Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 23 - CHAPTER 21: What Happened Before & After The Accident

Chapter 23 - CHAPTER 21: What Happened Before & After The Accident

CHAPTER 21: What Happened Before & After The Accident

CELAENA EDWARDS

Awtomatiko akong napamulat nang malakas na bumagsak ang ulo ko sa bintana. Agad ding nawala ang antok sa sistema ko. Brooke was still at my side, staring blankly at me.

"Akala ko ba hindi ka inaantok?" she asked, may maliit na ngiti sa labi.

I studied her face. Her long blonde hair was tied into a ponytail, her lips were painted nude and her makeup almost concealed the dark circles around her eyes—almost. I'm pretty sure she haven't had any decent sleep these past few days. Like something had been bothering her. Gusto kong malaman but she wouldn't open up to me or even to Blair. And I respect that. At bigla kong naalala ang tila argumento nila ni Kaleon sa labas ng McDonald's. My curiosity had been eating me after our first stop over. What made Kaleon look that frustrated? Hindi kaya magka-relasyon na sila? Pinaningkitan ko siya ng mata.

Sa halip na sagutin ang tanong niya, tanong din ang tinuran ko. "Umamin ka nga," panimula ko. Halatang bahagya siyang natakot sa susunod na mga salitang sasabihin ko. "Kayo ba ni Kaleon?"

Nanlaki ang kanyang mga mata sa tanong ko. "What the— saan mo napulot 'yan?"

"Well, kung mag-away kayo kanina sa labas ng McDonald's mas masahol pa sa mag-asawa," sabi ko. "You know you can always tell me anything, right? Literally anything."

Muling nag-ring ang phone niya na kanina ko pa rin napapansin. Sigurado akong si Kaleon ang paulit-ulit na tumatawag sa kanya. But Brooke just keeps on declining it. Muli ay pinatay niya ang tawag at tiningnan ako. "K-Kaleon and I... we're not together. It's not like that between us."

"What then? Buntis ka? Umutang ka sa kanya? May nangyari sa inyo?"

Malalim siyang napabuntong-hininga. "Celaena, let's just drop this subject, okay? I really don't want to talk about it since there's nothing to really talk about."

Nagkibit-balikat ako, hindi pa rin naniniwala. "Oh-kay. If you say so," I said, turning my head outside the window when I saw Blair entering the woods. "Blair? Wasn't that Blair?"

"She went outside, remember? To do her duties—"

"Yeah, I know. Nakita kong pumasok si Blair sa gubat," hindi-makapaniwalang sabi ko. Hindi ako namalik-mata. I was sure it was Blair. Bakit naman siya papasok sa gubat? We're in the middle of nowhere for fuck's sake. At gabing-gabi na. What was she thinking?

Bahagyang tumayo si Brooke at dumungaw sa bintana. "Girl, I don't see Blair," sabi niya. "Don't worry. Nandiyan lang siya sa labas."

"I mean, of course nakapasok na siya sa gubat," turan ko. "We have to go tell Sir Denver."

Akma na akong tatayo nang hawakan niya ang kamay ko. "Are you sure, Celaena? What if namalik-mata—"

"I saw her, Brooke. Let's go," I said and she finally let go of my hand.

Lumabas kami ng bus at agad kong hinanap si Sir Denver. Nakita ko siyang tinutulungan ang bus driver na nakahiga na halos sa aspalto. May ilan ding kaming mga kaklaseng lalaki na umaalalay sa gulong.

"Sir—" Itinapat ni Sir Denver ang isa niyang kamay sa harap ko. Marahas kong hinawi iyon. "Sir, I need to talk to you—"

"Matatapos kaya ito ngayong gabi, Manong Isko?" sa halip ay baling niya sa bus driver.

"Kakayanin ho, sir," ani Manong Isko.

Noon bumaling sa 'kin si Sir Denver. "Miss Edwards?"

"I just saw Blair enter the woods," sabi ko. Nakaramdam ako ng kaba nang maalala ang pigura niyang pumasok sa kagubatan. "Alone."

Napakunot ang noo niya at bumaling kay Brooke. Tumango naman si Brooke bilang pagsang-ayon kahit na hindi niya ako pinaniniwalaan ng husto. Nakita ko si John na naglakad papunta sa puwesto namin.

"Why would she?" hindi rin makapaniwalang-tanong ni Sir Denver.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko rin po alam."

"I'm sure she's just here somewhere. Miss Wadson!" he called out. Tinawag niya sa Camilla na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. "Camilla, have you seen your Class President?"

"You mean, Blair? I saw her standing on the side of the road—" itinuro ni Camilla ang puwesto kung saan ko nakitang huli si Blair. Natigilan siya. "I just saw her there a second ago."

"See? Hindi ako namalik-mata," sabi ko kay Brooke.

"Shouldn't we go after her?" nag-aalala na ring tanong niya kay Sir Denver.

Umiling lang si Sir Denver sa kanya. "No, both of you stay right here," aniya at bumaling sa mga lalaki. "Why would she even go there alone? It's almost midnight."

Napunta ang tingin ko kay John nang magsalita siya. "I'll go after her," determinadong sabi niya at mabilis na tumakbo papasok sa gubat bago pa makasagot si Sir Denver.

"Mr Caliente—" he called out but it was too late. John was already out of our sight.

"What do we do?" Brooke asked quietly. "Sundan natin si John. Baka may kung anong mangyaring masama kay Blair."

I shook my head. "We should just trust John," sabi ko.

Napaupo ako sa maliit na hagdan ng bus at napahilot sa aking sentido. Pinasunod ni Sir Denver ang ilang mga lalaki kay John at Blair. Lumipas ang mahabang oras pero hindi pa rin sila bumabalik. I was starting to get worried. Wala kaming ideya kung gaano kalawak itong kagubatan. Hell, we don't even have any idea where we are right now. For all we know, there's a killer on the loose somewhere in that forest.

"I don't see Evangelyn and her minions," ani Brooke na nakatayo sa tabi ko.

"They're probably here somewhere," sagot ko na lang.

Naalala ko ang galit na ekspresyon sa mukha ni Evangelyn kanina sa first stopover namin nang pumasok si Blair sa bus matapos kunin ang phone niya kay Maru. She was probably jealous. I didn't know that it's in her vocabulary to be the jealous type. At noon ko napagtanto na baka ang grupo nila Evangelyn ang rason kung bakit pumasok si Blair sa gubat.

"Sigurado ka?" tanong ko kay Brooke.

"Sigurado saan?"

"Na wala rito sina Evangelyn?"

Tumango siya. "Yeah, I don't see any of them here," aniya. "Why?"

"I'm going to kill that bitch," I muttered under my breath.

Narinig ko ang boses ni Sir Denver na mukhang may kausap sa phone niya. "I need medical assistance as soon as possible—"

Nakita kong ang biglang paglapit ni Brooke kay Sir Denver at kinuha ang phone niya. Hindi pa nakuntento si Brooke at binagsak ang phone at tinapaktapakan pa iyon. "Sir, what do you think you're doing? Iniisip mo bang patay na si Blair?"

I heard a woman's voice on the other line saying, "Sir, hello? Are you still there?"

"Miss Esguerra, give me back my phone—" sabi niya. "What the—?" bulalas ni Sir Denver nang makitang durog na ang phone niya.

Umiling si Brooke. "Blair is still alive," halos pabulong na sabi niya. "Stop thinking she's dead."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ni Brooke. She didn't look like herself. She wasn't the Brooke I knew.

"Hindi ko pinatay si Blair. I-I didn't kill anyone," nauutal na sabi niya.

"Brooke, ano'ng sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. "Of course, Blair's not dead."

Hinigit ko ang braso niya at tila ba natauhan siya. "I-I'm sorry," sabi niya at inalis ang kanyang paa sa durog ng phone. "I-I—"

Agad akong napalingon sa likod ko nang makita ko si John na lumabas mula sa gubat, akay-akay ang isang katawan. Nilapitan namin siya ni Brooke at nakitang si Blair iyon na mukhang walang malay. Putlang-putla ang kanyang balat at may ilang gasgas ang kanyang pisngi.

May kumuha ng makapal na blanket at itinabing iyon sa likod ni Blair.

"What happened to her?" bungad ni Sir Denver.

"N-natagpuan ko siyang walang malay," sagot ni John. Kahit na sobrang lamig ng temperatura, tagaktak sa pawis ang kanyang mukha.

"Get her inside," ani Sir Denver.

Maingat na pumasok si John akay-akay si Blair sa kanyang likod. Bumaling ako kay Brooke. "Are you sure you're okay, Brooke?"

Tumango siya at pilit na ngumiti. "I-I'm fine. Please don't tell Blair about it," sabi niya.

"Sure," sabi ko na lang at sabay kaming pumasok ng bus.

Nang magising ako, lahat yata ng parte ng katawan ko ay masakit. I feel like every bone inside me was broken. When I looked around me, blood was splattered all over the walls of the bus. I realized na nasa dulo na pala ako ng bus.

We were in an accident. At nakabaliktad na ang bus na sinasakyan namin.

May nakadagan sa 'kin na katawan. I pushed it away from me and sat up. All of them are still unconscious. Hinanap ng mga mata ko ang katawan ni Blair at ni Brooke. But I couldn't see any of them. Nadaanan ng tingin ko ang mga basag na ring phone na nagkalat.

When I breathe in, naamoy ko ang samyo ng kemikal at usok na nanggagaling malapit sa puwesto ko. I quickly crawled away from my spot. Itinutulak ko ang mga katawan ng mga kaklase kong wala pa ring malay. As much as I want to help them, I have to think of myself first right now. Hopefully, God will forgive me.

May nakita akong basag na bintana. Gumapang ako palabas doon.

"Blair," I whispered when I stood up. "Brooke!" Nilanghap ko ang malamig na hangin ng gabi. A few feet away from me was a dark forest. Where the hell are we? Hindi familiar ang lugar na 'to sa 'kin.

I glanced at my sides when I saw there are also bodies scattered outside the bus. Iika-ika akong naglakad para hanapin si Blair at Brooke. We have to get out of here. Nadaanan ko ang likurang parte ng bus. Lumalaki na ang apoy niyon. Any minute now, it will explode. Nagmamadaling naglakad ako, carefully checking the faces of the bodies I passed by. Hanggang sa makita ko ang pamilyar na buhok ni Blair hindi kalayuan sa puwesto ko. I ran towards her body.

I sat beside her. May tuyong dugo siya sa bandang noo niya. But other than that, I think she's fine. I touched her cheek. "Blair, wake up," sabi ko.

I gently shook her shoulder. Mayamaya ay nagising na rin siya.