Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 20 - CHAPTER 18: Into The Woods

Chapter 20 - CHAPTER 18: Into The Woods

CHAPTER 18: Into The Woods

BLAIR WADSON

Lumipas na ang halos isang oras para sa unang stopover namin. Nakabalik na rin sila Celaena at Brooke sa bus pati na ang iba naming mga kaklase. And I still haven't found my phone. Ang huli kong natatandaan ay dinala ko iyon nang lumabas kami ng bus hanggang sa makapasok ako sa bakeshop at inilapag ko roon ang phone ko sa counter. Pero hinalungkat ko rin ang mga bag ko para masigurong wala iyon doon. At tama nga ako. Wala nga ang phone ko sa loob ng bag. It's still probably on top of the Bakeshop's counter. Siguro naman ay itatago nila iyon.

Akmang tatayo na ako at lalabas ng bus nang biglang pumasok si Celaena at Brooke.

"I forgot my phone at the bakeshop," bungad ko sa kanila.

Napabuntong-hininga si Celaena. "Oh, God, Blair," exasperated na sabi niya.

Sinipat naman ni Brooke ang wristwatch niya at sinabing, "We can't go back. Iiwan na tayo ng bus."

"Not if we tell Sir Denver about it," sabi ko sa kanila. "Please, kailangan kong tawagan si Mama gamit 'yon. She'll go crazy if I don't text or call her back."

And then Sir Denver came in eating a burger. "Hep-hep, where are you girls going?" he asked us.

Nakita kong siniko ni Celaena si Brooke kaya siya ang sumagot. "A-ah, sir…"

"Go on," ani Sir Denver.

"Naiwan po ni Blair ang phone niya sa bakeshop sa loob ng mall," pagpapatuloy ni Celaena. "Can we still go back, sir? It will just take us 5 minutes."

Biglang nag-ring ang phone ni Celaena. She took it out of her puffer jacket's pocket just to see my name calling her. Nakakunot ang noo na bumaling silang tatlo sa 'kin.

"Baka 'yan na 'yong nakakuha ng phone mo," pahayag ni Sir Denver.

Sinagot ni Celaena ang tawag. "Hello?"

Tumango-tango siya sa kung ano man ang sinasabi ng kausap niya sa kabilang linya. Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. I silently prayed that somebody nice was the one who got it.

Celaena handed me her phone. "Kausapin ka raw," sabi niya.

Nagtataka man, kinuha ko ang phone niya. "Hello po? Kayo po ba ang nakakuha ng phone ko?" I asked.

I heard a chuckle on the other line. "Hulaan mo kung sino ako," anang boses sa kabilang linya.

Napaismid ako nang mapagtanto kong pamilyar ang boses niyon. "Hello again, Maru," sabi ko. "Give me back my phone."

Muling siyang tumawa. "Uh-uh, not so easy, Miss President," tumatawa pa ring sabi niya. "Pahingi muna ako ng tiramisu."

Hindi ko namalayang nakalapat pala ang isang tainga ni Celaena sa likod ng phone niya at nakikinig sa usapan.

"Quit being such an asshole, Alegria," sigaw ni Celaena.

No, not my tiramisu, sabi ko sa sarili ko.

Humugot ako nang malalim na hininga bago nagsalita. "Why the tiramisu, Maru?" I said, as calm as I could.

"Because I like it," aniya.

Inialis ko ang phone sa tainga ko. I groaned in frustration. Mapang-asar talaga 'tong herodes na 'to. Muli kong ibinalik sa aking tainga ang phone. "Nasaan ka?"

"Meet me outside the bus," aniya at pinutol na ang tawag.

Nanggigigil na ibinalik ko kay Celaena ang phone.

"Apparently, he wants some tiramisu," pag-iimporma ko sa kanila.

Natatawang umiling-iling si Sir Denver. Kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng tiramisu. I walked past them and went out of the bus. Agad na hinanap ng mga mata ko si Maru. And there he was. In front of a bookstore near the entrance. Kinawayan niya pa ako.

I marched toward his spot. "Give me back my phone," sabi ko at inilahad ang kamay ko sa harapan niya. Nakatingin lang siya sa hawak kong paper bag. I rolled my eyes and gave it to him. Parang bata siyang ngumiti.

"Phone," muli ay sabi ko.

Umaktong iaabot na niya sa 'kin ang phone ko pero mabilis niya rin iyong binawi. Sinubukan kong abutin 'yon pero masyado siyang matangkad.

"Say 'thank you' muna," nang-aasar na sabi niya.

Napahilot ako sa sentido ko bago mabilis na sinabing, "Thank-you."

"You're welcome," nakangiting tugon niya saka ibinigay sa 'kin ang phone. "Mag-ingat ka sa sunod. Pasalamat ka mabait at guwapo ang nakapulot niyan."

Muli lang akong napaismid sa sinabi niya at saka naglakad na palayo. I went inside the bus and saw Evangelyn blocking the isle. Nang makalapit ako sa kanya, she said, "Get your filthy hands off my boyfriend, Blair. He's mine."

Ang tinutukoy niya ay si Maru. Pagak akong tumawa sa sinabi niya. "Are you serious?"

"Do I look like I'm joking?" balik-tanong niya. Hinawi niya ang kanyang kulay pulang buhok at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Don't try me, Miss President."

"Watch your mouth, you cheerleader retard!" Celaena shouted from her seat. Masama lang akong tiningnan ni Evangelyn bago siya bumalik sa kanyang upuan.

Bumalik na rin ako sa upuan namin nila Celaena. They let me sit by the window. Naramdaman ko na ulit ang marahang pag-ugong ng makina.

"Is everyone here?" Sir Denver called out.

Mayamaya pa ay sunod-sunod na pumasok sina Samuel, Kaleon at Ryan. Napansin ko ang biglang pananahimik ni Brooke at Celaena. Si Brooke ay mabilis na nagbaba ng tingin at si Celaena naman ay itinuon sa kinakain niyang fries ang kanyang atensiyon. Nakaramdam ako ng pagtataka pero mabilis ko ring pinalis ang isiping iyon. Huling pumasok si John at si Maru.

When I opened my phone to text Mama, I wasn't expecting the new lock screen of my phone—selfie iyon ni Maru.

"Ugh," mahinang ungol ko dahil sa inis.

Mabilis akong tumipa at nag-send ng text kay Mama. I was about to change my lock screen when Sir Denver said, "Phones, please," aniya at nagsimulang maglakad sa bus isle hawak ang isang maliit na kahon. "No phones allowed until we reach our destination."

Isa-isang ibinigay ng mga kaklase ko ang kani-kanilang phones. Wala akong nagawa kundi ibigay na lang din ang phone ko. Maybe I'll just change my lock screen later.

*****

Ilang oras na rin ang lumipas. Nababalot na ng dilim ang paligid namin. Nang ibaling ko ang tingin ko sa labas, mga puno na ang nadadaanan ng paningin ko na kanina lang ay mga bahay at stores. Hindi kaya sa bundok kami dadalhin nitong bus? Pero kagaya nga ng sabi sa amin ni Sir Denver, the location will be a surprise. So all we can do right now is guess.

Wala akong makitang buhay sa labas ng bintana. Walang ilaw. May kaunting takot na namuo sa sistema ko. Sino ba naman ang hindi matatakot sa ganitong lugar?

"Kinda scary, huh?" napalingon ako sa komentong iyon ni Celaena na may hawak na chips at ngumunguya. Kanina pa siya nguya nang nguya. Nagtataka na nga ako kung binili na ba niya ang lahat ng mga pagkain sa store.

Si Brooke naman ay busy sa pagtipa sa kanyang phone na hindi ko alam kung paano niya nakuha kay Sir Denver.

Tumango ako. "Medyo," sagot ko.

"Anong 'medyo' ka diyan—we're in the middle of nowhere right now. At isa pa, surprise pa ang pupuntahan natin. Who knows kung ano ang mangyari sa 'tin, 'di ba?" aniya at gamit ang kamay niya ay dumukot siyang muli sa chips na hawak niya at isinubo iyon sa kanyang bibig.

Dumukot din ako roon at isinubo iyon. She's right. This is superb. Nanuot ang flavor sa bibig ko.

"You're right, gimme more," kumuha pa ulit ako hanggang sa maubos na naming dalawa iyon.

Napansin ko ang biglang pagiging tahimik ni Brooke simula nang umalis kami sa unang stop over. Nadaanan na rin namin ang ikalawang stop over. Isa iyong night market. We decided to just stay inside the bus. Wala rin naman kaming gagawin kapag lumabas. But some of our classmates went out.

Right now, as Sir Denver informed us, papunta na kami sa ikatlo at huling stop over namin. And after that, mabilis na lang daw ang biyahe papunta sa surprise location ng retreat.

Mula sa pocket ng jacket ko ay kinuha ko ang earphone ko at pinaslak iyon sa tainga ko. I browsed through the songs stored in my phone. I clicked "If" by Bread and closed my eyes. Ang sarap ng kanta sa tainga. There's something about old songs that makes people think of happy things or even memories.

Malapit na akong makatulog nang biglang tumigil ang bus at kasabay niyon ang pagtigil ng makina. Iminulat ko ang mga mata ko at inalis ang isang earbud ko at bahagyang tumayo. There was a hissing sound coming from the machine under us.

Awtomatikong bumukas ang pintuan ng bus at nakita kong lumabas si Sir Denver na may hawak na flashlight.

"Ano'ng nangyari?" hindi ko napigilang itanong.

Ang iba kong mga classmate ay nakadungaw sa bintana ng bus, tinitignan kung bakit tumigil bigla ang makina. "Na-flat yata ang gulong ng bus," Celaena guessed.

Bumukas ang kanya-kanyang flashlights ng cellphones, binibigyan ng matingkad na liwanag ang loob at labas ng bus.

"God, bakit ngayon pa," narinig kong naiinis na sabi ni Camilla, one of my classmates. Tumayo na rin ako at nakisali sa mga kaklase kong nasa bandang unahang bintana. Nang medyo naisiksik ko na ang sarili ko at makalapit sa bintana, nakita ko si Sir Denver na nakayukod at ang bus driver ay akmang pupunta sa ilalim ng bus.

Nang ibalik ko ang tingin ko sa upuan namin, nakatayo na rin si Brooke at Celaena at nakadungaw rin sa bintana.

Evangelyn and her minions walked past me, leaving me with their intoxicating scents that filled up my nostrils. Nang dumako ang tingin ko sa bandang likuran ay busy sa pag-uusap ang team ni Maru habang si John naman ay nakasuot ng headphones at nakapikit ang mga mata.

And I thought about that day Sabrina died. That maybe I was just looking for someone to blame. And maybe, hindi ako dapat nagagalit kay John. I shook my head, trying to get off my mind from that topic.

Most of my classmates were already outside in groups. Lumingon ako sa bandang bintana habang bumababa sa steps ng bus. Inaya ko sina Celaena at Brooke na bumaba pero ang sinabi lang nila ay mananatili na lang sila roon.

"Go do your job," nakangiting sabi ni Celaena sa 'kin.

Sinundan ko ng tingin ang grupo ni Evangelyn na naglalakad papasok sa gubat. Napakunot-noo ako. I doubted Sir Denver would have allowed them. Nang makababa na ako, naroon pa rin si Sir Denver, hawak ang flashlight at nasa gawing ilalim naman ang driver, inaayos ang gulong.

Lumapit ako sa kanila. "Kumusta na po 'yong gulong, sir?" tanong ko nang makalapit.

Pinag-krus niya ang mga braso niya sa kanyang dibdib. "Mahirap ayusin. Dalawa daw ang butas," umiling-iling pa siya.

"Ah, gano'n po ba. Is there anything I can be of help?"

Lumingon siya sa 'kin at saglit na tinitigan ako, iniisip kung meron ba siyang puwedeng ipagawa sa 'kin. "Uhm, I think you can just check if your classmates are all still here. I've warned them not to go near the woods and to just stay inside the bus."

Nahigit ko ang hininga ko. "Oh my, God," I whispered. Ang grupo ni Evangelyn, naisip ko.

Pilit na ngumiti ako sa kanya at tumango. Hinigpitan ko lalo ang jacket na nakabalot sa akin. It felt like every step I took, the temperature was slowly going down by each passing second. Masyadong malamig dito. I quickened my steps, hoping that I could still catch up to Evangelyn's group.

Pero wala na sila sa huli nilang puwesto. Of course, naibulong ko sa aking sarili. Knowing Evangelyn, maybe she and her minions were feeling adventurous this night.

I rolled my eyes in annoyance. Pinagmasdan ko ang kagubatan sa magkabilang gilid ng daan. Matatayog ang mga puno. And the forest was almost covered in darkness except for the light coming from the moon. Napunta ang tingin ko sa mahabang daan na hindi ko makita ang dulo. Nauna na yata ang bus ng Class 12-D. There was no single car in sight. Baka masyado nang malalim ang gabi kaya wala nang masyadong dumadaan banda rito.

The sound of the birds flying brought me back to my senses. They came from somewhere in the forest. Muli akong tumingin sa bus at nakitang nakatulog na si Celaena habang si Brooke naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana, mukhang malalim ang iniisip.

Napalunok ako nang ibalik ko ang tingin ko sa kagubatan. It's now or never, I told myself as I stepped into the vast darkness of the forest beyond.