalawak itong gubat na ito? Wala rin akong makitang mga gusali o kahit na anong senyales na may tumira sa gubat na ito. Only the vastness of the monstrous trees occupies the entirety of land.
Mayamaya pa ay narinig ko ang marahang pagsara ng pinto ng silid. I don't know if I'm going to get an hour of sleep today. There's just too much things going on inside my head. Too many questions…
Muli kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Parang bumabalik ang lahat ng emosyon sa sistema ko na kanina lang ay saglit na nawala. It felt like someone's squeezing my chest. The sound of silence filled my ears. Tanging ang malalim na paghinga ko lang ang aking naririnig. If I close my eyes, puwede kong lokohin ang sarili ko na mag-isa lang ako rito. But of course not. Nasa katabing silid si Samuel at ang iba pang naming mga kaklase. I'm not alone… but it feels like I am.
I sighed. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Nasaan na kaya si Blair, Celaena at Kaleon ngayong mga oras na 'to? Ano kaya ang ginagawa nila? Are they safe? I don't know what are the words I could use to ease this pain I'm feeling… it feels like I'm trap in my own world… and there's no single person that could save me. Lumipas ang ilang minuto at tuluyan na akong nilamon ng antok…
Eksaktong dalawang oras na kaming naghuhukay ni Kaleon sa likod ng bahay ng Auntie ko. Unti-unti nang lumiliwanag ang langit. Soon enough, the sun will rise up. At dadaan na ang mga kotse sa harap ng bahay. And we might get caught. Bumaling ako sa gilid namin kung saan nakabalot ang mga katawan ni Auntie Carmen at Uncle Gerry sa floor carpet ng bahay. We managed to get Uncle Gerry's body out of my bed. Mamaya ko na siguro lilinisin ang buong bahay kapag natapos na namin ito.
Kaleon was the one to suggest that we should bury their body somewhere safe. And I suggested our backyard. May kalawakan ang lupa sa likod-bahay namin, sapat lang para hindi paghinalaan na may nakalibing na dalawang katawan sa ilalim niyon. Nanatili pa rin ang takot sa sistema ko. Alam kong ganoon din ang nararamdaman ni Kaleon but as I looked at his face, it seemed emotionless. Wala akong makitang kahit na ano roon.
"I think this is deep enough," mayamaya ay saad ni Kaleon.
Tumango lang ako at umakyat na paalis sa hukay na ginawa namin. "Itatapon lang ba natin basta ang kanilang mga katawan?" I asked him.
Nagkibit-balikat lang siya. "I guess so," matipid niyang sagot.
Sa nanginginig na mga kamay, nagtulungan kami ni Kaleon na maingat na itapon ang kanilang mga katawan pababa sa malalim na hukay. But their bodies dropped with a thud down the earth. Mabilis akong napalingon sa paligid namin. Mabuti na lang at may kalayuan ang mga bahay banda rito sa parteng ito ng Ellis.
And then the next thing we did was to fill up the pit with soil. Lumipas ang halos kalahating oras at nagawa naming tabunan nang tuluyan ang hukay. Tinapak-tapakan ni Kaleon ang lupa para siguro ay papatagin iyon.
"I-I can manage from here, Kal," halos pabulong na sabi ko sa kanya.
He shook his head. "I'll help, Brooke. Stop pushing me away."
It was a strange feeling—to bury two bodies on the ground. Hindi pamilyar ang sistema ko sa sensasyong dulot niyon. Matinding takot. Tama, iyon ang bumalot sa akin na parang kumot. At alam kong habang-buhay ko iyong dadalhin—ang takot na isipin na isang araw ay matatagpuan nila ang hukay na ito. Ang dalawang katawang nilibing namin ni Kaleon.