CHAPTER 27: Over Their Dead Bodies
BROOKE ESGUERRA
Nagising ako nang marinig ko ang malakas na pagsabog. Umalingawngaw iyon sa paligid ko. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang mga makakapal na puno na halos kasing-haba ng mga building sa siyudad. Mula sa kung saan, may nagliparang mga ibon pataas sa langit. May dalawang katanungan sa isip ko nang mga sandaling iyon; saan nanggaling ang tunog ng pagsabog na iyon at kung nasaan ako.
Nagpalinga-linga ako sa aking paligid. Napagtanto ko na mga kaklase ko silang lahat. Si Maru ay nakaupo habang nakasandal sa katawan ng puno. Si Samuel na nakatayo sa katabing-puno ni Maru. Ang iba naming mga kaklase ay nakaupo sa magaspang na lupa at nag-uusap. Ano ang ginagawa namin dito sa kagubatan? Tumayo si Maru nang makita niyang gising na ako. Bahagya siyang yumukod sa tabi ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" he asked.
Ngayon ko lang napansin ang hitsura niya. He had bruises all over his face and his body. Madumi na ang unipormeng suot niya. Dried blood covered his neck. At naalala ko lahat—ang aksidente. I was holding Celaena's hands before everything went black. And after that, wala na akong maalala.
Sa halip na sagutin ang katanungan niya, tanong din ang ibinalik ko sa kanya. "Where's Celaena? Blair?" nagtatakang tanong ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga pamilyar na mukha ng kaklase ko pero hindi ko makita sila Blair at Celaena. "Answer me. Where are they?"
Nagbaba lang siya ng tingin. "I'm sorry," was all he could reply.
Napakunot ang noo ko sa tinuran niya. "Anong klaseng sagot 'yan? Bakit ka nagso-sorry sa 'kin?"
"I-I couldn't..." he began but stopped for a second. "I couldn't save them and the others."
Nanlaki ang mga mata ko. "What do you mean you couldn't save them? Ano itong iba nating mga kaklase? Ano'ng pinagkaiba nila kay Blair at Celaena?" halos pasigaw na saad ko. Hindi ko na napigilan ang galit na namuo sa sistema ko. "Bakit hindi mo sila naisalba?"
Umiling-iling siya. "I'm sorry," ulit niya.
I pushed him away from me. "Stop staying sorry! You're acting like they're dead already!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I felt hot tears trickled down my cheeks until it became like a river of tears. And I realized I was sobbing. "Bakit ako ang sinalba mo at hindi sila? You should've saved them and not me!"
Naramdaman ko ang mga kamay na pumigil sa akin. I wanted to punch Maru in the face. Nagkamali siya ng taong sinalba niya. I wasn't worth saving anymore. Not after everything I did.
"How about Kaleon?" tanong ko nang bahagya na akong kumalma. Marahas akong pumiksi sa mga kamay na nakahawak sa balikat ko. "Answer me!"
Si Samuel ang sumagot. "We didn't see his body in the bus or anywhere," sagot niya. "Nauna na siguro siyang lumabas."
The thought of Kaleon being safe somewhere brought a bit of joy in my system. Pero hindi ko magawang isipin na patay na si Blair at Celaena kagaya ng sinasabi nito ni Maru. They can't be dead. He must've been wrong.
"The explosion..." anas ko at nagtaas ng tingin kay Samuel. "Bus ba natin ang sumabog?"
Tumango siya at nakumpirma ko ang aking hinala. Wala akong ideya kung paano ako nakarating dito. Pero naihiling ko na sana ay nagawang makalabas ni Blair at Celaena bago tuluyang sumabog ang bus. Pilit kong pinaniwala ang sarili ko sa posibilidad na buhay sila. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Nakita ko ang mga tingin na ipinukol sa akin ng mga kaklase ko. Like I was some crazy person who happened to be here with them. Maybe I was crazy. Maybe this was all just a dream. At kapag nagising na ako ay matatapos na ito.
Who are we running from? I wanted to ask aloud. But I thought better of it. Sigurado akong kung ano man ang pilit naming tinatakbuhan, hindi iyon isang simpleng bagay lang. We are running from something dangerous. I can sense it in the atmosphere. Sa mga ekspresyon ng kanilang mukha na nakapinta ang magkahalong takot at determinasyon, sa paraan ng panginginig ng kanilang mga kamay at ang madalas nilang pagbuga ng hangin.
Naalala ko si Kaleon. Bumalik sa isip ko ang nangyari sa gabing nagpabago ng lahat. Ang gabing pilit kong kinalilimutan pero patuloy pa ring nagkukumahog na lumabas. Ang sarili kong sikreto na gusto ko nang malimutan habang-buhay at hindi na muling maalala pa. Ang gabing nilibing namin ang tumayong mga magulang ko sa mahabang panahon...
"K-Kaleon…" I said, barely a whisper.
Patakbo siyang lumapit sa 'kin at mahigpit akong niyakap. Wala na akong pakialam. I just needed someone to hold on to right now. I feel like a fragile glass that can easily break.
"Brooke, are you okay?" I heard Kaleon asked.
I shook my head. Kumawala siya sa yakap ko at marahang hinawakan ako sa magkabila kong pisngi. "What happened?" naging seryoso ang tono ng boses niya. He held my hands and looked at it. "Bakit may dugo ang mga kamay mo?"
Naramdaman ko ang paninigas ng kalamnan ko. I have no choice but to tell him. I just committed a murder. I killed my own uncle. Pero pilit na lumalaban ang isang parte ng isip ko.
He deserved it, Brooke. Dapat lang na namatay siya, the voice in my head said.
"I-I…" I tried to say but I couldn't make out the right words to say. Paano ko ba sasabihin sa kanya na pinatay ko ang uncle ko? I don't think I have the guts to say that to him. Because it will also mean na idadawit ko siya sitwasyong kinaroroonan ako. I wouldn't do that to him.
Mahigpit niya akong hinawakan sa braso ko at niyugyog. "Are you hurt somewhere? Tell me, Brooke! How can I help you?"
Nagsimulang maglandas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan pababa sa aking pisngi. I have never felt this weak and so naked in front of someone. Nakatingin sa 'kin pabalik ang kanyang mga mata. Napansin ko ang mga pawis na tumatagaktak pababa sa kanyang noo.
"I-I killed—" but before I could continue what I was about to say, a scream tore through the silence between us. Nanggaling iyon sa loob ng bahay.
When I looked back at Kaleon, hindi ko maitindihan ang nakita ko sa kanyang mga mata. Takot? Galit? Awa? Hindi ako sigurado. He started walking towards our house. Mabilis kong hinigit ang kanyang kamay.
"K-Kaleon, l-leave. P-please," nagmamakaawang sabi ko sa kanya. "H-hindi mo gugustuhing madamay rito. Leave n-now…"
Pumihit siya paharap sa 'kin at iniayos ang kanyang antipara. I didn't realize na nabahiran ko pala ng dugo ang mga kamay niya. Some of the blood stained his eyeglasses as well. Hinubad niya iyon at mabilis na pinunasan gamit ang manggas ng kanyang puting polo.
"I will not leave you, Brooke," madiing sabi niya sa 'kin.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo! D-don't go there, K-Kaleon! Just leave!" pilit ko siyang pinipigilan pero masyado siyang malakas.
He stopped in his tracks and held my arms firmly. "Kaninong dugo ito? Tell me! Tell me!"
Umiling ako sa kanya. Hindi siya puwedeng madamay rito. This was my fault. Ako ang pumatay kay Uncle Gerry.
Muling sumigaw si Auntie Carmina sa loob ng bahay. "Nasaan kang bata ka?!"
"Why can't you tell me?" his voice was pleading.
"I-I can't, K-Kaleon. Madadamay ka," umiiyak na sambit ko. "Umalis ka na rito, please."
Tuluyan na niyang binuksan ang pinto pero bumagsak lang siya sa hagdan nang halos talunin ni Auntie Carmen ang distansiya namin sa isa't isa. Hindi ko agad napansin ang hawak niyang kutsilyo. She had blood smeared all over her clothes. Napagtanto kong nakita na niya siguro ang katawan ni Uncle Gerry.
"Pinalamon ka namin tapos ito ang gagawin mo sa Uncle mo?!" she screamed as she pushed me down to the ground.
Marahas akong bumagsak sa lupa. She sat on top of me, still holding the knife. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang tinitingnan ako.
"Kill me…" ang tanging nasabi ko. "Kill me, Auntie…"
"Tanginamong bata ka! Inaruga ka namin! Tapos… tapos…" she was sobbing while her other hand was clutching her chest. "…papatayin mo si Gerry! Hayop ka!" she screamed as loud as she could as she plunged the knife into my heart. Umiiyak na tiningnan ko lang ang kutsilyong hawak niya habang papalapit iyon nang papalapit sa 'kin.
I closed my eyes as I felt the point of the knife getting closer to my skin. Pero biglang tumigil sa pagsigaw si Auntie Carmina. The next thing I heard was the loud thud of something that fell on the ground. Bumagsak din ang kutsilyo sa dibdib ko.
Nang magmulat ako, wala na si Auntie Carmina sa ibabaw ko. Instead, her body was lying on the floor. I noticed the blood leaking from her head. Nagtaas ako ng tingin at nakitang may hawak na bato si Kaleon sa isa niyang kamay. May bahid iyon ng sariwang dugo. At napagtanto ko na siya ang humampas niyon sa ulo ni Auntie Carmina. Natutop ko ang bibig ko.
"K-Kaleon…" I whispered under my breath.
Tanging ang mabilis lang na pagpintig ng puso ko ang aking naririnig. Sa nanginginig na mga tuhod, i pulled myself up off the ground. Marahas kong kinuha ang bato mula sa kanyang kamay at hinawakan siya sa pisngi.
"Kaleon, leave. I did this. Umalis ka na rito. I-I will call the police and then…" nanginginig na rin pati ang mga labi ko. Pero pinilit kong ngumiti sa harap niya. Maybe then he will see that I can take care of this. "I will tell them that I did this. Umalis ka na, Kaleon. Please!"
A single tear trickled down his cheek. Mabilis niyang pinalis iyon. He walked past me. "Tulungan mo akong maiakyat sa bahay ang katawan niya," ani Kaleon. Pumihit ako patalikod at nakitang bahagya siyang nakayukod sa katawan ni Auntie Carmina. Hinawakan niya ang ulo ni Auntie at bumaling sa 'kin. His face was emotionless.
"What are you doing, Kaleon? I said get out of here!" bulyaw ko sa kanya.
Maingat niyang ibinaba ulit ang katawan ni Auntie at tiningnan ako sa mga mata. "Do you want to get rid of this body or not?" seryosong pahayag niya.
Humugot ako nang malalim na hininga bago nagsalita. "Fine," saad ko.
Ako ang humawak sa paa ni Auntie Carmina at si Kaleon naman sa ulo. And together, we walked up the small steps and put the body on the carpet inside the living room. Mahinang isinara ni Kaleon ang pinto ng bahay.
"Do you have any alcohol?" aniya at mataman akong tiningnan.
"S-sa kuwarto," I stammered. "Wait here. I-I'll get it."
Patakbo akong naglakad pataas ng hagdan at pumasok sa kuwarto ko. Hindi ko napigilan ang pagsuka ko nang maamoy ko ang samyo ng dugo at laman sa loob ng kuwarto. Hindi ako sumubok na tingnan ang katawan ni Uncle Gerry sa kama ko. I quickly took the bottle of alcohol and headed downstairs, leaving the door open.
"Here," sabi ko iniabot kay Kaleon ang alcohol.
Kinuha niya iyon at marahas na bumuntong hininga.
"Ano'ng gagawin mo sa alcohol?" I asked him.
Saglit niya lang akong tiningnan at binalot ang katawan ni Auntie Carmina ng carpet. "Base sa sinabi nitong babae na 'to—"
I quickly cut him off. "Auntie ko siya," sabi ko. I guess it doesn't really matter now. They're both dead.
"Base sa sinabi ng Auntie mo, pinatay mo rin ba ang Uncle mo?" tanong niya.
Nagbaba ako ng tingin. He asked it so casually. I wanted to tell him the things my Uncle Gerry did to me, that led me into murdering him. I wanted to but I couldn't bring myself to say the right words to him. Dinamay ko si Kaleon dito. And I know that after this, he would hate me for bringing him into this situation. I couldn't bear the thought of him losing his sanity because of what I did.
"K-Kaleon," halos pabulong na sabi ko. "Puwede ka pang umalis. May oras pa. Just leave me here. Ayokong madamay ka rito."
Naglakad siya palapit sa 'kin. "I guess I'll take that as a yes. Why did you kill him?" muli ay tanong niya.
I took a step back away from him. "Why do you care? You don't even know who I am. Why are you still here?"
"Because I want to be here, Brooke," aniya. Ramdam kong nahihirapan din siya kahit na pilit niyang itinatago sa akin 'yon. "We're in this together now."
"Are you crazy? I just killed my Uncle and my Auntie and you're saying that you want to be here with me?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"I killed your Auntie, Brooke. Ako ang may gawa niyon at hindi ikaw," aniya. "Let me help you with this."
Napahampas ako sa noo ako at paupong bumagsak sa sahig. "It's my fault…" sabi ko sa sarili ko. "It's all my fault. At dinamay kita. You shouldn't be here, Kaleon. Ako ang may gawa nito. Iyon ang sabihin mo sa mga pulis—"
Akmang tatayo ako para kunin ang cellphone sa mesa nang mahigpit na hawakan ni Kaleon ang aking kamay.
"Wala akong pakialam kahit paalisin mo pa ako rito. I'm here now. Deal with it. I will fucking help you, naiintindihan mo?"
I found myself nodding to what he just said. And with that, I brought him to my supposedly own downfall.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naglalakad. Naramdaman ko lang ang mabilis na pagbabago ng temperature sa paligid namin. We watched the sun rise on the horizon and gradually disappear from the sky. A new day had already passed. Ganoon na katagal kaming naglalakad. Ang bilis lumipas ng oras dito sa kagubatan.
Nagawa kong bilangin kung ilan kaming lahat na nakalabas mula sa bus bago iyon sumabog—thirteen. Lahat sila ay mga kaklase ko.
We walked for hours and hours. May natanaw ako mula sa puwesto namin ni Samuel. It looked like a building… strange as it may seem.
"Building 'yon, 'di ba?" narinig kong sabi ni Vanessa Andrada, na kulot ang buhok sa bandang unahan.
As we walked closer to it, the more we could see it wholly. Isa iyong abandonadong gusali.
"We're staying here for tonight!" sigaw ni Maru.