Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 24 - CHAPTER 22: They Were Out Here To Kill Us

Chapter 24 - CHAPTER 22: They Were Out Here To Kill Us

CHAPTER 22: They Were Out Here To Kill Us

BLAIR WADSON

Everything will fall apart. Or maybe it already did.

Nagising ako nang makaramdam ako ng pagyugyug sa balikat ko. I gasped for air as my consciousness went back. Masyadong masakit ang mga mata ko para magmulat pero sinubukan ko.

Si Celaena ang bumungad sa akin. May mantsa ng dugo ang uniporme niya at may bakas rin ng dugo ang mukha niya. When I looked past her, pigura lang ng bus ang nakikita ko at ang nagsisimula nang lumaking apoy sa dulong bahagi niyon.

Namumugto ang mga mata niya. Pero nang makita niyang magmulat ako, nagliwanag ang kanyang mukha. "Oh, my God, B-Blair… w-we have to get out of here," she said, her voice panicky. "I-I couldn't fine B-Brooke…"

Matinding takot ang nakapinta sa kanyang mukha.

I blinked several times before my vision finally adjusted. Nahihirapan din akong huminga. Ang daming masakit sa katawan ko. I could feel the frigid air in the atmosphere engulfing every inch of my skin. Due to the low temperature, it wass blocking my nostrils, keeping me from breathing evenly.

"Celaena…" my voice came out barely as a whisper. Nanginginig akong humugot ng hangin. "H-how long was I unconscious?"

Hinigpitan niya ang paghawak sa magkabila kong balikat. "Blair, look, it doesn't matter right now. Kailangan na muna nating makaalis dito," anas niya. "Any minute now, that bus will explode."

Tinulungan niya akong makatayo. Nagawa kong makaupo mula sa mabubog na lupa. Naramdaman ko ang matinding sakit sa mga braso at likod ko. Napapikit ako nang mariin.

"Celaena," I said, my voice raspy. Hindi ko napigilan ang paglandas ng mainit na luha pababa sa pisngi ko. It brought warmth against my cold skin. Pakiramdam ko ang buo kong katawan ay naging isang bloke ng yelo.

"P-Please don't cry, Blair! We have to get out of here!" ulit niya. Nagawa kong tumango. "C-can you walk?" nanginginig ang boses niya. When she moved, I heard the shards of broken glass against her shoes.

"I-I can try…" I let out a groan. "Where's Brooke?"

Umiling si Celaena. "I couldn't find her anywhere. Let's look for her habang naglalakad tayo. We can't waste anymore time."

Tumingin ako sa kaliwa ko. A few feet away from me was a body. It was sprawled on the ground. I realized it was Janice, ang pinakatahimik sa classroom namin. Blood was trickling down from her head. I could barely see her face. It was covered with her own blood. Nakadapa siya at walang malay.

Nakapatong sa kanya si Camilla, ang babaeng palagi niyang kasa-kasama. Mas marami ang dugo niya sa mukha. Mayroong nakapaloob sa kanyang pisngi na malaking piraso ng nabasag na salamin. I had to avert my eyes from the scene. A shiver ran down my spine.

The smoke coming from the bus reeked of gas and smoke. Tama si Celaena. Malaki ang posibilidad na sumabog na ang bus. And when it happens, we won't be able to survive the explosion. Nagawa naming mabuhay matapos ang aksidente. We were given a second chance. And we have to take it.

Tumingin ako sa puwesto kung saan nakita ko ang isa pang katawan. Napagtanto ko sa basag niyang antipara na si Sir Denver iyon. Hindi ako nagkakamali.

Muntik na akong sumigaw pero pinigilan ko ang sarili ko. Inilagay ko ang kamay ko sa bibig ko, to stifle a gasp. Wala na ang kanang braso niya. Blood oozed from his open wound. Hindi ko nga alam kung sugat pa rin ang tawag doon. I sobbed, I couldn't help it—no, scratch that, I couldn't do anything right now but cry.

Napasinghap ako nang maramdaman ko na may kamay na humigit sa braso ko. "We have to go. Now." May awtoridad ang boses ni Celaena nang bumalik siya. May hawak siyang mga jacket.

There was enough light for me to see our surrounding. May kagubatan sa kabilang parte. We can hide there, I said to myself.

Inalalayan ako ni Celaena habang naglalakad kami palayo—palayo sa mga kaklase namin just to save ourselves. Ininda ko ang sakit sa bandang binti ko.

Nadaanan namin ang mga katawang wala pa ring malay. Pero hindi pa rin namin makita si Brooke. She's nowhere to be found.

I stopped walking and grabbed her hand. "W-wait, Astrid. We should help them…" I bit the inside of my cheek to stop myself from screaming in pain.

"B-but… baka biglang sumabog… and I know some of us are already out there without even helping the others…" umiling-iling pa siya at hinawakan ang kanyang sentido. "Kahit ngayon lang, Blair. We have to think of ourselves first."

Dala ng mababang temperatura, lumalabas ang kulay puting usok sa bawat buka ng bibig niya.

I hesitated for a second. "Celaena… we have to go back. May oras pa tayo para mailabas sila sa bus. We can't just leave them. I can go back by myself. Just stay here," nakikiusap na sabi ko.

Saglit siyang nag-isip bago sumagot. Marahas siyang humugot ng hininga at tumango sa akin. I was about to go back to the bus when she took my hand.

"Fuck," she muttered under her breath. "Let's go," aniya at tinanggal ang sapatos niya at ipinukpok ang takong sa malaking bato. "I need to get this off first."

Nakailang hampas pa siya bago iyon tuluyang matanggal. Mabilis niya iyong isinuot at sabay naming tinahak ang daan pabalik sa bus.

"H-help…" I heard someone say. Si Celaena ang bahagyang yumuko, tinitingnan kung sino iyon.

Lumingon siya sa 'kin. "Wait for me here," she said.

Bumalik uli ang tingin niya sa loob ng bus. "We're going to get you out there—" sabi niya na nakayukod pa rin sa bintana.

Napatigil siya sa pagsasalita nang makarinig kami ng malakas na pag-ugong ng makina. When we looked up from the sky, there was a hovercraft above us. Lumipad iyon patungo sa kagubatan at tumigil. Slowly, it descended to the ground, blowing the trees around it.

Mabilis kong kinuha ang kamay ni Celaena. Mahigpit ko iyong hinawakan, pinapatigil siya sa pagsasalita.

Ang sunod naming narinig ay ang pagbukas ng isang pinto. It echoed throughout the forest. From our spot, I could see their familiar figures walking towards our direction—their cloaks were almost concealed by the darkness behind them. Their faces were concealed by the same cat-like masks. Their heads were only looking at one place—at us.

"Wha—" but before she could even utter another word, while grabbing her arm, I pulled her to the other side of the bus. Lumingon siya sa akin. Pinilit ko siyang yumuko at sa nanginginig na mga kamay, inilagay ko ang daliri ko sa labi ko. "Shhh."

Bahagya siyang tumayo, sinubukang tingnan ang mga hindi kilalang nilalang. Nang bumalik siya, nanlalaki ang kanyang mga mata. "Oh, fuck me," she said, her voice was trembling. "What do we do now?"

"Kailangan nating magtago," nagawa kong sabihin.

Her face was pale and so were her lips. Tumingin siya sa likod namin. "There."

Tumakbo kami palayo sa puwesto ng bus at nagtago sa likod ng malaking puno. Habol-habol namin ang aming hininga nang makaupo kami sa malalaking ugat ng puno. Malapad ang puno kaya sigurado akong hindi nila kami makikita rito—or so I hoped.

"Sila 'yong mga nakita ko…" I started to say but before I could continue, horrifying images of them flashed in my head—their scary masks. Hindi ko alam kung bakit ganito ang takot ko sa kanila. But there was something in them that gives me the chills—maybe it was death.

Napalunok si Celaena. Saglit siyang sumilip sa likod ng punong pinagtataguan namin at saka bumaling sa akin. Bumuga siya ng hangin. I didn't know exactly if we were both trembling because of the cold… or because of fear.

"P-paano…" hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. Mabilis na naglandas ang mga luha pababa sa kanyang pisngi. Hindi siya makapagsalita nang maayos. "Paano si Brooke?" nagawa niyang sabihin.

I said the first thing that came in my mind. "It's going to be okay. She's going to be okay." Ang tinutukoy ko ay ang iba pa naming mga kaklase na nasa loob ng bus.

I could feel my own heart hammering inside my chest. Kasabay ng pagpintig ng puso ko ang malakas na pagpintig din sa tainga ko. Kahit na nahihirapan akong huminga, pinagmukha kong matapang ang sarili ko.

"N-no…" umiling-iling siya. "No, it's n-not… baka p-patayin nila tayo…" she started sobbing. "Why would they even be here? To take a trip?"

"Get a hold of yourself, Celaena!" I whispered angrily through gritted teeth. "Huminahon ka. Kailangan lang nating manatili rito, then we're going to find Brooke and get them out of that bus."

Sumandal siya sa katawan ng puno at tinakpan ang mukha gamit ang mga palad niya. "O-okay… fuck, fuck fuck," she cursed. Her chest was heaving, indication that she's trying to steady her breath.

Umupo ako sa maputik na lupa at pinalibot ang paningin sa paligid ko. Matatayog na puno ang nakapalibot sa amin. At walang pang sikat ng araw. I knew that the sun was about to rise. I just didn't exactly know when. Pareho naming kailangan ng init. I could feel the chill engulfing my skin like a blanket. Our surrounding smelled like wet grass and earth.

Tila bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang ilang mga yabag, rubber boots against the wet earth. And it was getting near our spot. Tumingin ako kay Celaena na nanlalaki ang mata at nakatakip ang palad niya sa kanyang bibig. Mabilis akong lumapit sa kanya. Isiniksik namin ang aming mga sarili sa katawan ng puno. Nararamdaman ko ang magaspang na balat ng puno kahit na suot ko ang jacket ko.

In the intense silence, I heard someone screamed. The scream tore through me like a great shard of glass. I felt my eyes widened and pulse quickened, my heart thudding like a rock rattling inside a box. Napagtanto kong boses iyon ni Janice. Muling siyang sumigaw—desperate, terrified.

Naramdaman kong unti-unting nawawalan ng kulay ang aking mukha. Tila ba may tumubong mga ugat sa paa ko at hindi ko magawang gumalaw. I wanted to go to her—I wanted to save them. But how?

Nahigit ko ang hininga ko nang halos sa likod namin tumigil ang mga yabag at kasabay niyon ang naputol na pagsigaw ni Janice.

"Help—!"

I felt a single tear trickled down my frigid cheek. She's gone, was all I could say to myself.

There was no sign of breathing coming from the creatures just meters away from us. Pero alam kong naroon sila. I felt Celaena's hand found mine. Mahigpit ko iyong hinawakan.

Nasa likod natin sila, I mouthed, picking up the large rock beside me. Just in case.

Tango lang ang naisagot niya. From that moment, I was sure of one thing. They were out here to kill us.