Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 26 - CHAPTER 24: The Cabin In The Woods

Chapter 26 - CHAPTER 24: The Cabin In The Woods

CHAPTER 24: The Cabin In The Woods

BLAIR WADSON

Tumakbo kami nang tumakbo ni Celaena hanggang sa hindi na namin alam kung nasaang parte na kami ng gubat. We ran as fast as we could without direction, only the scream of that girl. I kept looking at our backs to make sure that no one was following us.

Scream again, I said under my breath.

Hanggang sa muli siyang sumigaw. This time, malapit na iyon sa puwesto namin.

"Please, help! Anybody!"

Celaena didn't wait for me and quickly ran towards the source of the voice. I ran after her.

Hidden behind the bushes, I could make out a figure. A girl was sitting on the wet earth—it was Evangelyn. Pero hindi siya mag-isa. She was clutching a body on her lap. Lumapit ako sa puwesto niya. Nasa tabi ko si Celaena na nakatakip ang palad sa bibig.

Nakaupo si Evangelyn sa basang lupa at madumi ang suot niyang uniform. Wala na ang puffer jacket niya na suot niya kanina. Her auburn hair was a mess. And she was crying hysterically. Nagtaas siya ng tingin.

"Oh, my God, finally," aniya na nangingilid ang luha sa kanyang pisngi.

Celaena was the one to crouch beside her. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Evangelyn. "What happened?" she asked.

May kaunting ambon pero binalewala namin iyon ni Celaena dahil kailangan naming tulungan ang kaklase namin. Nakaramdam ako ng kaunting pagkadismaya na si Evangelyn ang sumigaw. I didn't know why. Part of me hoped that it was someone worth saving. I pushed that thought aside.

Hindi makapagsalita ng maayos si Evangelyn. She couldn't stop crying.

"Evangelyn, tell us," puno ng awtoridad ang boses ko. Hindi ko hinayaang maapektuhan ang sistema ko sa pag-alis nila kagabi sa gubat at ang prank na ginawa nila sa 'kin.

"K-kasi…" huminga siya nang malalim. Tinulungan siyang tumayo ni Celaena. "W-we ran… th-then those… men in fucking cloaks…" at nagsimula ulit siyang pumalahaw ng umiyak.

"What did they do?" Celaena gently touched her shoulder.

Nanginginig ang kamay na itinuro ni Evangelyn ang nakahandusay na katawan sa lupa. "Th-they… killed her!" she exclaimed, eyes full of rage and fear.

Bahagya akong lumuhod para tignan ang katawan. Gamit ang natitirang lakas sa katawan ko, I turned the body over. Halos manlumo ako nang makita ko ang pamilyar na mukha niya. It was Stacey's body. Nanlaki ang mga mata ko. Namumutla ang walang malay na katawan niya. But as Evangelyn said, Stacey was dead. I shook my head, hindi naniniwala sa nakikita ko ngayon.

"No, this isn't happening…" I could feel my chest constricting.

"Yes, it did, you fool! Hindi mo ba nakikita? She's… dead!" bulyaw ni Evangelyn.

"Stop it!" nilapitan ako ni Celaena. "Blair, please…" her lips were quivering. But still, she wasn't showing her fear. Siya lang ang mukhang matino sa aming tatlo. Pinipigilan niya ang sariling umiyak. "Kailangan na…" bumuga siya ng hangin, "…nating umalis dito. We have to leave her body here. Wala tayong choice."

Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. And she was right. Baka maabutan kami ng mga nilalang na iyon. At kung babalakin man naming dalhin ang katawan ni Stacey, pababagalin lang kami niyon. I saw something odd on Stacey's neck. It was tainted by delicate purple veins that crept up to her jaw. Ito ang unang beses ko na nakakita nang ganoong bagay. Tila ba maraming maliliit na ugat ang gumagapang pataas ng kanyang panga. At nakita kong nanggagaling iyon sa maliit na kulay itim na mukhang tusok sa kanyang leeg. It was too vague that I had to look a bit closer.

Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Evangelyn. "Where are your other friends?" nagulat siya sa ginawa ko

"'You mean Bridget and Eyrene?" she asked.

Tumango ako. She glanced sideways, like searching or looking for something—or maybe someone. Something was bothering her. Itinabing niya ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng tainga niya.

"E-Eyrene and Bridget left us," sabi niya, bumalik ang tingin sa lupa. "W-we had to ran the minute we woke up. Then mawala bigla si Stacey while we're running, ako lang ang humanap sa kanya. I-I thought they were both at my back. Pero wala na sila. Th-then… nakita ko ang mga hooded figure. They were walking away from this very spot where I found Stacey's body. I hid myself bago ko siya nilapitan. And that happened," she pointed at the body of one of her friends. "Those fuckers. Same thing will happen to us, I'm sure of it."

"O-okay," ang tanging nasabi ko. Humugot ako nang hangin, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Tiningnan ko si Celaena na nakaluhod sa lupa, matamang tinitingnan ang katawan ni Stacey. "Celaena," tawag ko sa kanya.

Lumingon siya. Pinunasan niya ang basa niyang pisngi. "We should go. Like right now."

Tumango ako. My guess was right… there was something about those hooded men. Pero bakit nila iyon ginagawa—ang patayin kami? What's their reason?

Celaena stood up, brushing dirt off her clothes. Bago ako sumunod sa kanila, mabilis kong pinasadahan ng tingin ang bawat puno kung mayroong pigura na sumusunod sa amin. Pero tanging ang mga puno lang ang nakita ko. My ears became sharper and my mind paranoid, every snap of a twig was a predator, even if it was just some animal. Isang bagay lang ang dapat naming panghawakan ngayon; we have to stay alive. Ito lang ang tanging paraan para manatili kaming buhay—ang tumakbo nang tumakbo.

And soon the darkness will take over this forest, leaving us helpless and in fear—just like a prey.

*****

Hindi ko na nagawang bilangin kung ilang oras na kaming naglalakad. But I was glad when I finally saw the sun had already risen above us, giving each of our cold skin warmth. The enormous trees that loomed over us cut the sunlight into tiny streaks of light. Malalago ang dahon ng mga matatayog na punong nakapalibot sa amin. In here, sheltered by the huge trees, no single life could be seen, except us. Ang samyo ng lupa at ng mga dahon ang nagkalat sa atmospera.

Tila ba ang mga ibon na kanina lang ay naririnig pa namin, biglang naglaho. Ang bawat hakbang namin ay nag-iiwan ng marka sa basa pa ring lupa. I held my hands up to feel the cascading light, a brilliant yellowish-white light lightening the path that took us onward and to nowhere. Hindi namin alam kung saan kami pupunta.

Namayani ang katahimikan sa paligid at ang tanging tunog lang na maririnig ay ang panaka-nakang buntong-hininga ng isa't-isa.

Evangelyn was the one to break the silence. "Kanina pa tayo naglalakad. Ang sakit na ng paa ko," napalingon ako sa kanya na nasa likuran namin ni Celaena. Bahagya siyang yumukod para hilutin ang binti niya pababa sa kanyang paanan. She sat at the large rock nearby.

"It's real," aniya nang mapansin ang mga tinging ipinukol naming dalawa ni Celaena sa kanya. "Hindi ako nag-iinarte. At isa pa, hindi ba kayo napapagod? Kasi ako, pagod na pagod na." Gamit ang likod ng kanyang kamay, pinunasan niya ang noo niya at bumuga ng hangin.

I almost rolled my eyes. Paanong hindi masasaktan ang paa niya, pinilit niya pa ring isuot ang heeled shoe boots niya. Gusto kong sabihin sa kanya but thought better of it. The last thing I would want right now is for us to fight. We had to keep on walking to have enough distance from those creatures—mali. I should call them monsters. That's the right term.

Celaena and I looked at each other. Nagkibit-balikat siya at umupo sa opposite side ni Evangelyn. Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa ba ang magagawa ko? Nararamdaman ko na rin ang pamamanhid ng binti ko dala ng lamig ng temperatura kanina. I sat next to her. We're heading to a narrow path. Ni hindi nga namin alam kung ano ang naghihintay sa amin sa dulo nitong makitid na daang ito. I hastily dismissed the thought away.

Naisip ko si Brooke. Hindi namin nagawang mahanap ang katawan niya. Does that mean she's alive somewhere? It's a possibility. Pinanghawakan ko ang isiping iyon. We'll see each other again. Naihiling ko lang na sana ay nasa isang ligtas siyang lugar o 'di kaya ay kilometro na ang layo mula sa pinangyarihan ng aksidente. Nang bumaling ako kay Celaena, bakas pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala. Hindi ko siya masisisi. It's hard and too dangerous for us to let our guards down in a place like this. Wala na kaming matatawag na ligtas na lugar simula nang mangyari ang aksidente. Nagpasalamat na lang ako na buhay at maayos pa rin kaming dalawa ngayon.

Kasulukuyan kong hinihilot ang aking binti nang biglang suminghap si Evangelyn. "Tell me I'm not seeing things," she said, her mouth agape. Nakatingin siya sa bandang likuran ko. Sinundan naming dalawa ni Celaena ang tingin niya.

"Oh my, God!" bulalas ni Celaena pero mabilis din niyang tinakpan ang kanyang bibig. "It's fucking real."

When I looked behind us, I saw a cabin. Pero natatakpan iyon ng matatayog na puno at mga dahon kaya hindi iyon masyadong nakikita mula sa aming puwesto. You would have to stare at it closely para makita iyon nang maigi. Hindi ko alam kung dapat din ba akong matuwa dahil may nakita kaming cabin o kabahan dahil hindi namin alam kung ano o sino ang nasa loob niyon.

From my place, I could see how old the woods were. It seemed like it hadn't been used for a long time based on its exterior appearance.

"Let's go, losers," tumayo si Evangelyn at pinagpagan ang pang-upo niya.

Nauna siyang maglakad patungo sa direksyon ng nasabing cabin. Ilang minutong paglalakad lang at narating na namin ang cabin. Nang magawa naming makalapit, Evangelyn tried to open the door but it wouldn't budge. Nakasara siguro.

Maliit lang ang cabin at ang dapat kulay tsokolate nitong mga kahoy ay halos nagiging kulay itim na. The chimney looked like it hadn't been used for years. Sino ang magtatayo ng ganitong klaseng cabin sa gitna ng kagubatan? Sa kabuuan, maganda ang cabin. I wondered what was the reason why the owner of this cottage left this.

"It won't open," naiiritang sabi ni Evangelyn at hinampas ang door knob.

Lumapit si Celaena. "Let me try," aniya.

Evangelyn stepped back. Sinubuka namang buksan ni Celaena ang pintuan.

"Celaena!" I called out her name. "What are you doing? You don't even know kung ano ang nasa loob niyan."

Dahan-dahan niyang inilayo ang kamay niya sa door knob. "You're right."

"Kailangan muna natin tingnan ang bawat bintana and check if someone's inside. Pupunta ako sa likod, baka may back door," suhestiyon ko.

I didn't wait for them to speak. Nagsimula na akong maglakad papunta sa likurang bahagi ng cabin. Nagulat ako nang makitang meron ngang back door. Bahagya iyong nakaawang. "Celaena, it's open!"

I was trying my best to ignore Evangelyn. Ni wala man lang akong narinig na sorry mula sa kanya sa apat na taon naming naging magkaklase. She had her chances of saying one to me. Pero hindi niya ginawa.

The door creaked when I opened it. Bumungad sa akin ang pinaghalong amoy ng lumang kahoy at nangangalawang na bakal. Mabilis kong tinakpan ang ilong ko. I fumbled for the light switch. When I my hands found it, hindi iyon gumagana.

Binuksan ko ng todo ang pintuan. Sunlight flooded the room. It was almost empty if not for the leather couch placed at the corner. May carpet sa sahig at malaking picture na nakasabit sa kahoy na dingding. Litrato iyon ng isang bundok. And I noticed the bulb in the center of the ceiling.

"What's that smell?" si Evangelyn iyon. Her heels clacked as she made her way through the room.

"Are we going to stay here?" tanong sa 'kin ni Celaena na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. "I mean, do you think it's safe?"

Nagkibit-balikat ako. "I guess so. Mukhang liblib naman ito. And I think we're safe here."

Sa pagkakataong ito, walang kasiguruhan ang mga susunod na mangyayari sa amin. Hindi namin alam kung paano gumagana ang utak ng mga nilalang na sumusugpo sa amin.

Pinagpagan ni Evangelyn gamit ang kanyang kamay ang sofa at umupo roon. "Sa tingin ko, mayaman ang owner nito. Or maybe a hunter. It's just strange for him to build a house in the middle of the forest. I mean, nakakatakot kaya. Just imagine it…" she continued her babbling and I left Celaena with her dahil mukhang mas mahaba naman ang pasensya niya kaysa sa akin. Considering her anger towards Evangelyn back at Ellis.

Napadako ang tingin ko sa isa pang pintuan. I didn't bother telling them that I'll go and check the room. Nang buksan ko ang pinto, may malaking kama sa loob. Ang ganda niyon. I guess Evangelyn was right. Mukhang mayaman nga ang may-ari nito. Halatang babae ang umokupa sa kuwartong ito. That part, she wasn't right. Maaring mag-asawa ang nakatira dito.

The room reeked of old perfume. Iyong klase ng pabango na masyado nang matagal na nanatili sa isang lugar kaya nahaluan na ng amoy ng kahoy. But the walls here were painted dark yellow. Ang isang bintana ay mariing nakasara. Humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame.

Napabuntong-hininga ako. Gusto kong makita ang may-ari ng kuwartong ito. Or maybe she's dead. What am I even thinking?

Mabilis kong pinalis ang isiping iyon. Umiling ako. You're being insane, Blair, I told myself. Umupo ako at binuksan ang bintana. The view outside was astonishing—mayroong ilog. I couldn't see where it ended but it was large enough. The water glistened under the sun. Hindi ko mapigilang ngumiti. I should go tell them about this, I thought.

***

Dahil sa pareho naman kaming mga babae, napilitan akong hubarin ang uniform ko at ang itinira ko na tanging saplot ng katawan ko ay ang bra at underwear ko.

Sa puwesto kong ito, malayang dumadampi ang init ng araw sa balat ko. I closed my eyes and let my body enjoy its heat. I heard Celaena and Evangelyn laughing crazily. Nagtagal ako roon ng ilan pang minuto saka pumunta sa malinaw na tubig.

I stifled a gasp as the water touched my skin. Hanggang sa balikat ko ang lalim ng tubig which I found great. Nararamdaman ko ang mga bato sa paanan ko.

"It's relaxing, right?" ani Celaena na sumisid. Her long almost the shade of silver but a bit darker hair glimmered under the sun and her brown skin glistened as the light touched it.

Tumango ako. "Sobra," sabi ko.

Umahon si Evangelyn at umupo sa lupa, her feet still underwater. No wonder why Maru liked her. Mula sa mapapayat niyang braso hanggang sa mahubog niyang baywang, she looked like a goddess. Nakakasilaw ang kulay ng auburn hair niya sa sinag ng araw.

"Are you two talking behind my back?" she asked when she noticed the looks on our faces. "Nevermind. I get that a lot."

Instead of answering Evangelyn's question, Celaena replied her with a question. "Kayo pa rin ba ni Maru?"

She rolled her eyes. "Oo naman," she almost looked bored. "I didn't see him—or his body—in the bus, so I'm hoping that he's out here somewhere," aniya.

Tango lang ang nagawa naming isagot ni Celaena. Sinuklay niya ang basa niyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. "Wadson," tawag niya sa akin. "Why are you out in the woods last night?"

It was my turn to answer. "Well, let's see. Kung hindi siguro kayo naglakwatsa sa gubat, hindi sana ako pupunta doon para hanapin kayo. And the prank—"

"So, it's our fault?" pagak siyang tumawa.

"What do you think?" I retorted.

Nag-iwas lang siya ng tingin.

"It will be kind to say sorry, Evangelyn," singit ni Celaena. "Don't be a bitch."

Tuluyan nang umahon si Evangelyn sa tubig, wrapping her body with a robe that we found in one of the drawers in the cabin. She looked at me, a mocking smile plastered on her face.

"'Sorry," she said, in the most insincere possible way. She was about to walk back inside when I spoke again.

"For what exactly? For bullying or for the prank that you and your minions pulled on me last night?"

Saglit siyang tumigil sa paglalakad. Lumipas ang ilang segundo at dumeretso na siya sa loob ng cabin, without answering my question.

*****

I jolted awake when I heard the familiar sound of boots against old wood flooring. Hindi iyon galing sa loob ng cabin. Galing iyon sa labas ng pinto—front door. The paralyzing pain spread through my body like icy, liquid metal. I clenched my hands into fists as I hesitantly took quiet steps towards the door. I noticed my feet trembling against the hard wood.

My heart was throbbing in fear as I walked. My breathing became erratic, deep, then shallow. I fought it. Tumingin ako sa sa labas ng bintana. Pero maalikabok iyon kaya kinailangan ko pang punasan gamit ang kamay ko. The stars and moon cowered behind a dense layer of cloud. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na mga pigura. Halos hindi ko na sila makita dahil sa nababalot ng dilim ang labas. They are wearing dark cloaks, that I could clearly see. And the same cat-like masks. The hooded men.

Napaupo ako sa sahig, my legs starting to feel like jelly. I should go and wake Celaena and Evangelyn up, but my brain didn't seem to respond.

As I sat on the floor, feeling the coldness of the hard wood under me, all I could do was wait while the figures moved outside. I found myself praying that the dawn was not far behind. With hands resting in my lap and my back against the cold wooden wall, I remain, waiting, heart pounding...